Mag-log inTHIRD POV...“Kaya mo ba? Kailangan mo ba ng backup?”Tsk. Wala ka talaga tiwala sa akin, Red.Nakangising Sabi ni Sarah, habang ngumunguya nang bubble gum. Hinila niya ang maliit na baril mula sa belt at maayos na isinabit sa hita niya, parang walang pakialam pero halatang handa sa aksyon.“Magkano ba?” tanong ni Blue, mata ay nagmamasid sa bawat galaw ni Sarah.“100k.” sagot ni Sarah, malamig at tuwiran.Mababa lang pala ang patong, nagulat si Blue. “Bakit mo pinatulan, Sarah?”“Bored lang ako eh.” sagot ni Sarah, nakangisi, at tumingin diretso sa kanila—isang babala na hindi basta-basta ang babaeng ito.Napailing si Red.“Ikaw ang bahala. Dapat mga high-profile ang tinatrabaho mo… magaling ka, Sarah.”Hindi umimik si Sarah. Tahimik, malamig ang titig niya sa ilaw ng bar.Mayamaya“Si Ismael Severino… yung anak ng mafia boss na si Azrael Severino. Wala pa bang go signal?” tanong ni Sarah kay Blue, halatang hindi mapakali.“Wala pa eh… wag muna daw gagalawin.” sagot ni Blue.“Tsk… b
Huminga muna ako nang malalim bago marahang kumatok sa pinto ng silid ni Master Eros.Gising na siya.Hindi na niya ako pinapayagang matulog sa kanyang kwarto. Ilang araw na rin simula nang ipalipat ako ni Master Azrael sa isa pang silid sa loob ng mansyon-mas maigi, mas tahimik... mas malamig.Malayo sa nakakamatay na titig ni master Eros..Alas-siyete na ng umaga.Muli akong kumatok, saka dahan-dahang pumasok.."Good morning, Master Eros..." maingat kong bati..Nakaupo na siya sa gilid ng kama. Tahimik. Hindi man lang ako nilingon. Ang mga mata niya'y nakapako sa may veranda, kung saan sumasayaw ang liwanag ng umaga sa kurtina.Ang sikat ng araw ay tumatama sa kanyang mukha, ngunit tila hindi nito kayang painitin ang malamig niyang ekspresyon.Lumunok ako.Lumingon Ito..Muli akong napalunok..Hindi lang sa distansya namin-kundi sa paraan ng pagtingin niya sa akin.Isang hakbang ang ginawa ko papalapit."breakfast na po kayo.." mahinahon kong Sabi habang maingat na binitbit ang tray
Rica's POV "Leave." Sabi niya.Hindi ako gumalaw."With all due respect, Master Eros," kalmado kong sabi, "hindi pa po pwede."Dumilim ang mata niya. "Why?""You underwent reconstructive knee surgery. Severe ligament tear. May metal screws at graft ang right knee n'yo. One year and half months kayong immobilized. Hindi pa fully restored ang muscle strength."Tahimik.Ramdam ko ang bigat ng hangin.Bigla niyang tinanggal ang kumot sa paa niya."Bullshit!" Sinubukan niyang igalaw ang tuhod niya.Bahagyang umangat ang binti- pero nang subukan niyang ibaluktot ang tuhod...Sumilay ang sakit sa mukha niya.Hindi siya sumigaw."Why does it feel weak?" malamig niyang tanong.Lumapit ako, maingat kong hinawakan ang lower leg niya."Because your quadriceps muscles atrophied. One year and half months without proper weight-bearing will do that. That's why I've been doing passive range-of-motion therapy daily."Tumingin siya sa kamay kong nasa binti niya."Remove it."Napatingin ako sa kanya.
Rica's POV "Isang taon at kalahating buwan na, Master Eros…Matagal-tagal ka nang tulog. Gising ka na, please… para makuha ko na ‘yung 500k ko."Bulong ko sa kanya habang inaasikaso ito. Comatose pa rin siya, walang reaksyon.—parehong steady ang paghinga, parang wala siyang naririnig sa mundo.Personal care time niya ngayon.Maingat ko siyang sinuotan ng t-shirt at panloob. Sanay na ang mga kamay ko sa katawan niya—walang malisya, puro trabaho lang. Akmang itataas ko na ang pajama niya nang biglang bumukas ang pinto.“What the fuck are you doing?! Are you sucking—”“Oh, shut up, Master Ismael. Ginagawa ko lang ‘yung trabaho ko,” sagot ko nang walang lingon.Si Master Ismael—kambal ni Eros. Dati, ubod ng yabang at pang-aasar. Pero nitong mga nakaraang linggo, napansin ko, unti-unti na siyang nagbabago.Parang napagod na siyang magmalaki at manglait sa’kin araw-araw. Napagod na rin siguro siyang magreklamo kay Master Azrael—‘yung daddy nila—kasi kapag si Master Azrael na ang nagsalita
Rica's POV Ang unang araw ko bilang tagapangalaga ni Eros Jin Severino ay parang pagpasok sa ibang mundo.Malaki. Tahimik. At malamig.Ang mansion ng pamilya Severino ay sobrang laki—maraming kwarto, chandelier, at marble floors na kumikintab kahit hindi mo ito pinapansin. Pero sa gitna ng lahat ng karangyaan, may isang kwarto na talaga namang nakaka-intimidate.Eros’ room.Hinatid ako ng maid sa kwarto ni eros, Bumukas ang pinto, at tumambad sa akin ang state-of-the-art hospital setup sa loob. May mga machines, monitors, IV lines, at kahit mga medikal na kagamitan na parang nasa ICU lang.At sa gitna ng lahat… nakahiga si Eros, nakabalot sa kumot, ang katawan tila mahina, ngunit kahit nakapikit, ramdam mo ang arrogance at pride na lumalabas sa kanya.Huminga ako nang malalim. “Okay, Rica. Kaya mo ‘to,” bulong ko sa sarili.Lumapit ako, maingat na inilalapit ang mga kamay ko sa kanya.“Good morning, Master Eros,” mahinahon, ngunit may matapang na tono.“Ako po ulit si Rica Montefalc
Rica's POV"Siya si Eros… ang anak ko.."Mahinahon siya sa panlabas, pero may bigat ang boses niya isang tinig na nagpapaalala sa akin kung gaano kahalaga ang bawat salita ni Master Azrael habang nakapako ang tingin ko sa lalaking nakahiga sa kama.Ako ang napiling magiging tagapangalaga at therapist ni Master Eros.“Naaksidente siya… isang trahedyang muntik nang kumitil sa buhay niya,” mahinang paliwanag ni Master Azrael.Dahan-dahan akong tumango, pinipigil ang kaba. Lumapit ako sa kanya nang maingat.Maraming machines ang nakaconnect sa katawan niya. May benda pa sa ulo, at malinaw na maingat ang pag aalaga sa bawat detalye ng kanyang kondisyon.Tumikhim muna ako bago nag pakilala sa Kay master Eros.“Hi, Master Eros!” Masiglang pakilala ko, kahit alam kong hindi niya pa rin maririnig ang boses ko.“Ako po pala si Rica Montefalco, 22 years old… Hayaan niyo po, aalagaan ko kayo. At kahit mahimbing ang tulog niyo, pananatilihin ko ang inyong… kagwapuhan at sisikapin kong maging maayo







