Naglalaba si Dahlia ng kaniyang mga damit ngunit dinig na dinig niya ang halinghing at tawanan ng kaniyang ina at ng kasama nitong lalaki sa loob ng kwarto. Alam niyang masama 'yon para sa kaniya na isang musmos na bata ngunit wala siyang magawa. Mas inintindi na lang nito ang ginagawa nang mapatingin naman siya sa aleng huminto sa unahan niya. "Dahlia, nariyan ba yung nanay mo?" tanong nito sa kaniya.
"Nasa loob po. Busy e," tugon ni Dahlia. Napatango na lang ang ale dahil naintindihan kaagad nito ang ibig sabihin niya. "Naku! Ano ba 'yang nanay mo. Matagal ng hindi nagbabayad ng utang sa tindahan ko. Mahigit isang libo na. Pakisabi na lang sa kaniya, ha?" pagpapaalala ng ale. Tumango at ngumiti na lang si Dahlia bilang tugon. "Tch! Dapat kasi bayad muna bago landi," Dinig ni Dahlia na sabi ng ale nang makaalis ito. Huminga na lang siya nang malalim at saka muling itinuon ang ginagawa. Mahigit dalawang oras ang iginugol niya sa paglalaba at sa wakas ay natapos na rin ito. Kasalukuyang nagsasampay ng damit si Dahlia nang makita niya ang kaniyang ina at lalaki nito na lumabas mula sa kwarto. Hindi siya tumingin nang matagal dito dahil ayaw niyang isipin nilang baka nakikinig siya sa kanila. "Sige na. Babye. Sa susunod ulit!" sabi ni Felina sa lalaki habang naglalakad na ito palayo. Nagbilang na rin ito ng pera dahil binigyan siya ng lalaki. Nakita naman ni Dahlia ang ginagawa ng ina. "Oh anong tinitingin-tingin mo?! Tuunan mo nga 'yang ginagawa mo! Palibhasa wala kang silbi!" biglang sabi ni Felina nang makita niyang nakatingin sa kaniya ang anak. "Ahmm... 'Nay, sabi po pala nung may-ari ng tindahan sa--" "Saka na ako magbabayad. Kakasweldo ko lang e. Sabihin mo sa kaniya pagtapos mo r'yan. At ito, gusto kong bumili ka sa palengke ng pampulutan at umutang ka ulit ng alak. May bisita ulit ako mamaya," tugon kaagad ni Felina at saka hinagis ang isang daang piso. Tinignan lang 'yon ni Dahlia bago pa man muling umalis ang kaniyang ina. Matapos niyang magsampay ng kaniyang mga damit, kaagad siyang naglakad upang magtungo sa palengke. Bumili ng karne at mga pampalasa upang magluto ng pulutan ng kaniyang ina. Pagtapos, pumunta siya sa ibang tindahan at doon ay umutang ng alak para sa kaniyang ina at sa bisita nito. Maraming pinag-utangan ang ina ni Dahlia ngunit hindi binabayaran. Kinahapunan nang magsimula na siyang magluto at saka inihanda ang pulutan nang maluto na ito. Maghapon ding wala ang kaniyang ina dahil alam niyang nasa iba't ibang lalaki niya ito upang makiinom at manghuthot ng pera. At sa ilan pang lumipas na minuto, dumating na rin ang kaniyang ina kasama ang bago na namang lalaki. "Dahlia, ipasok mo nga sa kwarto ko yung mga alak tsaka pulutan. Dito kami iinom para mas enjoy," utos ni Felina sa anak. Kaagad namang sumunod si Dahlia at saka siya tinulak ng ina palabas ng bahay pagtapos. "D'yan ka lang. H'wag na h'wag kang papasok," paalala nito bago isara ang pinto. Naupo na lang sa tapat ng pinto si Dahlia at naghintay ng matagal na oras para lang matapos ang kaniyang ina at ang kasama nito sa ginagawa. Halos hatinggabi na nang matapos sila at nagising na lang bigla si Dahlia mula sa pagkakatulog. Pumasok na siya nang sabihin ng kaniyang ina bago nito isinara ang kanilang pinto. At kinabukasan sa kaniyang paggising, lumabas siya ng bahay nang makarinig siya ng pamilyar na boses sa labas. Nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita ang ina na nakikipag-sagutan sa tindera na pinag-utangan nito ng libo. "Puro ka landi! Hindi ka marunong magbayad! Hindi pa ba nagsasawa sa mga lalaki? Hindi pa ba nawawakwak 'yang puday mo?! Lahat na halos ibigay mo pero utang mo hindi mo mabayaran!" sunod-sunod na putak ng tindera. "Anong pakialam mo?! Masarap kasi ako! Palibhasa, matanda ka na! Walang pumapatol sa 'yo. Kapag ako nagkapera, ipapalamon ko sa 'yo lahat ng pera! Mukha kang pera!..." sunod-sunod namang putak ni Felina. Lumapit si Dahlia upang awatin ang kaniyang ina ngunit tinulak lang siya nito at saka nagsimula ang gulo. Nagsimula nang magsakitan si Felina at ang tindera na nakasagutan nito. Tumayo kaagad si Dahlia at pilit na inaawat ang kaniyang ina mula sa kaaway nito. May mga tao ang gustong umawat at ang iba ay tila nagpupustahan pa kung sino ang mananalo.Huminga nang malalim habang dinadama ni Dahlia ang sariwang hangin. Ito ay matapos niyang sunugin ang mga bagay na nakapagbibigay lang ng masasakit at magugulong ala-ala sa nakalipas ng kaniyang buhay.“Mama,” sambit ng isang boses ng binatilyo na nasa likuran niya. Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata at tinignan ‘yon. Lumapit siya sa lalaking ito at hinaplos ang kaniyang buhok. “Kakain na po tayo. Nand’yan na po sina tita Berina at tito Semir.”“Sige, Met, susunod ako,” tugon ni Dahlia sa kaniyang anak. Nauna namang umalis ang binata para asikasuhin ang kanilang handa.Sampung taon ang lumipas matapos ang pagkamatay ni Bernard, kinupkop ni Dahlia si MetMet at itinuring ito na parang isang tunay na anak. Mag-isa niya itong pinalaki at pinag-aral habang nakaalalay sa kaniya ang kaniyang mga mahal sa buhay. Umalis na rin siya sa pagiging guro at nabigla pa ito nang makuha niya ang kaniyang pera na galing sa pamana ng amang si Gregorio.Sumunod din kalaunan si Dahlia at pumun
Nag-aagawan ng lakas habang pinag-aagawan nina Bernard at Armano ang baril. Dahil ramdam pa rin ng binata ang kaniyang panghihina, napapaatras na lang siya at nabababa ang kaniyang kamay ngunit nagpipilit pa rin siyang lumaban. Ilang sandali lang nang mabilis na tinadyakan ni Armano ang binatilyo sa tiyan nito kaya't tuluyan na niyang nakuha ang kaniyang baril. Mabilis niya 'yong itinutok kay Bernard na dinadaing ang katawan dahil sa sakit."Pinahirapan mo pa akong g*go ka. Wala kang laban sa 'kin!" sigaw nito kay Bernard saka inipit ang ulo nito sa pader gamit ang paa niya."D-Dahlia, umalis ka na," sambit ni Bernard nang masilayan niya kahit sa malabong pigura si Dahlia. Samantala, mariing kinagat ng dalaga ang kaniyang labi sa labis na poot kay Armano."H'wag ka nang mandamay, Armano. Ako ang kailangan mo, hindi ba? Ako ang patayin mo," sabi nito habang animo'y nauutal-utal na dahil napapaluha na ito sa kalagayan ni Bernard. Mabilis na lang siyang sumenyas nang maramdaman niyang pa
Balak tumakas ni Armano kasama ng kaniyang asawa habang ang kaniyang mga tauhan ay nakikipagbakbakan kina Dahlia, Semir at Bernard. Ngunit hindi sila hinayaan ni Dahlia. Kasama nito si Bernard habang hinahabol niya si Armano Imperial."Sige na, Dahlia. Habulin mo na sila," sigaw ni Bernard habang patuloy ito sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ni Armano. Mabilis na tumakbo ang guro patungo sa mag-asawang Imperial habang hinahabol niya rin ito ng pagpapaulan ng bala."Armano! H'wag kang duwag! Harapin mo 'ko!" halos mapaos na sa pagsigaw si Dahlia sa pagod. Pilit niya pa ring hinabol si Armano hanggang sa mahinto na lang ito nang magkasalubong sila ni Semir."Ate Dahlia," tawag nito sa kaniya bago sila sabay na lumingon sa kinaroroonan nina Abella at Armano. Matatalim na pagtingin at nag-uusok ang kanilang buong mukha sa galit para sa isa't isa."Wala na kayong mapupuntahan pa," sambit ni Dahlia sa kanila. Hindi na makaalis nang tuluyan ang mag-asawang Imperial dahil halos napatay na nil
"Bernard. Kayo. Kayo. Ayos lang ba kayo?" buong pag-aalalang tanong niya sa mga malalapit sa buhay niya habang namumuo ang mga luha niya. Samantala, napukaw na lang sa pansin ni Semir ang baril na nakaipit sa suot ni Dahlia. Kinuha niya 'yon kaya't napatingin sa kaniya ang kapatid."Hindi p-pa tapos..." mahinang sambit ni Semir sa kaniya."Hoy, teacher. Nasaan na ang tape? Bilis!" biglang sabi ni Armano kaya't tinignan siya nito."Dito lang kayo," pabulong na sabi ni Dahlia sa mga kaibigan bago siya tumayo. "Ito na ang pinakahihintay mo, Armano," sabi naman nito kay Armano at inilabas ang tape. Hindi batid ni Armano na sira sa gitna ang tape dahil natatakpan ito dahil sa pagkakahawak ni Dahlia. "Oh," sabi pa nito saka hinagis ang tape sa harapan niya.Nanlaki ang mga mata ni Armano Imperial nang makita ang tape na sira at hati ito sa gitna. "Anak ng--" hindi na natuloy ni Armano ang pagsasalita nang mabilis na nagpaulan ng bala si Dahlia sa kanila. Kaagad umalis sina Semir upang magta
"Sabihin mo sa 'kin kung nasa saan si Armano Imperial. Sabihin mo!" tanong nito sa isang duguang tauhan ni Armano habang kinukuwelyuhan ang damit nito at nakatutok din ang kaniyang baril sa noo nito. "Nasaan?!""H-Hindi ko sasabihin. W-Wala kang malalaman s-sa 'kin," pagmamatigas naman ng lalaking 'yon. Napadaing na lang din ito nang likuran siya ni Dahlia. Nakita na lang ni Dahlia ang cellphone nito kaya't kinuha niya 'yon at hinanap kung may numero si Armano rito. At sa ilan pang mga sandali nang tinatawagan na niya ito.[Bakit ka tumatawag? T*r*nt*do ka. Nagpapahinga na ako.]"Ang lakas naman ng loob mong magpahinga, Armano. Buti at pinapatulog ka pa ng konsensya mo. Pero kung gusto mong magpahinga, sige, itutuloy-ituloy na natin 'yan."Nanlaki na lang ang mga mata ni Armano nang makarinig ng isang babaeng boses mula sa kabilang linya. [Lintek ka, Dahlia. Buhay ka pa rin pala,] mariing sabi nito sa guro."Hindi pa ako mamamatay, Armano. Dahil hindi ko pa oras. Pero tingin ko sa 'yo
"Hindi po pupwede, ma'am. Ma'am," pagpipilit naman ng nurse na pigilan si Dahlia. Muli, may pumasok na isa pang nurse at tinulungan ang kasamahan nito sa pagpapatahan kay Dahlia. Unti-unti na lang itong tumahan nang turukan ito nang pampakalma."S-Sonia," tanging sambit ni Dahlia at napaluha na lang ng kusa ang kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngayo't nag-aagaw buhay si Sonia, wala rin si Bernard sa kanila. Napakuyom na lang ang mga kamao ni Dahlia at nanginig pa ito sa tindi ng kaniyang galit. Hangga't hindi niya napapatay si Armano Imperial, hindi matatapos ang sunod-sunod na balakid sa kanilang buhay."Babawi ako. Babawi ako," mariin pang sabi ni Dahlia sa sarili. Wala siyang pakialam kung narinig man siya ng nurse o hindi. Ang mas namumuo sa sarili niya ay ang ipaghiganti ang mga mahal niya sa buhay.KAAGAD pumunta ang mga tauhan ni Armano sa hospital kung saan dinala sina Sonia at Dahlia. Pumasok sila sa loob at kaagad tinanong sa front desk kung nasa saan