Napapadaing na lang si Dahlia dahil panay ang sabunot, kurot at sampal ng kaniyang ina sa kaniya dahil sa ginawa nitong pag-awat kanina. Sinisisi nito ang bata dahil sa ginawa nito. "Kung hindi ka sana nangialam, sana nasaktan ko pa lalo yung babaeng 'yon! Ikaw kasing p*****a ka, napakapakialamera mo!"
Hindi na sumasagot pa si Dahlia kundi ang tanggapin ang pananakit sa kaniya ng kaniyang ina. Nakaluhod ito sa tapat ng ina dahil wala naman siyang maaaring gawin. Dahil sa galit ng ina ni Dahlia, hindi siya nito pinakain ng tanghalian at umalis pa ito upang muling manlalaki. Mabuti na lang at nagamit nito ang mga grocery na binigay sa kaniya ng kaniyang ama upang makakain. Hindi na lang niya pinansin ang ina dahil alam nitong hindi ito uuwi at hahayaan siya nitong magutom. Nang makakuha siya ng maliit na halaga ng pera sa kaniyang cabinet, bumili ito ng sibuyas at bawang upang magluto ng makakain. Pabalik pa lamang siya sa kanila nang makita niya ang kaniyang ama na naglalakad at tila papunta sa kanila. "Itay!" sambit niya saka niya ito pinuntahan at niyakap. Tumugon din naman ang kaniyang ama sa kaniya at saka hinalikan sa noo. "Kumusta, anak?" tanong ni Gregorio. Napalunok si Dahlia at ngumiti sa kaniyang ama. "Ayos lang po ako, 'tay. Kumain na po ba kayo? Gusto ninyo na--" "Hindi ako magtatagal dito, anak. Dumaan ako para sabihin sa 'yo na iniimbitahan kita para sa hapunan sa bahay mamaya. Gusto ko, maging maganda at maayos ka dahil kasama natin sina tita Abella mo at mga kapatid mo," sabi ni Gregorio. Nawala ng bahagya ang mga ngiti ni Dahlia dahil sa sinabi nito. "Baka po magalit na naman si--" "Hindi, Dahlia. Kinausap ko sila. Humingi ako ng tawad sa kung anong huling nangyari. Pumayag si tita Abella mo para sumalo ka sa hapunan mamaya. Oh ito," sabi pa ni Gregorio sabay abot ng pera kay Dahlia. "Pamasahe mo. Mukhang hindi kita masusundo mamaya e. Sana, makapunta ka," sabi pa nito sa anak. Tumango naman si Dahlia at ngumiti bilang tugon sa kaniyang ama. Bago tumayo si Gregorio, ngumiti ito at hinalikan ang kaniyang anak sa noo niya. Kumaway pa ito kay Dahlia bago ito naglakad paalis. Samantala, sa naiwang ngiti kay Dahlia, kahit papaano ay nabawasan ang sakit na naramdaman niya mula sa kaniyang ina. Huminga muna ito nang malalim bago mapagdesisyunan na umuwi na upang magluto. GABI na ngunit hindi pa rin umuuwi ang ina ni Dahlia. Dahil inimbitahan naman siya ng kaniyang ama na maghapunan sa mansyon, kaagad siyang nag-ayos at naglinis ng sarili. Sinuot nito ang noo'y niregalo sa kaniya ng kaniyang ama na magandang damit. Nang tignan niya ang sarili sa harap ng salamin, napangiti na lang si Dahlia sa sarili sapagkat napakaganda niyang tignan. At dahil wala pa naman ang kaniyang ina, umalis na siya ng kanilang tahanan upang kaagad na makarating sa mansyon ng kaniyang ama. Ginamit nito ang perang ibinigay sa kaniya upang maging pamasahe papunta roon. Hindi na natatakot pang mamasahe na mag-isa si Dahlia dahil kilala siya ng mga tinatawag niyang sasakyan niya. Mabuti at hindi niya nararanasan mula sa iba ang pagmamalupit o pananamantala. Kalaunan nang makarating na siya sa mansyon, pinapasok siya ng mga gwardya at saka siya sinalubong ng kaniyang ama. Kaagad siya nitong niyakap at hinalikan sa noo. Tuwang-tuwa na muli si Dahlia dahil nakita na naman niya ang kaniyang ama. "Halina kayo, nakahanda na ang pagkain," biglang sabi ni Abella bago naunang pumunta sa dining area. Sumunod naman ang mag-ama. Nang makarating, nakita ni Dahlia na nakaupo na sina Sonia at Semir na tinignan lang siya. Ni hindi man lang siya binati ng mga ito o ano. Hindi naman malaking bagay kay Dahlia ang bagay na 'yon kaya't naupo na lamang siya sa tabi ng kaniyang ama. "Kumain na tayo, baka lumamig pa itong pagkain," sabi ni Abella bago kunin ang isang platong may lamang mga prinitong manok. Samantala, kukuha pa lang sana si Gregorio nang mapansin niya sa anak na naghawak ito ng kamay, pumikit at marahang yumuko. Tila ba nagdarasal ito. Dahil dito, isinagawa rin ni Gregorio ang pagdarasal. Nagtinginan sina Sonia at Semir sa ginawa ng kanilang ama habang napairap na lang si Abella. Nang matapos si Dahlia, marahang nahuli si Gregorio kaya't napansin niya ito. Ngumiti si Dahlia sa kaniyang ama dahil sa ginawa niyang pagdarasal. Hinaplos naman ni Gregorio ang buhok ng kaniyang anak bago sila kumain. Ibinigay ni Gregorio ang mga pagkaing gustong kainin ni Dahlia. Tuwang-tuwa siya dahil nagugustuhan ng kaniyang anak ang mga nakahain. Samantala, hindi naman nagsasalita ang mag-iinang Abella, Semir at Sonia. Tila ba nagtitinginan sila dahil sa sobrang magkalapit ang mag-ama.Huminga nang malalim habang dinadama ni Dahlia ang sariwang hangin. Ito ay matapos niyang sunugin ang mga bagay na nakapagbibigay lang ng masasakit at magugulong ala-ala sa nakalipas ng kaniyang buhay.“Mama,” sambit ng isang boses ng binatilyo na nasa likuran niya. Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata at tinignan ‘yon. Lumapit siya sa lalaking ito at hinaplos ang kaniyang buhok. “Kakain na po tayo. Nand’yan na po sina tita Berina at tito Semir.”“Sige, Met, susunod ako,” tugon ni Dahlia sa kaniyang anak. Nauna namang umalis ang binata para asikasuhin ang kanilang handa.Sampung taon ang lumipas matapos ang pagkamatay ni Bernard, kinupkop ni Dahlia si MetMet at itinuring ito na parang isang tunay na anak. Mag-isa niya itong pinalaki at pinag-aral habang nakaalalay sa kaniya ang kaniyang mga mahal sa buhay. Umalis na rin siya sa pagiging guro at nabigla pa ito nang makuha niya ang kaniyang pera na galing sa pamana ng amang si Gregorio.Sumunod din kalaunan si Dahlia at pumun
Nag-aagawan ng lakas habang pinag-aagawan nina Bernard at Armano ang baril. Dahil ramdam pa rin ng binata ang kaniyang panghihina, napapaatras na lang siya at nabababa ang kaniyang kamay ngunit nagpipilit pa rin siyang lumaban. Ilang sandali lang nang mabilis na tinadyakan ni Armano ang binatilyo sa tiyan nito kaya't tuluyan na niyang nakuha ang kaniyang baril. Mabilis niya 'yong itinutok kay Bernard na dinadaing ang katawan dahil sa sakit."Pinahirapan mo pa akong g*go ka. Wala kang laban sa 'kin!" sigaw nito kay Bernard saka inipit ang ulo nito sa pader gamit ang paa niya."D-Dahlia, umalis ka na," sambit ni Bernard nang masilayan niya kahit sa malabong pigura si Dahlia. Samantala, mariing kinagat ng dalaga ang kaniyang labi sa labis na poot kay Armano."H'wag ka nang mandamay, Armano. Ako ang kailangan mo, hindi ba? Ako ang patayin mo," sabi nito habang animo'y nauutal-utal na dahil napapaluha na ito sa kalagayan ni Bernard. Mabilis na lang siyang sumenyas nang maramdaman niyang pa
Balak tumakas ni Armano kasama ng kaniyang asawa habang ang kaniyang mga tauhan ay nakikipagbakbakan kina Dahlia, Semir at Bernard. Ngunit hindi sila hinayaan ni Dahlia. Kasama nito si Bernard habang hinahabol niya si Armano Imperial."Sige na, Dahlia. Habulin mo na sila," sigaw ni Bernard habang patuloy ito sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ni Armano. Mabilis na tumakbo ang guro patungo sa mag-asawang Imperial habang hinahabol niya rin ito ng pagpapaulan ng bala."Armano! H'wag kang duwag! Harapin mo 'ko!" halos mapaos na sa pagsigaw si Dahlia sa pagod. Pilit niya pa ring hinabol si Armano hanggang sa mahinto na lang ito nang magkasalubong sila ni Semir."Ate Dahlia," tawag nito sa kaniya bago sila sabay na lumingon sa kinaroroonan nina Abella at Armano. Matatalim na pagtingin at nag-uusok ang kanilang buong mukha sa galit para sa isa't isa."Wala na kayong mapupuntahan pa," sambit ni Dahlia sa kanila. Hindi na makaalis nang tuluyan ang mag-asawang Imperial dahil halos napatay na nil
"Bernard. Kayo. Kayo. Ayos lang ba kayo?" buong pag-aalalang tanong niya sa mga malalapit sa buhay niya habang namumuo ang mga luha niya. Samantala, napukaw na lang sa pansin ni Semir ang baril na nakaipit sa suot ni Dahlia. Kinuha niya 'yon kaya't napatingin sa kaniya ang kapatid."Hindi p-pa tapos..." mahinang sambit ni Semir sa kaniya."Hoy, teacher. Nasaan na ang tape? Bilis!" biglang sabi ni Armano kaya't tinignan siya nito."Dito lang kayo," pabulong na sabi ni Dahlia sa mga kaibigan bago siya tumayo. "Ito na ang pinakahihintay mo, Armano," sabi naman nito kay Armano at inilabas ang tape. Hindi batid ni Armano na sira sa gitna ang tape dahil natatakpan ito dahil sa pagkakahawak ni Dahlia. "Oh," sabi pa nito saka hinagis ang tape sa harapan niya.Nanlaki ang mga mata ni Armano Imperial nang makita ang tape na sira at hati ito sa gitna. "Anak ng--" hindi na natuloy ni Armano ang pagsasalita nang mabilis na nagpaulan ng bala si Dahlia sa kanila. Kaagad umalis sina Semir upang magta
"Sabihin mo sa 'kin kung nasa saan si Armano Imperial. Sabihin mo!" tanong nito sa isang duguang tauhan ni Armano habang kinukuwelyuhan ang damit nito at nakatutok din ang kaniyang baril sa noo nito. "Nasaan?!""H-Hindi ko sasabihin. W-Wala kang malalaman s-sa 'kin," pagmamatigas naman ng lalaking 'yon. Napadaing na lang din ito nang likuran siya ni Dahlia. Nakita na lang ni Dahlia ang cellphone nito kaya't kinuha niya 'yon at hinanap kung may numero si Armano rito. At sa ilan pang mga sandali nang tinatawagan na niya ito.[Bakit ka tumatawag? T*r*nt*do ka. Nagpapahinga na ako.]"Ang lakas naman ng loob mong magpahinga, Armano. Buti at pinapatulog ka pa ng konsensya mo. Pero kung gusto mong magpahinga, sige, itutuloy-ituloy na natin 'yan."Nanlaki na lang ang mga mata ni Armano nang makarinig ng isang babaeng boses mula sa kabilang linya. [Lintek ka, Dahlia. Buhay ka pa rin pala,] mariing sabi nito sa guro."Hindi pa ako mamamatay, Armano. Dahil hindi ko pa oras. Pero tingin ko sa 'yo
"Hindi po pupwede, ma'am. Ma'am," pagpipilit naman ng nurse na pigilan si Dahlia. Muli, may pumasok na isa pang nurse at tinulungan ang kasamahan nito sa pagpapatahan kay Dahlia. Unti-unti na lang itong tumahan nang turukan ito nang pampakalma."S-Sonia," tanging sambit ni Dahlia at napaluha na lang ng kusa ang kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngayo't nag-aagaw buhay si Sonia, wala rin si Bernard sa kanila. Napakuyom na lang ang mga kamao ni Dahlia at nanginig pa ito sa tindi ng kaniyang galit. Hangga't hindi niya napapatay si Armano Imperial, hindi matatapos ang sunod-sunod na balakid sa kanilang buhay."Babawi ako. Babawi ako," mariin pang sabi ni Dahlia sa sarili. Wala siyang pakialam kung narinig man siya ng nurse o hindi. Ang mas namumuo sa sarili niya ay ang ipaghiganti ang mga mahal niya sa buhay.KAAGAD pumunta ang mga tauhan ni Armano sa hospital kung saan dinala sina Sonia at Dahlia. Pumasok sila sa loob at kaagad tinanong sa front desk kung nasa saan