"Masarap ba ang mga pagkain, Dahlia?" tanong ni Gregorio sa kaniyang anak. Ngumiti nang napalakalapad si Dahlia at saka tumango bilang tugon. "Alam mo, luto 'yan ng tita Abella mo. Magaling talaga magluto 'yan," sabi pa ni Greg. Tinignan naman ni Dahlia si Abella na tipid at seryoso ang pagkakangiti sa kaniyang ama.
"Of course, for my husband and for my family, dapat ko lang pasarapin ang luto," sabi naman ni Abella saka natawa. Samantala, nang tignan naman ni Dahlia ang dalawa niyang kapatid, napairap na lang sa kaniya si Sonia, samantalang pinanlakihan lang siya ng mata ni Semir. Alam niyang ayaw pa rin siyang makita ng mga ito dahil anak lamang siya sa labas. Tuloy lang sila sa pagkain ng hapunan nang tignan naman ni Abella ang asawa niyang si Gregorio. Namumuo ang galit sa kaniyang loob dahil mas iniintindi pa nito ang anak niya sa labas kumpara sa dalawa nilang anak. Palihim na lang siyang napakuyom ng kamao, dahil bukod sa pangyayaring ito, naaalala niya ang mga pinag-aawayan nilang mag-asawa. Tulad ng pera at atensyon. "Hindi ko alam kung anong napasok sa isipan mo, Greg. Mas iniintindi mo pa 'yang anak mo sa labas. Pati mga dapat kong kakailanganin, ipinagdadamot mo sa 'kin," inis na sabi ni Abella sa isipan. At dahil dito, naalala niyang bigla ang kanilang pag-uusap na mag-asawa nitong mga huling araw matapos niyang itaboy si Dahlia sa kanilang mansyon. //FLASHBACK// LUMAPIT si Gregorio nang makita niya si Abella. Galit pa rin sa kaniya ang asawa ngunit pinilit niya itong makausap. Kahit na tinatalikuran siya ng kaniyang misis, hindi siya sumusuko. "Abella, kausapin mo naman ako. Alam kong galit ka sa 'kin, pero hindi dapat natin 'to pinatatagal pa," sabi ni Gregorio. "Alam mo, Greg, hindi naman ako magagalit ng ganito nang paulit-ulit kung hindi mo lang ipinipilit dito ang anak mo sa labas. Mas iniintindi mo pa 'yon kaysa sa dalawa nating anak. Hindi mo ba napapansin? Gusto rin nila ng atensyon mo," inis namang tugon ni Abella sa asawa. "Abella, hindi ko pinababayaan ang mga anak natin. Minsan kung pinapadalaw ko rito si Dahlia dahil anak ko rin siya. Ang mga anak natin, naririto palagi sa bahay. Wala naman akong pinalalamangan e. Kung anong paglalambing ang ginagawa ko kay Dahlia, gayundin sa mga anak natin. Ang pinagkaibahan lang, mas iniintindi ng mga anak mo ang mga pinagkakaabalahan nila. Minsan, ako nga ang naiinggit dahil sinasabi nila na mas gusto nilang makasama ang tito Armano nila," paghihinaing naman ni Gregorio at saka napangisi. "Aminin mo nga sa 'kin, ano bang ginawa niyang Armano na 'yan at nagkagano'n sina Semir at Sonia? May relasyon ba kayong dalawa?" tanong pang bigla ni Gregorio kaya't mabilis na tumingin sa kaniya si Abella. Lumulunok ng laway. "Ano bang klaseng tanong 'yan, Greg?! Kung gagawa ka na naman ng panibagong pag-aawayan natin, sa susunod na araw na lang. Busy ako," sabi ni Abella at balak na umalis nang hawakan naman siyang bigla ni Greg. "Abella, hindi naman sa gano'n. Pasensya na kung ano-anong klaseng tanong ang nasasabi ko. Pero, Abella, asawa kita. Mahal kita. Hindi ko ninanais na magkaganito tayo," tugon naman ni Gregorio. "Kung gano'n, bakit ayaw mong i-open ko ang account mo sa bangko? Pinagdadamutan mo rin ba ako? Tsk!" tanong pa ni Abella. "Abella, alam mo naman na nag-iipon ako para sa mga anak natin," tugon naman ni Gregorio. "Anak natin? O anak mo sa labas?" Kahit naiinis na sa asawa, huminga na lang nang malalim si Gregorio. "Mga anak natin," sagot na lang niya kay Abella. "Kung gusto mo, sige, kumuha ka. Bibigyan kita ng perang pang-shopping mo. Bilhan mo pati mga anak natin. Sina Sonia at Semir," sabi pa ni Gregorio para matahan na ang kaniyang asawa. Ilang sandali pa nang ngumit na nang bahagya si Abella. "S-Sigurado, ha? Hmm..." tanong nito. Natawa na lang si Gregorio sa kaniya kaya't natawa na lang din siya. Natatawa na lang siya sa tuwa dahil mabibigyan na niya ang kaniyang lihim na kinakasama. Si Armano. //END OF FLASHBACK//Huminga nang malalim habang dinadama ni Dahlia ang sariwang hangin. Ito ay matapos niyang sunugin ang mga bagay na nakapagbibigay lang ng masasakit at magugulong ala-ala sa nakalipas ng kaniyang buhay.“Mama,” sambit ng isang boses ng binatilyo na nasa likuran niya. Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata at tinignan ‘yon. Lumapit siya sa lalaking ito at hinaplos ang kaniyang buhok. “Kakain na po tayo. Nand’yan na po sina tita Berina at tito Semir.”“Sige, Met, susunod ako,” tugon ni Dahlia sa kaniyang anak. Nauna namang umalis ang binata para asikasuhin ang kanilang handa.Sampung taon ang lumipas matapos ang pagkamatay ni Bernard, kinupkop ni Dahlia si MetMet at itinuring ito na parang isang tunay na anak. Mag-isa niya itong pinalaki at pinag-aral habang nakaalalay sa kaniya ang kaniyang mga mahal sa buhay. Umalis na rin siya sa pagiging guro at nabigla pa ito nang makuha niya ang kaniyang pera na galing sa pamana ng amang si Gregorio.Sumunod din kalaunan si Dahlia at pumun
Nag-aagawan ng lakas habang pinag-aagawan nina Bernard at Armano ang baril. Dahil ramdam pa rin ng binata ang kaniyang panghihina, napapaatras na lang siya at nabababa ang kaniyang kamay ngunit nagpipilit pa rin siyang lumaban. Ilang sandali lang nang mabilis na tinadyakan ni Armano ang binatilyo sa tiyan nito kaya't tuluyan na niyang nakuha ang kaniyang baril. Mabilis niya 'yong itinutok kay Bernard na dinadaing ang katawan dahil sa sakit."Pinahirapan mo pa akong g*go ka. Wala kang laban sa 'kin!" sigaw nito kay Bernard saka inipit ang ulo nito sa pader gamit ang paa niya."D-Dahlia, umalis ka na," sambit ni Bernard nang masilayan niya kahit sa malabong pigura si Dahlia. Samantala, mariing kinagat ng dalaga ang kaniyang labi sa labis na poot kay Armano."H'wag ka nang mandamay, Armano. Ako ang kailangan mo, hindi ba? Ako ang patayin mo," sabi nito habang animo'y nauutal-utal na dahil napapaluha na ito sa kalagayan ni Bernard. Mabilis na lang siyang sumenyas nang maramdaman niyang pa
Balak tumakas ni Armano kasama ng kaniyang asawa habang ang kaniyang mga tauhan ay nakikipagbakbakan kina Dahlia, Semir at Bernard. Ngunit hindi sila hinayaan ni Dahlia. Kasama nito si Bernard habang hinahabol niya si Armano Imperial."Sige na, Dahlia. Habulin mo na sila," sigaw ni Bernard habang patuloy ito sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ni Armano. Mabilis na tumakbo ang guro patungo sa mag-asawang Imperial habang hinahabol niya rin ito ng pagpapaulan ng bala."Armano! H'wag kang duwag! Harapin mo 'ko!" halos mapaos na sa pagsigaw si Dahlia sa pagod. Pilit niya pa ring hinabol si Armano hanggang sa mahinto na lang ito nang magkasalubong sila ni Semir."Ate Dahlia," tawag nito sa kaniya bago sila sabay na lumingon sa kinaroroonan nina Abella at Armano. Matatalim na pagtingin at nag-uusok ang kanilang buong mukha sa galit para sa isa't isa."Wala na kayong mapupuntahan pa," sambit ni Dahlia sa kanila. Hindi na makaalis nang tuluyan ang mag-asawang Imperial dahil halos napatay na nil
"Bernard. Kayo. Kayo. Ayos lang ba kayo?" buong pag-aalalang tanong niya sa mga malalapit sa buhay niya habang namumuo ang mga luha niya. Samantala, napukaw na lang sa pansin ni Semir ang baril na nakaipit sa suot ni Dahlia. Kinuha niya 'yon kaya't napatingin sa kaniya ang kapatid."Hindi p-pa tapos..." mahinang sambit ni Semir sa kaniya."Hoy, teacher. Nasaan na ang tape? Bilis!" biglang sabi ni Armano kaya't tinignan siya nito."Dito lang kayo," pabulong na sabi ni Dahlia sa mga kaibigan bago siya tumayo. "Ito na ang pinakahihintay mo, Armano," sabi naman nito kay Armano at inilabas ang tape. Hindi batid ni Armano na sira sa gitna ang tape dahil natatakpan ito dahil sa pagkakahawak ni Dahlia. "Oh," sabi pa nito saka hinagis ang tape sa harapan niya.Nanlaki ang mga mata ni Armano Imperial nang makita ang tape na sira at hati ito sa gitna. "Anak ng--" hindi na natuloy ni Armano ang pagsasalita nang mabilis na nagpaulan ng bala si Dahlia sa kanila. Kaagad umalis sina Semir upang magta
"Sabihin mo sa 'kin kung nasa saan si Armano Imperial. Sabihin mo!" tanong nito sa isang duguang tauhan ni Armano habang kinukuwelyuhan ang damit nito at nakatutok din ang kaniyang baril sa noo nito. "Nasaan?!""H-Hindi ko sasabihin. W-Wala kang malalaman s-sa 'kin," pagmamatigas naman ng lalaking 'yon. Napadaing na lang din ito nang likuran siya ni Dahlia. Nakita na lang ni Dahlia ang cellphone nito kaya't kinuha niya 'yon at hinanap kung may numero si Armano rito. At sa ilan pang mga sandali nang tinatawagan na niya ito.[Bakit ka tumatawag? T*r*nt*do ka. Nagpapahinga na ako.]"Ang lakas naman ng loob mong magpahinga, Armano. Buti at pinapatulog ka pa ng konsensya mo. Pero kung gusto mong magpahinga, sige, itutuloy-ituloy na natin 'yan."Nanlaki na lang ang mga mata ni Armano nang makarinig ng isang babaeng boses mula sa kabilang linya. [Lintek ka, Dahlia. Buhay ka pa rin pala,] mariing sabi nito sa guro."Hindi pa ako mamamatay, Armano. Dahil hindi ko pa oras. Pero tingin ko sa 'yo
"Hindi po pupwede, ma'am. Ma'am," pagpipilit naman ng nurse na pigilan si Dahlia. Muli, may pumasok na isa pang nurse at tinulungan ang kasamahan nito sa pagpapatahan kay Dahlia. Unti-unti na lang itong tumahan nang turukan ito nang pampakalma."S-Sonia," tanging sambit ni Dahlia at napaluha na lang ng kusa ang kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngayo't nag-aagaw buhay si Sonia, wala rin si Bernard sa kanila. Napakuyom na lang ang mga kamao ni Dahlia at nanginig pa ito sa tindi ng kaniyang galit. Hangga't hindi niya napapatay si Armano Imperial, hindi matatapos ang sunod-sunod na balakid sa kanilang buhay."Babawi ako. Babawi ako," mariin pang sabi ni Dahlia sa sarili. Wala siyang pakialam kung narinig man siya ng nurse o hindi. Ang mas namumuo sa sarili niya ay ang ipaghiganti ang mga mahal niya sa buhay.KAAGAD pumunta ang mga tauhan ni Armano sa hospital kung saan dinala sina Sonia at Dahlia. Pumasok sila sa loob at kaagad tinanong sa front desk kung nasa saan