Share

KABANATA 35

“Tigilan mo ‘ko!” suway niya kay Zachary na pilit pang inaalis ang isang kamay nito na nasa baywang niya. “Alisin mo nga ‘yang kamay mo! Ano ba?!”

Imbes na sumunod ito sa sinabi niya, tinawanan lang siya nito at mas lalo pang hinapit ang baywang niya. Nakapatong ang baba nito sa kaniyang ulo na hindi naman niya maintindihan kung ano ang ginagawa nito. Nararamdaman niya na panay ang galaw ng baba nito sa kaniyang ulo na para bang ikinikiskis. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. Dahil sa tuwing tumitigil ang paggalaw nito. Nararamdaman niya ang hininga nito na tumatama sa kaniyang batok.

Napakunot-noo siya at akmang sisikuhin ito na mabilis naman napigilan nito.

“Hindi uubra iyan sa akin, Love, hindi mo puwedeng gamitin ang mga iyan sa ‘kin.” Kumindat pa ito sa kaniya at hinimas ang siko niya na nagbigay kilabot sa kaniya.

“Isa!” suway niyang muli na may kasama ng pandidilat ng mata.

“Kahit bumilang ka pa ng hanggang isang daan hindi mo ‘ko matatakot sa mga ganiyan, Love,” pang-
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status