Sinubukang alalahanin ni Althea kung ano ang nangyari kagabi. Kumain sila sa karinderya, uminom ng lambanog, at sasakay dapat siya ng tricycle. Doon natapos ang memorya niya, and now she woke up in an unfamiliar place. Bumangon na siya sa kama dahil baka maabutan pa siya ng room service na nakahiga, pero laking gulat ni Althea nang makita niya ang logo sa mga amenities na nasa bedside table. Her eyes went wide seeing the Sogo Hotel logo. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Althea sa kama, tapos balik sa mga amenities, at pagkatapos sa kama ulit. Pinakiramdaman niya ang sarili. She doesn't feel anything weird on her body, especially the lower part, kaya sigurado siya na walang nangyari o kung ano pa man. The only thing that hurts is her forehead. "Whatever you're thinking, drop it." Saad ni Giovanni habang nakasandal sa pader malapit sa pinto at nakatalukipkip ang mga kamay sa dibdib. "I-Iniisip? Wala po akong iniisip sir." Agad na kaila ni Althea. Pero binigyan lang siya ni Gi
Nabitawan ni Althea ang kutsarang hawak niya dahil sa narinig na sinabi ni Giovanni?Asawa?Nagpaulit-ulit ang salitang iyon sa tainga niya, but it didn't sink in. Bakit nito sinabing mag-asawa sila?Nabalik lang ang ulirat ni Althea ng maramdaman niyang ang paa naman niya ang marahang tinatapik-tapik ni Giovanni, tulad sa ginawa niya rito kanina. He's smiling at her, na para bang ito naman ang nagsasabing sakyan mo ang sinasabi ko ngayon.Is this a mission? A task as his secretary? "Y-Yes po, we're husband and wife." Pagkumpirma ni Althea sa sinabi ni Giovanni, at pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagkain."Ah, kaya pala bagay na bagay kayong dalawa. Mag-asawa pala." Komento ng unang manginginom na kumausap sa kanila.Bumara sa lalamunan ni Althea ang kinakain ng marinig ang sinabing iyon ng lalaki, at halos nangalahati agad niya ng inom ang soft drinks na inorder nya.Natawa naman ang mga nag-iinuman sa nakita nilang iyon."Dahil mukhang first time nyo dito. Tumagay kayo, ah?" Saad ng
Agad itong lumapit sa kanila, pero may mga nabanggang bagong dating na mga customers na papasok sa restaurant. Giovanni took that chance to pull Althea away. Saktong may dumadaang tricycle sa highway at pinara niya iyon saka pinasakay si Althea at tumabi naman siya pagkatapos. "Drive!" Utos ni Giovanni sa driver. "Saan po boss?" Tanong ng driver. "Just drive!" Ulit ni Giovanni. "K-Kahit saan kuya!" Natataranta namang sabi ni Althea dahil naririnig na niya ang boses ni Hendrix na sinisigaw ang pangalan niya. Mabilis namang pinaharurot ng driver ang tricycle niya. Nang lumingon si Althea ay kamuntik na silang maabutan ni Hendrix. Nakita niya itong bumalik sa may restaurant, probably to get Lucy's car, kaya pinakiusapan ni Althea na mas bilisan pa ng driver ang pagpapatakbo. Nang makalayo layo na sila ay doon lang nakahinga ng maluwag si Althea. Sa totoo lang ay hinanda nalang niya ang sarili kanina ng makita sila ni Hendrix, kaya sobrang gulat niya ng hilahin siya palayo ng
“Hoy, Hendrix ano ba! Akin na yang cellphone ko!” Asik ni Lucy at sandali pang nagpagewang gewang ang minamanehong sasakyan dahil sinubukan niyang kunin kay Hendrix ang cellphone niya. Pero huli na dahil binuksan na ni Hendrix ang messaging app niya at nakita ang bagong text na natanggap, at tama nga siya ng hinala. Galing kay Althea ang message na iyon. Tinatanong nito kung nasaan na si Lucy dahil tapos na silang umorder ng pagkain. Sinabi din ni Althea na ipinag-order nalang niya si Lucy ng mga paborito nitong pagkain. Pero hindi lang iyon ang binasa ni Hendrix. He also scrolled up at binasa ang naunang convo ng dalawa. His veins on his head and hands bulged with rage, and it looked like he might crush the phone with his bare hands. Paano'y nakita niya ang pangalan ni Giovanni na siyang ngaligtas kay Althea. In other words, he had been tracking her all along. Nabasa ni Hendrix ang panunukso ni Lucy sa dalawa. Kahit ito ay napansin na hindi na normal ang pagtulong at pag-aalal
He immediately understood what happened, kung bakit kahit may sugat ito ay sobrang desperado nitong tumakbo palayo kanina. It wasn't just the fear of human traffickers, but also because of the fear to the person who did this to her. Humigpit ang hawak niya sa manubela, at nagpipigil na magsalita. Pakiramdam ni Giovanni ay mauulit nanaman ang nangyari noong gabing napagtaasan niya ng boses si Althea dahil sa pagdating ni Hendrix sa unit nito. Whether he's mad because he's worried, wala pa din siyang karapatan na pakialaman ang personal na buhay ng sekretarya niya. Sa pagmamaneho ng may kabilisan nalang niya idinaan ang inis niya. Ilang sandali pa ay bumalik na ang signal sa cellphone ni Althea kaya naman agad siyang nagmessage kay Lucy na may tumulong na sa kanya at pauwi na siya. Baka magkasalisi silang dalawa, at mapalayo pa ang kaibigan niya. 'Sinong nagrescue sayo?' Mabilis na reply ni Lucy sa kanya. Konti nalang kasi ay malapit na siya. Kaya nagtataka ito kung sino pa maliba
Si Hendrix? Pero imposible. Kahit mahulaan pa nito ang direksyon kung saan siya pumunta ay imposible namang mahulaan nito ang mismong lugar kung saan siya huminto para magtago. Imposible talaga. Naalala ni Althea ang lalaking nakamotor na dumaan kanina. Could it be him? Paano kung huminto lang pala ito sa bandang unahan nila kanina at nagtago sa dilim? Paano kung nakita nitong umalis si Hendrix tapos nakita siyang lumabas mula sa trunk ng sasakyan at sinundan siya? The more she thought about it, the more panicked she became. She crouched down, kahit sobrang sakit nun sa sugat niya sa hita, and she crept deeper into the woods. Sobrang dilim, pero hindi niya pinaandar ang flashlight sa cellphone niya. Basta ang importante ay makalayo siya roon. Para mas mapabilis ay gumapang na siya, pero ang tunog ng mga yapak ay parang mas papalapit din ng papalapit. Kung ano ano na tuloy ang naiisip niya. What if she got murdered, o di kaya mapunta sa kamay ng mga human traffickers at ib