LOGINMatapos maaresto si Tristan Reyes, mas lumawak pa ang imbestigasyon. Isa-isang kinausap ng mga awtoridad ang mga dating driver, kasambahay at empleyado ng pamilya Reyes. May ilan sa kanila na matagal nang may alam, pero noon lamang nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.Kasabay nito, mas sinuri rin ang koneksiyon ni Tristan sa Garcia Pharmaceutical.Doon nalaman na hindi lang negosyo ang nag-uugnay sa kanya sa kumpanya. Magpinsan pala sina Tristan Reyes at Vivian Garcia. Magkapatid ang ama ni Tristan at ang mama ni Vivian, kaya matagal nang may koneksiyon ang dalawang pamilya kahit magkaiba ang kanilang apelyido.Mas naging malinaw kung bakit madaling nakakapasok si Tristan sa mga usapin ng Garcia Pharmaceutical at kung bakit may access siya sa ilang taong konektado rito. Gayunpaman, wala pang ebidensiyang direktang nag-uugnay kay Vivian sa mga krimen ng pinsan niya, kaya hindi siya isinama sa mga paratang laban dito.Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, isang dating driver ng pam
Nanliit ang mga mata ni Tristan Reyes. Ilang segundo siyang hindi nagsalita, pero nanatiling nakatutok ang baril niya sa direksiyon kung saan nagtatago si Bryan.Inayos ni Bryan ang maliit na headset sa tainga niya. Kalmado ang mukha niya, pero alerto siya sa bawat galaw ni Tristan. Alam niyang isang maling kilos lang ang puwedeng magpalala sa sitwasyon.“Opisyal nang isinara ang kaso, pero hindi ibig sabihin na tumigil na ang imbestigasyon,” sabi niya. “Patuloy itong sinundan ng mga nakatataas at umabot ang mga ebidensiya sa pamilya Reyes. Kaya ka nagtatago ngayon, hindi ba?”Hindi sumagot si Tristan. Mas hinigpitan lang niya ang hawak sa baril.Nagpatuloy si Bryan. “Ilegal na paggawa at pagbebenta ng droga, money laundering, smuggling at iba pang ilegal na transaksiyon. Sapat na ang mga kasong iyon para matagal kang makulong. At ngayon, puwede pang idagdag ang ilegal na pagdadala ng baril.”Kitang-kita sa mukha ni Tristan ang galit. Dahan-dahan siyang gumalaw sa likod ng bakal na re
Biglang tumunog ang cellphone ng lalaking nakamaskara. Agad niya iyong sinagot at matapos ang maikling pag-uusap, lumapit siya sa bintana. Bahagya niyang hinawi ang makapal na kurtina at sumilip sa bakanteng bahagi sa harap ng gusali. Maya-maya ay napangiti siya na para bang dumating na rin sa wakas ang hinihintay niya.“Dumating na siya. At mukhang sinunod talaga niya ang sinabi ko. Mag-isa siyang pumunta,” sabi nito bago bumaling kay Jillian. Halatang nasisiyahan siya nang makita ang pag-aalala sa mukha ng dalaga. “Mukhang importante ka talaga sa kanya. Kahit alam niyang puwedeng bitag ito, pumunta pa rin.”Agad na nagpumiglas si Jillian. Pilit niyang hinila ang mga kamay mula sa pagkakatali, pero lalo lamang bumaon ang lubid sa kanyang mga pulso. Hindi niya alintana ang sakit. Ang nasa isip niya ay si Bryan na ngayon ay nasa loob na ng lugar nang hindi alam kung ilang tao ang naghihintay sa kanya.“Kung gusto mong maghiganti, ako ang harapin mo. Ako ang naglabas ng report at naghan
Kahit gaano kalaking ingay ang gawin ng isang balita, dumarating pa rin ang panahong unti-unti itong nakakalimutan ng mga tao. Ang mga isyung dating pinag-uusapan sa halos bawat sulok ay napapalitan ng panibagong balita hanggang sa bihira na lamang itong mabanggit.Ganoon din ang nangyari matapos ang sunod-sunod na imbestigasyong kinasangkutan ni Jillian. Ilang club at pharmaceutical company ang nagsara, may mga taong naimbestigahan at may mga negosyong tuluyang nawala. Pero habang lumilipas ang mga araw, bumalik din sa normal ang takbo ng buhay sa Manila.Para kay Jillian, hindi ibig sabihin noon na tapos na ang lahat. May mga tanong pa rin siyang hindi nasasagot, lalo na tungkol sa mga taong nasa likod ng mga kasong nahawakan niya. Pero sa ngayon, wala siyang bagong ebidensiyang puwedeng sundan kaya ibinalik muna niya ang buong atensiyon sa trabaho.Nasa Manila headquarters na siya ngayon ng Daily Sun. Malaki ang naging pagbabago mula nang mailipat siya mula sa regional bureau dahil
Kahit gaano pa kagaling ang mga security personnel, hindi naman nila isusugal ang sariling buhay para lamang pigilan ang isang sasakyang handang dumiretso sa kanila.Hindi nila inasahan na ang babaeng kanina lamang ay mukhang takot na takot ay talagang maglalakas-loob na tapakan ang gas. Nang umungol nang malakas ang makina at bahagyang umabante ang sports car, mabilis na nagsitabi ang mga lalaking nakaharang sa daraanan.Iyon lang ang hinihintay ni Jillian.Agad niyang diniinan ang gas at mabilis na humarurot palabas ng parking area. Narinig pa niya ang sigaw ng manager na habulin siya, ngunit hindi na niya iyon pinansin. Mahigpit ang kapit niya sa manibela habang nakatutok lamang ang tingin sa gate.Hindi pa siya ligtas. Nasa kanya ang memory card na palihim na ibinigay ni Sean, at higit sa lahat, naiwan pa rin ang lalaki sa loob ng club.Pagkalabas niya ng gate, ilang malalakas na headlight ang sumalubong sa kanya mula sa kabilang dulo ng kalsada. Napapikit si Jillian sa tindi ng l
Sa kumikislap na ilaw mula sa garden, malinaw na nakita ni Jillian ang mukha ng lalaking tumalon mula sa ikaapat na palapag.Si Sean iyon.“Sean!”Parang huminto ang puso niya. Mabilis niyang itinago ang cellphone at walang pag-aalinlangang tumakbo sa direksiyon nito.Kasabay niya, nagsimula ring magkagulo ang mga bisita. May mga napasigaw, habang ang iba ay mabilis na lumayo sa lugar kung saan bumagsak ang lalaki.“May tumalon!”“Tumawag kayo ng tulong!”Ngunit bago pa man makalapit ang ibang bisita, nagsidatingan na ang mga waiter at security personnel mula sa iba’t ibang bahagi ng garden.Mula sa bukas na bintana sa ikaapat na palapag, isang lalaki ang sumigaw.“Reporter siya! Huwag n’yong hayaang makatakas!”Nanlamig ang buong katawan ni Jillian.Nabuking si Sean.Siya ang pinakamalapit kaya nauna siyang nakarating dito. Nakahandusay si Sean sa lupa, hawak ang isang binti at halatang nasaktan sa pagkakabagsak. Pawis na pawis ang noo nito at kakaiba rin ang pamumula ng mukha.“Sean







