Share

CHAPTER 162

Author: Bhie Anne
last update publish date: 2026-09-18 11:48:19

Sa kumikislap na ilaw mula sa garden, malinaw na nakita ni Jillian ang mukha ng lalaking tumalon mula sa ikaapat na palapag.

Si Sean iyon.

“Sean!”

Parang huminto ang puso niya. Mabilis niyang itinago ang cellphone at walang pag-aalinlangang tumakbo sa direksiyon nito.

Kasabay niya, nagsimula ring magkagulo ang mga bisita. May mga napasigaw, habang ang iba ay mabilis na lumayo sa lugar kung saan bumagsak ang lalaki.

“May tumalon!”

“Tumawag kayo ng tulong!”

Ngunit bago pa man makalapit ang ibang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 169

    Tatlong araw na mula nang dumating ang Daily Sun team sa Luntian, Batangas.Sa loob ng unang 72 oras matapos ang lindol, halos hindi na alam ni Jillian kung kailan siya huling nakatulog nang maayos. Minsan ay nakakaidlip siya nang ilang minuto sa loob ng sasakyan, minsan naman ay nakasandal lang sa isang kahon ng relief goods habang hinihintay ang susunod na update.Puno ng alikabok ang buhok niya, maputik ang sapatos at ilang beses na rin niyang pinalitan ang damit na nabasa sa ulan. Pero sa tuwing naiisip niyang pagod na siya, may makikita siyang rescue worker na halos hindi na makatayo ngunit patuloy pa ring naghuhukay.At nawawala ang karapatan niyang magreklamo.Sa loob ng tatlong araw, napakarami na niyang nakita.May isang lalaking nakaligtas mula sa gumuhong pabrika. Sugatan na ito at dapat sana'y dadalhin na sa evacuation center nang malaman nitong dalawa sa mga kasama niya ang naiwan sa loob. Bumalik ito kasama ng rescue team.Nailabas ang dalawang katrabaho.Siya ang hindi

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 168

    Pagkatapos ng tawag, ilang segundo pang nakatitig si Jillian sa screen ng kanyang cellphone. Nasa call log ang pangalang “Fiancé.”Dumampi ang daliri niya roon, pero hindi niya pinindot.Bago pa siya makapagdesisyon, bumukas ang pinto ng newsroom. Pumasok si Louie, ang Deputy Director ng Daily Sun, at agad na natahimik ang mga reporter na naghahanda ng kanilang gamit.“Lumalala ang sitwasyon sa Luntian, Batangas. Doon ang epicenter ng lindol. May ilang barangay na hindi pa mapasok dahil sa mga gumuhong kalsada at landslide. May aftershocks pa rin, kaya pagdating natin doon, susunod tayo sa local disaster team. Walang lalayo nang mag-isa at walang papasok sa lugar na hindi pa cleared.”Mabilis na tumingin si Louie sa oras. Kalahating oras na lang bago sila umalis.Agad na kumilos ang lahat.Inayos ni Jillian ang kanyang backpack at inilagay doon ang recorder, notebook, power bank at iba pang kailangan niya. Nang kukunin na niya ang cellphone sa mesa, muling napunta ang tingin niya sa p

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 167

    Matapos maaresto si Tristan Reyes, mas lumawak pa ang imbestigasyon. Isa-isang kinausap ng mga awtoridad ang mga dating driver, kasambahay at empleyado ng pamilya Reyes. May ilan sa kanila na matagal nang may alam, pero noon lamang nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.Kasabay nito, mas sinuri rin ang koneksiyon ni Tristan sa Garcia Pharmaceutical.Doon nalaman na hindi lang negosyo ang nag-uugnay sa kanya sa kumpanya. Magpinsan pala sina Tristan Reyes at Vivian Garcia. Magkapatid ang ama ni Tristan at ang mama ni Vivian, kaya matagal nang may koneksiyon ang dalawang pamilya kahit magkaiba ang kanilang apelyido.Mas naging malinaw kung bakit madaling nakakapasok si Tristan sa mga usapin ng Garcia Pharmaceutical at kung bakit may access siya sa ilang taong konektado rito. Gayunpaman, wala pang ebidensiyang direktang nag-uugnay kay Vivian sa mga krimen ng pinsan niya, kaya hindi siya isinama sa mga paratang laban dito.Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, isang dating driver ng pam

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 166

    Nanliit ang mga mata ni Tristan Reyes. Ilang segundo siyang hindi nagsalita, pero nanatiling nakatutok ang baril niya sa direksiyon kung saan nagtatago si Bryan.Inayos ni Bryan ang maliit na headset sa tainga niya. Kalmado ang mukha niya, pero alerto siya sa bawat galaw ni Tristan. Alam niyang isang maling kilos lang ang puwedeng magpalala sa sitwasyon.“Opisyal nang isinara ang kaso, pero hindi ibig sabihin na tumigil na ang imbestigasyon,” sabi niya. “Patuloy itong sinundan ng mga nakatataas at umabot ang mga ebidensiya sa pamilya Reyes. Kaya ka nagtatago ngayon, hindi ba?”Hindi sumagot si Tristan. Mas hinigpitan lang niya ang hawak sa baril.Nagpatuloy si Bryan. “Ilegal na paggawa at pagbebenta ng droga, money laundering, smuggling at iba pang ilegal na transaksiyon. Sapat na ang mga kasong iyon para matagal kang makulong. At ngayon, puwede pang idagdag ang ilegal na pagdadala ng baril.”Kitang-kita sa mukha ni Tristan ang galit. Dahan-dahan siyang gumalaw sa likod ng bakal na re

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 165

    Biglang tumunog ang cellphone ng lalaking nakamaskara. Agad niya iyong sinagot at matapos ang maikling pag-uusap, lumapit siya sa bintana. Bahagya niyang hinawi ang makapal na kurtina at sumilip sa bakanteng bahagi sa harap ng gusali. Maya-maya ay napangiti siya na para bang dumating na rin sa wakas ang hinihintay niya.“Dumating na siya. At mukhang sinunod talaga niya ang sinabi ko. Mag-isa siyang pumunta,” sabi nito bago bumaling kay Jillian. Halatang nasisiyahan siya nang makita ang pag-aalala sa mukha ng dalaga. “Mukhang importante ka talaga sa kanya. Kahit alam niyang puwedeng bitag ito, pumunta pa rin.”Agad na nagpumiglas si Jillian. Pilit niyang hinila ang mga kamay mula sa pagkakatali, pero lalo lamang bumaon ang lubid sa kanyang mga pulso. Hindi niya alintana ang sakit. Ang nasa isip niya ay si Bryan na ngayon ay nasa loob na ng lugar nang hindi alam kung ilang tao ang naghihintay sa kanya.“Kung gusto mong maghiganti, ako ang harapin mo. Ako ang naglabas ng report at naghan

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 164

    Kahit gaano kalaking ingay ang gawin ng isang balita, dumarating pa rin ang panahong unti-unti itong nakakalimutan ng mga tao. Ang mga isyung dating pinag-uusapan sa halos bawat sulok ay napapalitan ng panibagong balita hanggang sa bihira na lamang itong mabanggit.Ganoon din ang nangyari matapos ang sunod-sunod na imbestigasyong kinasangkutan ni Jillian. Ilang club at pharmaceutical company ang nagsara, may mga taong naimbestigahan at may mga negosyong tuluyang nawala. Pero habang lumilipas ang mga araw, bumalik din sa normal ang takbo ng buhay sa Manila.Para kay Jillian, hindi ibig sabihin noon na tapos na ang lahat. May mga tanong pa rin siyang hindi nasasagot, lalo na tungkol sa mga taong nasa likod ng mga kasong nahawakan niya. Pero sa ngayon, wala siyang bagong ebidensiyang puwedeng sundan kaya ibinalik muna niya ang buong atensiyon sa trabaho.Nasa Manila headquarters na siya ngayon ng Daily Sun. Malaki ang naging pagbabago mula nang mailipat siya mula sa regional bureau dahil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status