Share

CHAPTER 7

Author: Bhie Anne
last update publish date: 2026-08-14 13:16:05

Nagkaroon ng maikling katahimikan sa kabilang linya.

Dalawa o tatlong segundo lang iyon.

Pero sa pagitan nila, parang biglang bumigat ang hangin.

Unti-unting nanlamig ang kanyang ekspresyon.

Akala niya, baka sa pagkakataong ito ay maiintindihan na siya ni Marco.

Ngunit bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang kumpiyansang boses nito.

“Hindi mangyayari ’yon.”

Bahagyang natahimik si Jillian.

“Ako lang ang nag-iisang anak nila. Siguradong uunahin nila ang nararamdaman ko kaysa sa kahit ano.”

Huminga nang malalim si Marco.

“Basta maging matatag lang tayo, eventually, papayag din sila. Kailangan ko lang silang bigyan ng panahon.”

Napapikit si Jillian.

Napakadali para kay Marco.

Parang sapat nang ipaglaban niya ang gusto niya at sa huli, susuko rin ang buong pamilya nito.

Pero ayaw na niyang sayangin pa ang lakas niya sa problema ng pamilya nito.

“Pagod na ako, Marco.”

Mahina ang boses niya, pero malinaw.

“Tumigil ka na.”

“Jillian…”

Gusto pa ring makiusap ni Marco.

Pero tuluyan nang naubos ang pasensya ni Jillian.

“Wala akong oras para sa mga drama mo.”

Huminga siya nang malalim.

“At hindi ka na rin worth ng oras ko.”

“Jillian, please—”

“Nakapagdesisyon na ako.”

Tumigil siya sandali.

“Kaya huwag ka nang tumawag ulit.”

Bago niya tuluyang ibaba ang tawag, tila narinig pa niya ang basag na boses ni Marco.

“Paano ka naging ganito kalamig?”

Napahinto ang kamay ni Jillian.

Pero hindi na siya sumagot.

Pinindot niya ang end call.

Tahimik.

Ibinaba niya ang cellphone sa kama at matagal na nakatitig dito.

Malamig ba talaga ang puso niya?

Siguro.

Kung hindi, bakit niya hinayaang habulin siya ni Marco nang halos tatlong taon?

Kung wala siyang kahit anong naramdaman, sana noon pa niya ito tuluyang tinanggihan.

Pero hindi niya ginawa.

Dahil minsan, naniwala rin siya.

Naniwala siyang seryoso si Marco.

Na baka ang lalaking iyon na walang sawang naghihintay sa kanya ang taong makakasama niya hanggang sa huli.

Ngunit ngayon...

Mali pala siya.

Dahan-dahang bumangon si Jillian at lumapit sa bintana.

Pagbukas niya ng kurtina, sinalubong siya ng malamig na tanawin.

Muling nagsimulang bumagsak ang snow.

Isa-isang nagliwanag ang mga ilaw sa kalye, na nagbigay ng malabong liwanag sa tahimik na gabi.

Napatingin siya sa mga ulan na dahan-dahang bumabagsak.

At hindi niya maiwasang maalala ang nakaraan.

Unang lumipat si Marco sa kanilang university nila sa Baguio noong third year niya.

Karaniwan nang mahirap para sa isang estudyante ang lumipat sa ibang university sa kalagitnaan ng pag-aaral.

Pero iba si Marco.

Noong araw na nagpunta siya sa school para mag-enroll, isang luxury car ang dumiretso sa administration building.

Personal pa siyang sinalubong ng School President.

Walang nakakaalam nang eksakto kung gaano kayaman ang pamilya ni Marco.

Pero isang bagay ang mabilis na naging malinaw sa lahat.

Isa siyang batang amo mula sa isang makapangyarihang pamilya.

At mula sa unang araw pa lang niya sa campus, naging sentro na siya ng atensyon.

Gwapo.

Mayaman.

Matalino.

At higit sa lahat, marunong makisama.

Hindi nagtagal, nakuha niya ang title na pinakagwapong lalaki sa College of Economics and Management.

Pero ang mas pinag-usapan ng buong campus ay ang babaeng gusto niya.

Si Jillian.

Ang pinakamagandang babae sa College of Journalism.

Matapos silang magkakilala sa isang club activity, nagsimula na siyang manligaw.

At hindi siya nahiyang gawin iyon sa harap ng lahat.

Tuwing umaga, naghihintay siya sa labas ng dormitoryo ng mga babae.

May dala siyang almusal.

Kahit ilang beses iyong tanggihan ni Jillian, kinabukasan ay may bago na naman siyang dala.

Kapag wala siyang klase pumupunta siya kay Jillian.

Minsan, nagka cutting pa siya sa klase niya at nakiki sit in sa klase ni Jillian para lang makaupo sa likod ng dalaga.

Kahit buong klase ay hindi siya lingunin nito kahit isang beses.

Tuwing holidays, may flowers at gifts.

At kahit hindi iyon tanggapin ni Jillian, hindi siya sumuko.

Maging ang mga kaklase at roommates ni Jillian ay kinaibigan niya.

Nililibre niya ng milk tea.

Binibilhan ng snacks.

Minsan, siya pa ang nagdadala ng pagkain para sa lahat.

Lahat para sa iisang dahilan.

Umaasa siyang baka matulungan siya ng mga taong malapit kay Jillian na mapalambot ang puso nito.

Para siyang walang ibang gustong gawin kundi ang manligaw.

At sa harap ng lahat, hindi niya itinago kung gaano niya kagusto si Jillian.

Pero ilang beses na siyang nilinaw ni Jillian.

“Hindi kita gusto.”

“Hindi rin ako naghahanap ng relasyon.”

Simple.

Diretso.

Pero ngumiti lang si Marco.

“Jillian, gusto talaga kita.”

“Maghihintay ako.”

“Kapag dumating ang araw na gusto mo nang makipagrelasyon, nandito pa rin ako.”

“Pero kung hindi mo pa rin ako gusto noon, hindi na kita guguluhin.”

Nasabi na niya ang lahat ng kailangan niyang sabihin.

Pero nanatiling matigas ang ulo ni Marco.

Sa huli, wala nang magawa si Jillian kundi hayaan siya.

Mabuti na lang, isang taon na lang at graduate na siya.

Nang mag-intern siya sa isang newspaper office, naisip niyang baka sa wakas ay mapagod na si Marco.

Kung lalayo siya, baka kusa ring mawala ang feelings nito.

Nagkamali siya.

Sinundan siya ni Marco hanggang sa newspaper office.

At gaya ng dati, halos araw-araw niya itong sinusundo pagkatapos ng trabaho.

Hindi lang iyon.

Madalas din siyang magpadala ng afternoon tea para sa buong department.

Dahil maganda ang personality ni Marco at marunong siyang makisama, mabilis din siyang nagustuhan ng mga kasamahan ni Jillian.

Maging ang editor-in-chief na karaniwang seryoso at mahigpit ay minsang kinausap siya.

“Jillian, mukhang mabait naman si Marco.”

“Matagal ka na niyang hinihintay, di ba?”

“Kung hindi ka naman talaga galit sa kanya, bakit hindi mo subukan?”

“Bigyan mo siya ng chance.”

“Bigyan mo rin ang sarili mo ng chance.”

Napaisip si Jillian noon.

Masama ba talaga ang lalaking ito?

Hindi naman.

Sa totoo lang, wala siyang malaking dahilan para kamuhian si Marco.

At aminin man niya o hindi...

Gwapo talaga ito.

May mukha siyang parang artista.

Palakaibigan.

Madaling pakisamahan.

At kahit sobrang obvious ng paghabol niya, marunong pa rin siyang rumespeto ng boundaries.

Kapag sinusundo siya nito pagkatapos ng trabaho, hindi siya nito pinapahiya sa harap ng ibang tao.

Kapag maraming tao, simpleng kumakaway lang ito at ngumingiti sa kanya.

Pero kapag silang dalawa na lang...

Doon siya lalapit.

May dalang flowers.

Magtatanong kung pagod ba siya.

Kung kumain na ba siya.

Kung okay lang ba siya.

At kapag malamig ang sagot ni Jillian, tahimik lang nitong itatago ang flowers.

Ngumingiti pa rin.

At bago umalis, kakaway pa rin ito.

Para siyang isang malaking aso na buong araw naghihintay sa may pintuan.

Isang tingin lang mula sa amo nito, tatayo agad at masayang lalapit.

Marahil, ganoon unti-unting nabasag ni Marco ang matigas na pader sa puso ni Jillian.

Unti-unti siyang napalapit.

Hanggang sa isang taon na ang nakalipas...

Sa wakas, pumayag siyang makipag-date kay Marco.

Malakas ang ulan nang gabing iyon.

Lasing si Marco.

Hindi alam ni Jillian kung ilang baso ang nainom nito, pero nang tawagan siya mula sa labas ng apartment building, agad niyang narinig ang nanginginig nitong boses.

“Jillian…”

Lumapit siya sa bintana.

At nakita niya ito.

Nakatayo sa ilalim ng streetlight.

Basang-basa.

“Bakit ang hirap mong mahalin?”

Natahimik si Jillian.

“Ganoon ba talaga ako kasama?”

“Bakit ayaw mo sa akin?”

“Hindi mo man lang ako binigyan ng chance.”

Patuloy sa pagpatak ang mga luha nito.

“Gustong-gusto kita, Jillian.”

“Alam kong nakakainis ako.”

“Alam kong baka sawa ka na sa akin.”

Huminga siya nang mabigat.

“Maraming beses ko nang naisip na sumuko.”

“Pagod na ako.”

“Pero kapag naiisip kong kapag tuluyan akong sumuko, baka wala na akong ibang taong gugustuhin pagkatapos mo...”

Huminto siya.

Parang hirap na hirap magsalita.

“Pakiramdam ko, mawawalan na ng saysay ang lahat.”

Hindi alam ni Jillian kung bakit, pero bigla siyang nakaramdam ng awa.

Bumaba siya dala ang payong.

Lumapit siya sa lalaking basang basa na ng ulan. Pinayungan niya ito.

At sinabi ang mga salitang hindi niya akalaing masasabi niya.

“Marco.”

Tumingala ito.

“Subukan nating mag-date.”

Nanlaki ang mga mata nito.

Ilang segundo itong hindi nakagalaw.

Pagkatapos—

Bigla itong lumapit at mahigpit siyang niyakap.

“Jillian!”

Natabig ang payong sa kamay niya.

“Mahal na mahal kita!”

“Mamahalin kita nang buong puso!”

Sa kabila ng malamig na hangin at malakas na ulan na tumatama sa mukha niya, hindi nakaramdam ng lamig si Jillian nang gabing iyon.

Sa halip, kakaibang init ang naramdaman niya.

Akala niya, iyon na ang simula ng magandang love story nila.

Akala niya, ang lalaking iyon ang taong mananatili sa tabi niya.

Pero hindi niya alam...

Ang parehong lalaking nangakong mamahalin siya nang buong puso ay siya ring lalaking, ilang taon lang ang lumipas, yayakap sa ibang babae.

At siya mismo ang magsusuot ng engagement ring sa daliri nito.

Tatlong taon.

Tatlong taon siyang walang sawang hinabol ni Marco.

Parang apoy sa gitna ng taglamig.

Maliwanag.

Mainit.

Paulit-ulit na kumakatok sa puso niyang matagal nang nakasara.

Hanggang sa tuluyan niyang binuksan ang p***o.

Ngunit nang handa na siyang makipagsapalaran dito...

Si Marco rin ang unang nagsara ng pintong iyon.

Sa pagkakataong ito, hindi na niya ito bubuksan muli.

Napatingin si Jillian sa ulan sa labas ng bintana.

Malamig ang gabi.

Pero mas malamig ang pusong minsang naghintay sa kanya.

Dahan-dahan siyang napapikit.

May mga bagay na kapag sinira mo nang isang beses...

Kahit anong pilit mong buuin, hindi na magiging katulad ng dati.

At kung hindi mo kayang ibigay sa isang tao ang kinabukasang gusto niya—

bakit mo pa kailangang bumalik para guluhin ang buhay niya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 187

    Lumipas ang ilang linggo, at unti-unting bumalik sa normal ang buhay nina Bryan at Jillian. Hindi man agad nawala ang mga alaala ng nangyari, mas naging maayos na ang bawat araw ni Jillian. May mga gabing nagigising pa rin siya dahil sa masasamang panaginip, pero hindi na niya kailangang harapin ang mga iyon nang mag-isa dahil palaging nandoon si Bryan, tahimik na umaalalay at hinahayaan siyang maghilom sa sarili niyang paraan.Mas naging tahimik ang buhay nila pagkatapos ng nangyari kay Marco, at sa katahimikang iyon ay napag-usapan nilang mag-asawa ang isang desisyong matagal na nilang iniisip. Isang gabi, habang mahimbing na natutulog si Ellie sa crib nito, magkatabi silang nakaupo ni Bryan sa sofa. Tahimik ang buong bahay, at tanging mahinang tunog ng air conditioner at maliliit na ingay mula sa kanilang anak ang maririnig.“Sigurado ka na ba?” maingat na tanong ni Bryan habang nakatingin kay Jillian.Sandaling tumingin si Jillian sa anak bago siya bumalik sa asawa. “Sigurado ako.

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 186

    Matapos suriin ng doktor ang mga sugat ni Jillian, sinabi nitong wala siyang malubhang injury. Nilinis ang sugat sa gilid ng ulo niya at binigyan siya ng gamot para sa pananakit ng katawan. Kailangan lang niyang magpahinga at bantayan ang sarili sa mga susunod na araw dahil sa matinding stress at pagod na pinagdaanan niya.Akala ni Bryan ay iyon na ang huling kailangan nilang gawin bago umuwi, ngunit habang inaayos niya ang mga papeles para sa discharge, biglang nagsalita si Jillian.“Gusto kong makita si Marco bago tayo umuwi.”Napatingin si Bryan sa kanya. Hindi niya inaasahan iyon, lalo na at kakalabas lamang nito sa isang sitwasyong muntik nang magdulot ng mas malala.“Sigurado ka ba?” maingat niyang tanong.Tumango si Jillian. “Kailangan ko lang siyang makita. Pagkatapos noon, gusto ko nang umuwi.”Ilang segundo siyang pinagmasdan ni Bryan bago siya tuluyang pumayag. Ayaw man niyang ilapit muli ang asawa sa taong nanakit dito, alam niyang may dahilan si Jillian kung bakit gusto n

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 185

    Hindi agad nakita ni Jillian kung sino ang nasa harapan niya.Sobrang liwanag ng headlights kaya halos hindi niya maibuka nang maayos ang kanyang mga mata. Ang tanging nararamdaman niya ay ang malamig na hangin sa paligid at ang bigat ng katawan niyang halos hindi na niya kayang suportahan.Hanggang sa may isang pares ng bisig na mabilis na yumakap sa kanya.Isang jacket ang maingat na ipinalupot sa kanyang katawan upang matakpan ang punit niyang pang-itaas.“Jillian…”Nang marinig niya ang boses, parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.Pamilyar iyon.Pamilyar na pamilyar.Dahan-dahan niyang itinaas ang mukha.Unti-unting nawala ang silaw sa kanyang paningin hanggang sa tuluyan niyang makita ang lalaking nasa harapan niya.Si Bryan.Nanlaki ang mga mata niya.“Bryan…”Halos pabulong lamang ang pangalan nito, ngunit sapat na iyon para tuluyang bumigay ang kanyang emosyon.Mahigpit niyang niyakap ang asawa.“I'm here,” bulong ni Bryan habang hawak siya nang mahigpit. “You'r

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 184

    Tahimik ang buong silid nang muling bumukas ang pinto.Napalingon si Jillian at agad na nanigas ang katawan nang makita kung sino ang nasa likod nito.Si Marco.Ilang segundo siyang hindi nakagalaw. Kanina lamang ay iniwan siya nito sa loob ng kwarto at isinara ang pinto mula sa labas. Akala niya ay hindi na ito babalik. Akala niya ay kahit papaano ay makakakuha siya ng ilang oras para makapag-isip at makahanap ng paraan upang makatakas.Pero naroon na naman ito.Dahan-dahang isinara ni Marco ang pinto at maingat na ini-lock iyon.Napaatras si Jillian.“Bakit ka bumalik?” tanong niya, pilit na pinatatatag ang boses kahit ramdam niyang nanginginig ang mga daliri niya.Hindi agad sumagot si Marco. Tahimik lamang itong nakatingin sa kanya bago nagsimulang maglakad palapit.“Hindi ako mapakali,” sagot nito. “Gusto kitang makita.”“Marco, huwag kang lalapit.”Hindi nito pinansin ang babala niya.Sa bawat hakbang nito ay lalo namang bumibilis ang tibok ng puso ni Jillian. Napaatras siya han

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 183

    Mabigat ang pakiramdam ni Jillian nang dahan-dahan siyang magising. Ilang segundo siyang nanatiling nakahiga, pilit na inaalam kung nasaan siya at kung bakit hindi pamilyar sa kanya ang kisame na nasa ibabaw niya. Nang subukan niyang bumangon, agad siyang napahawak sa gilid ng kama dahil biglang umikot ang paligid. Kumirot ang ulo niya at saglit siyang napapikit bago niya marahang hinawakan ang gilid nito. Nang tingnan niya ang kanyang mga daliri, may bahid ng dugo roon.Doon unti-unting bumalik sa kanyang isip ang mga nangyari.Nasa park siya kasama si Ellie. Masayang nakaupo ang anak niya sa maliit na enclosed swing habang marahan niya itong itinutulak, at ang tawa nito ay parang musika sa kanyang pandinig. Masaya siya noon, iniisip pa kung saan sila pupunta bago dumating si Bryan para sunduin sila. Ngunit may biglang nangyari sa likuran niya. May tumama sa kanyang ulo, may humila sa kanya, at kahit sinubukan niyang lumaban, unti-unting nawala ang kanyang lakas hanggang sa tuluyang

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 182

    Makalipas ang ilang araw, muling nagtungo si Jillian sa park kasama si Ellie.May usapan sila ni Bryan na doon na sila magkikita bago sila mag-dinner, kaya naisip ni Jillian na mauna na silang pumunta para makapaglaro muna si Ellie.Pagdating nila sa playground, maingat na kinuha ni Jillian ang anak mula sa stroller. Bitbit niya si Ellie habang papalapit sa isang maliit na enclosed swing na para sa mga batang kasing-liit nito.“Come on, baby. Dito muna tayo,” malambing niyang sabi.Maingat niyang inilagay si Ellie sa loob ng swing at inayos ang pagkakaupo nito bago dahan-dahang itulak.Bahagyang umindayog ang swing.At agad namang umalingawngaw ang masayang hagikhik ni Ellie.Napangiti si Jillian.Sa bawat tawa ng anak, parang napupuno ang puso niya ng kakaibang saya. Ilang sandali siyang nakatayo roon, tahimik na pinagmamasdan ang maliit na mukha ni Ellie habang masayang sumasabay sa pag-ugoy ng swing.“Are you happy, baby?” tanong niya, kahit halatang alam na niya ang sagot.Tumawa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status