Share

CHAPTER 6

Penulis: Bhie Anne
last update Tanggal publikasi: 2026-08-14 13:04:45

Dapat sana'y may kaunting lambing ang dalawang salitang iyon.

Pero nang sabihin iyon ni Bryan Chen, wala ni katiting na lambing sa boses niya.

Sa halip, para siyang isang seryoso at istriktong magulang na sinasaway ang isang makulit na anak.

“Lumabas ka na.”

Tatlong simpleng salita lang iyon.

Pero sa tono ni Bryan, parang wala nang puwang para makipagtalo.

Natigilan si Jillian nang dalawang segundo.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis.

Sa huli, napabuntong-hininga na lang siya.

“Oh.”

Binuksan niya ang p***o ng kotse at masunuring bumaba.

Agad na lumapit ang isang nurse na kanina pa naghihintay sa gilid ng entrance at itinulak ang wheelchair papunta sa kanya.

Noon lang napagtanto ni Jillian na sadyang may naghihintay pala sa kanya.

Mukhang inayos na ni Bryan ang lahat bago pa man siya makarating sa ospital.

Napatingin siya sa lalaki sa loob ng kotse.

Malamlam ang ilaw sa loob, kaya hindi niya gaanong makita nang malinaw ang mukha nito. Ngunit kahit ganoon, ramdam pa rin niya ang kakaibang presence nito.

Tahimik.

Malamig.

At hindi maikakailang intimidating.

Kahit simpleng pag-upo lang nito sa loob ng kotse, parang may invisible pressure na pumupuno sa buong paligid.

Hindi niya maiwasang muling sumulyap.

Sakto namang nagtagpo ang mga mata nila.

Sandali siyang natigilan.

Hindi umiwas si Bryan.

Tahimik lang itong nakatingin sa kanya.

Walang ngiti.

Walang tanong.

Walang kahit anong emosyon na mababasa niya.

Sa huli, si Jillian ang unang umiwas ng tingin.

Tumango lang si Bryan.

Parang iyon na ang huling paalam niya.

Napangiti nang bahagya si Jillian at kumaway.

“Bye.”

Hindi na nagsalita si Bryan.

Umandar na ang sasakyan.

Pinanood ni Jillian ang itim na kotse hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya.

Saka lamang siya napabuntong-hininga.

“Finally...”

Hindi niya alam kung bakit, pero parang masyado siyang kinakabahan kapag kasama ang lalaking iyon.

Hindi naman siya sinaktan ni Bryan.

Hindi rin ito nagsalita nang masama.

Pero sapat na ang malamig nitong mga mata para maramdaman niyang parang nababasa nito ang bawat iniisip niya.

Umiling siya at pinilit na alisin sa isip ang lalaki.

Mas mahalaga ang paa niya ngayon.

Malinaw na inayos ni Greg ang lahat.

Mula sa pag-check in hanggang sa pagpapasuri sa kanya, naging mabilis at maayos ang buong proseso.

Dinala siya para sa checkup, X-ray, at ilang tests.

At dahil tila may espesyal na abiso na natanggap ang ospital, VVIP treatment ang nakuha niya.

Habang naghihintay ng resulta, napatingin si Jillian kay Greg.

“Kuya Greg, sige na. Gawin mo na yung trabaho mo. Darating din naman maya-maya si Emma, yung kasama ko.”

Ngumiti si Greg at umiling.

“Okay lang. Tapusin mo muna lahat ng kailangan mong gawin.”

“Pero baka ma-delay ka sa trabaho.”

“Hindi ako nagmamadali.”

Nang makitang wala talaga itong balak umalis, wala nang nagawa si Jillian kundi sumuko.

Makalipas ang ilang minuto, dumating si Emma na halos tumakbo papasok.

“Ate Jillian!”

Agad itong lumapit sa kanya.

“Okay ka lang?”

“Okay lang.” sagot niya

“Sure?”

“Oo.”

Maya-maya, lumabas na rin ang resulta ng X-ray.

Walang bali.

Wala ring malubhang pinsala sa buto.

Nakahinga nang maluwag si Jillian.

“Thank God.”

Napahawak din si Emma sa dibdib.

“Akala ko talaga...”

Hindi na niya tinuloy ang sasabihin.

Pareho nilang alam kung gaano kalala ang maaaring mangyari kung nabalian nang tuluyan ang paa ni Jillian.

Pagkatapos ng lahat, kinuha ni Jillian ang kanyang wallet.

“Kuya Greg, magkano lahat?”

Umiling agad si Greg.

“Huwag na.”

“Pero—”

“Ipapaayos ko na sa taong bumangga sa’yo.”

Napakunot ang noo ni Jillian.

“Ok lang yun, Kuya...”

Napailing si Greg.

“Ang bilis niyang magmaneho sa highway. Siya ang bumangga sa’yo, kaya wag mong alalahanin ang gastos dito.”

Huminga siya nang malalim.

“Kung hindi lang din siya agad nadala sa ospital, baka kinaladkad ko na mismo siya rito para humingi ng tawad sa’yo.”

Napakurap si Jillian.

“Ganun ba kalala?”

“Kaya ang isipin mo ay ang pagpapagaling ng paa mo, wag mo ng alalahanin yung gastos.”

Malamig ang boses ni Greg.

“Paglabas niya ng ospital, makukulong din ung nakadisgrasya sayo. Bawi rin ang driver’s license niya.”

“Hindi na siya makakapagmaneho ulit nang ganoon.”

Saglit na natahimik si Jillian.

Sa loob lamang ng ilang oras, napakarami na palang nangyari.

“Kuya Greg, hayaan mo na. Hindi naman malubha ang paa ko. Maraming salamat talaga, pati na rin kay Sir”

Tumingin siya rito, sabay nguso sa direksyon ng kinauupuan ni Bryan.

Ngumiti si Greg.

“Save mo na lang contact ko.”

“Messenger?”

“Oo.”

“Anong pangalan?”

“Greg.”

“Greg lang?”

“Greg lang.”

Napangiti si Jillian.

Pagkatapos nilang magpaalam, sumakay si Jillian sa taxi.

Habang umaandar ang sasakyan, naisipan niyang i-search si Greg online.

Tinype niya ang pangalan nito sa browser.

Pero...

Napakaraming lumabas.

Pare-pareho ang pangalan.

Nag-scroll siya nang ilang minuto, pero wala siyang nakitang impormasyon na makakatulong sa kanya.

“Ang hirap naman hanapin.”

Pinatay niya ang screen.

Sumandal siya sa upuan at tumingin sa labas ng bintana.

Unti-unting lumiliwanag ang langit.

At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, biglang bumalik sa isip niya ang mukha ng lalaking nasa kotse.

Bryan Chen.

Bakit parang pamilyar?

Parang...

Parang nakita na niya ito noon.

Pero saan?

Dumiretso sina Jillian at Emma sa hotel na inayos ng RBC TV Station para sa kanilang staff.

Isang kalsada lang ang layo nito mula sa station.

Humiram si Emma ng wheelchair at siya mismo ang nagtulak kay Jillian papasok.

“Maggagabi na. Sabi ng station, puwede na tayong mag-duty bukas ng umaga.”

Tumingin siya sa paa ni Jillian.

“Pero kung hindi ka komportable, puwede kang mag-rest muna ng ilang araw.”

“Okay lang ako.”

“Sigurado?”

“Oo.”

Napahawak si Emma sa kamay niya.

Mukhang hindi pa rin nito makalimutan ang nangyari.

“Sorry talaga, Ate Jillian.”

Napatingin si Jillian.

“ Wala akong nagawa nung naaksidente ka”

Napayuko si Emma.

Napabuntong-hininga siya.

“Ang tanga ko talaga.”

Napangiti si Jillian.

“Kung gusto mong bumawi, libre mo na lang ako ng dinner.”

Biglang lumiwanag ang mukha ni Emma.

“Deal!”

Napatawa si Jillian.

“Hindi naman kailangang bongga.”

“Hindi! Ikaw ang bahala sa order.”

“Okay na ’yan.”

Kahit hindi niya tinanong nang diretso, halatang mayaman ang pamilya ni Emma.

Makikita iyon sa lifestyle nito at sa paraan ng paggastos.

Madalas din nitong ilibre ng kape ang mga kasama nila sa trabaho.

Kung tutuusin, baka mas malaki pa ang gastos nito kaysa sa kinikita.

Dahil hirap pa ring igalaw ni Jillian ang paa niya, bumili si Emma ng pagkain sa isang kilalang restaurant sa malapit at dinala iyon pabalik sa hotel.

Pagkatapos nilang kumain, umalis muna si Emma para asikasuhin ang ilang bagay.

Nang matapos ayusin ni Jillian ang mga pinagkainan, humiga siya sa kama.

Pagod na pagod siya.

Kinuha niya ang cellphone.

Biglang—

Ding! Ding! Ding!

Sunod-sunod na pumasok ang messages.

Iisang unknown number lang ang nagpadala.

Mukhang delayed ang mga ito kaya sabay-sabay dumating.

Napabuntong-hininga si Jillian.

“Hindi na naman...”

Hindi na niya binuksan.

Sa halip, binuksan niya ang Messenger.

At doon niya nakita ang isang bagong message.

Galing sa lalaking dati niyang in-add.

Nakalimutan niyang itanong ang pangalan nito.

Ang contact name lang ay:

May-ari ng Chen Group of Companies

Binuksan niya ang message.

May-ari ng CGC: Narinig kong walang bali ang buto mo. Mag-ingat ka sa mga susunod na araw.

Natigilan si Jillian.

Hindi niya inaasahan ang simpleng pag-aalala na iyon.

Pagkatapos ng ilang segundo, nag-reply siya.

Jillian: Okay. Salamat sa pag-aalala.

Kaka-log out pa lamang niya sa Messenger nang tumunog ang cellphone.

Unknown Number.

Napapikit siya.

Si Marco.

Siya na naman.

Sa pagkakataong ito, naisip niyang mas mabuting sagutin na.

Hindi na niya kayang patuloy itong iwasan.

Kailangan na niyang sabihin ang lahat nang diretso.

Pagkakonekta ng tawag, agad niyang narinig ang boses ni Marco.

“Jillian,”

May halong pagod at sakit ang boses nito.

“Nakarating na ako sa Maynila. Nasa harap ako ngayon ng RBC TV Station.”

Sandali itong huminga.

“Puwede ba tayong magkita?”

“Wala ako sa station.”

Diretso ang sagot ni Jillian.

“At Marco... hindi na natin kailangang magkita.”

“Bakit?”

“Hindi talaga tayo pwede na.”

Tahimik siyang huminga nang malalim.

“Mas mabuting iwasan na natin ang isa’t isa ngayon kaysa mas lalo pa tayong masaktan.”

“Bakit hindi na tayo pwede?”

Halatang hindi matanggap ni Marco.

“Dalawang taon na tayo. Dalawang taon tayong magkasama at halos hindi naman tayo nag-away.” saad nito

“Alam kong galit ka dahil palihim akong nakipag engage sa iba.”

“Pero naipaliwanag ko naman sa’yo. Temporary lang iyon. Ginawa ko lang yun para sa business namin, para sa mga magulang ko.”

Humina ang boses niya.

“Alam kong nagkamali ako.”

“Akala ko kaya kong itago sa’yo. Di ko akalain na gagawin ni Vivian yun, na imimessage ka niya para masaksihan mo ang engagement namin na dapat ay lihim sa iyo.”

“Oo, Jillian. Alam ko na ang katotohanan, si Vivian ang may pakana ng lahat kaya naroon ka ng gabing iyon. Ang akala ko kasi ayos lang at malinaw sa kanya ang terms ng kasalang iyon sa amin.”

“Sinadya rin niyang magpadala sa’yo ng message para ikaw na mismo ang umayaw at tuluyan akong mapasa kanya.”

Suminghot si Marco.

“Jillian... mali talaga ako. Ang tanga ko na sumang ayon ako sa plano nilang lahat”

“Hindi ko hinihingi na patawarin mo ako.”

“Lumabas ka lang at tingnan mo ako.”

“Please.”

“Sobrang sakit na. Nanginginig na nga ang mga kamay ko habang hawak ko ang manibela.”

Nanatiling tahimik si Jillian.

Ilang segundo siyang walang sinabi bago nagtanong.

“Alam ba ng parents mo na pumunta ka sa Maynila?”

“Hindi ko alam.”

Huminga nang malalim si Marco.

“Wala na akong pakialam sa sasabihin nila”

“This time... hindi na ako magdadalawang-isip.”

“Kahit ano pa ang mangyari, gusto kitang makasama.”

“At pagkatapos?”

Kalmado ang tanong ni Jillian.

“Kapag pinalayas ka ng parents mo?”

“Kapag pinutol nila lahat ng financial support sa’yo?”

“Kapag tinanggal ka nila sa mana ng kompanya?”

Sandaling natahimik si Marco.

Muling nagsalita si Jillian.

“Ayos lang ba sa iyo na mawala ang lahat ng iyon?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 37

    Halos mapahinto ang paghinga ni Jillian.Pagkakita niya sa mukha ng lalaking nasa loob ng suite, muntik nang kumawala ang sigaw na kanina pa nakabara sa lalamunan niya.Pero mabilis niya iyong pinigilan.Saglit siyang napatingin sa room card sa kamay niya.Pagkatapos, sa lalaki.At muli sa room card.Room 1608.Tumingin siya sa numero sa pinto.Tama.Kung ganoon...Bakit nandito si Bryan?At bakit...Bakit naka-bathrobe lang ito?!Hindi niya sinasadyang napatingin sa nakabukas na collar ng robe nito. Kitang-kita ang matatag nitong dibdib at balikat.Napakurap siya nang mabilis.Isa.Dalawa.Tatlo.Hindi pa rin nagbago ang nasa harapan niya.Mabilis siyang tumalikod.“Sorry! Sorry!” mabilis niyang sabi. “Maling kwarto ang napasukan ko!”Mahigpit niyang hinawakan ang room card.Bigla niyang naintindihan ang nangyari.Mali ang room card na ibinigay sa kanya ni Noah.“Grabe...” bulong niya sa sarili.Pinahamak talaga siya ni Noah!Kung ibang tao lang ang nasa loob ng kwartong ito, baka hi

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 36

    Si Raymond ang head ng Publicity Department at siya rin ang direktang namamahala sa mga TV station at newspaper sa North Region. Dahil dito, siya ang isa sa mga direktang nakatataas nina Jillian at Trina sa KMN TV.Madalas makausap ni Raymond si Trina, kaya mas close ang dalawa kumpara sa relasyon nito kay Jillian.Nang marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa, ngumiti si Raymond.“Pinag-uusapan lang namin ni Jillian ang tungkol sa research project,” paliwanag ni Trina. “Bukas na kasi ang alis nila, kaya hindi natin alam kung kailan ulit magkikita.”Tumingin si Raymond kay Trina at bahagyang ngumiti.“Talagang magaling kang makakita ng potential sa isang tao, Trina.”Pagkasabi niya noon, inilapag niya ang dalawang baso ng alak sa harap nila.“Enjoy, ladies.”“Thank you,” masayang sagot ni Trina.Agad niyang kinuha ang baso at uminom.Sa crystal-clear na baso, kumikislap ang dark red wine. May light fruity scent ito at smooth ang lasa.“Hmm. Masarap ito.”Tumingin si Trina kay Jillian

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 35

    Agad na kumunot ang noo ni Armando Liwanag.Sa wakas, naalala na niya kung saan niya nakita ang babaeng ito.Araw-araw, napakaraming tao ang nakakaharap niya. Imposibleng maalala niya ang bawat isa, lalo na’t isang beses lang naman niya itong nakita noon.At nang araw na iyon, sandali lang niya itong napansin.Pero ngayon, malinaw na sa kanya.Ang babaeng nasa harap niya na may magagandang mata ay si Jillian—ang dating girlfriend ng anak niyang si Marco.Ang babaeng dahilan kung bakit ilang linggo nang puro problema ang anak niya.Hindi maipaliwanag ni Armando ang nararamdaman niya. May halong inis, pagdududa, at hindi niya maitatagong pagkadismaya.Pero dahil naroon si Bryan Chen, hindi niya maaaring ipakita nang lantaran ang galit niya.Kaya saglit niyang pinigilan ang expression niya bago ngumiti nang malamig.“Bata pa kayo. Normal lang naman ang maghiwalay.”Tiningnan niya si Jillian mula ulo hanggang paa.“Simple lang si Marco. Hindi siya sanay sa mga komplikadong bagay. Sa tingi

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 34

    Sa huli, hindi na tinawagan ni Jillian si Marco para tanungin pa kung ano ang nangyari.Matapos maghintay nang matagal, bumaba na lang siya sa bahay ng tiyahin niya, kinuha ang susi ng bahay, at umalis.Pagdating niya sa hallway, nakita niya si Yuan na paikot-ikot na naglalakad, halatang naghihintay sa kanya. Nang makita siya nito, agad itong nagtanong nang medyo malakas ang boses.“Ano bang ginagawa mo? Ang tagal ko nang kumakatok sa pinto mo pero hindi mo binubuksan.”“Sorry. May kausap lang ako sa phone kaya hindi ko agad narinig ang pagkatok mo.”Inalog ni Jillian ang hawak niyang cellphone. Wala ni kaunting pagbabago sa mukha niya.Tiningnan siya ni Yuan mula ulo hanggang paa, para bang chine-check kung may nangyari sa kanya. Nang wala siyang makitang kakaiba, saka lang siya bahagyang nakahinga nang maluwag.“Okay ka lang?”“Okay lang.”Hindi na nagtanong pa si Yuan.Habang inaayos ni Jillian ang ilang damit at inilalagay ang mga ito sa shopping bag, iniabot niya iyon kay Yuan.“

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 33

    Pagkababa ng tawag, ibinagsak ni Yuan ang cellphone sa sofa.“Hayst!”Halatang bad mood siya.Karaniwan, makulit at palabiro si Yuan. Kahit seryoso ang usapan, nakakasingit pa rin siya ng kung anong joke para gumaan ang atmosphere. Pero ngayon, iba ang mukha niya. Matigas ang panga, nakakunot ang noo, at parang ayaw niyang may kumausap sa kanya.Napansin agad iyon ni Tita Belen.“Ano’ng nangyari?” tanong niya. “Tama ba ang narinig ko? Tinanggal ka sa trabaho?”Napatingin si Jillian sa kapatid.Hindi niya agad alam kung ano ang sasabihin.Umupo si Yuan at sumandal sa sofa. Saglit siyang tumingin kay Jillian bago agad umiwas.“Hindi naman big deal.”“Hindi big deal?” ulit ni Tita Belen. “Eh bakit parang galit na galit ka?”“May maliit lang na problema sa trabaho.”“Ano’ng problema?”Pinisil ni Yuan ang labi.“Noong nakaraang buwan, may nagawa akong pagkakamali. Simula noon, lagi na akong pinupuntirya ng mga boss.”“Eh di humingi ka ng tawad,” sabi ni Tita Belen. “Kung mali ka, aminin mo

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 32

    Ang bahay ni Jillian at ang bahay ng tiyahin niya ay nasa iisang subdivision lang. Pero para mas madali ang pag-aalaga sa Daddy niya, mas pinili ng kanyang Tita Belen na doon na lang tumira ang Daddy niya sa bahay nila.Kaya kapag umuuwi si Jillian, hindi na siya dumidiretso sa sarili niyang bahay. Diretso agad siya kina Tita Belen.Medyo luma na ang subdivision. Sa ilang building, makikita na ang mga bakas ng panahon—may mga pader na kumukupas ang pintura at may ilang bahagi na nagsisimula nang magbalat.Pagkababa ni Jillian sa sasakyan, kumaway siya sa driver."Salamat po, Kuya."Ngumiti lang ang driver bago pinaandar ang itim na sasakyan at unti-unting umalis sa subdivision.Hinila ni Jillian ang maleta niya papunta sa bahay ng Ama. Hindi pa man siya nakakalayo, naamoy na niya ang mababangong pagkain na nagmumula sa iba't ibang bahay.Kumalam ang tiyan niya."Grabe, gutom na gutom na ako."Matagal siyang nasa biyahe at halos wala siyang nakain nang maayos buong araw.Umakyat siya s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status