LOGINLexie's POV"Pumayag ka?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Althea.Nasa likod ko lamang siya habang abala ako sa pag-iimpake ko ng iilan kong mga gamit.Sumagot ako nang hindi man lang nakatingin sa kanya. "Wala naman akong choice. Kung hindi pa ako pumayag, malamang sa malamang ay nandoon pa rin ako sa bahay ni Alfie at patuloy na nakikipagnegosasyon sa nanay niya."Kahit ngayong nakauwi na ako ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang kaisipan na hindi lang ang pagbubuntis ko ang dahilan kung bakit gusto ng nanay ni Alfie na magpakasal kami. Hula ko ay may mas malalim pang dahilan kung bakit ganoon na lamang niya kagusto na itali ang anak niya sa akin.Umupo si Althea sa kama. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at itinuon muli ang kanyang mga mata sa akin."Edi sana nag walkout ka. Tinakbuhan mo sana."Bumuntong-hininga ako. "Kung ikaw ang nasa posisyon ko, siguradong hindi mo rin maiisip 'yan."Napakabilis ng mga pangyayari. One minute, kami lang ni Alfie ang nag-uusap at
Alfie's POV"Ma?!"Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang aking ina na nasa mismong harapan naming dalawa ni Lexie. What is she doing here? How long has she been standing there? How come I didn't notice her presence?I am looking at her, but her eyes are fixed on Lexie. She's staring so intently, it's like she's trying to burn a hole through her.Did she hear everything? Did she know I got Lexie pregnant?What she said that ended my conversation with Lexie isn't enough to tell me whether she knows or not. Should I just ask? But if I did, and she didn't know, it would only give her an idea of what's happening between me and Lexie.I am not trying to keep this a secret from my family, but it's too early. I am not even yet done fully processing everything that is happening."What are you doing here, Ma?" I finally managed to ask.From Lexie, my mother's gaze turns to me. Kung ang tingin na ibinigay niya kay Lexie ay mariin, na para bang tinatyansa at kinakalkula niya kung paano
Lexie's POV"What do you think about living with me?"Sigurado ako na kitang-kita ni Alfie kung paano dumaan ang iba't-ibang emosyon sa aking mukha matapos ng tanong niyang iyon sa akin.Sa una ay nagulat ako at hindi makapaniwala. Kasunod naman ay nagtaka ako. At ang pinakahuling emosyon na makikita sa aking mukha ay ang resolusyon matapos kong makapagdesisyon."No," I firmly stated. "Hindi ako titira dito sa bahay mo."Kumunot ang kanyang noo. "Why? Don't you like this house?""Sa totoo lang? Oo. Masyadong marangya at malaki para sa isang katulad ko. Hindi ako sanay sa ganito. Pero hindi naman iyon ang rason kung bakit ayaw kong tumira kasama mo.""Then what?""Dahil hindi ako komportable na makitira sa ibang tao, lalo na sa mga hindi ko naman ganoon kakilala. Pangalan at apelyido mo, at pangalan ng kompanya mo lang ang tanging alam ko tungkol sa'yo, Alfie. Ilang beses pa nga lang tayo nagkita. Pasensya na kung offensive pakinggan, pero katulad mo, wala din akong masyadong tiwala sa
Lexie's POVPagkatapos ng naunang check-up ay nasundan pa iyon ng isa pang beses. At sa pagkakataon na iyon, pinili kong sa mismong ospital nalang kami nagkikita ni Alfie. Kumuha na din kami ng ultrasound na kakailanganin namin para sa paternity test.Habang hinihintay ko ang araw para kumuha ng paternity test ay nagpatuloy ako sa buhay. Nagtatrabaho pa rin ako bilang waitress sa gabi, at sa umaga naman ay nagsimula na rin akong magtrabaho bilang part-time kahera sa isang grocery store. Patuloy rin ako sa pag-iipon ng pera upang ipang-upa.Pinagsabihan na ako ni Lexie na kung pwede ay tumigil nalang daw ako sa pagtatrabaho bilang waitress, lalo na at buntis ako, pero hindi ako nakinig, kagaya ng hindi ko rin pakikinig sa kanya ng pinayuhan niya akong kausapin ulit si Alfie at baguhin ang desisyon kong hindi tumanggap ng kahit ano hangga't hindi pa kami nagpapa-paternity test.May matinong dahilan naman ako kung bakit ko tinanggihan ang alok ni Alfie. Hindi lang dahil sa simpleng pride
Alfie's POVKaagad kong ipinikit ang aking mata nang bigla akong bugahan ng tubig ng isa sa mga matatalik kong kaibigan na si Kieran.I look at him in disgust. "What the fuck?"But my asshole of a friend did not even bother to apologize. Si Claire, ang asawa ng isa ko pang kaibigan na si Alastair ang siya pang nagbigay sa akin ng panyo upang ipanglinis sa mukha ko. Habang si Kieran naman ay tinitigan lamang ako habang nanlalaki ang kanyang mga mata, na para bang bigla akong tinubuan ng dalawang sungay."I should be the one saying that, Alfie. What. The. Fuck?""Not even an apology, you prick?" Saad ko bago ko ibinato sa pagmumukha niya ang panyo na ginamit kong pamunas sa mukha ko.Naging maagap naman sa pagsalo si Kieran sa panyo. "Hey! This is Claire's! Be careful with it!""It's fine. I don't want it anymore anyway," agaran namang sagot ni Claire, saka siya sumandal sa balikat ni Alastair."So, nakabuntis ka talaga?" Alastair asked.I laid my back on the backrest of the couch we are
Lexie's POV"Buntis ako, at kailangan mo akong panagutan."Matapos lumabas ang mga salitang iyon mula sa aking bibig ay nagkatitigan kaming dalawa ni Alfie. Pareho kaming walang imik at hindi gumagalaw.Ako ay dahil sa kaba, habang si Alfie naman ay marahil dahil sa gulat.Inaasahan ko naman na ang reaksyon niyang ito. Kahit ako naman. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, ay magugulat din ako at hindi ko rin malalaman ang gagawin kung bigla nalang may susulpot na babae sa bahay ko, at mag-anunsyong buntis siya at ako ang ama. Baka nga himatayin pa ako sa gulat.Kaya hinayaan kong i-proseso ni Alfie ang sinabi ko. At habang patuloy siya sa walang pag-imik, patuloy ko rin na hinanda ang sarili ko sa magiging reaksyon niya.Matapos ang gulat, malamang ay pagdududa na ang sunod niyang magiging reaksyon.At hindi nga ako nagkamali. Dahil matapos ang ilang minuto niyang tahimik na pagtitig sa akin, ay isang malakas na tawa ang lumabas sa kanyang bibig.Bahagya akong nagulat, ngunit kaagad ko r







