LOGINLexie's POV
"Buntis ako, at kailangan mo akong panagutan."
Matapos lumabas ang mga salitang iyon mula sa aking bibig ay nagkatitigan kaming dalawa ni Alfie. Pareho kaming walang imik at hindi gumagalaw.
Ako ay dahil sa kaba, habang si Alfie naman ay marahil dahil sa gulat.
Inaasahan ko naman na ang reaksyon niyang ito. Kahit ako naman. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, ay magugulat din ako at hindi ko rin malalaman ang gagawin kung bigla nalang may susulpot na babae sa bahay ko, at mag-anunsyong buntis siya at ako ang ama. Baka nga himatayin pa ako sa gulat.
Kaya hinayaan kong i-proseso ni Alfie ang sinabi ko. At habang patuloy siya sa walang pag-imik, patuloy ko rin na hinanda ang sarili ko sa magiging reaksyon niya.
Matapos ang gulat, malamang ay pagdududa na ang sunod niyang magiging reaksyon.
At hindi nga ako nagkamali. Dahil matapos ang ilang minuto niyang tahimik na pagtitig sa akin, ay isang malakas na tawa ang lumabas sa kanyang bibig.
Bahagya akong nagulat, ngunit kaagad ko rin na napakalma ang aking sarili. Inalis ko ang gulat sa aking mukha, at pinalitan ito ng seryosong eskpresyon.
Hinayaan kong tumawa si Alfie, hanggang sa siya na rin mismo ang nagsawa.
Huminga siya ng malalim at pinag-ekis niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. Mayroon pa ring ngisi sa kanyang mga labi.
"Nice joke, woman. Haven't had a laugh like that for months," aniya.
Ikinuyom ko ang aking mga kamao at tinitigan siya ng diretso sa mga mata.
Hindi ako nagsalita. Sa halip ay ipinakita ko sa kanya gamit ang aking mga mata kung gaano ako kaseryoso.
Matapos ang ilang minuto na pagtitig sa aking mga mata, unti-unting nawala ang ngisi sa mga labi ni Alfie at napalitan ito ng kaseryosohan.
Dahan-dahan na umupo si Alfie sa gilid ng kama. Tumiim ang kanyang mga bagang.
"You're serious."
Hindi ko sinagot ang sinabi niya. Sa halip ay kinuha ko mula sa aking shoulder bag ang limang piraso ng pregnancy kit at ibinato ang mga iyon sa kama, katabi lamang ni Alfie.
Kaagad na dumako ang mga mata ni Alfie sa limang positibong pregnancy kit. Nanlaki ang kanyang mga mata.
Mukhang ngayon ay seseryosohin na niya ako.
Ngayon ay ako naman ang nag-ekis ng aking mga braso. "Sapat na ba ang 'yan bilang katibayan na buntis ako?" Tanong ko sa kanya.
Hindi kaagad nakasagot si Alfie. Pinaglipat-lipat niya ang kanyang tingin mula sa akin at sa mga pregnancy kit. Kita ko sa kanyang mukha ang kaguluhan. Halata rin na hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari.
Ilang minuto muli ang lumipas bago niya nahanap muli ang kanyang boses. At ang tanging sinabi niya lamang ay, "There must be some mistake."
Huminga ako ng malalim.
"Limang pregnancy kit na 'yan. At lahat ay positibo. Ano pa bang klaseng pruweba ang kailangan mo para maniwala ka na buntis ako?"
"Let's get you checked to a hospital. Until a doctors confirms it, hindi ako maniniwala sa'yo."
Umigting ang aking mga panga. Kung kanina ay kaba ang nararamdaman ko, ngayon ay inis na.
Limang pregnancy kit na ang ipinakita ko, pero hindi pa rin sapat sa kanya? Ano pa bang pruweba ang gusto niya? Gusto ba niyang pumasok sa loob mismo ng tiyan ko para makita niyang may laman na sa loob? Iyon ba ang kailangan kong gawin para lang maniwala siya na buntis ako?
Pero dahil mataas ang pasensya ko at medyo mataas rin ang emotional intelligence ko, pinili kong maging kalmado, kahit pa kating-kati na ako na sigawan siya at idutdut sa pagmumukha niya ang mga kits.
"Fine. Kung iyan ang makakapagpaniwala sa'yo na buntis ako, edi sige. Magpacheck-up tayo. Kahit ngayon na! Ano? Tara? Ready na'ko!"
Pero bago ko pa man siya matalikuran upang mauna na akong lumabas ng kwarto niya ay bigla siyang tumayo at sumigaw.
"Wait!"
Binigyan ko siya ng naiinip ng tingin. "Ano na naman?"
Naging seryoso muli ang kanyang mukha.
"Kung buntis ka nga talaga, paano ako makakasiguro na ako talaga ang ama ng dinadala mo?"
Dito na naging matalim ang aking mga tingin.
Hindi man niya tahasan na sinabi o binanggit mismo ang mga salita ay alam ko na kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa akin. Maging ang kung paano siya tumitig sa akin ngayon ay sapat na upang maintindihan ko ang mga gusto niyang iparating—una, iniisip niya na gusto ko lang siya perahan, at pangalawa ay iniisip niyang hindi siya ang ama ng dinadala ko at ipinapaako ko lang sa kanya dahil may gusto akong makuha sa kanya.
Oo, gusto ko ng pera. Maraming pera. At handa akong gawin ang lahat para lang kumita, kahit ang makipagrelasyon sa matatanda o sa mga may asawa na. Pero sa pagkakataong ito, hindi iyon ang intensyon ko.
Lumaki ako ng walang mga magulang na naga-alaga sa akin, walang nagpoprotekta, at walang gumagabay. Kinailangan kong maging mature ng maaga upang hindi ako mai-ahon ko ang aking sarili mula sa kawalan na kinabibilangan ko. Kinailangan kong maghirap upang maitaguyod ko ang sarili ko, upang mabuhay ako.
Lahat ng masasama at hindi magagandang karanasan ko, hindi ko gustong maranasan ito ng magiging anak ko.
Magkakaroon siya ng mga magulang na magmamahal at magpoprotekta sa kanya. Hindi man kami ikasal o magsama ni Alfie, pero hindi pa rin lalaking mag-isa ang magiging anak ko. Isa pa, mayaman si Alfie, kung kaya't secured na rin ang buhay ng magiging anak namin. Hindi siya lalaking mahirap na kailangan pang kumapit sa iba't-ibang lalaki na tulad ko.
She will have a more than decent and comfortable life. At iyon ang pinakagusto kong makuha ngayon mula kay Alfie.
Ilang beses akong huminga ng malalim upang pahupain ang galit ko. Hindi ito tuluyang nawala, ngunit kahit papano ay nabawasan naman ito, sapat na upang masagot ko si Alfie nang hindi sumisigaw o sinasaktan siya.
"On my 7th to 8th week pregnancy, we can do a paternity test," sagot ko sa kanya, ang boses ko ay punong-puno ng katapangan at kasiguraduhan.
Tumungo ang mga mata niya sa aking manipis pang tiyan. "But you're too far from that. What am I going to do, then?"
"Bakit ako ang tinatanong mo? Kapag sinabi ko pang suportahan mo ako kahit hindi pa tayo nagpa-paternity test, gagawin mo?"
Naiinis ako, pero sa kabilang banda ay naiintindihan ko rin naman ang reaksyon niya. Kahit sino naman siguro ay magdadalawang-isip, lalo na at hindi naman niya ako kilala. Kaya naman pilit kong pinalawak at hinabaan pa lalo ang aking pasensya at pang-unawa.
Ilang segundo na nakatitig lamang siya sa akin bago niya nilipat ang kanyang tingin sa dingding sa tabi ko, at bumuntong-hininga. Nang bumalik na ulit ang tingin niya sa akin ay saka siya nagsalita muli.
"We wait for the confirmation of the pregnancy first, then we decide what to do after."
"Okay."
"Okay? That's all you're going to say?" Tila hindi siya makapaniwala na ganoon lang kadali ang sagot ko.
"Ano pa bang gusto mong marinig?" Tanong ko sa kanya pabalik. Pinag-ekis ko ang aking mga braso at tinitigan siya ng matiim. "Kung inaakala mo ay magda-drama ako, o magmamakaawa, puwes, nagkakamali ka. Oo, mahirap lang ako, pero ko ibababa ang dignidad ko."
"..."
"Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako. Babalik ako dito bukas ng alas-diyes para sa check-up. Ikaw na ang bahalang mamili kung saang ospital o sinong doktor ang gusto mong tumingin sa akin para naman ng sa ganoon, hindi ka magkaroon ng kahit katiting na ideya na mandadaya ako."
"Wait. I—"
"Bye, Mr. Richardson. See you tomorrow."
Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa ulit. Tinalikuran ko na siya at dire-diretso na akong lumakad patungo sa pintuan at lumabas ng kanyang kwarto at ng kanyang bahay habang nakataas-noo at matalas ang tingin.
Ngunit nang makapara at makasakay na ako ng taxi ay dito na nawala ang kumpiyansa at tapang na ipinapakita ko. Napalitan ito ng inis. Ang pasensya at pang-unawa na kanina ay pinahaba ko, ngayon ay naglaho na na parang bula.
Nang makarating na ako sa bahay ni Althea ay kaagad niya akong nilapitan at naga-alalang tinitigan ang mukha ko.
"Oh? Anong nangyari? Bakit parang binagsakan ka ng langit? Anong sinabi ng lalaki sa'yo? May ginawa ba siya sa'yo?"
Nahahapong umupo ako sa sofa at itinabi ko ang aking bag.
"Hindi niya ako maalala, at wala rin siyang naaalala sa nangyari sa amin nung gabing yun. Hindi din siya kumbinsidong buntis ako kaya gusto niyang magpa-check-up kami bukas para makasigurado siya. Gusto niya daw magmula sa isang doktor ang kumpirmasyon na buntis ako."
Tumabi sa akin si Althea at nagkibit-balikat. "Well, that's fair. Lasing siya, kaya kapani-paniwala na wala siyang maalala tungkol sa'yo. Pero sigurado akong alam niya na may naka-sex siya nu'ng gabing 'yun; hindi nga lang niya maalala ang saktong detalye at na ikaw yun. Naiintindihan ko rin na hindi siya maniniwala agad sa'yo na buntis ka kasi nga, hindi ka niya maalala, meaning hindi ka rin niya kilala. Magtataka siguro ako kung ang isang bilyonaryong katulad niya, na nagmamay-ari ng isa sa pinakamayaman at pinakamalaking kompanya dito sa Pilipinas ay kaagad na maniniwala sa'yo."
"At kung buntis nga daw talaga ako, paano daw siya makasisiguro na siya nga raw ang ama."
Tumango-tango si Althea na para bang kuhang-kuha niya ang dahilan ng pagdadalawang-isip ni Alfie.
"Hindi rin natin siya masisisi. Kasi nga, hindi ka niya maalala, ibig sabihin, wala rin siyang tiwala sa'yo. Estranghero ka sa paningin niya. At sinong tanga ba naman ang kaagad na maniniwala sa isang estranghero? Lalo na at napakayaman niya. Malamang, iniisip niya na isa ka sa mga taong gustong perahan lang siya."
Nakakunot ang aking noo na tinitigan siya. "Abogada ka ba niya? Kasi kung makapagtanggol ka, para bang sinuswelduhan ka niya."
Althea rolled her eyes. "Hindi ko na kailangan na maging abogado para magkaroon ng sense. At hindi niya na rin kailangang bayaran ako para maging in-touch ako sa reyalidad at maging resonable, Lexie." Kumunot na din ang kanyang noo. "Isa pa, hindi mo ba naisip na ganito talaga ang kahihinatnan ng plano mo? Hindi ka naman siguro umasa na tatanggapin ka nalang niya agad-agad nang walang tanong-tanong at hindi naninigurado?"
Bumuntong-hininga ako, at isinandal ko ang aking likod sa sandalan ng sofa. Ang aking tingin ay tinungo ko sa kisame.
"Hindi naman sa hindi ko inaasahan na mangyayari 'to. Alam ko naman na isang malaking himala na lamang kung maniwala siya agad. Pero..." Naiinis akong bumangon at pinag-ekis ko ang aking braso, ang akin namang mukha ay nakabusangot. "Pero nakakainis pa rin! Na para bang napakababa ko. Na para bang wala akong karapatan na tumuntong o maging kabilang sa mundong ginagalawan niya."
Tinitigan ako ng matiim ni Althea. "Sigurado kang ganoon ang tingin niya sa'yo? Baka naman sarili mo lang interpretasyon 'yan."
Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Bakit ba kinakampihan mo siya? Ako ang kaibigan mo, hindi ba? Ako dapat ang kinakampihan mo."
"Hoy, hoy, hoy! Anong kampihan? Wala akong kinakampihan. Naninigurado lang naman ako, lalo na at wala naman ako sitwasyon."
"So, ang ibig mong sabihin, hindi mo ako pinagkakatiwalaan?"
"Wala akong sinasabing ganyan, Lexie."
"Pero iyon ang ipinapahiwatig mo!"
"Galit ka ba?"
"Hindi!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtaas ng boses, na agad ko din namang pinagsisihan, lalo na ng makita ko ang gulat sa mukha ni Althea.
"Kung hindi ka galit, bakit mo ako pinagtataasan ng boses?"
Sasagot sana ako sa kanya at hihingi ng tawad, ngunit bago ko pa man maibuka ang aking bibig, itinaas na ni Althea ang isang palad niya upang patigilin ako, saka siya nagsalita.
"Wag mo ng sagutin. Naiintindihan ko na. Buntis ka, kaya mabilis kang maging emosyonal, pabago-bago din. Ako ang may kasalanan dito. Ako ang hindi nag-iisip bago magsalita."
Dumoble ang kunot sa aking noo.
Naririnig ba niya ang sarili niya? She sounds ridiculous, and sarcastic at the same time!
Pakiramdam ko pinagtitripan niya lang ako eh.
"So, anong sinabi mo sa kanya? Pumayag ka ba sa check-up?" Tanong niya bago ko pa man siya kwestyunin sa nauna niyang sinabi.
At dahil nagsimula na rin naman akong palampasin ang mga bagay-bagay, tinuloy-tuloy ko na. Hindi ko na pinalaki pa ang isyu sa huling sinabi ng matalik kong kaibigan. Sinagot ko na lamang ang bagong tanong niya.
"Wala naman akong choice. Limang pregnancy tests na nga ang ipinakita ko sa kanya, hindi pa rin naniwala. Isa pa, mas mabuti na rin na ganoon nang mawala na ang kahit katiting na pagdududa niya."
"Tungkol naman sa pagpapatunay kung siya talaga ang ama, paano mo naman mapapatunayan 'yun? Eh diba, ang pinakamabilis na paternity test ay sa dalawang buwan na ng pagbubuntis? So, ano? Maghihintay ka ng ilan pang linggo? Anong gagawin mo during that? Kasi sigurado ako, may mga irereseta na sa'yo. Eh anong ipambibili mo kung sakali?"
"Ewan. Bahala na si batman."
"Lexie—"
"Ayoko na munang problemahin 'yan. Please, gusto ko munang pagpahingahin ang utak ko."
Sa hindi ko na mabilang na ilang beses, bumuntong-hininga si Althea.
"Sige, sige. Hindi na kita guguluhin patungkol sa bagay na 'yan...ngayon. Basta kapag kailangan mo ng kausap, andito lang ako. Pakikinggan kita, at tatalakan din kita kung kinakailangan. Kilala mo ako, Lexie. Hindi ako ang tipo ng kaibigan na ito-tolerate ka."
"Wow. Sobrang nakakamotivate ka naman. Salamat ha," sarkastiko kong tugon.
"Walang anuman," sarkastiko din naman niyang sagot, na ikinailing ko na lamang. Hindi ko na rin siya sinagot.
Tumayo na si Althea. "Oh, siya. Maiwan na muna kita. Maggo-grocery lang ako."
Dali-dali akong umayos ng pag-upo at inabot ang aking bag upang kunin ang aking wallet.
"Sandali lang. May itinabi ko dito. Idagdag mo na."
"Wag na," kaagad na sagot ni Althea.
Itinaas ko ang aking tingin upang magtagpo ang aming mga mata. "Anong wag na? Hindi. Magbibigay ako."
Magmula nang bumalik ako sa trabaho ay palagi na akong may itinatabi upang i-ambag sa mga gastusin dito sa bahay ni Althea. Hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko upang makitira na nga ng hindi nagbabayad ng upa dahil ayaw tanggapin ni Althea, tapos hindi pa magbibigay ng pang-grocery.
"Wag na, Lexie. Itabi mo nalang 'yan para sa mga gagastusin mo sa pagbubuntis mo."
"Althea—"
"Kahit ano pa ang sabihin mo o gawin mo, hindi ko tatanggapin 'yan. Saka mo nalang ako bigyan kapag mas nakaluwag-luwag ka na; kapag sigurado na tayong tutulong ang lalaking 'yun diyan sa pagbubuntis mo. Sa ngayon, ipunin mo nalang muna iyang pera mo."
"Pero—"
"Wala ng pero-pero. Oh, sige na. Aalis na ako. Magpahinga ka nalang muna diyan, okay?"
Bago ko pa man siya masagot ay nilayasan na niya ako. Halatang ayaw na niyang makahirit pa ako at magpumilit na magbigay.
Napatingin na lamang ako sa pintong pinaglabasan ni Althea, at pagkatapos ay sa kisame.
Wala akong maraming kaibigan at wala na rin akong kapamilya. Tanging si Althea lang ang meron ako, at maswerte ko dahil nag-iisa man siya, napakabuti naman niyang tao at kaibigan sa akin.
Ipinapangako ko na kapag ako naman ang sinuwerte sa buhay, hinding-hindi ko siya makakalimutan.
Habang nakatingin pa rin sa kisame ay hinaplos ko ang manipis ko pa rin na tiyan.
"Sinuwerte ka na sa future ninang mo, anak. Sana swertehin ka din sa tatay mo. Sana kasingbait din siya ng ninang Althea mo. Sana talaga."
Lexie's POV"Buntis ako, at kailangan mo akong panagutan."Matapos lumabas ang mga salitang iyon mula sa aking bibig ay nagkatitigan kaming dalawa ni Alfie. Pareho kaming walang imik at hindi gumagalaw.Ako ay dahil sa kaba, habang si Alfie naman ay marahil dahil sa gulat.Inaasahan ko naman na ang reaksyon niyang ito. Kahit ako naman. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, ay magugulat din ako at hindi ko rin malalaman ang gagawin kung bigla nalang may susulpot na babae sa bahay ko, at mag-anunsyong buntis siya at ako ang ama. Baka nga himatayin pa ako sa gulat.Kaya hinayaan kong i-proseso ni Alfie ang sinabi ko. At habang patuloy siya sa walang pag-imik, patuloy ko rin na hinanda ang sarili ko sa magiging reaksyon niya.Matapos ang gulat, malamang ay pagdududa na ang sunod niyang magiging reaksyon.At hindi nga ako nagkamali. Dahil matapos ang ilang minuto niyang tahimik na pagtitig sa akin, ay isang malakas na tawa ang lumabas sa kanyang bibig.Bahagya akong nagulat, ngunit kaagad ko r
Lexie's POV"Oh, my God, Lexie! Ang pogi at ang yaman naman pala nitong nakabuntis sayo. Tingnan mo oh, may sariling kompanya. Jusko, di ka naman pala lugi dito!" eksaheradang komento ni Althea pagkatapos naming i-search sa internet ang buong pangalan ni Alfie gamit ang identification card na kinuha ko sa kanya.Sinabi ko na kay Althea ang lahat ng nangyari noong pumunta kami sa bar, maliban na lamang sa kung pano nabuo ang fetus sa sinapupunan ko ngayon. At ang gaga, tinanong pa talaga ako kung malaki ba ang pagkalalaki ni Alfie, at maganda daw pa ang performance. Parehong oo ang sagot ko sa mga tanong niya, ngunit mas pinili kong wag ng isatinig iyon at tinawanan na lamang siya.Nakataas ang isa kong kilay habang tinitingnan ko ang aking kaibigan na tila na-engkantong nakatitig lamang sa kanyang cellphone. Mukhang hindi pa rin siya makapaniwala na nakipagtalik ako sa ganito kayaman na lalaki.Maging ako ay hindi rin makapaniwala na napakayaman pala ng lalaking iyon. Well, I already
Nang makauwi na ako sa apartment ni Althea ay kaagad akong dumiretso sa kwartong pansamantala kong inuukupa.Kaagad akong humiga sa kama nang hindi man lang hinuhubad ang aking mga damit. I can't believe I gave my virginity to a stranger. Damn! How stupid of me para magpadala sa pagnanasa. Pero kung tutuusin, hindi na rin naman ako lugi. The guy is handsome at mukhang mayaman din. At least, sa isang gwapo at may malaking kargada ko isinuko ang aking pagkababae at hindi sa kung sinong Poncio Pilato. At hindi naman siguro ako mabubuntis kahit hindi kami gumamit ng proteksyon hindi ba? It's my first time. Hindi naman siguro magbubunga iyon. Tumayo na ako at paika-ikang lumakad papuntang banyo. I badly needed a bath. I smell sex. Fuck! My vagina hurts like hell! Bakit kanina nung ginagawa namin yon ay nawala naman kaagad ang sakit tapos ngayon na tapos na, saka babalik? Tsk! And fortunately ay maayos naman akong nakarating sa loob ng banyo. Hinubad ko lahat ng saplot sa aking katawan
"Sabi sayo eh. Marami tayong makikitang pwede nating perahan natin. Look oh! Ang daming boys at mukhang mayayaman pa. Naku! Tiba-tiba tayo nito!" Althea exclaimed. Di naman halatang excited sya ano?"Tss! Dapat nasa trabaho ako ngayon eh. Alam mo namang kailangan ko ngayon ng pera tapos sinama-sama mo pa ako dito." Naiinis kong sabi sa kanya. Pano ba naman kasi itong babaeng to, pinilit akong isama dito sa isang bar kung saan daw siya palaging naglalagi at kung saan daw marami siyang nakukuhang customer. Dapat ay nagtatrabaho ako ngayon pero dahil sa likas na makulit ang kaibiga ko, hindi talaga ako tinigilan hanggat hindi ako sumasama sa kanya kaya ayun, no choice ako kundi sumama. Nakita kong may lumapit na lalaki kay Althea at dahil nga sa isang likas din na malandi ang kaibigan ko, ayun sumama kaagad. Palibhasa kasi gwapo at mukhang mayaman ang lalaki kaya kaagad siyang sumama.Napailing ako ng makitang maharot nang sumasayaw ang aking kaibigan kasama ang lalaking lumapit sa kan
Lexie's POV"Sunugin ang lahat ng 'yan! Lahat ng gamit ng babaeng 'yon, sunugin!"Hanggang sa kabilang eskinita ay rinig na rinig ko ang pamilyar na boses ni Aling Sandra, ang landlady ng maliit na kwarto na inuupahan ko.Napahinga ako ng malalim.Kagagaling ko lamang sa bar kung saan ako nagtatrabaho bilang isang waitress. Buong magdamag akong nakatayo at nagseserve ng alak, kung kaya't wala akong ibang maisip at gustong gawin sa ngayon kung hindi ang magpahinga at matulog. Kailangan ko iyon upang makapagtrabaho ulit ako ng maayos mamayang gabi.Pero paano naman ako makakatulog ng mahimbing kung ganito ka-ingay ang landlady ko?Kung may mapagpipilian lang ako at kung may sapat na pera lang sana ako, noon pa sana ako lumipat sa mas matinong lugar. Pero wala eh. Ang sweldo ko ay kasya lamang para sa pang-araw-araw ko at sa mga utang na binabayaran ko. Kung may sobra naman, itinatabi ko na agad para kung sakaling may emergency, may magagamit ko.Gusto ko sanang maghanap ng iba pang traba







