Share

Chapter 10

Aleya's POV

Nasa loob ako ng isang disco bar at kasama ko si Deo. Dito kami madalas tumambay lalo na nang nag-aaral pa lamang kami sa kolehiyo. Tatlo kaming tumatambay rito noon. Ako, si Deo at Castor na noon ay boyfriend ko pa. Pero nang natuklasan ko na niloloko niya ako dahil kabi-kabila pala ang girlfriend nito ay hindi na kami madalas nagpupunta sa bar na ito. At pag nagpunta man ay dalawa na lamang kami ni Deo. Pero nang umalis ang kaibigan ko papuntang ibang bansa para sumali sa world training ng mga kapulisan ay hindi pa ako nagpupunta ulit dito.

"Mabuti at pinayagan ka ng alaga mo na umalis ngayon," malakas ang boses na kausap sa akin ni Deo habang nakaupo kami sa pangdalawahang upuan at umiinom ng beer. Kapag mag-uusap kami ay inilalapit namin ang aming mukha sa isa't isa para magkarinigan kami dahil malakas ang tugtog ng kumakantang live band sa stage.

"Wala siyang magagawa kung umalis ako dahil day off ko ngayon. Ang daddy niya ang nagbigay ng pahintulot sa akin na mag-day
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Margie Olfindo
unlock pls
goodnovel comment avatar
Neth Balboa
very interesting chapter
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status