Share

Chapter 27

Aleya's POV

Mula sa kinahihigaan kong kama ay napabangon ako nang makarinig ako ng magkakasunud-sunod na pagkatok sa labas ng pintuan ng aking silid. Mabilis akong bumangon sa kama para pagbuksan ang kumakatok ngunit bigla akong napahinto sa paglapit sa pintuan at napatitig na lamang doon. Naisip ko na baka si Enrique ang kumakatok. Magmula nang mangyari ang pagkukunwari nitong pagkalunod kahapon ng umaga ay hindi pa kami nagkakausap. Hindi dahil ayokong makipag-usap sa kanya kundi dahil sa siya mismo ang ayaw makipag-usap sa akin. Mukhang nasaktan talaga siya sa mga sinabi ko sa kanya kahapon. Baka nga dinibdib pa nito ang bagay na iyon.

Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago ipinagpatuloy ang paglapit sa pintuan. Eh, ano naman ngayon kung si Enrique nga ang kumakatok? Alangan namang hindi kami magpansinan gayong palagi kaming magkakasama dahil binabantayan ko ang kaligtasan niya. Nang buksan ko ang pintuan ay nakahinga ako ng maluwag nang makita kong si Aida pala ang ku
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Margie Olfindo
unlock pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status