Share

Chapter 8

Aleya's POV

Pagpasok ko sa loob ng silid ni Enrique ay nakita ko siyang nakasuot ng maikling short habang nakadapa sa ibabaw ng kama nito at nakapikit ang mga mata ngunit hindi naman ito mukhabg tulog at talagang nakapikit lamang ang mga mata. Mamasa-masa pa ang buhok nito. Mapaismid ako ng makita kong wala sa kuwarto nito si Shirley. Mukhang nabadtrip sa akin ang girlfriend nito kaya umuwi ng maaga.

"Anong kailangan mo sa akin, Mr. Villareal?" agad kong tanong sa kanya. Hindi na ako kumatok sa pintuan dahil nakabukas naman iyon na para bang sinadya talagang ibukas para hindi na ako kumatok.

"Multo ka ba at bigla-bigla ka na lamang dumarating ng walang kilatis?" nagulat na tanong ng binata na biglang napamulat ng mga mata.

Pinaikot ko paitaas ang aking mga mata bago ko siya sinagot. "Natural na hindi mo nakita at naramdaman ang pagpasok ko dahil nakapikit ka at natutulog."

"I'm not sleeping. Ang sabihin mo ay para kang magnanakaw na magaan ang mga paa. Hindi naman yata police ang tra
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status