เข้าสู่ระบบNangalit ang bagang ni Terence at naikuyom ang mga kamay. Kung makita niya lang muli ang lalaking iyon ay talagang dudurugin niya ang pagmumukha nito. "I'm sorry, hindi ko lubos akalain na maisip ni Cynthia gawin iyon sa iyo. Sorry rin dahil hindi kita napagtuunan ng husto ng pansin noon kaya hindi ko alam na may malaking problemang pinagdadaanan ka.""Kalimutan na natin ang nangyari noon dahil hindi na rin maibalik ang nasirang relasyon natin at—""Mahal pa rin kita."Natigilan si Charlene nang marinig ang sinabi ng binata. Hindi niya alam kung ano ang e react. Oo at ang salitang iyon ang hinihintay niyang marinig mula dito pero bakit parang may doubts siya? Sino ba naman kasi siya na mahalin ng binata mula noon hanggang ngayon? Naitanong niya sa sarili iyan mula nang matuklasan ang tunay na pagkatao ni Terence. Hindi kasi siya naniniwala sa mala Cinderella na love story."Hindi nagbago ang damdamin ko sa iyo kahit nagkalayo tayo kaya hindi ko magawang mahalin si Cynthia." Pagpatuloy
"Hindi niya kailangan ang pera mo at kaya ko siyang—" hindi natapos ni Terence ang iba pang nais sasabihin dahil tinakpan ni Charlene ang bibig niya."Kunin mo na iyang pera mo at umalis ka na dahil hindi ko kailangan ang perang galing sa hindi pinag hirapan." Makahulugang ani Charlene sa kapatid at saka lang tinulak ito paalis. Namula ang pisngi ni Dalia dahil sa pagkapahiya at galit. Nagpupuyos sa galit na humarap sa kapatid ang umangat ang kaliwang kamay upang sampalin ito. Ngunit bago pa lumapat ang palad sa pisngi ng kapatid at nasalo ng lalaki ang palad niya. "Huwag mong subukang ilapat iyang madumi mong kamay sa fiancee ko kunh ayaw mong baliin ko iyan!" Walang ingat na binitiwan ni Terence ang kamay ng kapatid ni Charlene pagkasabi niyon."Argh, fuck you, jerk!" Galit na bulyaw ni Dalia sa lalaki. "Wala kang galang sa nakakatandang kapatid ng babaeng tinatawag mong fiancee! "Mariing naipikit ni Charlene ang mga mata habang kuyom angmga kamao. Nakakahiya ang ugali ng kapatid
"Hindi niya kailangang mamili sa tanong mo dahil may ibang paraan upang pumanig sa kaniya ang batas at siya ang maging legal parent ng bata"Nabawasan ang pag alala ni Charlene nang makita si Terence na naglalakad na palapit sa kaniya. Pero hindi niya alam kung ano ang naisip nito upang sa kaniya mapunta ang legal na pangangalaga kay Jessy."At sino ka naman?" Mataray na tanong ni Dalia sa bagong dating na lalaki. "Binabalaan kita, huwag kang mangialam dito dahil usapang pamilya ito!"Gusto sanang magsalita ni Charlene upang sitahin ang kapatid ngunit inunahan na naman siya ni Terence. "Maging kapamilya na rin ako ni Charlene dahil malapit na ang kasal namin." Sagot ni Terence sa babae saka hinapit sa baywang ang dalaga. Bahagya niya ring pinisil ito kung saan nakalapat ang palad niya upang ipabatid sa dalaga na sang ayunan ang sinabi niya kung ayaw nitong mawala sa custody nito ang bata.Natigilan si Dalia saka mataman na pinagmasdan ang lalaking bagong dating. Hindi niya ito kilala
"Ayaw mo maniwala sa akin at bigyan ng chance na mahalin mo rin?" Matalim ang mga tinging ipiukol niya sa binata saka ngumisi. "Then mas nakabubuting masira pareho ang buhay namin ng babaing iyon at walang makinabang sa iyo, kahit isa man sa aming dalawa!"Mahigpit na hinawakan ni Terence sa braso ang dalaga at matalim ang mga titig na ipinukol dito. "Huwag ka nang mag aksaya dahil hindi ko hahayaang mangyari ang bagay na iyan!"Sa halip na maiyak dahil lumuluha ang puso at nasasaktan physical ay lalo lamang tumawa si Cynthia. "Sorry but its too late at hindi mo mapigilan ang mangyari sa buhay ng babaeng iyon!" Parang napapasong binitiwan ni Terence ang braso ng dalaga at kinabahan. Alam niyang hindi nagbibiro ang babae kaya kinabahan siya para sa kaligtasan nila Charlene.Mukhang walang naramdaman pero nakangisi lang si Cynthia habang pinapanood ang pagka taranta ni Terence sa pag tawag sa phone nito. Alam niyang tatawagan nito si Charlene. "Shit!" bulong ni Terence at walang sumas
"Cynthia, huwag mong ibahin ang paksa. Narito ako upang alamin ang totoo!" Malungkot na nakinig lang si Dory sa pag uusap ng dalawa. Ayaw niyang umalis upang bigyan ng privacy ang mga ito at baka kung ano ang gawin ni Terence sa anak niya and vice versa.Tumawa nang mapakla si Cynthia saka umayos sa pagkasandal sa headboard. "Bakit ba pinag aaksayahan mo ng oras ang babaing iyon? Huwag mong sabihing mahal mo pa siya sa kanila ng ginawa niya sa iyo noon?" Nang uuyam hiyang tanong dito."Alam mong walang nangyari sa kanilang dalawa noon."Sandaling natigilan si Cynthia at hindi inaasahang malaman ni Terence ang bagay na iyon. Pero imposibleng walang nangyari kay Charlene at sa lalaking binayaran niya dahil successful ang trabaho noon ng lalaki. Ilang sandali pa ay pinagtawanan niya si Terence. "Naniwala ka sa kaniya na virgin pa siya?" Natatawang tanong niya rito.Naikuyom ni Terence ang kanang kamay habang mataman na pinagmamasdan ang dalaga. "Hindi ako naniniwala nang walang ebedens
"Kapag lumabas na ako rito ay lalong hindi na ako kakausapin o dalawin ni Terence."Malungkot na pinagmasdan ni Dory ang anak at desperada na talaga ito upang makuha si Terence. Naaawa siya na ipa admit ito sa mental hospital tulad sa gustong mangyari ni Terence. Kaya nga gusto niyang ilabas na ngayon ang anak at dalhin na lang sa probinsya ngunit nagmamatigas naman ang anak."Anak, puwede bang makinig ka sa akin kahit ngayon lang?" Pakiusap niya sa dalaga."No! Ikaw ang makinig sa akin!" Angil ni Cynthia sa ina. "Ayaw kong umuwi at ito lang ang paraan upang patuloy na alalahanin ako ni Terence!""Cynthia!" Tumaas na ang timbre ng boses ni Dory at galit ang mga titig na ipinukol dito. "Gusto mo bang ma confine sa mental hospital?"Nanlaki ang mga mata ni Cynthia at nagulat sa tanong ng ina. Siya? E confine nito sa mental hospital?Ipaliwanag na sana ni Dory sa anak ang sitwasyon ngunit biglang bumukas ang pinto. Kinabahan siya sa halip na matuwa nang makita si Terence. Paanong hindi s
"Dati bang magkakilala sina Miss Charlene at Cynthia?" tanong ni Trisha sa anak habang mataman na pinagmamasdan ito.Nangunot ang noo ni Terence saka humarap sa ina. "Bakit mo po naitanong iyan, mom?""Just answer me." Pormal na sagot ni Trisha. Nang umiwas ng tingin ang anak ay mukhang tama ang hi
"Here, ayaw ko na mag ingay ka pa tungkol sa pag alis mo dito sa kompanya. Huwag ka na rin magpa farewell party at not allowed iyan dito!" Mataray na ani Cynthia saka pahagis na ibinalik ang folder kay Charlene. Mabilis na binuklat ni Charlene ang folder saka hinanap ang resignation letter. Nasa l
"Huwag kang mag alala, pagka pirma ng CEO ay inform agad kita. Alam mo naman siguro na may 15 days ka pang pasok bago ang effective ng resignation mo?" Tumango siya sa ginoo at naintindihan niya dahil nasa contracts iyon na pinirmahan niya noong nag a apply pa lang siya."Okay, makabalik ka na sa
Nahihiyang nagkamot ng batok si Charlene at pilit na ngumiti sa ginang. Hindi niya magawang salubungin ang nagtatanong na tingin ni Mr. Cruz. "Sayang ka kung mag resign ka dito, hija. Pero salamat ha, at consider mong tapusin muna itong akin kahit nakapag desisyon ka na." Pasalamat ng ginang kay C







