LOGIN"Tama, hindi sapat ang isahang ganti lang!" Kausap ni Faredah sa sarili habang masama ang tingin sa pinto. Hindi niya alam kung ilang taon na siyang niloloko ng binata. Hindi niya matanggap na ginawa siyang tanga. Sobrang naapakan ang pride niya at naisip ang pamilya. Ano na lang ang sasabihin ng mga ito kapag nalaman? Ang ayaw sa lahat ng kaniyang pamilya ay masaktan ang damdamin nila nang dahil sa panloloko.
Huminga siya nang malalim at patulog na naririnig ang palitan na ungol ng dalawa. Binuhay niya ang cellphone at sinimulan ang record ng video bago dahan dahang binuksan ang pinto. Nanaig ang galit sa puso niya kaysa sakit nang makita ang pagtataksil sa kaniya ni Denis. Ilang taon niya itong ipinaglaban sa pamilya niya pero ito ang napala niya? Ang mga hayop at nagkakabayuhan. Napangisi si Sophie nang makitang bumukas na ang pinto. Nanatili siyang nakadapa sa kama at ibabang parte lang ng katawan ang nakaangat. Nakikita niya sa isang sulok ng mga mata ang pinto pero ang paggalaw lang niyon ang malinaw niyang nakikita. Natatakoan kasi ng katawan ni Denis ang pinto at halos mabali leeg niya sa paglingon para makita iyon. Hinintay na lang niyang may sumugod sa kanila. "Argh!" Halos mangisay si Denis nang tuluyang sumabog ang init sa katawan sa loob ng pagkababae ng kaniig. Bigla ring nablangko ang isipan ni Sophie at pansamantalang nakalimutan ang susugod da kanila. Pagkahupa ng init sa katawan ay saka niya lang naalala si Faredah. Ngunit pagtingin niya sa pinto ay nakapinid na iyon. Nagtaka siya at walang Faredah na nanugod sa kanila. Sigurado siya kanina na may bumukas sa pinto. Pero bakit walang nanugod? "May problema ba?" tanong ni Denis sa dalaga nang mapansin na malalim ang iniisip nito. Napakurap si Sophie saka ngumiti sa binata. "Nothing, want more?" Bumangon si Denis, "matulot ka na at tatawagan ko lang si Faredah." Kumuha ng isang stick ng sigarilyo si Denis saka naglakad papuntang terrace na karugtong lang din ng silid nila. Inis na niyakap ni Sophie ang una at hindi manlang nakakalimutan ni Denis ang babaing iyon kahit isang gabi lang. .... Napabuntong hininga si Jaira nang maabutan ang pinsan na mag isang nainum. Malapit na siya sa bahay nila kanina nang tumawag ito at nagpapahanap ng lalaki. Mukhang may hindi magandang nangyarinsa pagitan ng nonyo nito at nagkakaganito ito. Mabuti at hindi na ito lumayo. Naroon lang din ito sa bar ng naturang hotel kung saan pinapunta ni Denis. "Hey!" Namumungay ang mga mata na kumaway si Faredah sa kaibigan nang makita ito. "Ano na naman ang problema mo?" tanong ni Jaira pagkaupo sa tabi ng pinsan. "Lalaki!" Pasinghal na sagot nito. Umikot ang mga mata Jaira, wala nang bago sa problema ng pinsan at iyon ay dahil kay Denis. "Nasaan na ang lalaking pinabibili ko sa iyo?" Pinandilatan niya ng mga mata si Jaira. "Ouch!" Reklamo ni Jaira at may kasamang hampas sa balikat niya ang tanong ng pinsan. "Ang daming nanliligaw sa iyo na lalaki, bakit kailangan mo pang bumili?" Napasinok si Faredag bago sumagot. "Dahil mga manloloko ang lalaki! Sa una lang sila matino! Gusto ko ang lalaking gagawin ang lahat ng gusto ko at ako lang amg trabaho niya!" Gustong maiyak ni Jaira habang nakikinig sa mga pinagsasabibng pinsan. Malala na talaga ito at kung ano na lang ang naisip. Hindi niya maiwan ito at baka kung sinong gigolo ang mahila nito. "Nasaan na?" Naiinip na tanong ni Faredah sa kaibigan bago uminum muli ng alak. "Sandali naman!" Pilit niyang binabawi ang damit na hila ng pinsan. Kinawayan niya ang staff na nakita at pinatawag ang manager sa naturang bar upang kinausap ng sarilinan. Napatingin ang manager sa babaing nakaupo sa mahabang sofa at halatang lasing na. VIP lounge ang kinaroonan nito kaya alam nilang hindi ordinaryong mamayan ang kaharap ngayon."Sa tingin mo ay hindi ako mapahamak dahil sa balak mong pagsumbong sa kanila?" Pagpatuloy na panunumbat ni Rizza. "Kaya huwag mo akong sumbatan na para bang gusto kitang ipahamak noon pa." Inirapan niya ito matapos sabihin ang nais isumbat sa ginang."Sorry, inaamin kong hindi ako nakapag isip ng tama kanina dahil natakot ako sa maari mong gawin. Ang nasa isip ko lang kanina ay mailigtas ang bubay ni Jaira."Muling nanlisik ang mga mata ni Rizza. "So ngayon ay ang babae na iyon ang gusto mong maasawa na ni Arthur kaya gusto mo siyang iligtas?" Angil niya rito."No... no, no!" May kasamang tanggi ni Dalia at may sama pang iling. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin.""Liar!" Bulyaw ni Rizza at saka kinuha ang panyo na nasa bulsa at siya na mismo ang naglagay niyon sa bibig ng ginang.Gustong iiwas ni Dalia ang bibig mula kay Rizza ngunit hindi magawa at hawak siya sa magkabilang braso ng dalawang lalaki. "Ayan, manahimik ka na at ayaw ko nang makarinig ng kasinungalingan mula sa binig m
"Ano ang nakakatawa?" Nairitang tanong ni Dalia kapagdaka. Mula sa mahinang tawa kasi ay unti unting lumakas at nang aasar pa ang mga titig sa kaniya ng dalaga.Ilang segundo pa ang lumipas bago tumigil sa pag tawa pero ang nang aasar naman ang tingin ni Rizza sa ginang. "Hahahanapin ka ng anak mo?" Nang uuyam na tanong niya sa ginang.Mariing naglapat ang mga labi ni Dalia at napahiya sa tanong ng dalaga. Nakaka pikon pero kailangan niyang lunukin muna ang sariling pride ngayon. Muling tumawa ng nakaka insulto si Rizza bago nagsalita muli. "Baka nakalimutan mong itinakwil ka na ng anak mo?" Nang iinis niyang tanong sa ginang."Ina niya pa rin ako at may iniwan akong sa guard na tiyak hahanapin niya ako bago mo pa ako pinadukot kanina!" Pananakot niya kay Rizza upang pakawalan na siya.Natigilan si Rizza at nabura ang ngiti sa labi. Hindi siya natuwa sa narinig. "Hinayaan ninyong makalapit pa siya sa guard at makipag usap?" Singhal niya sa tauhan."Sorry po, ma'am, pagkababa niya k
"Guard, pakisabi na importante ang kailangan ko at tungkol ito sa panganib sa buhay ng anak nilang si Jaira." Pakiusap ni Dalia sa guard na hawak pa rin ang radio at kausap ang guard sa loob ng villa."Sandali lang po, ma'am, kakausapin pa ang taong hinahanap ninyo."Tumango si Dalia sa guard at tumayo muna sa isang tabi dahil may papasok na sasakyan sa villa. Ngunit biglang may lalaking tumabi sa kaniya at halos panawan siya ng ulirat nang bumulong ito at may itinutok sa tagiliran niya."Misis, sumama ka nang mahinahon sa akin kung ayaw mong butasan ko ang tagiliran mo."Bumuka ang bibig ni Dalia pero bigla ring naitikom nang maramdaman ang dulo ng patalim na dumiin sa tahiliran niya. Kung hihingi man siya ng tulong tiyak na masaksak na siya bago pa siya matulungan ng guard."Lakad!" bulong muli ng lalaki.Nanginginig ang mga tuhod na humakbang si Dalia. Hindi niya alam kung ano ang kailangan ng lalaki sa kaniya. Dahil sa takot ay hindi na rin siya nakapag isip ng tama. Saka lamg si
"Pagkapasok ni Dalia sa sariling silid na inuukupa at mabilis niyang isinara ang pinto at ni lock. Natatakot na siyang makasama sa iisang silid si Rizza. Nagpalakad lakad siya mula s pinto at bintana then uupo sa kama saka maglalakad muli habang nag iisip. Nagtatalo ang isipan niya kung babalaan na niya ang anal upang protektahan nito si Jaira. Pero ang aalala naman siya sa kaligtasan ng anak at baka madamay. Hindi niya alam kung paano ang gawin ng tao ni Rizza upang ipatumba si Jaira. Kasalanan niya kung nakit nagkaganito ang lahat. Mukhang siya kasi ang nagtulak kay Rizza upang mahulog nang husto ang loob sa anak niya at nauwi sa obsession. Sa bandang huli ay nanaig ang kunsensya niya at tinawagan ang anak ngunit hindi na niya igo makuntak.Malungkot na ibinaba ni Dalia ang phone at block siya ng anak. Pero hindi dapat ang alalahanin niya ngayon. Nagmamadali niyang kinuha ang bag at lumabas ng silid. Nagpasya siyang puntahan na lang ang pamilya ni Jaira at ito ang kausapin upang pa
"Tayo na munang kumain at nakahain na sa lamesa ang pagkain." Tawag ni Tristan sa dalawa saka hinapit sa baywang ang asawa saka inalalayan patungo sa garden kung saan sila kakain ng almusal.Pagsapit ng tanghali ay dumating na ang ilan sa kaanak at doon nananghalian. Maging ang ama ni Arthur ay dumating. Ang iba ay sa hapon na dumating upang saksihan ang announcement ng engagement ng dalawa."Ang anak ninyo ba ay wala pang balak?" tanong ni Arriana sa ibang kapatid na naroon."Sino ba ang may anak dito na may edad na?" Pasaring ni Natasha at nakatingin sa Ate Trisha niya.Umirap si Trisha sa mga naroon nang sa kaniya na natuon ang tingin ng mga ito. "Lalaki iyang anak ko kaya ok lang kahit mag asawa na may edad na." Tukoy niya sa binatang anak na si Terence."Dapat nga mas mangamba ka dahil magdadala iyan ng pangalan ng asawa mo. Paano mo ma enjoy ang pagiging lola mo kung uugod ugod na kayo bago siya mag asawa?" tonong nanakot na ani Arriana. Napalabi si Trisha at kumapit sa braso
"Sigurado ka ba na ikaw lang mag isa?"Nangunot ang noo ni Rizza dahil sa tanong ng lalaki at mukhang balisa. "May nakikita ka bang kasama ko?" Nairita niyang tanong kalaunan. Nakabukas kasi pinto ng kotse niya at kitang walang ibang sakay iyon."Ibigay mo na sa akin ang pera upang makaalis na ako." Aroganting ani ng lalaki saka muling iginala ang tingin sa paligid.Napatingin na rin si Rizza sa paligid upang makita kung ano ang tinitingnan ng lalaki. Ngunit puro kakahuyan ang nasa paligid at hindi mataong lugar sila nito nagkikita. Hindi siya takot makipag kita sa kriminal kahit mag isa lang dahil mas kailangan ng lalaki ang pera.Bilisan mo na at mag doble ingat ka sa bawat kilos mo dahil kapag nahuli ka na siyang mastermind ng lahat ng ito ay madadawit ako." Pahablot na kinuha ng lalaki ang sobreng naglalaman ng pera. "Make sure na tama ito at sa bahay ko na bibilangin.""Kailan ba kita dinaya?' Nairita na ring ani Rizza sa lalaki. Hindi naman ito ganito kausap noon. Nang umalis ay







