Share

Chapter 114

Author: Yeiron Jee
last update Huling Na-update: 2025-09-04 17:44:26

Kumaway lang si Faredah sa ina saka pumasok na sa sasakyan. Hindi na siya nagpahatid sa driver nila. Pagkarating sa kompanya ay naglakad na siya patungong opisina ng kapatid. Ngunit pagkalabas niya ng elevator ay mukha ng babaing kinainisan ang nakita at kasama pa si Denis.

Nagulat si Sophie nang makita si Faredah at nakabihis pa pang opisina. "Ano ang ginagawa mo dito?" Mataray niyang tanong dito.

"Wala kang pake kahit saan ako magpunta." Inirapan niya si Sophie saka nilampasan ang mga ito ngunit mabilis siyang napigilan sa braso ni Denis.

"Hindi ito mall kaya umuwi ka na." Malamig na sita ni Denis sa dalaga. Kahit wala na sila nito ay hindi niya pa rin kayang pabayaan lalo na sa ganitong lugar.

Inis na iwinaksi niya ang kamay ng lalaki at sinamaan ito ng tingin. "Don’t touch me!"

"Faredah, magpasalamat ka at may concern pa sa iyo si Denis. Tulad ng sabi mo kagabi ay wala na kayo kaya sana ay huwag mo na siyang gulohin pa. Still under evaluation pa ang promotion niya kaya sana ay hu
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (23)
goodnovel comment avatar
Maria Sugilon
anong nangyari ayaw mag open
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Ms Jee sa update tlagang magugulat si Blake o Kaya si Faredah
goodnovel comment avatar
Hannah Jean Ignacio
update please
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Chapter 117

    Napakamot sa ulo si Josh at patakbo na ring humanap ng mabilhan. Mabuti na lang ay mayroon sa malapit dahil nasa commercial place siya."You should eat on time, anong oras na pero hindi ka pa nakakain ng almusal?"Natigil siya sa pagsinghot sa leeg ng binata nang marinig ang sermon nito. Mukhang hindi natuwa ito at alas dyes na ay wala pa siyang kain.Napabuntong hininga si Blake, kailangan na talaga niyang ayusin ang relasyon niya sa dalaga upang maikasal sila. Hindi maari ang ganito na hindi nasubaybayan ang ginagawa sa bahay. Alam niyang matigas ang ulo ng dalaga at hindi na rin ito ma control ng sariling pamilya."Ayaw ko ng pagkain sa bahay kaya hindi ako kumain bago umalis." Pag amin niya sa binata upang hindi na ito magalit.Hinalikan niya sa tuktok ng ulo ang dalaga at hindi na ito pinagalitan pa. Mabuti at pagkain lang ang pinagbabalingan nito ngayon. Sobra siyang kinabahan kanina sa maaring gawin nito dahil sa pagkatuklas sa pagkatao niya. Hindi rin nagtagal ay dumating si

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Chapter 116

    "Remember, he give up his position as CEO of Draco Company because of you!" pabulong na paalala ni Alexander sa kapatid.Parang may mainit na palad ang humaplos sa puso ni Faredah nang marinig ang sinabi ng kapatid. Kung ganoon ay ito ang trabahong pinagkakaabalahan ng baby damulag niya na pinagseselosan niya? Kita sa mukha ng binata ang labis na pagkabahala at mukhang takot na magalit siya. Lalo siyang naaawa dito sa halip na magalit dahil malaking kasinungalingan ang nakilala niyang pagkatao nito. Well, siya rin naman itinago ang tunay na pagkatao nito. Pero iba naman case niya at parang hindi big deal iyon kung bakit hindi nito alam."Maiwan ko na kayo at ikaw na ang bahala sa kapatid ko." Paalam ni Alexander at tinapik ng malakas sa balikat si Blake. Hindi pa tuluyang naisara ang pinto ay nagmamadali nang tumayo si Blake at nilapitan ang dalaga. Niyakap ito ng malakas habang bumubulong. "Sorry, hindi ko intension na ilihim ang pagkatao ko sa iyo. Nakilala lang din kita noong au

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Chapter 115

    "Kilala ko po ba siya, kuya?" tanong ni Faredah sa kapatid."I'm not sure pero alam mo ang pangalan niya."" Makahulugang turan ni Alexander. Napalabi si Faredah at nainis sa pambibitin ng kapatid. "Sino nga po siya?""Si Mr. Draco."Nakaramdam ng kilabot si Faredah nang marinig ang pangalan ng lalaki. Hindi sa natatakot siya sa pangalan nito, pero alam niya kasi na ang mukha ng huli. Nainis pa siya pagkaalala na nawalan ng trabaho sina Josh at Blake dahil dito. "Ano po ang ginagawa niya dito sa kompanya, kuya? Di ba kaaway po siya?""Silly, nakalimutan mo yatang ibinigay niya ng kusa sa akin ang contract?" Umangat ang isang sulok ng labi ni Alexander at naaaliw sa nakikitang reaction ng kapatid. Nababasa niya ang laman ng isipan nito.Napahakbang ng isa paurong si Faredah at natakot bigla sa naging pasya ng kapatid. Parang ibininta na yata siya nito sa lalaking iyon?"C'mon, narito lamang siya pansamantala. Wala rin nakakaalam sa tunay niyang pagkatao, ikaw lang at ako kaya dapat iti

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Chapter 114

    Kumaway lang si Faredah sa ina saka pumasok na sa sasakyan. Hindi na siya nagpahatid sa driver nila. Pagkarating sa kompanya ay naglakad na siya patungong opisina ng kapatid. Ngunit pagkalabas niya ng elevator ay mukha ng babaing kinainisan ang nakita at kasama pa si Denis.Nagulat si Sophie nang makita si Faredah at nakabihis pa pang opisina. "Ano ang ginagawa mo dito?" Mataray niyang tanong dito."Wala kang pake kahit saan ako magpunta." Inirapan niya si Sophie saka nilampasan ang mga ito ngunit mabilis siyang napigilan sa braso ni Denis."Hindi ito mall kaya umuwi ka na." Malamig na sita ni Denis sa dalaga. Kahit wala na sila nito ay hindi niya pa rin kayang pabayaan lalo na sa ganitong lugar.Inis na iwinaksi niya ang kamay ng lalaki at sinamaan ito ng tingin. "Don’t touch me!""Faredah, magpasalamat ka at may concern pa sa iyo si Denis. Tulad ng sabi mo kagabi ay wala na kayo kaya sana ay huwag mo na siyang gulohin pa. Still under evaluation pa ang promotion niya kaya sana ay hu

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Chapter 113

    "Sir, ok lang po ba si Ms. Faredah?" tanong agad ni Josh sa amo nang tawagan siya nito. "Nasaan ang taong nagbabantay kay Faredah?" galit na tanong ni Blake dito."Sir, hinihintay niya po ang tawag ninyo at hindi ka makontak mula pa kaninang umaga."Natampal ni Blake ang noo at siya ang may kasalanan kung bakit hindu bakapat report dito ang taong nagbabantay kay Faredah. Si Josh naman kasi ay wala at nasa ibang lugar ngayon dahil may pinagagawa siya. "Alright, kumusta ang pinatatrabaho ko sa iyo diyan?""Confirm na po sir at dala ko na po bukas ang ebedensya." Sagot ni Josh mula sa kabilang linya."Good, mag ingat ka diyan at baka makatunog ang kaaway." Bilin niya kay Josh bago ibinaba ang tawag. Matapos tawagan si Josh ay Alexander naman ang tinawagan niya. "May problema ba ang kapatid ko?" tanong ni Alexander sa lalaki pagkasagot sa tawag nito."Nothing, nag tantrum lang dahil hindi ko nagawang tawagan mula kagabi."Tumaas ang mga kilay ni Alexander. "So sinasabi mo bang dahil sa

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Chapter 112

    Inis na pinunasan ni Faredah ang bibig matapos mailabas ang kinain. Hindi niya alam kung bakit nagsusuka siya. Naiinis siya dahil ang asim ng sikmura niya."Baby, what's wrong?" Do you need help?" Nag aalang tanong ni Blake mula sa labas ng restroom. "I feel terrible !" Naiiyak niyang sigaw sa binata at dito ibinunton ang galit na nadarama.Hindi na nagdalawang isip si Blake at agad na pumasok sa restroom upang tingnan ang dalaga. Nang makita itong nakayuko sa harap ng sink at mabilis niyang niyak. "Baby, what's wrong?"Naiiyak na nanguyapit siya sa batok ng binata. "I don't know, pero ang pait ng panlasa ko dahil sa pagsusuka." Naiiyak niyang sumbong sa binata.Mabilis niyang binuhat ang dalaga at inilabas. "Dadalhin kita sa hospital.""No!" Mabilis niyang protesta sa nais gawin ng binata. "Gusto ko nang umuwi at matulog.""Pero baka napaano ka." Nag aalala pa ring aniya lalo na medyo namumutla ang dalaga."No, I'm ok. Please, gusto ko nang umuwi." Pakiusap niya sa binata. Huminga

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status