Visitors
Jeselle's POV
Mabuti na lang at may dalang puto itong si Manang at nakakain ako. Hindi ko talaga alam kung ano na ang mangyayari sa akin 'pag natuluyan na ako. Mabuti na lang at nagkalaman na ang sikmura ko at medyo bumalik na ako sa katinuan. Ano ba ang mga ginagawa ko kanina? Hindi ko matandaan.
Naglalakad nga kami ngayon sa isang daanan. Sementado na ang part na ito pero mga dalawang metro lang siguro ang nilapad nito. Nababalot na rin ito ng lumot kaya hula ko matagal na 'tong ginawa.
Madilim na nga at medyo lumalamig na rin ang dampi ng hangin. Naamoy ko na rin ang malakas na amoy ng usok na siguro'y nagmumula sa mga taong nagsisiga. Isang amoy na biglang nagpaalala sa akin ng m
SurprisedNasa mesa na kaming lahat dahil nandito na ang lahat ng pagkain at preparado na."Bago tayo magsimula nais ko sanang pangunahan mo kami hijo sa pagdadasal at nang makapagpasalamat tayo sa Diyos sa biyayang narito sa ating harapan,"wika ni Manang nang nakatingin kay Alex at saka umupo nang matapos siyang makapaghugas ng kamay sa lababo. Agad akong napatingin kay Alex at na-curious kung kaya ba niya? Ewan ko na lang kung ako, baka mapatawa ako sa kalagitnaan ng dasal."Ah, sige po,"agad na sagot ni Alex. Really, magdadasal siya? Kung itutuloy niya ito, ito 'yung unang beses na maririnig ko siyang magdadasal. Sa mga oras na kasama ko siya, ni minsan hindi ko siya nakita o narinig man lang na nagdasal. Muk
OverreactionJeselle's POVWhat the f*ck?! Ano ang nangyayari?! Bakit bigla na lang akong nasuka?Napatingin na lang ako kay Alex na nakatingin lang din ng diretso sa akin. Sa mga nakikita ko sa teleserye, kapag ganito ang nangyayari maaring... Sh*t, no way. Hindi maaring mangyari 'to!"Uh, umupo ka na muna hija,"pinaupo nga ako ni Manang at hinagod ang aking likod."Ah, lalabas na po muna ako, pakakainin ko lang ang mga alaga kong isda,"wika ni Daniel at lumabas nga siya nang nagmamadali. Bakit naman kaya?In
Joyful MorningThird person's POVMakikita naman sina Johnson at Smith na nakamotorsiklo. Hinahanap nila sina Alex at Jeselle at labis-labis na silang nag-aaalala para sa kanila. Hindi na sila natulog pa at hinanap na nila agad sina Alex at Jeselle mula pa kahapon."Hindi ko talaga mapapatawad ang aking sarili kung may mangyari kay Alex. Naturingan pa naman akong bodyguard niya, tapos ito pa ang nangyari, tsk,"wika ni Johnson at habang nagda-drive ay napapailing rin siya kung sakaling makita nila ang dalawa."Hay, nasaan na kaya ang makulit nating boss na 'yun. Hula ko'y nag-aaalala na ro'n sa bahay si Ma'am Emma. Sa palagay ko'y hindi rin iyon masyadong nakatul
Here At lastNaglalakad na nga kami ngayon sa isang daan na nasa gitna ng magkabilaang bakuran ng mga bahay na nandito. Sa magkabilang gilid ko'y puro bahay at ang daang ito ang nagsisilbi nilang labasan, malamang papunta ito ng plaza kung saan nagba-basketball si Daniel.Puro kahoy o kawayan ang nakikita kong gawa sa bakuran ang nandito at mailan-ilan lang ang semento talaga. Parang walang nagbago. Natatandaan ko noon, parang ganitung-ganito lang din ang itsura nito simula nung umalis kami rito.Tama nga, parang natatandaan ko nga ang lugar na ito. Para bang may nagfa-flash na picture sa utak ko na pilit na ipinapaalala sa akin ang lugar na 'to. 'Yung feeling, parehung-pareho lang din. Iba talaga rito sa probinsiya, halos 'di man lang nagbabago ang lahat."I can't wait to meet that man your Lola said Daniel. I hope he's the one were looking for. Kating-kati na ako at gusto ko
SoundPagkatapos noon ay pumasok na nga kami ni Alex at agad niyang pinuntahan ang kaniyang Mama. Ako naman ay agad kong pinuntahan sina kuys Aeron at Gino. Nasa magkaibang k'warto sila kaya naman naghiwalay rin kami ni Alex.Malamang naligo na rin siya dahil bukambibig niya 'yun kanina pa. Naligo na nga rin ako dahil ayaw ko nang patagalin pa 'to 'no. Ewan ko na lang talaga, baka ibang klaseng amoy na 'yung nasa ilalim 'pag 'di ko pa 'yan nahugasan. Hay salamat, naging presko na 'ko.Sighs.Para akong nabuhay ulit at nakapag-recharge dahil sa gaan ng pakiramdam na nararamdaman ko. At saka, ang bangu-bango ko na.Kung may pagkakataon ulit, ayaw k
ChoiceThird person's POVMakikita naman si Mr. Hernandez na nasa isang sulok ng opisina niya na kinakausap ang dalawang katrabaho niya sa kompanya. The 30-year old na lalaking ito ay suot ang kaniyang kulay maroon na suit na bumabagay sa kaparehong kulay na pants. Nakaupo siya sa harap ng kaniyang desk habang ang dalawa niya namang kausap ay nakatayo sa harap niya. Sa seryoso ng kanilang mga mukha ngayon, mukhang napakabigat ng kanilang pinag-uusapan."It's monday, at maghahariharian na naman dito sa kompanya ang Marcell na iyon. It's been a day or two nang hindi na pumapasok sa kompanya si Mr. Lopez and no one knows where he is.Pinuntahan ko na rin ang bahay nila kahapon pero na-confirm ko nga na
Back on TrackKinaumagahan, ang lahat ay naghahanda na para sa pag-alis namin papuntang resort. Buong gabi ay hindi kami nagkakibuan ni Marian at ayaw ko rin namang pangunahan siya. Alam kong hindi healthy sa pagkakaibigan namin ang nangyayari ngayon pero wala rin naman akong magawa. Hindi naman siguro sa nagpapataasan kami ng pride kung sino ang unang kakausap, sadyang mahirap lang talagang simulan.Ito na 'yung pinakamahabang tampuhan namin ni Marian, talagang pinalipas pa talaga namin hanggang umaga, na dapat ay hindi namin ginawa at pinag-usapan na lang.Nakaiinis, wala akong magawa ngayon kundi ang umupo rito sa sofa sa sala habang tinitingnan siya sa dining table na kumakain kasama si Marcus at sina kuya Steve at Johnson na kararating lang. Talagang inabot pa sil
ChatsNilibot nga namin ni Alex ang buong resort at ang kahabaan ng puting-puting beach. Nakapaa lang kami pareho at sabay kaming naglalakad ngayon ng diretso lang."Heto na naman tayo. Hindi talaga mawawala sa buhay nating pareho ang isang sitwas'yon na kung saan ay tayo lang ang magkasama. Siguro magandang pagkakataon na rin 'to para magkausap tayo ng maayos Jeselle. Hindi ko inisip na aabot ang lahat sa ganitong kalagayan. Akala ko noon ay hanggang secretary lang talaga kita,"wika niya. Patuloy niya pa ring hinahawakan ang aking kamay ng mahigpit at ako naman ay pinapabayaan lang ito at gumanti rin ako ng hawak sa kaniya. Mas hinigpitan ko rin ang aking pagkakahawak at hindi na inintindi ang lahat."Ako rin naman Alex. I never imagined