MasukChapter 02
Pagsakay ko sa kotse, agad kong isinara ang pinto at tumitig sa harap. Ang luha ko'y hindi pa rin mapigilan, pero pilit kong nilalabanan ang panginginig ng aking katawan. Tama na. Hanggang dito na lang talaga. Dinukot ko ang phone mula sa aking sling bag, halos nanginginig pa ang kamay ko habang ini-scroll ang contact list ko. Nang makita ko ang pangalan ng matalik kong kaibigan na si Lara, isang abogada, agad ko siyang tinawagan. Ilang saglit pa bago niya sinagot ang tawag, at nang marinig ko ang boses niya, para bang biglang bumagsak lahat ng bigat na kanina ko pa pinipigilang dalhin. "Hello, Misha? Bakit parang umiiyak ka?" tanong niya, halatang nag-aalala. "Lara," mahina kong sambit, pero puno ng poot at sakit. "Kailangan kita. Kailangan kong maghain ng divorce. Ayoko na. Hindi ko na kaya." "Hay naku, buti at natauhan kana, Misha. Kung gusto mo maghain pa tayo ng kaso para sa kabit ng asawa mo pati yang gago mong asawa!" inis na sabi ni Lara sa kabilang linya. Napakagat ako sa labi, pilit pinipigil ang panibagong pagpatak ng luha. Parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko sa narinig. Oo nga, may kabit ang asawa ko. At ilang beses ko nang piniling manahimik, umasang magbabago siya. Pero wala na. Wala nang natirang dahilan para ipaglaban pa ang isang relasyon na ako lang ang kumakapit. "Hindi ko na kaya, Lara…" mahina kong tugon, nanginginig pa rin ang boses ko. "Hindi ko na kayang magbulag-bulagan. Ang sakit, sobra." "Hindi mo na kailangang tiisin, Misha," madiin niyang sagot. "Gagawin natin ito ng maayos. May laban ka, at hindi natin palalampasin ang ginawa niya." Huminga ako nang malalim, pilit tinatanggal ang bigat sa dibdib ko. "Pwede ba kitang puntahan ngayon?" "Oo naman! Dito ka na matulog sa condo ko. Hindi kita hahayaang mag-isa sa ganyang kalagayan," sagot niya agad, puno ng pag-aalala. Napapikit ako, pinupunasan ang mga luhang patuloy na umaagos. Kahit papaano, may isang tao pa rin akong masasandalan. "Sige, Lara… Papunta na ako." At sa unang pagkakataon, naramdaman kong may liwanag pang naghihintay sa kabila ng sakit na dinadala ko. Agad kong pinausad ang aking sasakyan patungo sa kanyang condo. Buti na lang at wala itong hiring kaya may malabasan ako ng sakit sa aking puso. Habang binabaybay ko ang daan, hindi ko mapigilan ang pagbalik ng alaala—mga pangako niyang napako, mga matatamis na salitang ngayon ay wala nang halaga. Naramdaman kong muli ang hapdi sa aking dibdib, pero pinilit kong ituon ang pansin sa kalsada. Hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa condo ni Lara. Basta isang iglap, nasa harap na ako ng kanyang unit, nanginginig ang kamay habang pinipindot ang doorbell. Ilang segundo lang, bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang matalik kong kaibigan. "Misha!" agad niya akong niyakap nang mahigpit. "Ang sakit-sakit ba?" Hindi na ako nakasagot. Tuluyan na akong bumigay sa kanyang bisig, humagulgol na parang batang hindi na kayang tiisin ang lahat. "Ssshh, tahan na... Hindi ka nag-iisa. Nandito ako," bulong niya habang hinahagod ang likod ko. Sa bisig ni Lara, kahit papaano, ramdam kong may isang taong handang dumamay sa akin. Pero sa kabila ng lahat, may bumubulong sa isip ko—kaya ko pa bang magmahal muli, o tuluyan nang naging abo ang puso kong minsang nag-alab sa maling tao? "Salamat, Lara," hikbing sabi mo sa aking matalik na kaibigan. "Alam mo, may legal tayong magagawa para makulong yang gagong asawa mo af yang malanding kabit niya," wika niya sabay pahid nito sa aking mga luha. "Wag mong iyakan ang taong walang kwenta, Misha!" dagdag niyang sabi. Napakagat ako sa labi at tumango, kahit pa ramdam ko pa rin ang bigat sa puso ko. Alam kong tama si Lara. Hindi siya kailanman nagkulang sa pagpapaalala na hindi ko dapat hayaan ang sarili kong masaktan nang ganito. "Pero, Lara…" mahina kong bulong, pilit na inaaninag ang mukha niya sa kabila ng luha sa aking mga mata. "Mahal ko pa rin siya… at ang sakit-sakit dahil hindi niya man lang ako pinili." Napalakas ang buntong-hininga niya bago niya hinawakan ang kamay ko nang mahigpit. "Misha, minsan ang pagmamahal hindi sapat para manatili. Hindi pwedeng ikaw lang ang lumalaban, ikaw lang ang nasasaktan. Huwag mong hayaan na masira ka ng taong hindi marunong magpahalaga sa’yo." Napayuko ako, iniisip ang lahat ng sinabi niya. Totoo naman. Pero paano ko sisimulang buuin ulit ang sarili ko kung pakiramdam ko, durog na durog na ako? "Mahalaga ka, Misha," dagdag ni Lara. "At sisiguraduhin kong makukuha mo ang hustisyang nararapat sa'yo." Napalunok ako at tumingin sa kanya. Para bang sa unang pagkakataon, may kaunting liwanag akong nakikita sa gitna ng dilim. "Ano'ng dapat kong gawin?" Isang matamis ngunit matapang na ngiti ang bumakas sa kanyang labi. "Unang hakbang? Maghain tayo ng demanda. Hindi lang divorce, pero pati kasong maaaring ipataw sa kanila. Hindi na ito tungkol lang sa sakit, Misha. Tungkol ito sa pagbangon mo." "Divorce lang ang ihain natin, Lara!" wika ko. "Pagkatapos ay aalis ako kasama ang batang nasa sinapupunan ko ngayon," dagdag kong sabi. Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ko. Hindi nito akalaing sa wakas ay nagdadalang-tao na ako. “Misha…” Napasinghap si Lara, halatang gulat na gulat. “Buntis ka?” Dahan-dahan akong tumango, pilit na pinipigilan ang panibagong buhos ng luha. “Oo, Lara… at hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas lalo pang masasaktan.” Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko, parang hindi pa rin makapaniwala. “Misha, bakit hindi mo agad sinabi? Alam ba niya?” Umiling ako, mahina at puno ng hinanakit. “Hindi, at wala na akong balak pang ipaalam sa kanya. Wala siyang karapatang malaman. Kung hindi niya ako kayang piliin noon, wala siyang karapatang piliin ang anak ko ngayon.” Hinaplos ni Lara ang likod ng kamay ko, kita sa kanyang mga mata ang pag-aalala. “Sigurado ka ba? Misha, may karapatan ang anak mo sa kanya.” “Mahalaga lang sa kanya ang sarili niya at ang babaeng yun,” mapait kong sagot. “Ayokong ipagkait ang isang ama sa anak ko, pero paano kung maging katulad lang siya ng ama niya? Paano kung lumaki lang siyang masasaktan din?”Chapter 31Hindi ko akalaing hanggang ngayon, gano’n pa rin si Geg—mapanlinlang, mapagkunwari, at walang puso. Pero ngayong ako na ang nakatayo sa sarili kong paa, hindi ko na hahayaang ulitin niya ang ginawa niyang panlilinlang.Para sa anak ko.Para sa sarili kong dignidad.At para sa babaeng matagal niyang minamaliit.“Hindi na ako ‘yung Misha na inaapak-apakan, niloko, at pinagmukhang tanga,” mariin kong bulong habang nakatingin sa salamin ng opisina.“Lalabanan kita, Mr. Geg Montero.”Napakapit ako sa gilid ng mesa, pinipigilan ang panginginig ng kamay.Ang galit, pinipigil ko. Ang sakit, tinatago ko.Pero ang apoy sa dibdib ko—iyon ang magpapatuloy sa laban.Napangiti ako, mapait.Ang alaala ng nakaraan ay bumalik sa akin na parang matalim na patalim na bumabaon sa sugat na hindi pa rin tuluyang naghihilom.Flashback.Bitbit ko noon ang isang maliit na paper bag na may laman na baby booties.Excited ako.Nanginginig ang kamay ko sa kaba at tuwa.Plano kong sorpresahin siya—si Ge
Chapter 30 Maya-maya, pumasok si Michael, head ng production. “Ma’am, may problema po sa supplier ng satin fabric. Biglang nagtaas ng presyo at may delay sa delivery. Kung hindi natin maayos, maaantala ang launching.” Napahinga ako nang malalim. Unang araw pa lang, may sabotahe na. “Call them,” utos ko. “At sabihin mong kung hindi nila kaya ang terms, marami pa akong supplier na mas propesyonal.” Nagkatinginan ang staff. Hindi sila sanay sa ganitong klaseng boss—kalma pero matalim. Pag-alis ni Michael, lumingon ako sa bintana. Sa labas, tanaw ko ang billboard ng dating kumpanyang kinasangkutan ni Geg—ang Montero Designs. Kakatapos lang nilang maglabas ng bagong ad campaign. At kung pagbabasehan ang tema… halos kopyang-kopya ng konsepto ng ELSA Collection—mula sa kulay, sa linya, hanggang sa emosyon ng larawan. Parang ninakaw pati kaluluwa ng ideya ko. Napakuyom ako ng kamao. “Ganyan pala ang gusto mong laro, Geg?” mahina kong sambit. “Fine. Pero sa laro mong ‘yan
Chapter 29KinabukasanMaaga pa lang, gising na ako. Ngayon ang araw na matagal kong hinintay—ang unang araw ng operasyon ng M COMPANY.Habang nakaharap ako sa salamin, pinagmamasdan ko ang repleksyon ng babaeng ilang taon ding tinakbuhan ang sarili, ngunit ngayo’y nakatayo nang matatag. Wala na ang dating Misha na kinakain ng takot at luha. Ang nakikita ko ngayon ay isang ina, isang babae, at isang pinunong handang lumaban.Suot ko ang itim na blazer na sinadyang ipaayos ni Khanna para sa akin. “Power color,” sabi niya. “Para maramdaman nilang hindi ka basta-basta.”Tama siya. Hindi na ako basta-basta.Paglabas ko ng bahay, sinalubong ako ng malamig na hangin ng umaga. Sa bawat hakbang papunta sa kotse, ramdam ko ang tibok ng puso ko—hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa pananabik.“Mommy!” sigaw ni Lily mula sa pintuan. Nakasalampak pa siya sa pajama, hawak ang maliit niyang bag ng crayons.Lumapit ako, yumuko, at hinalikan siya sa noo. “Be good kay Tita Khanna, ha? I’ll be back befor
Chapter 28 Madaling araw na nang magising ako. Tahimik ang paligid, tanging mahinang hilik ni Lily ang musika sa loob ng aming tahanan. Tumingin ako sa kanya—mahimbing pa rin siyang natutulog, mahigpit na yakap ang paborito niyang stuffed toy. Pinilit kong bumangon kahit mabigat pa rin ang dibdib ko. Diretso ako sa balcony, dala ang isang baso ng tubig. Doon, muling bumalik sa isip ko ang mga mata ni Geg kanina. Hindi ko iyon matanggal—ang paraan ng pagkakatitig niya, puno ng paghahangad, parang gusto niyang bawiin lahat ng pagkukulang. Pero huli na. “Hindi na ako babalik sa dati,” mahinang bulong ko habang nakatingin sa mga ilaw ng lungsod. Alam kong hindi siya titigil. Nakita ko sa anyo niya ang determinasyon. At iyon ang kinatatakot ko—hindi ko kayang hayaang guluhin niya ang mundong binuo ko para kay Lily. Pagbalik ko sa loob, napansin kong gumalaw si Lily sa sofa. Dumilat siya ng bahagya at napabulong ng, “Mommy…” Agad akong lumapit at hinaplos ang pisngi niya. “Shh, go ba
Chapter 27 Misha POV Hindi ko akalaing haharapin ko ulit ang multo ng nakaraan ko. Si Geg. Sa unang tingin pa lang, bumalik lahat. Ang gabi ng pagtataksil. Ang sakit ng pagkawala. Ang katahimikan na pilit kong niyakap para lang makalayo sa kanya. Pero ngayong nasa harap ko siya, hindi na ako ang dating Misha na marupok, na umaasa, na naniniwala sa mga salitang walang laman. Ako na ngayon ang ina. At ang responsibilidad ko, hindi lang ang puso ko—kundi ang batang hawak ko. Kaya nang marinig kong tinawag niya akong “Misha, can I talk to you?”… Napakabigat. Para bang hinihila ako ng isang bahagi ng sarili kong matagal ko nang iniwan. Pero pinili kong ngumiti ng malamig. Pinili kong tawagin siyang Mr. Montero. Estranghero. Dahil iyon naman talaga siya. Nanginginig ang loob ko pero hindi ko pinakita. Hindi niya kailangang makita kung gaano ako nadudurog sa bawat tingin niya kay Lily. Oo, Lily—ang anak ko. Ang anak naming dalawa. Pero kailanman, hindi niya ako piniling manatili nan
Chapter 26Geg POVHindi ako makapaniwalang makikita ko ulit si Misha.Hindi ito tulad ng dati—hindi siya ‘yung babaeng umaasa, hindi siya ‘yung Misha na kilala ko noon. Ngayon, habang nakatitig ako sa kanya mula sa kabilang dulo ng reception area, parang may ibang babae akong kaharap—matapang, matuwid ang tindig, at walang bakas ng kahapon sa kanyang mga mata.Pero kilala ko pa rin siya.At sa likod ng mapanatag niyang ngiti, ramdam kong may bagyong paparating."Siya ba 'yun?" tanong ng babaeng nasa tabi ko—si Alaine. Siya ang babaeng kasama ko noon sa opisina, ang dahilan kung bakit sinira ko ang lahat kay Misha. Hindi ko siya sinagot. Hindi ko kayang banggitin ang pangalan ni Misha sa harap ng babaeng naging dahilan ng pagkawasak ng lahat.Ang totoo… hindi ko inakala na babalik pa siya. Hindi ko rin inasahan na makita ko siya sa ganitong ayos—mas maganda, mas matatag, at may bitbit na batang babae. Bata na kamukha ko.Napakuyom ang kamao ko.Hindi niya alam na araw-araw kong inalal







