Share

Chapter 09

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-02-08 20:28:59

Chapter 09

Habang nakaupo ako sa aking upuan, narinig ko ang boses ng flight attendant na nagbibigay ng instructions tungkol sa safety measures ng flight.

“Ladies and gentlemen, welcome aboard. Please fasten your seatbelts, ensure your seats are in an upright position, and your tray tables are securely locked…”

Habang nakikinig ako, tinignan ko si Lander sa tabi ko. Tahimik lang siyang nakatingin sa kanyang phone, tila may tinitingnang mahalagang impormasyon. Hindi ko na siya inabala—alam kong ginagawa lang niya ang trabaho niya.

Habang nagpapatuloy ang announcement, dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata at hinayaang dumaloy ang bawat emosyon sa loob ko. Ito na ang huling pagkakataon na makikita ko ang lugar kung saan ako nagdusa. Sa loob ng ilang oras, magiging ibang mundo na ang gagalawan ko.

Pagkatapos ng instructions, naglakad ang mga flight attendants para i-check ang bawat pasahero. Nang makalapit sila sa amin, tinulungan ako ni Lander na ayusin ang seatbelt ko.

“Relax ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 31

    Chapter 31Hindi ko akalaing hanggang ngayon, gano’n pa rin si Geg—mapanlinlang, mapagkunwari, at walang puso. Pero ngayong ako na ang nakatayo sa sarili kong paa, hindi ko na hahayaang ulitin niya ang ginawa niyang panlilinlang.Para sa anak ko.Para sa sarili kong dignidad.At para sa babaeng matagal niyang minamaliit.“Hindi na ako ‘yung Misha na inaapak-apakan, niloko, at pinagmukhang tanga,” mariin kong bulong habang nakatingin sa salamin ng opisina.“Lalabanan kita, Mr. Geg Montero.”Napakapit ako sa gilid ng mesa, pinipigilan ang panginginig ng kamay.Ang galit, pinipigil ko. Ang sakit, tinatago ko.Pero ang apoy sa dibdib ko—iyon ang magpapatuloy sa laban.Napangiti ako, mapait.Ang alaala ng nakaraan ay bumalik sa akin na parang matalim na patalim na bumabaon sa sugat na hindi pa rin tuluyang naghihilom.Flashback.Bitbit ko noon ang isang maliit na paper bag na may laman na baby booties.Excited ako.Nanginginig ang kamay ko sa kaba at tuwa.Plano kong sorpresahin siya—si Ge

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 30

    Chapter 30 Maya-maya, pumasok si Michael, head ng production. “Ma’am, may problema po sa supplier ng satin fabric. Biglang nagtaas ng presyo at may delay sa delivery. Kung hindi natin maayos, maaantala ang launching.” Napahinga ako nang malalim. Unang araw pa lang, may sabotahe na. “Call them,” utos ko. “At sabihin mong kung hindi nila kaya ang terms, marami pa akong supplier na mas propesyonal.” Nagkatinginan ang staff. Hindi sila sanay sa ganitong klaseng boss—kalma pero matalim. Pag-alis ni Michael, lumingon ako sa bintana. Sa labas, tanaw ko ang billboard ng dating kumpanyang kinasangkutan ni Geg—ang Montero Designs. Kakatapos lang nilang maglabas ng bagong ad campaign. At kung pagbabasehan ang tema… halos kopyang-kopya ng konsepto ng ELSA Collection—mula sa kulay, sa linya, hanggang sa emosyon ng larawan. Parang ninakaw pati kaluluwa ng ideya ko. Napakuyom ako ng kamao. “Ganyan pala ang gusto mong laro, Geg?” mahina kong sambit. “Fine. Pero sa laro mong ‘yan

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 29

    Chapter 29KinabukasanMaaga pa lang, gising na ako. Ngayon ang araw na matagal kong hinintay—ang unang araw ng operasyon ng M COMPANY.Habang nakaharap ako sa salamin, pinagmamasdan ko ang repleksyon ng babaeng ilang taon ding tinakbuhan ang sarili, ngunit ngayo’y nakatayo nang matatag. Wala na ang dating Misha na kinakain ng takot at luha. Ang nakikita ko ngayon ay isang ina, isang babae, at isang pinunong handang lumaban.Suot ko ang itim na blazer na sinadyang ipaayos ni Khanna para sa akin. “Power color,” sabi niya. “Para maramdaman nilang hindi ka basta-basta.”Tama siya. Hindi na ako basta-basta.Paglabas ko ng bahay, sinalubong ako ng malamig na hangin ng umaga. Sa bawat hakbang papunta sa kotse, ramdam ko ang tibok ng puso ko—hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa pananabik.“Mommy!” sigaw ni Lily mula sa pintuan. Nakasalampak pa siya sa pajama, hawak ang maliit niyang bag ng crayons.Lumapit ako, yumuko, at hinalikan siya sa noo. “Be good kay Tita Khanna, ha? I’ll be back befor

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 28

    Chapter 28 Madaling araw na nang magising ako. Tahimik ang paligid, tanging mahinang hilik ni Lily ang musika sa loob ng aming tahanan. Tumingin ako sa kanya—mahimbing pa rin siyang natutulog, mahigpit na yakap ang paborito niyang stuffed toy. Pinilit kong bumangon kahit mabigat pa rin ang dibdib ko. Diretso ako sa balcony, dala ang isang baso ng tubig. Doon, muling bumalik sa isip ko ang mga mata ni Geg kanina. Hindi ko iyon matanggal—ang paraan ng pagkakatitig niya, puno ng paghahangad, parang gusto niyang bawiin lahat ng pagkukulang. Pero huli na. “Hindi na ako babalik sa dati,” mahinang bulong ko habang nakatingin sa mga ilaw ng lungsod. Alam kong hindi siya titigil. Nakita ko sa anyo niya ang determinasyon. At iyon ang kinatatakot ko—hindi ko kayang hayaang guluhin niya ang mundong binuo ko para kay Lily. Pagbalik ko sa loob, napansin kong gumalaw si Lily sa sofa. Dumilat siya ng bahagya at napabulong ng, “Mommy…” Agad akong lumapit at hinaplos ang pisngi niya. “Shh, go ba

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 27

    Chapter 27 Misha POV Hindi ko akalaing haharapin ko ulit ang multo ng nakaraan ko. Si Geg. Sa unang tingin pa lang, bumalik lahat. Ang gabi ng pagtataksil. Ang sakit ng pagkawala. Ang katahimikan na pilit kong niyakap para lang makalayo sa kanya. Pero ngayong nasa harap ko siya, hindi na ako ang dating Misha na marupok, na umaasa, na naniniwala sa mga salitang walang laman. Ako na ngayon ang ina. At ang responsibilidad ko, hindi lang ang puso ko—kundi ang batang hawak ko. Kaya nang marinig kong tinawag niya akong “Misha, can I talk to you?”… Napakabigat. Para bang hinihila ako ng isang bahagi ng sarili kong matagal ko nang iniwan. Pero pinili kong ngumiti ng malamig. Pinili kong tawagin siyang Mr. Montero. Estranghero. Dahil iyon naman talaga siya. Nanginginig ang loob ko pero hindi ko pinakita. Hindi niya kailangang makita kung gaano ako nadudurog sa bawat tingin niya kay Lily. Oo, Lily—ang anak ko. Ang anak naming dalawa. Pero kailanman, hindi niya ako piniling manatili nan

  • THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE   Chapter 26

    Chapter 26Geg POVHindi ako makapaniwalang makikita ko ulit si Misha.Hindi ito tulad ng dati—hindi siya ‘yung babaeng umaasa, hindi siya ‘yung Misha na kilala ko noon. Ngayon, habang nakatitig ako sa kanya mula sa kabilang dulo ng reception area, parang may ibang babae akong kaharap—matapang, matuwid ang tindig, at walang bakas ng kahapon sa kanyang mga mata.Pero kilala ko pa rin siya.At sa likod ng mapanatag niyang ngiti, ramdam kong may bagyong paparating."Siya ba 'yun?" tanong ng babaeng nasa tabi ko—si Alaine. Siya ang babaeng kasama ko noon sa opisina, ang dahilan kung bakit sinira ko ang lahat kay Misha. Hindi ko siya sinagot. Hindi ko kayang banggitin ang pangalan ni Misha sa harap ng babaeng naging dahilan ng pagkawasak ng lahat.Ang totoo… hindi ko inakala na babalik pa siya. Hindi ko rin inasahan na makita ko siya sa ganitong ayos—mas maganda, mas matatag, at may bitbit na batang babae. Bata na kamukha ko.Napakuyom ang kamao ko.Hindi niya alam na araw-araw kong inalal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status