Share

Chapter 125:

Author: KYOCHIEE
last update Last Updated: 2025-09-07 16:24:31

Tumayo si Riel sa tabi ko. Awtomatik na pumulupot ang braso nya sa aking baywang nang harapin nya ang dalawang pareho na rin nakatayo.

Nagulat pa ako nang ngitian ako ni Penny. Lumapit sya sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Nice seeing you again, Alina."

Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko pero naramdaman ko ang kaunting sinseridad sa boses nya.

Sa gulat ay hindi ko na nagawang makasagot sa kanya.

David, on the other hand, shook hands with Riel before stepping back. Nang nasa pintuan na sila ay nagkatinginan na naman kami ng hayop. Saglit lang talaga iyon, pero katulad ng mga nauna kanina, alam ko ang ibig nitong sabihin.

Ang tatlong araw nyang palugid.

And then, just as quickly, he smirked.

I looked away. Mas inalala ko pa ang magiging reaksyon ni Riel. Mabuti na lang at mukhang wala naman syang napansin.

Sabay kaming pumanhik sa kwarto. Ang kabigatan ng nangyari kanina ay dala-dala ko pa rin. Kahit na noong nasa loob na kami ng kwarto.

Nauna na akong maglakad papunta s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S JOBLESS WIFE   Chapter 131:

    Binalik ko sa aking bag ang cellphone pagkatapos. I exhaled sharply. Tama na muna sa kilig. May klase pa ako, at may kahaharapin pang kontrabida pagkatapos. Pagsapit ng gabi, sisiguraduhin kong wala na akong magiging problema. Hindi ako uuwi sa mansyon na hindi natatapos ang tungkol kay David. Dumiretso ako sa aking room. Naupo sa pwesto at mariin na nakinig kay professor. Sa una lang iyon. Dahil nang tumagal ay lumipad na ang utak ko pabalik sa naging eksena namin ni Riel. Lalo na sa sinabi nyang magpapakasal kami ulit. Mukha na akong nasisiraan ng bait dito kakangiti sa upuan. Mabuti na lang at hindi masyadong nagagawi ang mata ng professor sa akin. Malaya akong magpantasya. Kasalanan 'to ng mokong na 'yun. Kung hindi sya nagbitaw ng ganoong salita, e, 'di sana hindi ako nagkakaganito. Kung bakit ba naman kasi!"Let's start."Napabalik ako sa katinuan nang marinig ang boses ni Dr. Ramirez sa harap. Sa kalutangan ko, hindi ko namalayan na nagpapa-oral recitation na pala sya. Kun

  • THE BILLIONAIRE'S JOBLESS WIFE   Chapter 130:

    Narinig ko ang munti nyang pagtawa kaya sinamaan ko sya ng tingin. "You love it." mas lalong lumawak ang pagkakangiti nya.Hindi ko na napigilang matawa. Umiling iling ako, pilit tinatago ang namumuong kilig. At dahil sya si Riel, alam kong pansin na pansin nya kahit ang pinakatinatago kong emosyon. He did notice, of course, kaya nga parang kumikislap na ang mata nyang nakatingin sa akin."See you later," aniya makalipas ang ilang minuto. Mukha akong tanga dito na nakatitig lang sa likuran nyang papalayo. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Maaga pa kaya wala pa masyadong tao. Kung meron man, tuloy lang sila sa paglalakad papasok sa gate, hindi inaalintana ang presensya naming dalawa.Ang ulap ay kalmado rin. Mahalimuyak ang simoy ng hangin. Pakiramdam ko, ito na ang tamang pagkakataon."Riel!" tawag ko sa kanya bago pa sya lubusang makapasok sa kanyang kotse.Natigil sya sa pagbukas ng pintuan ng kotse. Tiningnan nya ako. Sumilay na naman ang ngisi sa kanyang labi, tila inaasahan

  • THE BILLIONAIRE'S JOBLESS WIFE   Chapter 129:

    Ang bigat na dala-dala ng dibdib ko ay parang nawala sa isang iglap nang humigpit ang yakap sa akin ni Riel.His quiet comfort, the warmth of his touch. Wala man syang sinasabi ngunit sapat na ang binibigay nyang presensya sa akin para ipadama na hindi ako nag-iisa.Na hindi ko kailangan harapin lahat na mag-isa. Not anymore.Sa gabing iyon, hindi nya ako tinanong. Ni hindi humingi ng katiting na paliwanag. "Just trust me, baby." sabi nya sa akin. "Everything will be fine."Hindi ako masyadong nakatulog pagkatapos. My thoughts tangled with memories, regrets, and the decision I knew I had to make.Hindi ko pwedeng takasan na lang lahat. Ayaw ko ng may tinatago sa kanya. Lalo na ngayon kung kailan ramdam na ramdam ko ang suporta nya sa akin, na walang hinihinging kapalit. Sa gabing din 'yun, napagdesisyunan kong tapusin na ang problema sa lalong madaling panahon. Ngayon na ang tamang panahon para makawala sa mapait na nakaraan, na hindi ko naman kailanman ginusto.I will go to Lancast

  • THE BILLIONAIRE'S JOBLESS WIFE   Chapter 128:

    Nakatitig lang ako sa kanya, kahit na noong tumahimik na sya at tapos ng kumain. Nakaalinsunod lang ang mata ko sa mga galaw nya. Nagsimula na rin syang magligpit sa mga pinagkainan namin.Sa pagkakataong ito, hindi ko na naiwasang magbigay ng katanungan kay Lord. What did I do in my past life to end up here, with a husband like him?Hindi nya ako pinapabayaan. Sya 'yung tipo ng asawa na paulit-ulit kong hihilingin sa buong buhay ko. Maging sa mga susunod ko pang buhay. Sa sobrang swerte ko sa kanya, at sa tuwa habang nakatitig sa kanya, parang pinipiga ang puso ko sa paulit-ulit na pagkakataon. Natatakot ako.Natatakot ako kapag naiisip ko na balang araw ay mawawala ang lahat ng meron kami ngayon. Ang mga simpleng ganito namin. Natatakot ako na balang araw, mag-isa na lang ako at nakatanaw sa kanya sa malayo. A question gnawed at the back of my mind.What would he do if he ever found out about my video?Would he be like those three? Mama, Scar, and Celine. The one who would be wil

  • THE BILLIONAIRE'S JOBLESS WIFE   Chapter 127:

    Nakatitig lang sya sa akin. Mukhang pinoproseso pa ang sinabi ko. Sa wakas ay tuluyan ng kumalma ang katawan nya. "Tears of joy?"I nodded.Dahan-dahan syang napangiti. Sinakop ng mga kamay nya ang magkabila kong pisngi, saka ako hinalikan sa noo. "Good," bulong nya. Pinatong nya ang baba sa tuktok ng aking ulo. "Because that's the only kind of tears I want from you, baby."Napapikit ako sa ganda ng mga sinabi nya. Muli ko syang niyakap, pero this time, mas mahigpit at mas lalong diniin ang pagkakasubsob ng aking mukha sa kanyang leeg. For the first time that day, I felt at peace.Masaya namin pinagsaluhan ang cake. Each bite melted in my mouth, but it wasn't the sweetness of the dessert that made this moment special, it was the thought behind it.Binalingan ko ulit siya, na ngayon ay humiwa na naman ng panibago sa cake. Napangiwi ako nang ilagay nya ulit sa walang laman kong plato. Kauubos ko lang ng dalawang slice, ito na naman sya. "Baka magka-diabetes ako nito," reklamo ko na

  • THE BILLIONAIRE'S JOBLESS WIFE   Chapter 126:

    "Happy birthday, baby..."Bigla syang kumanta na talagang nagpagulat sa buong katawan ko."Happy birthday, baby..."Palapit sya nang palapit sa akin. Hanggang sa lumuhod na sya sa harap ko, at inalay ang cake na may sindi na ng kandila."Happy birthday, happy birthday... Happy birthday, baby..."Nakaluhod lang sya. May ngiti na abot hanggang tainga. Ang kaninang medyo magulo nyang buhok bago lumabas ay nasa ayos na ito. Halatang nagpapogi pa kahit sobrang pogi naman nya sa paningin ko, dati pa. Kung sa ibang pagkakataon, baka tinawanan ko na sya dahil sa pagiging corny na naman nya. Ngayon, hindi ko magawa.Bagkus, mas lalo akong napatakip sa bibig, hindi dahil sa gulat. Kung hindi dahil sa bagong emosyon sa puso ko na pumalit sa kaninang bagsak na nararamdaman. Mas lalong nanikip ang dibdib ko, pero sa pagkakataong ito, alam ko na sa ibang dahilan na ang dulot nito. Today is November 19.It's my birthday.With everything that had happened, I had completely forgotten.Marahan akong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status