Nagising ako sa maiingay na ugong ng mga sasakyan mula sa labas ng bintana. Bagong araw, bagong paalala na naman na hinding-hindi titigil ang takbo ng oras dahil lang sa may malaking problema ang isang tulad ko.
"Champagne pa more!" inis kong bulong sa sarili. Ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko ay para itong binibiyak ng paulit-ulit. Minukbang ko ba naman ang champagne kagabi? Kaya ito, ninanamnam ang sariling kagagahan. Mabuti na lang talaga at to the rescue ang isang Celine. She was the one who drove me back to the apartment. Dapat lang! She was the one who invited me to that party, which I still don't get why I even went to in the first place. Babaetang 'yon! Bumangon ako at naupo sa gilid ng aking kama. Marahan na hinilot ang sentido, saka sinipat ang katutunog pa lang na alarm-clock sa tabi. "9:300 AM pa lang. Great. Panibagong araw na naman para harapin ang 'di matapos-tapos na problema ng isang dalaga na tulad ko," halos walang pag-asa kong usap sa sarili. Isang linggo na ang nakalipas no'ng naubos ko ang sweldong nakuha ko pa sa huling raket ko ngayong taon. Suma-sideline kasi ako as makeup artist kapag malapit na ang graduation day ng mga public school. Eh, ngayon ay summer. Walang nagpapa-makeup kaya ito ako ngayon at pasan ang buong mundo. Mga nagsisiksikang bayarin sa kuryente, tubig, at renta. Lagi na lang talaga ako sinusubok ng mundo, tinutulak hanggang makita ang katotohanang hindi ko talaga kayang panindigan ang pagiging pretty independent lady. Every time I thought I could breathe, something new came up. Katulad na lang ng abiso mula sa Landlord, si Aling Julia. Nagbabanta na naman na palalayasin ako kapag hindi pa ako nakapagbayad ng renta ngayon. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na malagay ako sa ganitong sitwasyon. This time, hindi ko lang talaga alam paano lutasan, kasi sa totoo lang, thirty pesos lang talaga meron ako ngayon. A licensed teacher, but hadn't been able to find a job that could pay enough to get me out of this rut. Ilang beses ng sumubok pero wala, e. Malas talaga. Desperada na talaga ako makahanap ng trabaho. Ako kasi 'yong klase ng tao na mamamatay muna ako bago mangutang sa ibang tao para lang may maibayad sa isa ko pang utang. I had always been independent, prided myself on not relying on anyone. But now? I didn't know how much longer I could keep pretending like everything was fine. Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Kailangan kong mahimasmasan. Kalat na kalat na nga ang buhay ko, pati ba naman ang mukha, gano'n dapat? Ay, 'di puwede 'yan! Pumwesto ako sa lababo at naghilamos. Nagmumog na rin at uminom ng tubig. Naghanap ako ng biogesic pero ubos na pala ang stock ko. Tumayo na lang ako sa gilid ng lababo at nakita ang cellphone na umilaw. "Huwag mong sabihin na another bill na naman 'yan?!" inis kong bulyaw sa hangin. Dinampot ko ito at tiningnan. Kumunot ang noo ko nang makitang isa itong email galing sa isang kompanya. Dear Alina, We are pleased to inform you that you have been shortlisted for an interview at Alcantara Group. We would like to schedule a meeting at your earliest convenience. Best regards, HR Team, Alcantara Enterprises Nakatitig lang ako sa email, pilit inaalala kong kailan ba ako nagpasa ng application form sa kanila. Alcantara? Wait... "Riel Alcantara?!" hindi ko na naiwasang mapasigaw sa gulat nang maalala sya. Paano ko nga ba makakalimutan ang isang tulad niya kung kagabi ko lang siya nakita? Hindi lang 'yon, dahil nagkatitigan kami! Tipong kung titigan ako, e, para bang ninakawan ko siya ng first-love. Bukod doon, e, parang paulit-ulit din niya akong j-in-udge sa kaniyang utak. Hindi kaya konektado 'yon sa email na ito? Binasa ko ulit at inintindi ng isa pang beses. Hindi naman mukhang scam ang dating, at lalong hindi rin mukhang joke. Pero sigurado talaga ako na hindi ako nag-apply sa kanila. Puwede ko bang 'wag na lang 'to pansinin? Pero what if totoo nga? Interview lang naman at walang mawawala sa akin. Oo meron, 'yong natitira kong trenta pesos, pero paano kung ito na nga ang hinihintay kong break? Bago pa magbago ang isip ko ay mabilis na akong nakapagtipa ng reply sa kanila, agreeing to meet them as soon as possible. Malay natin, baka ito na nga ang hinihintay kong himala. Pagkapindot ko ng send ay muli na naman naglakbay ang utak ko sa party kagabi. People were laughing, chatting, and flashing expensive smiles, while I was sitting there, holding a glass of wine I wasn't even sure how to drink. Hanggang sa dumapo ang mata ko sa kanya. Riel Alcantara. Kilala ko na siya noon pa man dahil lagi na lang siya laman ng balita at kung paano sya pinangangalandakan ng media sa pagiging bilyonaryo at CEO nya. Kagabi ko lang siya nakita sa personal, and I must say that he wasn't just attractive, he was the kind of man who made an entire room seem like it was holding its breath. The feeling was so intense, so jarring, that for a moment when our eyes locked. I almost felt guilty, like I'd somehow stolen his attention by accident. Mabilis lang din siya nag-iwas ng tingin pero 'yong effect no'n ay tumagal sa akin. Napakurap ako at pilit inalis ang pag-iisip. Wala lang 'yon! Baka nag-overthink at umandar na naman ang pagiging main character ko kagabi kaya feeling ko ay sa akin talaga siya nakatingin. Malay mo, sa likod ko pala. Pero what if ako nga talaga? "Ay, hindi! Imposible," iling ko. Kumpara naman sa mga bisita doon na sobrang gaganda. Sino ba ako para makuha pa ang atensyon ng isang Riel Alcantara? Kagagahan. "Imposible talaga." Tumayo ako at nag-inat. Nang mahimasmasan na ako ay kinuha ko na lang ang towel at dumiretso na sa banyo. Bahala na talaga. Kapag ito, bokya pa rin? Final na talagang uuwi na talaga ako kay Mama. Pumanig ka sana, Lord!Gusto ko siyang pahintuin at sabihing hindi pa ako handa o 'di kaya ay humingi ng kaunting palugit kahit isang araw lang, kaso huli na. Nasa tapat na kami ng pintuan. Talagang wala nang atrasan. "This is my room..." aniya at humarap sa akin. Ewan ko kung imahinasyon ko lang iyon pero parang may saglit na dumaan na nakakaasar na ngisi sa labi niya. Pinihit niya ang door knob at binuksan ito. "My office room, rather..."Para akong nanlumo sa tinatayuan at gusto na lang magpalamon sa lupa nang masilip ang loob. Office room nga!More like corporate office. My eyes widened in surprise nang mapagtantong ito ang ibig niyang sabihin na room kanina. Oh my God, Alina! Ano ba'ng pumasok sa utak mo para maisip na sa kuwarto nga niya kayo mag-uusap? At naisip mo pa talagang may mangyayari sa inyo, ha?!"Wait," I said, suddenly feeling like I had been fooled. "This is your room?"He just looked at me, a sly smile tugging at the corner of his lips. "Yes, and this is where we'll talk."I couldn
Isang simpleng kulay itim na t-shirt lang naman ang pang-itaas niya. Hapit na hapit ito sa malapad niyang balikat, at isang dark-gray na sweatpants. Sobrang simple lang pero kung paano niya ito dalhin ay parang siya na ang naging model nito sa isang sikat na magazine. Feeling ko naman okay lang ang suot kong Doraemon na pajama sa dinner na ito. Nang malapit na si Riel ay tumayo ako bilang pagbati kahit hindi ako sigurado kung iyon ba ang tamang gawin. Sinuklian naman niya ako ng simpleng tango at naupo na sa harap ko.Ang kaniyang presensya ay naging sapat para umalingawngaw ang katahimikan sa paligid kahit na tahimik naman talaga mula kanina. "Good evening, Alina," he casually greeted, his voice smooth, like it always was.Bago ko pa siya mabati pabalik ay mabilis nang nagsipagkilos ang mga tao niya. Nilagyan ng kung anu-anong 'di ko maintindihan na mga bagay ang harap namin. Basta mga pagkain na hindi pamilyar sa akin pero mukhang masasarap.The way his staff members move, placin
I opened my mouth to speak, but no words came out. Instead, I asked myself if I was really okay. Kung tama ba ang naging desisyon kong ito.Gusto kong sabihin sa kaniya lahat. Gusto kong sabihin na 'yong anak niya ay nagipit kaya kumapit sa patalim. Gusto kong sabihin kung gaano kahirap mamuhay sa syudad na walang trabaho, pero hindi ko kaya. "Ayos lang ho ako, 'Ma. Si Scar? Kamusta naman po siya? 'Yong pag-aaral niya?" "Ewan ko ba sa batang iyon, natuto nang magbarkada," natatawa niyang sambit. Ganiyan na talaga siya sa aming magkapatid. Kung 'yong ibang nanay ay halos kamuhian na ang anak kapag pasaway at matigas ang ulo, si Mama hindi. Lagi lang talaga siya kalmado at mapagpasensya. Iyan ang ugali niya na hindi namin namana ng kapatid ko.Hands down talaga ako sa pagpapalaki niya sa amin ni Scar. Ni hindi niya ipinakita na nahihirapan siya kahit mag-isa lang niya kami pinalaki. Sa buong buhay ko, isang beses ko lang siya nakitang umiyak at iyon ay noong g-um-raduate ako sa colle
The rest of the ride was silent, and I spent the time lost in my thoughts, trying to come to terms with the fact that my life had completely changed in just a few hours.Makaraan ang ilang minuto ay tumigil ang sasakyan sa harap ng isang napakalaki at napakalawak na bahay. Ang ibig kong sabihin ay sa harap ng isang mansyon.Napanganga ako nang mapagtantong ito na pala ang magiging tirahan ko pansamantala. As in, for real?"Here we are, Miss Alina," the driver said as he parked the car and stepped out to open the door for me.I took one last look at the car, then followed the driver as he led me to the entrance of the house. Grabe! Unang apak pa lang sa tinatayuan nitong lupa ay halos mangilabot na ako. Sa palabas ko lang nakikita 'yong ganito kagara na mansyon, e. Sinong mag-aakala na darating ang panahon na dadalhin ako rito ng aking mga paa para tumira at magpanggap na asawa no'ng may-ari. Wow!The mansion had high stone walls, tall, elegant columns, and windows so big that you co
Isang itim na kotse ang sumalubong sa akin pagkalabas ko pa lang sa entrance ng building. Ni hindi ko napansin na hindi pala nakasunod si Riel. Kanina lang ay sinasabayan ako sa paglalakad. Saan naman siya nagpunta?Habang nagpapalinga-linga ang mga mata ko sa paligid ay nakuha ng atensyon ko ang lalaking lumabas sa kotseng maghahatid daw sa akin. Nginitian ako na agad ko naman sinuklian ng matamis na ngiti. Kung hindi ako nagkakamali ay parang dalawang taon lang ang tanda niya sa akin. Makisig, matipuno at pormal ang suot. Isa pang hindi mapapa-sa'kin. Lumapit ako sa kotse at ganoon na lang ang pagkatulala ko roon nang mamukhaan ang uri nito. This wasn't just any car. It was a shiny, high-end vehicle, the kind that you only see in magazines or movies. Lumunok ako at mas lumapit pa roon. Pormal akong pinagbuksan no'ng driver. Grabe! Pati pagkilos niya ay praktisadong praktisado. "Miss Alina, please," he said, gesturing toward the back seat.Tahimik akong pumasok at naupo sa loob.
Inayos ko ang napulot na mga gamit at tinapon sa basurahan ang hindi ko na kayang bitbitin. Pinagkasya ko sa iisang maleta ang mga importante at puwede pang gamitin, saka ako nagsimulang maglakad paalis. Wala akong sisisihin. Hindi kasalanan ni Aling Julia kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako, at mas lalong hindi rin kasalanan ng mga tao dahil kontrolado ko ang aking buhay. Kung sana mas hinusayan ko pa ang paghahanap ng trabaho ay wala ako sa sitwasyong ito. Huli na talaga ito! Hinding hindi ako papayag na mapunta ulit sa ganitong sitwasyon. Muli kong pinahid ang nagbabadya na namang luha at pumara na nang tricycle papunta sa kung saan ako galing kanina. The pristine hallway felt colder than it had earlier, and my heart was pounding so hard I thought it might burst. Ni hindi ko alam kung paano ulit ako nakarating dito. My legs just carried me while my mind was too clouded with desperation and shame to think clearly.This will be my last chance. My only chance.With a deep breat