Share

THE BILLIONAIRE'S PROPOSAL
THE BILLIONAIRE'S PROPOSAL
Author: miss maui

CHAPTER 1: MINA

Pera. Lahat ng bagay ay umiikot sa pera. 

Namulat ako sa mundo, na naniniwalang pera ang sagot sa lahat ng problema. Naniniwala ako na hindi pagmamahal o ano pa man ang pundasyon ng relasyon kahit pa ng pamilya. 

"Ano ba Nestor! Wala ka ng nagawang maganda!" sigaw ni Nanay, kay Tatay. 

Sila. . . sila ang isa sa mga dahilan kung bakit naniniwala ako na pera ang sagot sa lahat, na pera talaga ang magpapasaya sa 'yo. 

"Hinaan mo naman ang boses mo Maris, nakakahiya sa mga kapit-bahay natin," sagot naman ni Tatay. Pero matalim lang siyang tinignan ni Nanay. 

"Anong gagawin ko kumalma?! Habang kumakalam ang sikmura namin nitong mga anak mo!" Dinuro niya ako, gamit ang kaniyang daliri. Lumingon sa 'kin si Tatay,  at malalim lang na bumuntong-hininga. 

Mabuti na lang at wala pa dito ang mga nakababata kong kapatid. Nandoon sila sa bahay ni Lola. Mama ni Nanay. Dahil kapos na kapos na naman kasi si Tatay, kasi nagsusugal na naman at natalo. Mamatay kami ng dilat, kaya pinasundo muna siya ni Nanay kay Lola. 

"Gagawa ako ng paraan--. "

"Tangina naman Nestor! Narinig ko na yan, paulit-ulit na lang?! Hindi ka ba nagsasawa, aba putang ina ako sawang-sawa na!" galit na sigaw ni Nanay. Ayaw talagang paawat. 

Hindi na ako umawat, dahil wala naman akong magagawa mas masasaktan lang nila ako. 

"Sige nga Maris, anong gusto mong gawin ko kung ganon!" hindi na nakapagtimping sigaw ni Tatay. Naputol na ang pasensya niya kay Nanay. 

"Magtrabaho ka! 'Yon ang gusto kong gawin mo, at tigilan ang pagsusugal! Mga deputang manok, wala naman tayong napapala kundi ang sakit ng tiyan!  Na kung ang libo-libo mong pusta ay binili mo ng kanin at ulam edi sana natuwa pa 'ko!" hinihingal na sabi ni Nanay, dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Naiintindihan ko kung saan siya nanggaling. Pareho kami ng gustong sabihin. 

Si Tatay, kasi ay sabungero. Lahat ng sweldo niya doon napupunta. Lahat ng dapat ibili namin ng aming pangangailangan ay doon napupunta. Minsan pa nga ay umuutang pa siya para pang sabong at si Nanay ang naghihirap para bayaran 'yon. 

Hindi ko naman sila maawat dahil siguradong ako lang ang pagbubuntungan ni Tatay, kaya naman lumabas na lang ako ng bahay. Agad na sumalubong sa'kin ang mga chismosa naming kapit-bahay.

"Ayos ka lang ba Mina?" naawa na tanong sa akin ni Aling Alberta. Ayoko talaga ng kinaawaan ako.

"Opo, sanay na po ako," agad na sagot ko bago sila iniwan at pumunta sa likod ng bahay namin.

"Bobo ka talagang bata ka! "

"Wala kang kwenta! Ang laki-laki mong tao, ay wala ka naman alam na gawin! "

"Napaka tanga mong hayop ka! "

"Tanging buhay 'to, bakit ikaw pa kasi ang naging anak kong demonyo ka! "

Mga salitang paulit-ulit kong naririnig. Tinakpan ko ang tenga ko umaasa na mawawala ang boses na 'yon pero hindi. 

Hindi ko maiwasan na baka nga tama si Tatay. Wala akong kwenta. Dahil sa edad kong 'to ay wala pa rin akong trabaho. Hindi kasi basta-bastang natatanggap ang mga kagaya ko na undergraduate. 

Pinilit kasi ni Nanay, na tumigil na muna. 

Rinig na rinig ko pa rin ang mga ingay galing sa labas. Muli na naman akong napatakip ng tenga at napapikit ng mata.

Kasalanan lahat 'to ni Tatay.

"Mina! Mina!" tawag ng kung sino sa pangalan ko. Kaya naman napadilat ako at doon nakita ko na naman ang naawang mga mata ni Aling Alberta.

Pilit ko munang pinunasan lahat ng takas na luha sa mata ko bago humarap sa kaniya. "Bakit po?" tanong ko.

"Ang Nanay mo!" aniya at tumuro kung saan. 

Doon nakita ko si Nanay, na may dala-dalang mga bag. Habang pilit siyang hinahabol ni Tatay.

Agad akong napatayo at tumakbo papunta don.

"Maris, tangina ano bang drama 'to!?" sigaw pa ni Tatay. "Lalayas ka na! Iiwan mo na 'ko?!"

"Oo lalalyas na 'ko! Ayoko na! Punong-puno na 'ko! Tangina, ilang beses kitang binigyan ng pagkakataon baguhin yang putanginang sarili mo, pero wala! Wala kang pinagbago! Wala ka pa ring kwenta mula noon hanggang ngayon!" sunod-sunod na sigaw ni Nanay. Habang pilit inaagaw ang mga dalang bag niya.

Napatulala lang ako sa kawalan. Hindi ako makagalaw.

"Mina, pagod na pagod na 'ko," sabi ni Nanay, habang nagtitinda kami.

"Ako na lang po ang magtitinda, matulog ka na lang sa bahay 'Nay," agad na sabi ko. 

"Paano kung iwan ko na kayo?" imbes ay 'yon ang sinagot niya sa akin.

Agad akong kinabahan.

"Hindi pwede Nanay, kailangan mo kaming isama. Basta magkakasama tayo, malalagpasan natin ang lahat."

"Imposible 'yon Mina."

"Sige lumayas kang bruha ka! Paano ang mga bata?! Hindi ka man lang maawa sa kanila!" Tinuro ako ni Tatay. Doon lang napatingin sa akin si Nanay. "Itong putanginang 'to? Paano na 'to ha!"

"Kaya kong buhay sila Jessie at Jelliel kahit wala ka Nestor," sagot ni Nanay at tuluyan ng tumalikod sa amin.

"A-ako 'Nay?" nabasag ang boses ko ng itinanong ko 'yon. Ginamit ko lahat ng lakas ko para puntahan siya. 

Umiiyak na tumingin ako sa mga mata niyang umiiyak rin.

"M-mina," hikbi niya sa pangalan ko.

"Sasama ako, isama mo 'ko N-nanay," pakiusap ko habang hawak-hawak ang kamay niya. Umiiyak na tumingin naman siya don bago umiling ng ilang beses. 

Doon tuluyan ng gumuho ang lahat para sa akin. Ayaw niya na sa'kin, kagaya ng pag ayaw niya kay Tatay.

"N-nay gagawin ko lahat, a-ako na g-gagawa ng lahat," hikbi ko. "Aalagaan ko sila J-jessie, hahanap na 'ko ng t-trabaho. B-basta wag mo lang akong iiwan dito."

Umiing lang siya, bago niya tuluyan na binawi ang mga kamay niya sa 'kin. Napahagulhol ako at napaluhod. Wala na akong lakas para habulin siya.

Impyerno, mas naging mahirap ang buhay ko.

"Wala ka talagang kwentang bata ka!" sigaw ni Tatay, habang hila-hila ang buhok ko.

"T-tay ang s-sakit po," pakiusap ko habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa'kin. Pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya.

Isang buwan matapos umalis na Nanay, lagi na lang ganito. Lagi na lang niyang binuhos sa'kin.

"Pareho na pareho kayo ng Nanay, mo!" sigaw niya at malakas akong sinampal. Agad kong nalasahan ang kalawang sa gilid ng labi ko. "Simpleng pagsusunog lang ng basura hindi mo pa magawa! Anong gusto mo mabuhay bilang señorita ka lang dito!"

Hindi na ko sumagot, pilit ko lang pinupunasan ang luha sa pisngi ko. Akala ko pagkatapos akong iwan ni Nanay, ay magiging manhid na 'ko. Hindi pala.

Gustong-gusto kong sabihin sa kaniya na paano ko masusunog ang mga deputang basura na 'yon kung araw-araw naman naulan at naambon. Sinubukan kong antayin ang truck, pero mas nauna pa ang galit niya.

Padarag niyang hinila ang kamay ko, agad naman akong napatayo.

"Ano ha?! Gusto mo lang mag buhay señorita–."

"Putangina mo," diretsong sabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob. Isa lang ang alam ko. Sawa na 'ko. 

Sumusuko na 'ko, ayoko na sa buhay na 'to.

Nanggagalaiti na nakatingin siya sa 'kin. Namula ang mukha hanggang leeg niya dahil sa sobrang galit. Halos mabali ang buto ko dahil sa pagkakahawak niya sa 'kin.

"Anong sinabi mo?!" sigaw niya sa mukha ko.

"Putangina mo! Wala kang kwentang asawa at ama! Ikaw ang dahilan kung bakit iniwan tayo ni Nanay! Kasalanan mo! Kasalanan mo ang lahat–." Muli akong napaupo ng muli niya 'kong gawaran ng sampal.

Hindi pa siya nakuntento. Hinawakan niya ang buhok ko at kinaladkad ako palabas ng bahay. Wala siyang pakialam kahit saan-saan ako bumangga.

"Hala tumawag kayo ng pulis."

"Grabe talaga si Nestor."

"Kawawa ang bata! Bilis tumawag na kayo ng tanod!"

Pagdating namin sa labas ay tsaka niya lang ako binitawan. Akala ko tapos na. Pero pinantayan niya ang mukha ko at mahigpit na hinawakan ang panga ko. Nakikita ko ang mga pula niyang mata.

"Itong bruha na 'to, kailanman hindi nagpakita ng pasasalamat sa 'kin alam niyo ba na hindi–."

"Nestor, ano ba tama na yan!" lakas loob na sigaw ni Aling Alberta. Binitawan ako ni Tatay at hinarap niya ang matanda.

"Wala kang pakialam! Wala kayong pakialam! Sa akin siya nakatira, kaya ako ang didiseplina!" sigaw niya.

Pinilit ko naman ang sarili ko na tumayo. Muli na naman siyang lalapit sa'kin kaya malakas ko siyang tinulak. Hindi niya 'yon inaasahan kaya naman natumba siya. 

Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para tumakas, sa impyerno na 'yon. Tumakbo ako.

Gabi na, hindi ko alam saan ako papunta, basta tumakbo lang nang tumakbo dahil natatakot ako na mahabol niya 'ko at ibalik don. Wala akong kahit piso sa bulsa ko. Wala akong kahit isang damit.

Magpakamatay na lang ba 'ko? Hindi. Sa impyerno din ang punta ko.

Napaluhod ako sa daan, kasabay ng pagpatak ng ulan. Kaya naman hindi ko na napigilan na umiyak. Walang-wala ako.

Gusto kong pumunta kala Nanay, at magmakaawa muli na tanggapin niya. Pero natatakot ako na baka isuka lang niya 'ko ulit. 

Maya-maya pa ay may nakita akong kotse na papalapit sa 'kin. Nasilaw ako sa ilaw kaya naman pumikit na lang ako. 

Lord, please kahit ngayon lang tulungan mo ako.

Ilang sandali pa ay pakiramdam ko tumigil na ang ulan. Kaya naman napadilat ako at napatingin sa taas. Hindi tumigil ang ulan.

Siya na ba? Siya na ba ang magliligtas sa 'kin.

"Sino ka?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status