Share

CHAPTER 5: NANAY

Tulala lang ako habang naglalakad, papunta sa opisina ni Xavior.

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Atticus, hanggang umalis ito dahil nasa hospital daw ang kaniyang Mommy at pilit ko naman na iniwasan ang mga tanong at hawak sa akin ni Mavin.

Walang tao pagbukas ko ng pinto. Nakikipag-date pa siguro. Napasalampak ako sa sofa at napabuga ng malakas sa hangin. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa 'kin. Paulit-ulit nagre-replay sa utak ko lahat ng nangyari kanina.

Hindi ko alam anong nangyayari sa akin. Hindi ako 'to.

"Celestina!" sigaw ng kung sino sa pangalan ko. Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa gulat na naramdaman. Inis tuloy akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Xavior, lang pala humahangos pa.

"Ano bang nangyari sa'yo? Ganyan mo ba 'ko ka-miss?" nagtataka na tanong ko pa dahil sinira niya ang pag iisip ko.

Hindi naman muna siya sumagot, nagmamadali pa siyang pumunta sa harap ko at hinawakan ang aking mga balikat. Mas lalo akong nagtaka bakit ganito ang kilos niya. Para siyang nakakita ng multo.

"Hulaan mo sino ang nakita ko," nanlalaki ang mga mata na sabi niya pa.

"Wala akong balak makipag hulaan ngayon bakla, kaya sabihin mo na sino yung nakita mo? Kilala ko ba?" mahabang sabi ko pa.

"Bitch yes! Kilalang-kilala mo," agad na sagot niya at naglakad-lakad pa sa harap ko na parang stress na stress siya.

"Sino nga?" bagot na tanong ko.

"Your Mother! It's your fucking mother girl!" he exclaimed. Namilog naman ang mata ko dahil sa gulat. 

Nanigas ako sa kinauupuan ko. "S-sigurado ka b-ba?" nauutal na tanong ko.

"Yes fuck yes. You know naman na sobrang lakas talaga ng memory ko, hindi ako pwedeng magkamali. Kamukhang-kamukha mo pa nga siya," mahabang lintanya niya.

Wala sa sarili akong napapikit, kaya pala. . . Kaya pala mukha siyang nakakita ng multo.

"Sino 'to?" tanong sa'kin ni Xavior, habang hawak ang isang litrato. Agad ko naman 'tong hinablot sa kaniya.

Litrato ni Nanay, hindi ko alam na nasaakin pa pala 'to.

"Saan mo 'to nakuha?" tanong ko pa.

"Inabot lang saakin ng maid yan kanina," sagot naman niya.

"So sino nga yang babae sa picture? Kapatid mo?" sunod-sunod na tanong niya pa.

Madalas talaga kaming mapagkamalan ni Nanay, na magkapatid lang.

Tumikhim muna ako bago sumagot. "Hindi ko siya kapatid. . . Nanay ko siya."

"Talaga ba? Mukhang ang bata girl, alam ko na saan ka nagmana," aniya pa at muli sanang hahablutin ang picture sa 'kin pero agad ko na iniwas. Nagulat pa siya ng bigla ko ito g pinunit-punit. "Hoy gaga ka bakit mo ginawa 'yon?" gulat na sabi niya pa.

"Wala na si Nanay, iniwan niya na 'ko," diretsong sabi ko sa kaniya habang pinipigilan ang bises na mabasag dahil bumabalik na naman sa akin ang lahat. "At isa ito sa mga bagay na nagpapaalala na wala na talaga siya."

Nakita ko ang simpatya sa mata njya. "Sorry for your lost," sabi niya.

Iniisip niya na patay na si Nanay. Pero hindi na ako nag abala na itama siya,dahil sa pananaw ko patay na talaga ang Nanay, ko. 

"Itatapon ko na 'to."

"Gaga ka hoy! Hindi ngayon ang tamang panahon para matulala! Bumangon sa hukay ang Nanay mo!" sigaw niya sa mukha ko.

"Hindi ko 'yon Nanay,nagkakamali ka lang Xavior," pinal na sabi ko."Wala na akong Nanay, matagal na at alam mo 'yon," mariin na dagdag ko pa.

Hindi siya agad nakasagot, kaya naman tumayo na 'ko. Masyadong napapagod ang utak ko ngayon.

"Wait, i'm sorry," narinig kong sabi niya bago ako nakalabas ng pinto. Kaya naman napatigil ako sa paglalakad. "I'm sorry, hindi na 'ko nakapagisip ng maayos. She said that your younger sister is sick, kailangan na operahan kaya siya namamalimos sa daan. Naalala kita agad, pakiramdam ko you need to know this information."

Mahaba ang sinabi niya pero isa lang ang tumatak sa 'kin. May sakit ang nakababata kong kapatid? Sino? Si Jessie? Si Jelliel?

"A-alam mo ba saan sila nakatira?" nagmamadali na tanong ka sa kaniya. Nakita ko naman na nagulat at nalito siya dahil sa asta ko.

"I thought–."

"Mamaya mo na 'ko tanungin, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat," putol ko sa iba niya pang sasabihin.

Nalilitong napatingin parin siya sa 'kin, pero may dinukot na siya sa kaniyang bulsa. Isang maliit na piraso ng papel.

"Kinuha ko ang information niya because i thought she's your mother," he informed me. Agad ko naman na kinuha sa kaniya 'yon.

Nakalagay don ang address ng hospital. Alam ko kung saan 'yon.

"May pupuntahan lang ako," nagmamadaling paalam ko. Bago ako makalabas ng pinto ay nilingon ko muna siya. "Ipapaliwanag ko sa'yo lahat pagbalik ko."

Hindi na ako nakapag bihis sa sobrang pagmamadali. Hindi na makapag isip ng maayos ang utak ko. Alam ko na maliit ang chance na si Nanay, 'yon. Pero hindi pa rin ako mapakali.

"Kuya sa Marina Public Hospital po," agad na sabi ko sa driver ng pinara kong taxi. Isang public hospital para sa mahihirap. May kaunting kalayuan sa bar ni Xavior. "Pakibilis po."

Tumango naman ang driver at agad ng pinaandar ang sasakyan.

Kung sakali na sila Nanay, talaga 'yon pakiramdam ko hindi ko siya mapapatawad. Anong karapatan niyang abandunahin ako tapos ngayon malalaman ko na may sakit pa ang isa kong kapatid! Tapos anong ginawa niya? Mamalimos?! Tangina.

Anong oras na ako nakarating sa Hospital, dahil sobrang traffic. Pagkatapos kong iabot ang bayad ay agad na akong nanakbo papasok sa ospital. Sumalubong sa'kin ang amoy ng hamot at maraming tao.

Dahil nga public hospital, ay maraming mga taong mahihirap na narito.

"May pasyente po ba kayong Jessie Felicidad?" tanong ko sa nurse. 

Hindi na siya sumagot at chineck na lang sa kanilang computer. "Ma'am wala po, pero meron po kaming–."

"Mina." Nanigas ang buong katawan ko ng marinig ang boses na 'yon. May kung anong kumurot sa puso ko at parang gusto ko na lang umiyak nang umiyak. Putcha akala ko okay na 'ko.

Humarap ako sa pinanggalingan ng boses. Parang gustong bumigay ng tuhod ko. Si Nanay. . . Nasa harap ko si Nanay pagkatapos ng mahigit limang taon.

Naglakad siya papalapit sa'kin. Lalong tumanda ang itsura ni Nanay, may punit ang damit na suot niya. Namumula pa ang mga mata niya parang iiyak na siya kagaya ko.

Lumakad siya papalapit sa 'kin. Sa puntong 'to, parang gusto ko na lang siyang yakapin.

"A-anak k-ko, ilaw na b-ba talaga yan?" tanong niya habang papalapit sa akin. Agad na naglakad paatras ang mga paa ko.

"Wag kang lalapit sa 'kin, ang dumi mo," pilit kong pinatigas at pinatapang ang mukha ko. Ayoko na makita niyang apektado pa rin ako. Wala na siyang karapatan na tawagin akong anak.

Doon siya natigilan at tinignan ang sarili niya. Parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko dahil sa nakitang kong sakit na dumaan sa mga mata niya. 

"P-pasensya ka na," paghingi niya pa ng tawad. 

"Si Jelliel, anong sakit niya?"tanong ko. Dahil hindi naman si si Jessie, siguradong si Jelliel ang may sakit ngayon.

"May sakit sa puso ang kapatid mo," sagot niya. Gulat akong nakatingin sa kanya. Hindi ko inaasahan na ganito 'to kalala. Wala akong inaasahan sa lahat ng nangyayari ngayon.

Ang plano ko bumalik sa buhay nila pag mayaman na ako at may kaya na akong iyabang pero wala pa. Walang-wala pa ako ngayon.

"Gusto ko siyang makita," santig ko. Tumango siya at naglakad wala naman akong ibang ginawa kung 'di ang sundan siya.

"P****k yan sa bar."

"Tama ka ganyan na ganyan ang mga uniform ng mga prostitutes sa bar, malapit dito."

"Ador wag kang tumingin!"

"Pare ang puti ng hita."

"Tanginamo mo pilay ka na nga lahat-lahat manyak ka pa rin."

Binalewala ko lahat ng narinig. Alam kong naririnig rin niya 'yon pero hindi siya tumigil at nagtanong saakin.

Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa ICU room. Doon nakita ko sa labas ang isa pang bata. Si Jessie.

"Nanay!" sigaw niya at agad na yumakap dito. Nakita ko naman kung paano yumakap pabalik si Nanay at hinalikan ang noo nito. Tumingin ako palayo. Hindi ko manlang naranasan na yakapit at mahalikan ng ganon. 

Napatingin ako kay Jelliel, agad na nadurog ang puso ko sa nakita. Maraming aparato ang nakakabit sa payat at bata niyang katawan.

"Sino po siya Nanay?"

"Siya ang At–."

"Ang payat niya," putol ko sa kaniya.

Napatingin naman sa akin si Nanay, bago siya bumitaw kay Jessie. "Dito ka muna Anak, mag-uusap lang kami."

Pagkatapos niyang nagpaalam ay tumingin siya sa akin, bago siya naglakad. Sumunod naman ako. Ayaw ng utak ko pero may sariling isip ang mga paa ko.

Nakarating kami sa likod na parte ng Hospital. Wala ng tao, dahil madilim na sa labas.

"Anong gusto mong pag usapan?" tanong ko habang nakasunod siya. Napatigil naman siya bago humarap sa 'kin.

"Gusto kong humingi ng tawad–."

"Hindi na kailangan," muli ko pagputol sa iba niyang sasabihin. "Matagal ko na 'yong kinalimutan. . . Matagal na kitang kinalimutan."

Naluluha siyang tumingin sa akin. "Anak–."

"Tangina tigilan mo nga yan! Hindi mo na nga ako Anak, mula ng lumakad ka paalis sa lugar na 'yon hindi mo na ako A-anak,"nabiyak ang boses ko dahil sa pinipigilan na luha. Siya naman ay tuluyan ng napahagulhol sa harap ko.

"Bakit ang payat-payat ng mga kapatid ko? Anong pinapakain mo sa kanila?"tanong ko pa habang pilit pinupunasan ang mga takas na luha. "Ano bang trabaho mo?"

"Hirap na hirap na hirap kami Mina, mula ng namatay ang Lola mo. Lalo kaming naghirap, hindi ko a-alam saan ako k-kuha ng trabaho dahil w-wala naman akong n-natapos at walang mag-aalaga s-sa mga k-kapatid mo," humihikbi na sabi niya.

"Ako na ang bahala sa gastusin ni Jelliel, basta wag kang magpapakita sa 'kin," matigas na sabi ko.

"At saan no kukunin ang pera? Sa bar? Ibibenta mo ang sarili mo? Kani-kaninong lalaki mo iaalay ang puri mo!?" sigaw niya sa 'kin.

Nasaktan ako. Ganon kababa ang tingin niya sakin.Sabi ko wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Pero pag siya pala ang nagsabi ganito na kasakit.

"Wala kang pakialam pano ko kukunin ang pera,"ani ko at tumalikod na sa kaniya. Dahil hindi ko na kaya baka bigla na lang akong mag lupasay.

"Kung sa marumi mo lang din kukunin ang ipanggagamot mo kay Jelliel, ako na lang ang gagawa ng paraan." Napatigil ako sa paglalakad at muling humarap sa kaniya.

"Anong gagawin mo? Mamalimos? Pinapatawa mo ba ako baka bago ka pa makaipon patay na si Jelliel!" hindi ko na mapigilan ang sarili ko na sigawan siya. "Wala kang pinagbago mula noon hanggang ngayon wala ka pa ring kwentang Ina–." Tumabingi ang ulo ko dahil sa lakas ng sampal niya.

Napahawak ako sa pisngi ko at gulat na napatingin sa kaniya. Doon hindi na mapigilan ng mga luha ko na tumulo.

"Wala kang alam! Kaya wag mo akong pagsalitaan na parang alam mo ang lahat Mina!"

Hindi ko na kaya, kaya umalis na ako at iniwan siya doon na umiiyak. Nag-ring ang cellphone ko.

Nanlalabo ang mga matang sinagot ko 'to. Dahil nakita kong nakailang missed calls na. Baka importante. Boses ng lalaki ang una kong narinig sa kabilang linya.

"Be my girlfriend."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status