Share

CHAPTER 2: 5 YEARS

May aalis, may darating. Mula noon, naniniwala na ako sa kasabihang 'yon. 

Iniwan ako ng sarili kong Nanay, sa demonyo kong Tatay. At dumating naman siya, para iligtas ako. 

"My Xavior!" sigaw ko sa pangalan niya. Agad siyang bumaling sa 'kin. 

"Ano na naman ba ang kailangan mo sa 'kin babaita!?" naiinis agad na sabi niya. "Magre-ready pa 'ko para sa date ko mamaya," dugtong niya pa. 

"Ako na lang ang i-date mo," kunyaring pakiusap ko at nagpa-cute pa sa harap niya. Pero nandidiring tingin lang ang binagay niya sa 'kin.

"Gaga ka hindi tayo talo 'no," nandidiri pang aniya at kunyaring hinawi niya pa ang imaginary long hair niya. "Mas maganda kasi ako sa 'yo."

Yup, he's gay. 

Akala ko nga siya na ang the one, sa unang pagkikita namin ng gabing 'yon. Pero ang kinalabasan parehas na pogi pala ang aming nais. Kaloka. 

5 years had passed. Pero nandito pa rin siya sa tabi ko. Naging matalik na magkaibigan kami. Tinulungan niya akong makabangon. 

"Sige ka, maghahanap na lang ako ng sugar Daddy sa bar mamaya," sabi ko pa. Pero ang gaga ipinagpatuloy lang ang pag-aayos ng sarili. 

"Tigilan mo 'ko Celestina," nakukulitan na aniya sa 'kin. "Hindi yan e-epekto sa 'kin. Gusto mo tulungan pa kita e'."

Napanguso na lang ako at tumigil na. Wala talagang epekto ang alindog ko sa baklang 'to. Pinanood ko na lang siya at natulala sa kawalan. Dahilan para maglakbay na naman ang isip ko sa kung saan-saan. 

Sa loob ng limang taon maraming nagbago sa 'kin. Mas namulat ako sa mundo. Hindi ko alam kung dahil nagtatrabaho ako sa bar o dahil sa mga karanasan ko noon. 

Si Xavior, kasi ay may-ari ng isang may kasikatang bar. Na lalong sumisikat ngayon. Kahit ayaw niya noon, na mag-trabaho ako sa bar ay napilit ko pa rin siya. Dahil desperadong-desperado na 'ko noon, na makatakas sa impyerno na 'yon. 

"Sige na please, pumayag ka na," pakiusap ko sa kaniya. Ilang araw na kasi akong nakikitira sa condo niya at nagsisimula na 'kong kainin ng hiya. Dahil siya na lahat ang gumgastos para sa 'kin.

"It's a no Celestina," matigas na aniya niya. Saglit akong natigilan sa pangalang itinawag niya sa 'kin. Hindi pa rin ako sanay na may tumatawag sa 'kin gamit ang second name ko. Mina Celestina Felicidad.

Nagpakilala ako sa kanya, gamit ang pangalan na 'yon siguro dahil sa mga ala-ala na nakakabit sa una kong pangalan. 

"Please, promise ako na ang bahala sa sarili ko. Hindi mo 'ko kargo. Nahihiya na rin kasi ako, niligtas mo na nga ako tapos pinapalamon mo pa 'ko ngayon," subok ko pa ulit. 

Napatingin siya sa 'kin, parang nag-iisip.

"Please nagmamakaawa ako sa 'yo," dagdag ko pa, para makumbinsi siya. 

Malakas siyang napabuntong-hininga. "Fine," pagpayag na niya. Natutuwa akong pumapalakpak.

"Thank you. Maraming salamat talaga, hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung 'di kita nakilala," parang naiiyak na pasasalamat ko pa. Dahil tuwang-tuwa ako sa narinig ko. 

"Hoy! Ipapaalala ko lang sa 'yo, bakla ako! Hindi tayo talo, may hotdog din ang hanap ko," dipensa niya agad.

"Oo na, alam ko naman," sagot ko naman. 

Ilang buwan na rin kasi akong nakatira dito, kaya siguro naging close na din kami kahit papano. Mahirap magtiwala nung una, pero ginawa niya ang lahat para maging komportable ako at pagkatiwalaan siya. Na hindi siya katulad ni Tatay, na sasaktan lang ako. 

"Basta pag may nambastos sa 'yo at ayaw mo, don't hesitate to tell me."

"Hoy girl, tulala ka na naman!" naputol ang isip ko sa pagbalik sa nakaraan ng marinig ang sigaw niya. 

"Wala may iniisip lang," totoong sagot ko. 

"Ano na namang iniisip mo?" kyuryoso niyang tanong.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Wag tayong masyadong chismosa. Tsaka 'di ba may date ka, mag-ayos ka na nga," dire-diretso na sabi 'ko, pagkatapos ay lumabas na 'ko ng opisina niya.

Sa loob ng limang taon, marami ring hindi nagbago. Ang galit ko sa mga magulang ko at ang kagustuhan kong makaangat sa buhay. 

Dahil habang tumatagal mas lalo kong napatunayan na pera ang sagot sa lahat. Kayang bilhin ng pera ang lahat. Kayang baguhin ng pera ang tao. 

At oo, binago ako ng pera.

Suot ang waitress uniform ng bar ni Xavior, ay bumaba ako. Isang fitten polo na bukas ang dalawang botones kaya nakita ang cleavage ko, nakatali din ito kaya kita ang makinis kong tiyan. Maikli din ang pula naming palda, halos makita na ang aking pula ding panty. Pero sanay na ako. Hindi na 'ko naiilang katulad noon.

Dahil sa kagustuhan kong umangat at ipamukha sa mga wala kong kwentang magulang na nakaya ko.

Kamukha ako ni Nanay, isa mga kinaiinisan at pinagpapasalamat ko. Kinaiinisan dahil nakikita ko ang mukha niya sa sarili ko at ipinagpapasalamat dahil hindi ang demonyong 'yon ang kamukha ko. 

Singkit na mga mata, maliit at matangos na ilong, matambok ang pisngi ko. Natural na mapula at pouty naman ang labi ko. Mukha daw akong masyadong inosente dahil sa hitsura ko. Pero dahil sa mukha 'ko, marami na 'kong nabibiktimang lalaking hayok na hayok sa babae. 

"Celestina!" tawag ng kung sino sa 'kin. Habang pababa ako ng hagdan. 

Nilingon ko ang boses at nakita ko agad ang ka-trabaho ko na si Maxie. Magkapareho kami ng suot, pero mas sexy ako. 

Buhat ng sariling bangko tayo Celestina. 

"Bakit? " tanong ko. 

"May naghahanap sa'yo sa room 8 ng VIP," balita niya sa 'kin.

Napakunot ang noo ko at nagsalubong pa ang mga kilay ko.

"Sino daw?" tanong ko ulit. 

"Hindi ko alam, yung kahalikan mo yata nung nakaraang linggo," hindi sigurado niyang sagot. 

Tumango na lang ako at umalis na sa harap niya. Para makapunta na 'ko sa room, na sinasabi niya. 

Naglalakad ako, habang pinipilit alalahanin kung sino ang kahalikan ko nung nakaraang linggo. Yung businessman ba? Yung accountant? Hindi ko talaga maalala. 

Dahil yata sa pilit na pag-alala ko sa kung sino man ang poncio pilatong nasa loob ng VIP, room na 'yon ay hindi ko namalayan na may pader na pala sa harap ko. Napahawak tuloy ako sa noo, ko dahil sa impact na pagkakabangga ko dito. 

"Ang tigas naman non grabe," bulong ko pa sa sarili ko. Habang hinihimas-himas ang noo. 

"Are you okay," tanong ng kung sino. Malamig at baritino ang boses nito. Mas lalaking-lalaki ang boses niya kaysa kay Xavior. 

Napalingon tuloy ako sa paligid ko, dahil sa boses na narinig pero wala naman akong nakitang kahit sino. 

"Huh? Sino 'yon?" naguguluhan na tanong ko pa sa sarili. 

"In front of you, stupid girl," sagot ng kung sino. 

Agad akong napabaling sa harap. Hindi siya pader mga mare. Tao. Hindi basta tao, dahil mukha siyang Diyos ng kapogian. 

Pero agad akong nainis ng ma-realize ang sinabi niya kanina. Oo hindi ako nakapagtapos, pero hindi ako stupid.

"Hoy! For your information, hindi ako stupid!" giit ko. "Nagtatrabaho ako sa bar, pero marunong naman akong magbasa at magsulat! Magaling din akong humalik--hmp."

Naputol ang lintanya ko sa kanya ng bigla niyang sinunggaban ang labi ko. Nakapikit siya, habang dilat na dilat ang mga mata ko. 

Dahil nagsasalita ako kanina at dala na rin ng gulat ay nakaawang ang labi ko. Kinuha niya ang pagkakataon na 'yon, upang s******n ang labi ko.

Hindi ko alam. Pero dapat may bayad ang halik kong 'to at itinutulak ko siya ay iniangat ko ang mga kamay ko at niyakap sa leeg niya. Hinapit niya naman ang bewang ko at mas nilapit ako sa kanya.

Ginalaw niya ang labi, kaya naman ginaya ko ang ginawa niya. Mas dinama ko ang labi niya. Malambot at matamis. Nalalasahan ko din ang alak habang ginagagad ang labi niya.

Mas naging agresibo ang halik ko dahil, pakiramdam ko kulang pa. Kulang na kulang pa. Higit pa dito ang gusto ko. 

Nalilito ako, dahil ngayon ko lang 'to naramdaman sa isang lalaki. Hindi sa paulit-ulit ko ng hinahalikan. Pero hindi ako bobo, para hindi malaman ang tawag sa nararamdaman ko para sa kaniya. Tawag ng laman. Pagnanasa. I'm sexually attracted on him. 

Pero sino namang hindi 'di ba? Gwapo, amoy mayaman, magaling humalik at higit sa lahat ramdam na ramdam ko ang matigas niyang katawan na nakadikit sa 'kin. 

Pinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko, kaya agad ko 'yong nilabanan. Mas hinigit ko pa siya papalapit sa 'kin, kahit wala na namang space sa pagitan namin. Dahil pakiramdam ko ang layo-layo niya pa rin sa 'kin. 

Malapit na 'kong maubusan ng hininga. Pero hindi pa rin ako tumigil makipag-espadahan ng dila sa kaniya. Labi sa labi. Dila sa dila. Laway sa laway. 

Tunog ng halikan lang namin ang naririnig ko sa buong hallway ng vip rooms. 

"Fuck," mura niya at bumaba ang halik niya sa leeg ko. Ahad ko naman itinabingi ang ulo ko. To give him more access..

Naghahabol pa 'ko ng hininga, habang nagsisimula na niyang dilaan ang leeg ko. Kaya wala sa saring napunta ang kamay ko sa malabot niyang buhok at nasabunutan ito. Dahil sa kakaibang sensasyong nararamdaman.

"Uhm," ungol ko ng kagatin niya ng nanggigigil niyang kagatin ang leeg ko at dinilaan pagkatapos. 

"T-this kiss w-will worth ten thousand in cash Mr," bulong ko sa tenga niya at marahang kinagat ito. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status