Share

CHAPTER 4: I'LL PUNISH YOU

Mapaglaro nga naman ang tadhana. Ni hindi ko inaasahan na makikita ko ulit ang lalaking 'to. Akala ko pa naman una't huli na yung kanina.

"So shall we start?" tanong ni Mavin, binasag niya ang awkward na katahimikan. He gently put his hands on my one thigh. Ayos lang pwede naman akong hawakan do'n at sanay na rin ako sa kanya. Never naman siyang lumagpas sa rules ko.

Napatingin ako kay Mr Sternberg, nalaman ko kanina ang apelyido niya dahil kay Mavin. Bigla-bigla na lang kasi siyang pumasok habang naghahalikan kami.

Kaya ganito ang hangin sa loob ng kwarto. Pero ang hindi ko maintindihan ay kanina pa nakakuyom ang kanyang mga kamao. Umiigting din ang kaniyang panga na para bang galit na galit siya.

"Is she really necessary here?" mariin na tanong niya habang tinitignan ako, napalunok ako ng mag tagpo ang aming mga mata. Kitang-kita ko don ang galit. Hindi ko alam kung para sa'kin ba 'yon, dahil sa pagkakaalam ko mukhang hindi naman siya galit ng bigyan niya 'ko ng twenty thousand.

Pinasadahan niya 'ko ng tingin hanggang sa bumaba ang mata niya sa kamay ni Mavin, na nasa hita ko. Nas lalong nag alab ang mga mata niya.

"If you don't mind Mr Sternberg," sagot ni Mavin. "By the way her name is Celestina," pagpapakilala niya pa sa 'kin. Tinignan pa 'ko ni Mavin. "She's my girl."

Pinanlakihan ko siya ng mata at pasimpleng kinurot sa tagiliran. May pa-my girl pang nalalaman ang ugok.

I saw how he licked his red lips. "She's working on this club right?" hindi ko inaasahang tanong nito.

"Yeah she is," agad na sagot ng katabi ko.

Tumango-tango ang lalaki. Nagpan-dekwatro ng upo siya at pinagsiklop ang mga daliri. "So basically, she's everyone's girl right? Not yours only," may bakas ng pang uuyam sa boses nito.

Naramdaman kong nainis si Mavin, sa sinabi ng lalaki dahil mas naging mahigpit ang kapit nito sa hita ko. Kaya naman agad kong hinaplos ang braso niya, upang makalma siya. Hindi kami pwedeng gumawa ng gulo dahil pag-uusapan na naman ako ng mga ka-trabaho 'ko.

"I'm no one's girl," mariin na tanggi ko sa paratang niya.

Umangat na naman ang sulok ng kanyang labi o namamalikmata lang ako. "Really huh."

Hindi ko na lang siya sinagot at inirapan na lang.

Lumapit na lang ako sa katabi ko, bahagya kong hinila ang polo niya upang maabot ko ang tenga niya.

"Umayos ka Mavin, mapapagalitan ako ni Xavior pag gumawa ka ng gulo," bulong ko pa. Tumango naman siya at pinag patuloy na lang ang pag haplos sa hita ko.

At sa wakas nga ay nag umpisa na sila, dahil wala naman akong magawa ay 'di ko mapigilan ang sarili ko na titigan ang lalaki sa harap namin. He looks really dangerous. Siya yung tipong pag tiningnan mo palang manginginig na ang tuhod mo.

Hindi pa rin nag bago ang aura niya mula pag pasok, mukha siyang galit na galit kay Mavin. Lahat ng sinasabi nito ay kanyang binabara. Kaya naman patuloy kong kinakalma ang katabi.

Kung hindi lang ako madadamay sa gulo nila, kahit magdamag pa silang mag suntukan ay payag lang ako. 

Natigil lang ang pag-uusap nila o ano man ang tawag don dahil hindi naman sila magkasundo sa gagawin ng may tumunog na cellphone, napatingin ako kay Mavin. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinignan kung sino ang caller. 

"I'll just take this call," paalam niya sa kausap. Tumango naman si Mr Sternberg. Kaya nagmamadali siyang lumabas ng VIP room.

Ngayon, parang biglang uminit ang buong kwarto dahil naiwan na lang kaming dalawa sa loob. Hindi naman kasi pumasok dito ang sekretarya niyang si Trevor. 

Napatingin ako sa lalaki, at naabutan ko siyang walang habas na nakatitig sa 'kin. Hindi man lang siya nag iwas ng tingin. 

"Mr Sternberg," tawag ko sa kaniya. Balak kong mag paalam dahil hindi ko alam kung anong mangyayari pag kami lang ang nandito.

Hindi ko naman kasi alam anong meron sa kaniya at ganito mag-react ang pesteng puso at katawan ko. Mabilis at malakas ang kabog ng puso ko. Siguro kinakabahan dahil nakita ko talaga ang galit sa mata niya kanina at baka ako ang pag balingan.

Nakakita naman ako ng gwapo, mayaman, at mabango na katulad niya. Pero siya lang ang bukod tanging nag paramdam sa 'kin ng ganito.

"Atticus," malamig na aniya. "That's my name, don't call me Mr Sternberg."

Tumango na lang ako. Hindi na 'ko magpapakilala muki dahil, pinakilala na naman ako ni Mavin kanina.

"Lalabas na 'ko. Susundan ko si Mavi--."

"Fucking stay put where you are right now," putol niya sa 'kin. 

"Hoy! Kanina ka pa ha, may problema ka ba sa 'kin!?" naiinis na tanong ko na." Grabe maka utos 'di naman niya 'ko aso," bulong ko pa.

"Isn't it enough?" matigas na tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noo na tanong ko

"The money that I gave, isn't it enough for your today's income?" he said. " Kaya nakikipaghalikan ka rin sa batang Agustin," parang gusto niyang idura ang apelyido ni Mavin.

Napatanga naman ako sandali, dahil hindi ko inaasahan na magaling din siyang magsalita ng tagalog. He sounds so hot.

"Y-yes," hindi ko alam ba't ako nautal sa pag sagot. Tumikhim pa 'ko, dahil hindi ko na kinakaya ang titig niya.

"Come here," he commanded me with so much authority.

"Hindi mo nga kasi ako aso," naiinis na aniya ko. Maakautos naman ang isang 'to.

"I'll pay you," alok niya. "Just fucking come here kid."

Napatayo ako ng wala sa oras dahil babayaran niya raw ako, pero parang gusto ko na lang ulit umuponng tawagin niya 'kong kid. Grabe parang iniinsulto niya talaga ang height ko.

Nang makarating ako sa harap niya ay agad niya 'kong hinila, hindi ko inaasahan 'yon kaya 'di na ko nakapalag ng bumagsak ako sa isang hita niya. Agad kong naramdaman ang matigas at mainit niyang braso na pumulupot sa aking bewang.

Nagulat din ako ng nilagay niya ang kanyang ulo sa gilid ng aking leeg, at nagsimula na naman siyang amuyin ako.

"Did you enjoyed it?" he whispered. Nag tindigan ang mga balahibo ko, dahil sa bulong na 'yon. The roughness and huskiness on his voice is just on another level.

"A-ang alin?" utal na tanong ko pabalik, dahil hindi ko na alam kung saan ako magpo-focus. Kung sa braso niyang humihigpit ang kapit sa bewang ko, ang ulo niyang pinagpipilitan isiksik sa leeg ko.

Hindi ko alam anong gagawin, dahil hindi naman ako naging ganito noon kahit kanino. Kahit pa kay Xavior at Mavin. Kahit ang pakiramdam ko, iba. Hindi ko maipaliwanag. Parang may nahliliparan na kung ano sa aking tiyan.

This is too much for me too handle. Sa dance floor may nahawak din naman sa bewang ko, pero wala akong nararamdaman na kahit ano. Parang normal lang. Pero siya, iba ang epekto niya.

"A-anong gagawin mo," nabakas ang kaba sa boses ko ng maramdaman kong gumapang ang isang kamay niya sa hita ko, kung saan ako hinawakan ni Mavin kanina. He cupped and caressed it slowly. Katulad ng ginawa ni Mavin, kanina.

"This," he said while still caressing my thigh. "Did you fucking enjoyed his touch hmm kid," ngayon dinig ko na ang pagbabanta sa tinig niya.

Napalunok ako ng wala sa oras. Hindi ko alam kung anong isasagot.

"Bakit m-mo ba tinatanong?" tapang-tapangan na tanong ko sa kaniya.

"Because if yes… "

"If yes, then what? Ano naman sa'yo kung na-enjoy ko bawat haplos ni Mavin--hmp."

Naputol ang pagsasalita ko ng bigla niya na lang sunggaban ang aking labi. Kahit nasa likod ko siya ay hindi 'yon naging hadlang para halikan niya 'ko.

Gigil na gigil siya, parang binubuhos niya sa labi ko lahat ng frustrations at galit niya. Kahit ganun ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na gantihan siya ng halik.

Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa bewang ko. Inurong niya rin ako papalapit pa sa kaniya. Na parang sobrang layo pa namin sa isa't isa. Ang isa niyang braso ay nararamdaman kong tumataas at bumababa sa hita ko. Nakapag-padagdag sa init na nararamdaman ko. 

Para kaming uhaw na uhaw sa isa't isa. Nakahinga lang ako ng bumaba ang halik niya sa leeg ko.

"If you fucking kiss that mother fucker again I'll punish you," bulong na naman niya.

Para akong natauhan at agad na napatayo. Pinigilan ko pa ang tuhod ko na muling mapa-upo dahil nanghihina 'yon, sa mainit na pangyayari kanina.

"Sino ka para parusahan ako?" naiinis na tanong ko sa kanya. Dahil sa pananalita niya ay parang inaangkin niya 'ko.

At ito naman ako na parang payag lang na magpa-angkin. Hindi ako 'to, pera ang kailangan ko at hindi isang lalaki na maaari lang sumira ng buhay ko. 

Parang wala lang siyang tumingin sa 'kin. Bago siya tumayo he towered me. Napaatras pa 'ko ng yumuko siya sa 'kin. Lalayo pa sana ako pero muli niyang hinapit ang aking bewang papalapit sa kaniya.

Lumipad ang isa niyang kamay sa butones ng polo ko. Hindi ko pala naisara kanina. Tatlo pa rin ang nakabukas at mas naging malaki ang nakalabas na balat ko.

Wala naman sanang kaso sa 'kin 'yon, pero siya ay halos patayin 'yon sa tingin. Nanigas lang ako ng binutones niya 'yon hanggang sa isang butones na lang ang nakabukas.

"So, how much was it?" 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status