Share

CHAPTER 3: MEET MAVIN

Priority ko ay ang pera. Walang makakapag-pabago non. Kahit ang ubod ng gwapong  lalaking ito, na masarap ang labi. 

"What?" hinihingal na tanong niya.

"Bayad sa halik," hingal na sagot ko rin. " At para rin sa leeg ko," dagdag ko pa. Nasa leeg ko pa rin kasi ang ulo niya at ramdam ko ang hininga niya don. Na nagbibigay sa 'kin ng kakaibang init.

Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ay bahagya ko siyang tinulak para sa 'kin. Mas hot na siya sa paningin ko ngayon, dahil sa magulo niyang buhok. He also look so flush. Siguro ganon din ang itsura ko ngayon.

"Sir, Mr Agustin is already waiting on you," biglang sulpot ng isa pang lalaki. Hindi ko man lang narinig ang kaniyang yabag.

Bahagya pa tuloy akong napatalon ng marinig ang boses niya. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na tignan ito. Gwapo at matipuno rin, pero mas masasabi kong mas gwapo ang nakahalikan ko kani-kanina lang.

"Trevor," malamig ang boses na banggit ng lalaking nasa harap ko.

"Yes sir?" agad naman na sagot ng lalaking, biglang sumulpot kanina. So, Trevor pala ang pangalan niya.

"Give this little girl 20 thousand in cash," puno ng awtoridad na utos niya bago niya kami talikuran ni Trevor.

Ako ay nakaawang lang ang labi dahil sa gulat. "Hoy gago! Hindi ako little girl!" naiinis na sagot ko, dahil sa lahat ng sinabi niya 'yon ang tumatak sa 'kin. Pero dire-diretso ang lakad niya at hindi man lang ako nilingon. 

Oo, mukhang hindi ako aabot sa balikat niya. Pero hindi naman ako gaano kaliit 'no sadyang mala-kapre lang ang laki niya. 

"Follow me Miss," bigla namang saad ng lalaking 'to. Walang emosyon ang mukha niya.

Hindi pa 'ko nakakasagot ay naglakad na siya, kaya wala na 'kong nagawa kung 'di sumunod. Sayang naman ang 20 thousand pandagdag ipon na rin 'yon. 

Wala kaming imik dalawa hanggang makalabas kami ng bar, mabuti na lang at nadadaan ko pa sa tingin ang mga gustong lumapit sa 'kin. Kaya hindi na nagkaroon ng aberya bago kami makalabas.

Naglakad pa kami hanggang makarating kami sa private parking lot ng bar ni Xavior. Nakita kong lumapit siya sa mukhang pinaka mamahalin na sasakyan don. Hindi na 'ko lumapit pa dahil baka may magasgasan lang ako. Wala akong pang bayad.

Maya-maya ay nasa harap ko na si Trevor. 

"Secretary ka ba ng mayabang na 'yon?" tanong ko sa kaniya.

Inabot niya naman muna ang kumpol ng perang tagiisang libo sa 'kin.

"Yes," maikling sagot. Wow, hindi siya mukhang sekretarya. Hindi na 'ko nagsalita pa dahil mukhang hindi naman interesado ang isang 'to makipag-usap.

Nag-bow pa siya ng kaunti bago, umalis sa harap ko. Nagkibit-balikat na lang ako bago binilang ang pera. Grabe saktong 20 thousand nga.

Sa mukha naman kasi ng mayabang na 'yon, mukhang may maipagyayabang talaga. Sumisigaw ng kapangyarihan ang aura niya.

Ang halikan lang namin ang laman ng utak ko, habang naglalakad. Sa lahat ng nakahalikan ko siya lang ang nag paramdam sa 'kin ng ganito.

Sa bar, kasi ang trabaho ko talaga ay waitress nagbibigay ako ng extra service. Pero hanggang halikan lang at hawak sa hita malayo pa sa pagkababae ko. Wala ng hihigit pa dapat don. Ang mayabang na lalaki na 'yon nga lang ang nakahalik sa 'kin sa leeg. 

Noong una pa nga ay naalala ko walang-wala talaga akong alam, grabe ang pangangapa ko. Iba't ibang tutorial ang pinanood ko. Kaya nang natuto na ako mataas na talaga ang singil ko. 

Sabihin na nilang desperado o ano, pero handa akong gawin ang lahat para sa pera. Nasanay na naman ako sa mga salita na binitawan ng sarili kong Ama, sa 'kin noon at wala na sigurong mas sasakit pa do'n. 

Pinilig ko ang ulo ko dahil nabalik na naman ako sa nakaraan.

"Gaga ka saan ka ba galing?!" salubong sa 'kin ni Maxie.

"Huh?" wala sa sarili kong usal.

"Kanina ka pa hinahanap sa VIP room, 'di ba sinabi ko na sa 'yo kanina," aniya.

Napahawak naman ako bigla sa ulo dahil nakalimutan ko na 'yon. Tangina kase ng gagong 'yon sinalubong ako ng halik.

Di tuloy ako nakapalag.

Hindi na 'ko nag paalam pa kay Maxie, agad na 'kong kumaripas dahil baka magalit 'yon

Papagalitan na naman ako ni Xavior, inis na inis na sa 'kin ang gaga malapit na ata akong ipagtabuyan. Laging kagandahan ko ang dahilan ng mga away dito.

Mga hayok kase ang mga putanginang lalaki.

"VIP 8!" sigaw pa ni Maxie.

Hindi ko na nilingon pa ang mga naka bangga ko sa sobrang pagmamadali. Pag dating ko sa harap ng pintuan ay agad kong inayos ang sarili ko. Inalis ko pa ang isang botones para naman mabawasan ang inis ng customer. Wala akong dalang lipstick kaya bahagya ko na lang na binasa ang labi ko. 

Tatlong beses akong kumatok, bago tuluyang pumasok. Doon sumalubong sa 'kin ang lalaking sinasabing kahalikan ko nung nakaraan si Mavin. Isa sa mga paborito ko.

Matagal-tagal ko na rin siyang kilala. Broken pa nga siya no'n.

"Sir, your order," sabi ko sa lalaking kanina pa nakatulala sa kawalan. Mukha siyang depress sa loob ng malawak na VIP room, wala man lang siyang kasama.

Aalis na sana ako ng hawakan niya ang braso ko. Nagtataka akong napalingon sa kaniya, pero nanatili siyang nakayuko.

"Do you need anything from me sir?" takang tanong ko pa.

"Do you… Do you offer extra service?" balik na tanong niya. Sandali pa 'kong natigilan ng makita ko ang mga mata niya. Punong-puno ng iba't ibang emosyon. Lungkot, galit, at sakit.

"I can't offer sex. But you can kiss me, pero sa lips lang. Nothing more, nothing less--."

"Okay I understand you can sit down now," he cut my words.

Tumango na lang ako at umupo sa harap niya. Maya-maya ay inurong niya ang isang baso sa harap ko.

"Drink," utos niya. Hindi pa ko nakakasagot ay siya na mismo ang nag salin ng alak sa baso ko. 

Tahimik na kinuha ko na lang 'yon at uminom ng kaunti. Baka gusto lang akong lasingin ng lalaking 'to. Hindi niya 'ko mauuto 'no.

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming tahimik, pero walang nagsasalita sa 'min.

"Do you believe in love?" nagulat pa 'ko ng basagin niya ang katahimikan.

Wala sa oras akong napa inom. "No," diretsa kong sagot. Hindi na ulit ako maniniwala sa salitang 'yon.

"Why?" Nag-angat siya ng tingin sa 'kin.

"Hindi ko masasagot 'yan," mariin na lang na sagot ko. Its a sensitive topic for me.

Tumango-tango na lang siya at 'di na nag salita.

"Ikaw ba't mukha kang binagsakan ng langit at lupa?" pag subok kong kausapin siya dahil matutuyuan na ko ng laway.

"That fucking love messed up," sagot niya. Broken naman pala ang isang 'to kaya ganito.

"You love her huh," wala sa sariling sabi ko. Dahil kitang-kita ko naman na kung gaano siya kalugmok ngayon.

Hindi siya naka sagot agad nagulat ako ng naging sunod-sunod ang tungga niya ng alak bago niya itapon 'yon sa sahig.

Aangal sana ako ng bigla niyang sakupin ang mukha at mariin akong hinalikan sa labi. Ramdam ko ang gigil niya dahil nalalasahan ko na ang bakal at alat.

Sinubukan kong pumalag, dahil masakit na pero mas diniinan niya. Nagulat na lamang ako ng bigla kong naramdaman ang mainit na likido sa mukha ko. Luha na hindi galing sa mata ko, ngunit galing sa kaniya.

Sa wakas ay tumigil na siya at lumayo sa 'kin. Napahawak ako agad sa labi ko. Tinakpan naman niya ang kaniyang mukha.

Naiyak siya, at sinusubukan niya 'yong pigilan.

"Fuck it i'm sorry Miss," aniya pa. Habang pilit pinupunasan ang luha.

"Anong sorry ka dyan. Five thousand in cash yon Mr." 

"Celes, " nagising ako sa pagiisip ng makitang nasa harap ko na siya.

"Ano? " tanong ko.

"You're spacing out, natutulala ka na naman siguro sa kagwapuhan ko," pilyong aniya.

"Baka kagaguhan," ngiwi ko naman.

Tumawa siya. Kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha niya. After that scenario, hindi ko alam pero parang naging mag kaibigan kami. But he's kissing me sometimes so, I'm not sure.

Aaminin kong gwapo naman ang isang 'to, chinito may dalawang malalim na dimple kaya mukha good boy. Matangkad din siya at tama lang ang pangangatawan.

Pero mas gwapo talaga yung kanina. Kahit gago 'yon. 

Napadako ang tingin niya sa dibdib ko. Mas malaki na ang bukas nito dahil tatlo na ang nakabukas na butones.

"What's with that uniform inaakit mo ba 'ko baby girl?" tinaas-taas niya pa ang kaniyang kilay. Mayroon ding nakakalokong ngiti sa kaniyang labi.

Pinaningkitan ko siya ng mata, bigla kong naalala ang mainit naming halikan. Mapapatantayan kaya ni Mavin 'yon?

Hinawakan ko ang suot niyang neck tie at bahagya siyang hinila papalapit sa 'kin. Gahibla na lang ang layo namin sa isa't isa.

"Bakit paakit ka ba?" balik na tanong ko. Pilyo lang siyang ngumiti at sinunggaban ako ng halik.

Agad naman akong gumanti, ginagad ko ang labi niya. Hinahanap ang kakaibang naramdaman kanina pero wala. Nangunot ang noo ko at mas lalo ko pang diniin ang sarili sa kaniya. Hawak na ni Mavin, ang bewang ko at nakakapit naman ang kamay ko sa leeg niya.

"What the fucking hell!?" 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status