LOGINCHAPTER 3:
NANG marinig ang boses nito, gusto na niyang ibuhos ang lahat ng sakit, pero pinigilan niyang wag pumiyok ang kaniyang boses. At saka, naalala niyang hindi naman siya nakikita ni Jo, kaya umakto na lamang siyang walang nangyari. “Hindi naman gano'n kalala,” sabi niya. “Mas gusto kong ituon ang lakas ko sa pag-asenso kaysa sa magpadala sa galit. At sa halip na pilitin kong bawiin ang isang taong una pa lang ay hindi naman ako ang pinili, kaya mas mabuti pang ako na mismo ang bumitaw.” pumiyok pa siya sa huling sinabi. Nang marinig ni Jo ang bahagyang pagpiyok ng boses ni Criszah, agad itong nakaramdam ng awa. Pero umiral pa rin ang pagkaprangka nito “Hay naku, I've already told you before, na unahin mo ang career mo, pero anong ginawa mo? Mas pinili mo pa ring unahin ang—nevermind,” puna nito. Bilang isa sa mga pinakamahusay na talent manager sa industriya, alam niyang malayo pa sana ang mararating ni Criszah kung hindi nito isinantabi ang kasikatan para mag-asawa at bumuo ng pamilya. Nagkunwari namang walang problema si Criszah at mahina pang tumawa. “Huwag ka nang mag-alala. Kaya ko ’to, wala ka yatang bilib sa akin, eh.” “Hindi iyan ang punto ko,” agad na sagot ni Jo. “Ang iniisip ko, sa loob ng tatlong taon, itinuring mo si Jude na parang sentro ng mundo mo. Ngayon, paano ka masasanay na mawawala na siya sa buhay mo?” Napabuntong-hininga pa ito. Sa totoo lang, bilang kapwa babae, pakiramdam niya ay halos perpektong asawa si Criszah. Mataas ang emotional intelligence nito, maalaga, at marunong umintindi. Dahil alam niyang madalas malaktawan ni Jude ang pagkain kapag abala sa trabaho, siya mismo ang nagluluto at ipinapaabot lang sa drayber ang pagkain sa kompanya araw-araw. Hindi rin siya kailanman naging pabigat. Tahimik siyang nanatili sa likod ng asawa at matiising hinarap ang lahat ng komplikadong relasyon at obligasyong kaakibat ng pagiging Mrs. De Leon. Kung may kahinaan man si Criszah, iyon ay ang pagiging sobrang determinado niya. Kapag may pinanghawakan siyang bagay o tao, hindi siya sumusuko hangga't hindi siya mismo ang nasasaktan at napapatunayang wala na talagang pag-asa ang isang bagay. Pagkatapos ng tawag, mabilis na nag-type si Criszah ng mensahe at ipinadala iyon kay Jo. Ilang minuto lang ang lumipas, agad iyong ipinost ng manager niya. Kasunod nito, personal na nag-online si Criszah gamit ang kanyang verified account. At direkta niyang ni-reply-an ang ilang sikat na entertainment pages at accounts na nangunguna sa pagpapakalat ng tsismis. Cris Zah: “Narinig kong balak n'yo raw akong idemanda? Sige, magkita tayo sa korte. Huwag n'yong kalimutang dalhin ang lahat ng screenshots ng mga paninirang-puri at pambabastos n'yo sa akin.” Sa loob lamang ng ilang minuto, sabog na naman ng notifications ang account niya. Marami pa ring nang-aalipusta sa kanya, ngunit mayroon ding mga netizen na nagsimulang kumampi. “Grabe, ang tapang ni Miss Cris Zah! Hindi puro salita, abogado agad ang katapat. Go lang po! Sampulan n'yo po ang mga iyan para madala.” komento ng isang netizen na ang username ay Kaluta. “Ganito dapat. Kung wala kang kasalanan, lumaban ka. Hindi yung puro paawa effect sa social media.” Komento naman ng isa. Matapos makita ang reaksiyon ng publiko, isinilid ni Criszah ang cellphone sa kanyang bag at naglakad palabas ng gusali. Ngunit bago pa man siya makarating sa parking area, habol-habol siyang nilapitan ni Assistant Quinn. “Ma'am Criszah, sandali lang po! Pinapatawag po kayo ni Mr. De Leon sa kaniyang opisina.” Napatingin siya sa assistant na hinihingal at halatang nagmamadaling humabol sa kanya. “Bakit daw? Nahirapan ka pa tuloy," magalang niyang sabi. Ngunit hindi iyon sapat para pagbigyan niya ang kahilingan ni Jude “I'm sorry, nagmamadali ako. Kung gusto talaga akong makausap ng boss n'yo, pwede s'yang magpa-schedule sa manager ko.” pagkasabi ay agad na s'yang sumampa sasakyan at mabilis iyong pinaharurot palayo. Natigilan si Assistant Quinn. Halos hindi siya makapaniwala sa narinig. Ang isang tulad ni Jude De Leon na presidente ng De Leon Empire na namamahala ng iilang Entertainment Company, Clubs, at real estate ay tinitingala ng maraming negosyante. At handang maghintay ang mga ito ng ilang buwan para lamang magkaroon ng ilang minutong meeting rito. May mga maliiit na kumpanya kasing tumataas agad ang halaga ng kumpanya matapos makipagkita sa naturang lalaki. Subalit ngayon, may taong nagsasabing kailangan nitong magpa-appointment? Akma sanang hahabol ang assistant ngunit biglang bumukas ang elevator, at lumabas si Jude, na nakakunot-noo. “Sir kayo pala,” nakayukong bati ng assistant. “Ang sabi po ni ma'am na kailangan n'yong magpa-appointment kapag gusto n'yo s'yang makausap.”sumbong pa nito na mas lalong ikinakunot noo ng lalaki. “Ako? Kailangan magpa-appointment bago makausap, si Criszah?” Natahimik ang assistant, na kalaunan'y tumikhim bago nagsalita, “Parang nagtatampo po yata si Ma'am, Sir.” “No.” Agad na umiling si Jude. Kilalang-kilala niya ang asawa. “Hindi sya ganong tao. Hindi siya basta-basta nagagalit for just a nonsense allegations.” Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, bihira siyang tanggihan ni Criszah. At sa tuwing may hinihiling siya, palagi iyong sinusunod ng babae. Kaya nakakasiguro siyang hindi ito galit. Marahil ay nagpapapansin lamang. Katulad ng isang ginger cat na naghahanap ng atensyon—nagsusungit, naglalabas ng kuko, at kunwaring lumalayo. Pero sa huli, babalik pa rin sa may-ari upang magpa-alo. Iyon ang naging paniniwala ni Jude. Ngunit ang hindi niya alam na habang iniisip niya iyon, unti-unti nang binubura ni Criszah ang lahat ng bakas ng kanyang presensya sa buhay nito.Napaka-natural ng pag-arte ni Criszah kaya matapos niyang bigkasin ang mga linya, halos lahat ng staff sa set ay napahinto at naparamdam ang bigat ng eksena. Pagkasigaw ng direktor ng, “Cut!” Biglang napaiyak si Kiarah. “Ate Criszah! Acting lang ‘to, hindi mo kailangang manakit nang sadya!” Tahimik naman na tumingin si Criszah sa kanya. Pagkatapos, ginaya niya ang kilos nito kanina—tinakpan ang bibig at bahagyang napangiwi. “Ay, sorry… nadala lang ako sa role.” Walang kumampi kay Kiarah. Sa totoo lang, alam ng lahat ang nangyari. Kahit pinahiya siya kanina, tiniis lang iyon ni Criszah. Kaya ngayong gumanti siya— Walang may ganang magsalita. “Criszah,” tawag ng direktor, halatang impressed, “ang ganda ng reaction mo. Ulitin natin.” Hindi nakaimik si Kiarah. Wala s'yang nagawa kundi sumunod. Nang matapos ang eksena, halata ang limang marka ng daliri sa pisngi ni Kiarah. Pagkatapos ng shooting, hindi agad makatayo si Kiarah . Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng kaniyan
Sa kabilang banda, pagpasok ni Jude sa sasakyan, naroon na si Secretary Quinn, tahimik na naghihintay.Kagabi, sinigurado niyang maayos ang lahat sa villa—umaasang baka sakaling magkaayos ang mag-asawa. Hindi niya gustong mapagitna sa gulo ng dalawa.Bilang isang propesyonal, hindi siya pwedeng diretsahang magtanong.“Sir,” maingat niyang sabi, “may kailangan po ba si Ma’am na ipaasikaso?”Hindi man lang tumingala si Jude.“Wala.”Saglit siyang tumigil, saka malamig pang nagsalita.“At sa susunod, huwag mo akong i-schedule kung kani-kanino. Binabayaran kita para magtrabaho, hindi para ihatid ako sa kama ng iba.”Nanahimik si Secretary Quinn.Sa loob-loob niya, napabuntong-hininga siya.Kagabi ay bisperas ng Pasko.Mukhang… plano talaga ng babae ang umatras para makausad.Subalit sa nakita niyang reaksyon ng amo, alam niyang hindi nito nagustuhan ang nangyari.****MAKALIPAS ang ilang araw, sa wakas ay nakuha na ni Criszah ang kaniyang bagong ID. Eksaktong tumapat iyon sa pagsisimula n
Samantala, napakunot-noo si Secretary Quinn sa kabilang linya. Sa tono kasi ni Criszah, parang delivery rider lang ang turing niya kay Sir Jude.Ngunit hindi siya sumuko, muli siyang nag-dial, agad naman iyong sinagot ni Criszah. “Ma’am… nakalimutan n’yo po ba na Thursday ngayon?” Natigilan si Criszah. Doon lang niya naalala.Araw ito na balak niyang kausapin si Jude tungkol sa hiwalayan. Pero paano na ngayon? Nasa kamay ng ibang tao ang marriage certificate niya. Wala siyang maipapakita, wala siyang laban. Hindi naman niya puwedeng sabihin kay Jude na ninakaw ng sarili niyang pamilya ang papeles at pati ang bahay niya. Magulo ang isip niya, pero kalaunan'y pumayag din. “Sige… babalik ako ngayon din.” **** PAGDATING niya sa villa, totoo nga—lasing na lasing si Jude. Halos buhatin na niya ang bigat ng katawan nito, parang bagong katay na baboy sa bigat. Inalalayan niya ito, ipinahilig sa kaniyang sarili. Naamoy niya ang pabango ng lalaki—panlalaking cologne na ma
**** Pagpasok niya sa bahay, napansin niyang iba na ang itsura. Na-renovate na ito. Mga bago ang gamit at halos mamahalin ang mga naroon. Kung hindi lang niya magulang ang nakatira rito, baka isipin niyang ibang bahay ang napasukan niya. Pumunta siya sa kaniyang kwarto—pero sinabi ng nanay niya habang inilalapag ang baso ng tubig: “Hindi ka naman na umuuwi, at wala ka namang ginagawa. Ginawa na lang naming study room ng kapatid mo ‘yan.” Natigilan siya, mahigpit niyang naikuyom ang kaniyang kamao.Nagtataka siya, Grade 12 na si Zahara, at halos hindi na ito umuuwi dahil sa bigat ng mga gawain sa eskwela.Ilang beses tumayo ang kaniyang in na, halatang-halata sa bawat kilos at galaw ng buhok nito na gusto na niyang paalisin si Criszah.Ang kwartong tinutuluyan ni Criszah noon ay dati lamang imbakan ng mga maleta.Wala itong bintana, at halos hindi kasya ang isang maayos na kama.Mula nang tumira siya roon hanggang makapagtapos ng high school, sa maliit na kutson lang siya nagsis
Sa kabilang linya, ibinaba na ni Jude ang telepono. Nanatili siyang nakatitig sa kawalan.Napansin ni Secretary Quinn na tila natulala ito, kaya marahan siyang nagpaalala, “Sir Jude?”Hindi maiwasang makaramdam ng inis si Jude nang maalala ang sinabi ni Criszah—“mayabang at akala mo kung sino.”Ibig sabihin ba, iyon lang ang nakita nito sa kanya? Ang pagiging mayabang at dominante?O baka naman katulad lang siya ng iba—mahilig sa pera at marangyang buhay.“Wala ‘yon,” malamig niyang sagot habang pumipirma ng dokumento at inaabot kay Secretary Quinn. “Nga pala, let ke ask you something," napatingin ito sa kaniya, "Ano sa tingin mo sa acting ni Criszah?”Para bang hindi niya asawa si Criszah, kundi isa lang ordinaryong empleyado sa kumpanya.Sandaling nag-isip si Secretary Quinn bago sumagot, “Artista po si Ma’am—Isang napakagaling na artista.”“Exactly.” Sumandal si Jude sa upuan, walang emosyon ang mukha. “Lahat ng tao, may dalawang mukha.”Nagtaka naman ang si Secretary Quinn. Pero h
Tahimik na bumalik ang usapan sa loob ng VIP room.Ngunit hindi na katulad kanina ang atmospera.Kung noong una ay sa bagong bise presidente ang sentro ng atensyon, ngayon ay paminsan-minsang napapatingin ang lahat kay Criszah.Hindi nila maiwasang maawa.Kahit may mataas na lagnat, pinilit pa rin nitong dumalo at makisama.Marahil ay napansin ni Rena ang unti-unting pagbabago ng ihip ng hangin.Hindi ito maaaring mangyari.Kakaupo pa lamang niya bilang vice president.Kailangan niyang makuha ang loob ng mga tao.Kailangan niyang maipakita kung sino ang may kapangyarihan.Maya-maya ay may isang babaeng empleyadong tumayo.Hindi ito kilala ni Criszah.Ngunit halatang gustong magpasikat sa bagong vice president."Ate Criszah," nakangiti nitong sabi, "kung hindi ka na puwedeng uminom, baka naman puwede kang kumanta.""Narinig ko kasi na maganda raw ang boses mo."Tumawa ang ilan."Sige na! Isang kanta lang!"Hindi pa man nakakasagot si Criszah ay bigla siyang tinulak ng babae.Hindi nama







