Share

Chapter 4: He called it Drama

Author: Xielyne J.
last update publish date: 2026-06-22 16:14:49

CHAPTER 4

KINABUKASAN mag-isang nilinis ni Criszah ang mga unan, ang mga art frame sa dingding at mga halaman sa balkonahe.

Ang mga lumang gamit ay itinapon niya, at ang mga halamang nasa paso ay kaniyang ipinamigay.

“Kaya ko naman pa lang bitawan ang mga bagay na matagal ko nang itinatago.” Mahina niyang bulong sabay pagpag ng mga kamay.

Sunod niyang ginawa ay binuksan ang drawer, kinuha niya ang credit card na binigay ni Jude, at mataman iyong tinitigan. Kailanman ay hindi niya iyon binawasan, may pera siya, at sapat iyon sa mga bagay na gusto niya. Kaya ngayon, panahon na para ibalik ang card sa tunay na may-ari nito.

Inilapag niya iyon sa ibabaw ng lamesa, saka pinasadahan nang tingin bago tuluyang tumalikod at lumabas ng silid bitbit lamang ang sarili.

****

NGAYON, tahimik na kumakain ng take out sina Criszah at Jo, sa loob ng showroom. Nang biglang mag-flash sa screen ng television ang isang flash report patungkol sa De Leon Empire. Nakatayo sa harapan ng entablado ay ang spokesperson ng kumpanya.

“Starting today, Our new Brand Creative Director of De Leon Empire is Miss Rena Amares, and she was also appointed as our new Vice President of Juris Entertainment Industry, effective immediately.”

Ang Juris Entertainment Industry ay ang kompanyang pinirmahan ni Criszah

“Nababaliw na ba ang lalaking iyan?” Hinampas ni Jo, ang remote sa lamesa, “Wala na ata sa katinuan iyang asawa mo, Cris! Paano niya nagawang ibigay sa posisyon ng babaeng iyan ang pinaghirapan niya? Ano bang utak meron siya at ginawa n'yang boss ng asawa niya ang kaniyang—Ughh! Nevermind!”

Bumuntonghininga si Criszah, nawalan na siya ng ganang kumain kaya iniurong niya ang disposable container na may lamang baked lasagna. Bakas sa kaniyang mukha ang lungkot. Tuluyan na siyang nawalan ng lugar sa kumpanya.

Alam naman niyang matagal nang magkaibigan ang dalawang pamilya. At mula pagkabata ay magkaibigan na sina Jude at Rena.

Pilit na lamang siyang natawa habang nakatitig sa kawalan.

“Hay naku, kumain na nga lang tayo bago pa tayo ma-stress sa kabubuhan ng lalaking iyan!” rinig niyang angil ng manager. “Oh ikaw, kumain ka! Huwag kang magpadala sa mga iyan.”

MATAPOS kumain, agad niyang ipinadala sa abogado ang sulat at mabilis naman iyong sinelyuhan ng korte. Mabuti na lang at mabilis kumilos ang abogado nila kaya mabilis na umusad ang mga papeles na kailangan nila para sampulan ang mga taong nanira sa kaniya.

Agad naman iyong pinost ng kaniyang manager, na sinupurtahan naman niya.

Mabilis namang kumalat iyon ngunit may iilang netizen pa rin ang pumupuna sa kaniya. Pero hindi siya natinag, ano pa ba ang mapapala niya? Nasa Pilipinas siya, konting kibot lang dagdagsain agad siya ng mga bayarang trolls para i bash nang malala.

Sa pagkakataong ito, naghihintay na si Criszah na tumunog ang kaniyang telepono. Dalawang tawag lang ang inaasahan niya sa mga oras na iyon.

Hindi nga siya nagkakamali, tumawag ang isa sa mga representative ng production crew.

Ayon rito, hindi siya tanggap bilang 2nd female lead dahil sa naging isyo. Ngunit dahil ipinaglaban siya ng director, nakuha niya ang script ng isang 2nd supporting actress. Maikling pahina lang iyon, at kung tutuusin pangmamaliit iyon. Hindi dahil sa ikli ng screen time niya, kundi dahil ang ginagampanan niya ay isang babaeng bayaran na naging kabit ng bidang lalaki.

Malinaw pa sa sikat ng araw na gustong pagsamantalahan ng production team si Criszah, dahil sa kasalukuyang akusa sa kaniya na isa siyang kabit. Pero dahil umabot na sa ganito ang sitwasyon, hindi na siya nagreklamo pa. Isa pa, kailangan niya ang trabahong ito.

“Ate, nabasa ko na ang script. Kahit mas marami ang eksena ng second female lead, sa romance lang umiikot ang karakter niya at halos wala nang ibang lalim. Samantalang ang supporting female lead, kahit kakaunti ang eksena, napakaganda ng personality niya. Kapag mahusay ang pag-arte sa papel na iyon, siguradong siya ang tatatak sa mga manonood.”

Dahil ilang taon nang hindi nakatatanggap ng proyekto si Criszah, wala siya sa posisyon para mamili ng role. Isa lang ang hiling niya sa production team—maagang ilabas ang detalye ng karakter na gagampanan niya.

Sa panahong ito, mas mahalaga pa ang official confirmation mula sa production team kaysa sa kahit anong papuri ng ibang tao.

Maya-maya, tumunog muli ang kanyang telepono. At sa pagkakataong ito, si Jude ang tumatawag.

Nahulaan na agad ni Criszah ang dahilan. Dalawang araw na lang at kaarawan na ng lola nito, kaya malamang ay yayayain siya nitong umuwi sa ancestral house kasama siya.

Ngunit pagkarinig niya sa unang sinabi ng lalaki, agad siyang natigilan. “Criszah, bawiin mo na ang ipinadala mong demand letter.”

Sandaling natahimik si Criszah.

Pagkatapos ay nagpatuloy si Jude.

“Tungkol sa isyu, humihingi ako ng tawad para kay Rena. I've already tell her about us, at humihingi na rin siya ng pasensya. So sana mapatawad mo siya. Huwag mo nang idamay pa ang mga netizens.”

“Sige.” Magaan ang tono ni Criszah, ngunit may halong panunuya. “Pero Iyan ba talaga ang gusto mong marinig mula sa akin?”

Natahimik si Jude. Parang hindi nito maintindihan kung bakit hindi basta sumunod si Criszah sa kahilingan nito.

“Sinadya man o hindi,” mahinang sabi ni Criszah, “pareho naman nating alam kung ano ang totoo.”

“Matagal nang nasa ibang bansa si Rena. Hindi siya pamilyar sa takbo ng social media rito. At humingi na rin naman siya ng tawad.” matigas ang boses na anito.

Napakagat-labi si Criszah. Gusto niyang itanong kung sapat na pala ang simpleng paghingi ng tawad, bakit pa umiiral ang batas? Ngunit wala na siyang lakas para makipagtalo. Direkta niyang tinanggihan ang kahilingan nito.

Napabuntong-hininga si Jude.

“Criszah, hindi ka naman dating ganito kakitid mag-isip, ah. Ano bang nangyayari sa iyo?”

Napatawa si Criszah sa sobrang sama ng kaniyang loob. Wala talaga emotional intelligence ang asawa, o sadyang nagtatanga-tangahan lang ito. Alam niyang hindi siya santo. Hindi siya ganoon kabait para hayaang yurakan ang dignidad niya.

Lalo na ngayong naririnig niyang ipinagtatanggol pa ng sariling asawa ang ibang babae kesa sa kaniya.

Masakit, oo, pero wala siyang maisagot.

“Huwag kang mag-alala, magpapalipat ako ng ilang ari-arian sa pangalan mo bukas. Maaari rin nating pag-usapan ang shares ng kumpanya kung iyon ang gusto.” muling saad nito nang wala itong nakuhang sagot mula sa kaniya.

Sa paraan nang pananalita nito, para lang itong nag-close ng isang deal.

Parang si Rena ang tunay na kakampi nito, habang si Criszah ay isang estrangherong kailangang bayaran para manahimik.

Pero pinilit ni Criszah na panatilihin ang natitira niyang dignidad.

“I’m sorry, Jude, kung pera lang ang habol ko, hindi sana ako pumayag sa prenup natin noon. At lalong hindi ko titiisin ang tatlong taon na para akong nakatagong antigo—mali, para akong sakiting asawa, na pinandidirihan at hindi mo maipakilala sa publiko.”

Biglang bumigat ang paghinga ni Jude.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit hindi siya komportable sa paraan ng pagtawag sa kanya ni Criszah.

Malamig iyon, at tila may pader nang namamagitan sa pagitan nila.

Kinusot ni Jude ang pagitan ng kanyang mga kilay bago marahang nagsalita.

“Criszah, look, I know, ikaw ang pinakamatinong taong nakilala ko. Kaya pwede ba, tama na iyang kadramahan mo. It's not funny by the way.”

Bahagyang ngumiti si Criszah. Ngunit walang init ang ngiting iyon.

“Drama? Hindi ako nagdadrama, Jude. Ang pagsasampa ng kaso laban sa mga naninira at nagpapakalat ng fake news laban sa akin ay hindi makakaapekto sa negosyo ninyo. At lalong hindi nito pababagsakin ang halaga ng kumpanya. So, ano ang ikinatatakot mo?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 29

    Isang malambing at mahinhing tinig ng babae ang narinig niya mula sa kabilang linya. Biglang nanigas ang buong katawan ni Criszah. Hindi niya namalayang napatingin siya sa orasan sa dingding. Lagpas ala-una na ng madaling-araw. Hindi na niya kailangang magtanong kung sino ang kasama ni Jude sa ganitong oras. Kilala niya ang boses ng babaeng nagsasalita sa kabilang linya. Si Rena Amares iyon. Unti-unting naglaho ang huling pag-asang pilit niyang pinanghahawakan. “Si Rena ito,” patuloy ng babae. “May kailangan ka ba kay kuya Jude?” Hindi agad nakasagot si Criszah. Maya-maya, muling nagsalita si Rena. “Hinahanap mo ba siya dahil sa mga trending topic? Kung ganoon, gusto ko lang ipaalala na sinabi na ni Kuya Jude noon na nakaaapekto sa reputasyon ng kumpanya ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan mo.” Bahagya itong tumawa bago nagpatuloy. “At saka, ate Criszah, gabi na. Hindi ba medyo hindi angkop na tumawag ka pa sa ganitong oras para istorbohin ang pahinga

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 28

    Sunod-sunod ang pag-click ng mga kamera habang sinisikap ng mga reporter na makakuha ng magandang kuha sa mukha ni Criszah. Halatang naghihintay ang mga ito ng anumang reaksiyon mula sa aktres na maaari nilang gawing new trending topic sa social media.“Pasensya na po,” mahinahong saway ng isang miyembro ng production team. “Ang mga tanong lamang na may kaugnayan sa teleserye ang maaari naming sagutin sa ngayon.”Hindi naman basta nagpatalo ang mga reporter.“Kung ganoon, Miss Montalban, maaari po ba naming malaman kung ano ang pamantayan ninyo sa isang mahusay na artista? At ano ang masasabi ninyo sa pagganap ninyo bilang supporting lead. At ano naman ang masasabi n'yo sa dalawang bidang artista?”Anuman ang maging sagot ni Criszah, may posibilidad na may masaktan siyang panig.Hindi lingid sa kaniya na may kanya-kanyang tagahanga ang mga bidang artista ng teleserye. Kapag nagkamali siya ng sagot, maaari siyang kuyugin ng mga tagasuporta ng magkabilang panig.Ngunit nanatiling kalmad

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 27

    ---SA KABILANG DAKU, tahimik na nakaupo sina Jude at Rena sa loob ng luxury van."Hey, ang tahimik mo naman," malambing na tawag ni Rena.Bahagyang ibinaling ng lalaki ang tingin sa kaniya."Tungkol pala sa acquisition ng Vinson Corporation, hayaan mo na akong humawak sa project na iyon. Gusto kong patunayan sa 'yo na kaya kong pamahalaan ang ganoong kalaking deal."Buong kumpiyansang nagsalita si Rena.Ngunit sa likod ng kaniyang mga salita ay may mas malalim siyang gustong ipahiwatig.Gusto niyang patunayan na hindi lamang siya isang babaeng lumaki sa marangyang buhay.Karapat-dapat siyang tumayo sa tabi ni Jude.Karapat-dapat siyang maging bahagi ng pamilya De Leon.At higit sa lahat, siya ang babaeng tunay na nababagay sa lalaki.Bahagyang itinaas ni Jude ang kaniyang mga mata.Ngunit hindi siya sumang-ayon.Hindi rin siya tumanggi.Nang makitang walang balak magsalita ang lalaki, agad na ngumiti si Rena at iniba ang usapan."Ako na muna ang bahala sa jacket mo, ha? Ipapalinis ko

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 25

    NANG makita ni Jude De Leon si Criszah, bahagyang sumilay ang pagkagulat sa mukha nito.Samantala, nakapatong ang isang kamay ni Rena Amares sa sandalan ng upuan. Mula sa kinatatayuan ni Criszah, para bang halos nakasandal na ang babae kay Jude.Ngumiti si Rena bago nagsalita sa mahinahong tinig."Ayos lang naman kung ayaw mo. Hindi ka naman namin kakainin nang buhay ni Mr. De Leon."Sa kabila ng magaan na tono ng pananalita nito, lalo lamang kinabahan ang mga miyembro ng production team.Ramdam ni Criszah ang mga matang nakatuon sa kaniya. May mga nagmamakaawang sumunod na lamang siya, may mga nag-aalala, at mayroon ding tila natutuwa sa nangyayaring eksena.Maging ang kamay ni Director Rodriguez na nakahawak sa baso ng alak ay bahagyang pinagpapawisan.Nang makitang hindi pa rin kumikilos si Criszah, napakunot ang noo ni Jeff Chui."Ano, Miss Montalban ? Bakit ka nakatayo lang riyan? We are all waiting.” Ayaw naman ni Jude na makitang nagsisilbi ng inumin si Criszah sa ibang tao.K

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 25

    ---SAMANTALA, lumabas si Jude sa pribadong silid upang sagutin ang isang tawag.Nang makabalik siya, napakunot ang noo niya nang mapansing mas dumami ang mga tao sa loob.Ngumiti si Rena at agad siyang nilapitan.“Kuya Jude, ipinapakilala ko sa iyo si Director Rodriguez. Ang De Leon ang isa sa mga kumpanyang namuhunan sa proyekto niya.”Tumango si Jude bilang pagbati.“Director Rodriguez.”“Nice to meet you, Mr. De Leon,” magalang na sagot ng direktor.Pormal ang pakikitungo ni Jude. Hindi na siya nag-abala pang makipagkuwentuhan nang mahaba. Matapos bumati, ibinalik niya ang pansin sa mga taong kausap niya kanina.Hindi niya nilibot ang tingin sa buong silid.Kaya hindi niya napansin si Criszah na tahimik na nakaupo sa isang sulok.Hindi rin niya alam na nasasaksihan ng asawa ang bawat kilos niya.---Habang nagpapatuloy ang salu-salo, sunod-sunod na nag-alok ng tagay ang direktor at ang ilang producer kay RenaBagaman hindi ito sanay uminom nang marami, hindi rin nito madaling mata

  • THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him    Chapter 24

    SAMANTALA, pagdating sa ikalawang palapag ng club, sinalubong si Director Rodriguez ng isang lalaking naka-suit.“Director Rodriguez, ako po ang assistant ni President Jeff Chui. Inaanyayahan po niya kayo sa private room na inukupa niya.”Napangiti ang direktor.“Salamat. Halika, sumama na kami.”Ngunit bago pa sila makalakad, may isang artistang napabulalas sa pagkagulat.“Wait– tama ba ang narinig ko?! Si President Jeff Chui po ba ng ChuiJi ang tinutukoy ninyo?”Tumango ang assistant.Agad na nagkatinginan ang ilang artista. Halatang hindi nila inaasahang magkakaroon sila ng pagkakataong makilala ang isang kilalang negosyante sa gabing iyon.Si Criszah naman ay bahagyang natigilan.Kilala niya ang pinag-uusapan nila.Kaibigan iyon ni Jude mula pa noong kabataan nila.Sa kabila ng tatlong taong pagsasama nila ng lalaki, hindi siya kailanman ipinakilala ng asawa sa mga kaibigan nito sa paraang maipagmamalaki niya bilang asawa.Ngayon, sa isang pagkakataong hindi niya inaasahan, muli n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status