LOGINSimula nang makita ko ang mensahe sa cellphone ni Daveron, hindi ko na alam kung paano ko siya titingnan. Hindi dahil nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya, kundi dahil sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon, may takot nang sumabay sa pagmamahal na matagal kong iningatan.
Dati, kapag umuuwi siyang gabi, ang nararamdaman ko ay pangungulila. Hinihintay ko siya dahil gusto kong marinig ang boses niya, makita ang mukha niya, at maramdaman na kahit pagod siya ay pinipili pa rin niyang umuwi sa akin. Pero ngayon, sa bawat pagbukas ng pintuan, hindi ko na alam kung saya ba ang mararamdaman ko o kaba dahil baka may panibago na naman akong matuklasan. Alam kong may nakaraan si Daveron at Amber, pero kailan man ay hindi ko nakita si Daveron na nangulila sa kaniya. At iyon ang pinakamasakit, ang pakiramdam na habang iniisip kong kilala ko siya nang lubos, may isang bahagi pala siya na hindi niya kailan man ipinakita sa akin. Maraming beses kong gustong tanungin siya. Maraming beses kong gustong sabihin na nasasaktan ako. Gusto kong malaman kung bakit siya nagiging iba, kung bakit mas madalas siyang nasa cellphone, at kung bakit pakiramdam ko ay may unti-unting lumalayo sa pagitan namin. Pero sa tuwing naiisip kong haharapin ko siya, napapahawak ako sa tiyan ko at naaalala ko ang maliit na buhay na nasa loob ko. Ang anak namin. Doon ako tumitigil. Dahil ayokong ang unang alaala ng pagbubuntis ko ay puro sakit at luha. Ayokong ang balitang matagal kong hinihintay ay masabayan ng takot at pagdududa. Gusto kong sabihin iyon sa kaniya sa tamang panahon. Gusto kong makita ang saya sa mukha niya. Gusto kong marinig siyang sabihin na masaya siya dahil magiging pamilya na kami. Kaya pinili kong itago muna. Hindi dahil ayaw kong sabihin. Kundi dahil natatakot akong baka hindi niya ito tanggapin. Si Nanay Pasha lamang ang nakakaalam ng lahat. Siya ang kasama ko sa bawat check-up, siya ang naghahanda ng pagkain ko, at siya ang laging nagpapaalala na hindi na lamang sarili ko ang iniingatan ko ngayon. Sa bawat pagpunta namin sa ospital, hawak niya ang kamay ko kapag kinakabahan ako. Siya ang unang taong nakangiti kapag naririnig namin ang tibok ng puso ng anak ko. “Hija, ang bilis ng panahon, ‘no?” nakangiti niyang sabi habang tinitingnan ang resulta ng check-up ko. “Hindi mo mamamalayan, nasa mga bisig mo na ang baby mo.” Napangiti ako habang tinitingnan ang larawan ng ultrasound. Sa maliit na litrato na iyon, parang nakita ko na agad ang buong kinabukasan ko. Isang buhay na bubuo sa akin. Isang taong mamahalin ko nang higit pa sa sarili ko. “Masaya po ako, Nay,” mahina kong sabi. Pero hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Dahil kahit masaya ako, may isang bahagi ng puso ko ang nagtatanong kung magiging bahagi ba si Daveron ng pangarap na iyon. “Pero natatakot ka,” sabi ni Nanay Pasha. Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko na kailangan pang magsalita dahil alam niyang tama siya. “Paano kung hindi niya kami piliin, Nay?” tanong ko habang pinipigilan ang luha. “Paano kung hindi niya mahalin ang anak namin?” Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. “Kristine, hindi mo dapat kailangang magmakaawa para piliin ka ng sarili mong asawa.” Masakit ang sinabi niya. Dahil alam kong may katotohanan iyon. Habang lumilipas ang mga araw, mas naging abala si Daveron. Lagi siyang may meeting, laging may kailangang puntahan, at madalas ay gabi na siya kung umuwi. Hindi ko na siya tinatanong kung nasaan siya o kung sino ang kausap niya dahil ayokong magmukhang naghihinala. Ayokong maging asawa na puro tanong at duda. Kaya pinili kong intindihin siya. Dahil iyon ang ginagawa ko palagi. Kapag mahal mo ang isang tao, minsan nauuna mong intindihin ang dahilan niya bago mo isipin ang sakit mo. Hanggang isang gabi, nagulat ako nang hindi siya umuwi nang tahimik gaya ng dati. “Kristine?” tawag niya sa pangalan ko, habang bitbit ang maliit na kahon. “Para sa’yo, peace offering ko.” sabi niya habang iniabot iyon. Napatitig ako sa kaniya. “Para sa akin?” Tumango siya. Dahan-dahan kong binuksan ang kahon at doon ko nakita ang isang magandang kwintas. Hindi iyon ang pinakamahal na bagay na natanggap ko sa buhay ko, pero para sa akin, napakahalaga noon. Dahil sa sandaling iyon, naisip kong baka hindi niya naman talaga ako nakakalimutan. Baka pagod lang siya. Baka may pinagdadaanan lang siya. Baka mahal pa rin niya ako. “Ang ganda,” sambit ko. “Bagay sa’yo.” Isang simpleng salita. Pero mula sa isang lalaking hindi sanay magpakita ng lambing, parang napakalaking bagay na iyon. Nakangiti akong tumingin sa kaniya habang iniisip ko ang plano ko. Sasabihin ko na. Sasabihin ko na na magiging ama na siya. Pero gusto kong espesyal. Kaya pinili ko ang araw ng kaarawan ng Daddy niya kung saan naroon ang buong pamilya nila. Gusto kong ibigay sa kaniya ang pinakamagandang regalo. Ang anak namin. Dumating ang araw ng kaarawan ng Daddy ni Daveron. Masaya ang buong mansion. Puno ng tawanan, kwentuhan, at mga taong mahalaga sa buhay niya. Habang nakatingin ako sa pamilya niya, hindi ko mapigilang mangarap. Gusto kong maging parte ng pamilyang iyon hindi lamang bilang asawa ni Daveron, kundi bilang ina ng anak niya. Hawak ko ang maliit na sobre na naglalaman ng ultrasound picture habang hinahanap ko siya. Ngayong araw. Ngayong araw ko sasabihin. Pero habang naglalakad ako sa hallway ng mansion, may narinig akong hindi ko inaasahan, mga ung0l at halinghing. Huminto ako. Hindi ko alam kung bakit biglang nanginig ang kamay ko. Unti-unti akong lumapit. At doon ko nakita ang katotohanang tuluyang sumira sa lahat ng pinanghawakan ko. Nakatalikod si ang isang pigura ng isang lalaking kilalang kilala ko. Nakaupo ito habang umiindayog sa ibabaw niya si Amber. They're… kissing roughly. Kitang-kita ko kung paano sila tila kasabik sa isat isa. At nang magtama ang mga mata namin ni Amber, kitang-kita kung paano siya ngumiti na para bang inaasar ako. “Oooh, Dave… fvck me so hard…” parinig pa nitong sambit habang nakatitig sa akin. My husband followed her and slapped her butt. Sa isang iglap, parang nawala ang lahat. Hindi ko na narinig ang ingay ng party. Hindi ko na narinig ang tawanan ng mga tao. Ang narinig ko lamang ay ang pagkabasag ng puso ko. Dahil sa sandaling iyon, nakuha ko na ang sagot. Hindi niya ako minahal. Hindi niya ako minahal gaya ng pagmamahal ko sa kaniya. Ako ang asawa niya. Pero siya pa rin ang babaeng nasa puso niya. At ang pinakamasakit na parte? Buong panahon na iniisip kong hinihintay ko lang siyang mahalin ako, pero may hinihintay pala siyang balikan. Hindi ako nag-ingay at hindi ko hinintay na makita niya ako. Mabilis akong umalis dala ang sakit na hindi ko alam kung paano ko dadalhin. Pagdating ko sa bahay, tahimik ang lahat. Pero may isang bagay sa mesa na agad kong napansin. Isang sobre. At nang buksan ko iyon, parang huling patunay na kailangan ko para tuluyang magising. Annulment papers. Tapos na ang kasunduan namin, kaya naman tapos na rin kung anong mayroon kami. Hindi ko na kinailangan pang umiyak. Hindi ko na kinailangan pang magtanong. Dahil sa wakas, malinaw na malinaw na sa akin. Hindi pala ako ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay. Kinuha ko ang ballpen. At nilagdaan ko ang papel. Hindi dahil hindi ko na siya mahal. Kundi dahil sa unang pagkakataon, may mas mahalaga akong kailangang piliin. Ang anak ko. Tahimik kong inayos ang mga gamit ko. Hindi ko kinuha ang mga bagay na magpapaalala sa akin ng sakit. Hindi ko kailangan ng kahit ano mula sa bahay na iyon. Ang kailangan ko lang ay ang sarili ko. At ang munting buhay na dala ko. Bago ako tuluyang umalis, huli kong tiningnan ang bahay na minsan kong tinawag na tahanan. “Patawad, baby,” bulong ko habang hinahaplos ang tiyan ko. “Pero pipiliin kita.”FIVE YEARS LATERLimang taon mula nang tuluyan kong iwan ang buhay na akala ko ay magiging akin habang buhay. Limang taon mula nang hawakan ko ang huling piraso ng lakas ko at piliing umalis sa taong minahal ko nang higit pa sa sarili ko. Noong araw na iyon, dala ko ang sakit, ang pagkabigo, at isang munting buhay na hindi ko kailanman pinagsisihan. Akala ko noon, sa pagkawala ni Daveron ay mawawala rin ang kalahati ng pagkatao ko. Akala ko hindi ko kayang mabuhay nang wala siya dahil sa loob ng tatlong taon, siya ang naging sentro ng mundo ko. Siya ang dahilan ng mga ngiti ko, siya ang taong hinihintay kong umuwi, at siya rin ang taong hindi ko inakalang magiging dahilan ng pinakamalaking sakit na mararanasan ko.Pero mali ako.Dahil hindi pala katapusan ang pagkawala ng isang tao. Minsan, iyon pa ang simula para matagpuan mo ang sarili mong matagal mo nang nakalimutan habang minamahal ang ibang tao.Hindi naging madali ang limang taon na lumipas. May mga gabing tahimik akong umiiyak
Simula nang makita ko ang mensahe sa cellphone ni Daveron, hindi ko na alam kung paano ko siya titingnan. Hindi dahil nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya, kundi dahil sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon, may takot nang sumabay sa pagmamahal na matagal kong iningatan.Dati, kapag umuuwi siyang gabi, ang nararamdaman ko ay pangungulila. Hinihintay ko siya dahil gusto kong marinig ang boses niya, makita ang mukha niya, at maramdaman na kahit pagod siya ay pinipili pa rin niyang umuwi sa akin. Pero ngayon, sa bawat pagbukas ng pintuan, hindi ko na alam kung saya ba ang mararamdaman ko o kaba dahil baka may panibago na naman akong matuklasan.Alam kong may nakaraan si Daveron at Amber, pero kailan man ay hindi ko nakita si Daveron na nangulila sa kaniya. At iyon ang pinakamasakit, ang pakiramdam na habang iniisip kong kilala ko siya nang lubos, may isang bahagi pala siya na hindi niya kailan man ipinakita sa akin.Maraming beses kong gustong tanungin siya. Maraming beses kong g
Matapos akong iwan ni Daveron sa gabing dapat sana ay isa sa mga pinakamasayang araw namin bilang mag-asawa, ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa harap ng pintuan habang nakatitig sa direksyong tinahak ng kotse niya. Para akong naghihintay ng isang himala na baka bigla siyang bumalik, bumaba ng kotse, at sabihin na mas pinili niyang manatili sa akin kaysa sa anumang dahilan kung bakit siya umalis. Pero lumipas ang mga segundo, minuto, at oras, at ang tanging bumati sa akin ay ang katahimikan ng bahay na dapat sana ay puno ng saya ngayong gabi.Dahan-dahan akong bumalik sa sala at naupo sa harap ng mesa kung saan maingat kong inayos ang aming anniversary dinner. Nandoon pa rin ang paborito niyang pagkain, ang cake na pinili ko dahil alam kong gusto niya ang lasa nito, at ang maliit na regalo na ilang araw kong pinag-isipan. Sa loob noon ay ang unang ultrasound picture ng anak namin. Ang munting biyayang gusto kong ibigay sa kaniya bilang sorpresa.Hindi ko mapigilang mapangiti hab
Hindi ko mapigilang mapangiti. Sa loob ng tatlong taon, palagi kong iniisip kung darating ba ang araw na magkakaroon kami ng sariling pamilya. At ngayon, nandito na ang sagot sa mga dasal ko.May bubuo na sa pagmamahalan namin ni Daveron.Pero habang nakangiti ako, may isang bagay na sumagi sa isip ko.Paano ko sasabihin sa kaniya?Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Oo, asawa ko siya. Alam kong may karapatan siyang malaman agad, pero natatakot ako.Hindi dahil ayaw kong malaman niya.Kundi dahil umaasa ako na sa pagkakataong ito… magiging masaya rin siya.“Bestie…” tawag ni Jill na siyang nagbalik sa akin sa realidad. “Ano’ng iniisip mo?”Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. “Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Daveron.”Umupo siya sa harapan ko at napabuntong-hininga. “Kristine, alam mo naman na hindi ako pabor sa relasyon niyo, pero… anak niya rin ‘yan. Kailangan niyang malaman.”Tumango ako.“Oo. Sasabihin ko rin. Pero gusto ko sana espesyal.”“Espesyal?” taas-no
“Ginabi ka na ng uwi, ah?” sambit ko nang bumukas ang pintuan ng living room at pasuray-suray na pumasok si Daveron. “T-Teka, lasing ka ba?” sunod kong tanong.Hindi ito sumagot at sa halip ay diretso itong tumungo sa akin at kaagad akong niyakap at siniil ng halik. Hindi ito ang unang beses na may nangyari sa amin, pero sa loob ng tatlong taon ay ngayon lang siya mas naging wild.Baka dahil sa sobrang kalasingan?Halos hindi ko na namalayan na dinala niya na pala ako sa kuwarto namin at doon ay hubo’t hubad na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit mainit din ang aking pakiramdam at gustong-gusto ko ang bawat haplos at halik niya sa akin.“Hmm…” mahinang ung0l ko nang kagatin niya ang balikat ko bago ipasok ang sandata niya.“Fvck! You’re so fvcking tight, love…” ung0l ni Daveron na siyang nagpatindig balahibo sa akin.This is the first time na tinawag niya akong “love” and it felt nice.Lalo akong ginanahan at sa bawat indayog niya at baon na baon. Ramdam na ramdam ko ang bawat pag-u







