Home / Romance / THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST / CHAPTER 5: SHE RETURNED AS THE CEO

Share

CHAPTER 5: SHE RETURNED AS THE CEO

Author: febbyflame
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-23 15:28:07

FIVE YEARS LATER

Limang taon mula nang tuluyan kong iwan ang buhay na akala ko ay magiging akin habang buhay. Limang taon mula nang hawakan ko ang huling piraso ng lakas ko at piliing umalis sa taong minahal ko nang higit pa sa sarili ko. Noong araw na iyon, dala ko ang sakit, ang pagkabigo, at isang munting buhay na hindi ko kailanman pinagsisihan. Akala ko noon, sa pagkawala ni Daveron ay mawawala rin ang kalahati ng pagkatao ko. Akala ko hindi ko kayang mabuhay nang wala siya dahil sa loob ng tatlong taon, siya ang naging sentro ng mundo ko. Siya ang dahilan ng mga ngiti ko, siya ang taong hinihintay kong umuwi, at siya rin ang taong hindi ko inakalang magiging dahilan ng pinakamalaking sakit na mararanasan ko.

Pero mali ako.

Dahil hindi pala katapusan ang pagkawala ng isang tao. Minsan, iyon pa ang simula para matagpuan mo ang sarili mong matagal mo nang nakalimutan habang minamahal ang ibang tao.

Hindi naging madali ang limang taon na lumipas. May mga gabing tahimik akong umiiyak habang pinagmamasdan ang maliit na mukha ng anak ko. May mga araw na napapatanong ako kung tama ba ang desisyong ginawa ko. May mga sandaling gusto kong bumalik, gusto kong marinig ang paliwanag ni Daveron, at gusto kong itanong kung minsan ba niya akong minahal gaya ng pagmamahal ko sa kaniya. Pero sa tuwing naiisip kong bumalik, naaalala ko ang dahilan kung bakit ako umalis.

Ang anak ko.

Siya ang naging dahilan kung bakit natuto akong bumangon. Siya ang naging dahilan kung bakit pinili kong lumaban kahit pakiramdam ko noon ay wala na akong natitirang lakas. Dahil sa kaniya, natutunan kong may pagmamahal palang hindi kailangang habulin, hindi kailangang paghirapan, at hindi kailangang ipaglaban para lamang mapatunayan na karapat-dapat ka.

Ngayon, hindi na ako ang dating Kristine na kilala ni Daveron.

Hindi na ako ang babaeng tahimik na naghihintay sa isang asawa na halos hindi siya mapansin. Hindi na ako ang babaeng kontento sa maliit na bagay dahil iniisip niyang iyon lang ang kaya niyang ibigay. Hindi na ako ang babaeng inuuna ang ibang tao bago ang sarili niya.

Ngayon, kilala ako bilang si Kristine Valdez.

Isang babaeng binuo ang sarili mula sa mga piraso ng pusong minsang nadurog.

Isang babaeng pinili ang sariling pangarap.

Isang babaeng hindi na naghihintay na piliin ng iba.

Ang dating buhay na pinangarap ko kasama si Daveron ay pinalitan ko ng buhay na ako mismo ang gumawa. Ang kumpanyang minsang nagsimula bilang maliit na pangarap ay unti-unting lumaki hanggang makilala sa industriya. Kasabay noon, binago ko rin ang pangalan ng kumpanya.

Hindi na dahil gusto kong tumakas.

Kundi dahil gusto kong magsimula.

May mga bagay na kailangan mong iwan hindi dahil galit ka, kundi dahil kailangan mong tanggapin na may mga bersyon ng sarili mo na hindi na dapat balikan.

“Mommy, nasa hotel ka na ba?”

Napangiti ako nang marinig ang boses na iyon mula sa cellphone ko na voice record sent ni Kreivor. Sa dami ng tao na nakapaligid sa akin araw-araw, isang maliit na boses lang ang kayang magpahinto sa pagod ko.

Nang makita kong tumatawag ito ay agad kong sinagot ang tawag.

“Hello, baby.”

“Mommy, kumain ka na po ba?”

Napatawa ako nang mahina. Limang taong gulang pa lamang siya pero kung umasta ay parang siya pa ang mas matanda sa amin.

“Bakit ikaw ang nag-aalala sa akin?”

“Sinabi ni Lola na kailangan mong kumain kasi lagi kang busy.”

Napangiti ako habang napapailing.

Ang bilis niyang lumaki.

Minsan, hindi ko namamalayan na hindi na siya iyong maliit na sanggol na madalas kong karga habang umiiyak ako dahil sa sakit. Ngayon, siya na ang nagbibigay sa akin ng lakas.

“Ang bait talaga ng anak ko.”

“Miss na po kita.”

Natigilan ako sandali.

Dahil kahit ilang beses ko nang naririnig iyon mula sa kaniya, hindi pa rin nawawala ang epekto.

“Ako rin, baby. Miss na miss ka ni Mommy.”

“Uuwi ka po ba agad?”

Napatingin ako sa labas ng bintana. Sa dami ng responsibilidad ko ngayon, may mga araw na kailangan kong lumayo sa kaniya. Pero kahit kailan, hindi ko hinayaang maramdaman niyang mag-isa siya.

“Hindi pa. May tatapusin lang si Mommy dito.”

“Okay Mommy. Hihintayin po kita.”

Napapikit ako at napangiti. Dati, naghihintay ako ng isang lalaking hindi sigurado kung pipiliin ako. Ngayon, may isang batang naghihintay sa akin dahil mahal niya ako. At iyon ang pagkakaiba.

Kinabukasan, dumating ako sa building kung saan gaganapin ang meeting para sa malaking proyekto ng kumpanya namin. Pagbaba ko ng sasakyan, agad akong sinalubong ng mga empleyado at executives.

“Good morning, Ms. Valdez.”

Ngumiti ako at mahinahong tumango. Sanay na ako sa ganitong eksena. Hindi na ako iyong babaeng kinakabahan sa bawat tingin ng ibang tao. Natutunan kong dalhin ang sarili ko nang may kumpiyansa.

Pero nang pumasok ako sa lobby, may isang lalaking agad napatingin sa akin.

At sa sandaling iyon. Parang tumigil ang oras para kay Daveron. Limang taon niyang hindi nakita ang mukha ko. Pero nakilala niya agad ako.

Siguro dahil may mga taong kahit gaano katagal mong hindi makita, hindi mo talaga kayang kalimutan.

“Ms. Valdez,” bati niya sa akin.

Dati, isang simpleng pagtawag niya sa pangalan ko ay kayang magpasaya sa akin.

Ngayon, wala na itong epekto.

Ngumiti ako nang propesyonal.

“Mr. Daveron.”

Napansin ko ang bahagyang pagbabago sa mukha niya nang tawagin ko siya nang ganoon.

“Hindi ko alam na ikaw pala ang nasa likod ng kumpanyang ito sa Singapore,” sambit niya.

Tumingin ako sa kaniya. “Well, hindi ko naman kailangan ipaalam sa’yo. After all, we’re not that close enough to have a conversation with you.”

Natahimik siya at tila sinusuri ang pagkatao ko. Kitang-kita ko kung gaano siya naninibago sa kung sino na ako ngayon. Limang taon akong nawala sa Pilipinas. Hinubog ko ang sarili ko, pinatatag, at pinalakas.

Hindi niya alam kung gaano karaming gabi ang pinagdaanan ko nang wala siya. Hindi niya alam kung paano ko binuo ang sarili ko mula sa sakit na iniwan niya. Hindi niya alam ang buhay na nabuo ko matapos siyang mawala.

At higit sa lahat…

Hindi niya alam ang pinakamalaking sikreto na limang taon kong pinoprotektahan.

Naglakad siya palapit sa akin saka ngumisi. “Kung sabagay, iniwan mo ako noon at pinili mo ang buhay mo ngayon. Kaya masasabi kong nagtagumpay ka.”

Napakunot ako ng noo at napatingin sa paligid, saka natawa ng mahina. “Oh, shut up. Don’t tell me you’re hurt back then, I bet you really want that. And don’t bring back the old days para kang bata, eh.”

“Paging securities, there’s a child inside the company. Take him away now!” rinig kong sambit sa radyo nang isang security.

“Don’t touch me! I’m just here for my mom!”

Bigla ay kinabahan ako. That voice… It’s Kreivor!

“Paanong may nakapasok na bata dito sa kompanya?” bigla ay kunot-noong tanong ni Daveron.

Oh, no! Hindi sila puwedeng magkita ni Kreivor!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 82: MARJORIE & CALVIN

    Dalagang may crush sa isang guwapong professor, nahuli niya itong may kabembangan na ibang babae!Sa huli ay aalukin pa siya nitong maging assistant!***“Aba’t buti naman at narito ka na.” puna ng ina ni Marjorie nang dumating siya sa puwesto ng Nanay niya sa palengke.“Antok pa nga po ako, eh.” tugon niya, sabay hikab niya.Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Nanay bago siya umirap. “Siguro nagpuyat ka na naman kasi sa kapapanood mo ng Korean drama!”Napakamot si Marjorie sa kaniyang batok.“Nakakakilig naman po kasi ang korean drama. Sila na lang po nagpapakilig sa akin, ‘wag niyo po silang i-bash!”Napailing si Nanay at biglang bumaling sa mga nakaimpakeng pagkain. “Ala, eh! Sigurado ka ba? Dahil ngayon, pakikiligin kita. Dalhin mo ‘tong order ng mga Villafuerte sa mansion nila. Tiyak makikita mo ang crush mong si Sir Calvin!”Napadilat nang husto si Marjorie at biglang nawala ang antok niya.“Ha?! Talaga po, ‘Nay?” Napahawak siya sa dibdib niya, parang biglang bumilis ang tibok ng

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 81: ANDREA & SEBASTIAN

    Dalaga, na-in love sa kaniyang Hot Ninong? Ang hindi niya alam ay lihim din pala itong may pagtingin sa kaniya.Paano kung tutol naman ang mga magulang ng dalaga?Andrea’s Point of ViewNgayon ang 18th birthday ko, pakiramdam ko ay para akong isang prinsesa. Lahat ng gusto ko ay sinunod ni Daddy, mula sa engrandeng venue hanggang sa dream gown ko na kulay baby blue na may kumikislap na sequins.Habang naglalakad ako papunta sa center ng ballroom, hindi ko mapigilan ang mapangiti. May fairy lights sa kisame, fresh flowers sa bawat table, at isang malaking cake na may labingwalong kandila.“Daddy, you’re the best!” masaya kong sabi habang niyakap siya nang mahigpit.“Eh, paano naman ako? Hindi ba ako the best Mommy?” tanong naman ng Mommy ko.“The best ka rin po, pero minsan masungit ka Mommy.” sabay nguso ko.“Sus, spoiled ka lang kasi sa Daddy mo!”Natawa kami at hinaplos ni Daddy ang ulo ko. “Anak, isa lang ang gusto ko, ang maging masaya ka sa espesyal na araw mo.”Nang magsimula an

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 80: ELLARIA & LUCIANO

    Mafia Boss drinoga sa eroplano, dahil dito ay nawala siya sa sarili at inangkin ang nakitang dalaga.Kapwa nila hindi alam na sila pala ang ipinagkasundong ikakasal!***Ellaria’s Point of View“Ellaria, bumalik ka na ng Pilipinas, ngayon din!” sambit ni Auntie Carol mula sa kabilang linya.“Pero Auntie, magtatapos na ako. Last semester na lang po–”“Uuwi ka dahil inutos ko o uuwi kang walang buhay na ang kapatid mo?!”“U–Uuwi po ako. Huwag niyo pong sasaktan ang kapatid ko.” tugon ko.Hindi na ako nagreklamo pa, dahil alam kong kayang-kaya ni Auntie Carol na bitawan ang buhay ni Yasmin nang basta na lang. My sister is comatose for three years, dahil sa aksidenteng naganap noon, dahilan ng pagkamatay ng mga magulang namin.Napunta ang kustodiya namin kay Auntie Carol. Ngunit dahil bente-uno na ako ay kinaya ko na rin na ako lang ang mag-aalaga kay Yasmin. Sadyang mautak lang si Auntie Carol, dahil halos kalahati ng kayamanan nila Daddy ay napunta sa kaniya dahil kapatid siya nito.Pin

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 79: JESSA & LANDER

    Nag-vibrate ang cellphone ni Jessa habang nag-aayos siya ng mga papeles sa opisina. Nang makita niyang si Jessica ang tumatawag, agad niyang sinagot ito.“Hello, sis? Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Jessa.“Niloko ako ng asawa ko. Niloko ako ni Lander!” humahagulgol na sagot ng kaniyang kakambal mula sa kabilang linya.Napatigil si Jessa. Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. Hindi niya inaasahan ang ganitong tawag mula kay Jessica. Ang kapatid niyang laging masayahin, na walang ibang pinangarap kundi ang bumuo ng masayang pamilya kasama si Lander.“A-anong ibig mong sabihin? Ano’ng ginawa niya?”“May babae siya, Jessa! Nakita ko mismo sa phone niya! May mga picture silang dalawa, may mga sweet na mensahe! At ‘yung babae, buntis!”Parang may sumabog sa utak ni Jessa. Hindi siya makapaniwala. Alam niyang mahal na mahal ni Jessica si Lander, at hindi niya akalain na magagawa nitong ipagpalit ang kapatid niya sa iba.“Jessica, nasaan ka ngayon?”“Sa kotse… hindi ko alam kung

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 78: LAYLA & FELIX

    “Layla, I’ll be honest with you. Kailangan maoperahan kaagad ang Nanay mo, bago pa lumala ang tumor niya sa utak.”Nanginginig ang mga kamay ni Layla habang nakatitig sa Doctor. Para bang biglang huminto ang mundo niya.Tumor.Parang echo ito sa isip niya, paulit-ulit na umaalingawngaw, pero hindi niya matanggap.“D-Doc, wala na bang ibang paraan?” halos pabulong niyang tanong.Malungkot ang tingin ng Doctor. “May mga gamot para pabagalin ang paglaki ng tumor, pero hindi nito kayang tanggalin ang ugat ng problema. Kailangan ng agarang operasyon.”Napakurap si Layla, pilit na nilulunok ang umakyat na kaba sa kaniyang lalamunan.“Gaano po ito ka-urgent?”“Mahalaga na magawa ang operasyon sa loob ng susunod na dalawang linggo. Kung hindi, baka lumala ang kondisyon niya at maging mas delikado ang operasyon.”Dalawang linggo lang.Napalunok siya. “Magkano po ang kakailanganin?”Napabuntong-hininga ang Doctor. “Kalahating milyon, Layla.”Parang biglang nanikip ang dibdib ni Layla. Halos hin

  • THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST   CHAPTER 77: SHANTAL & SAMUEL

    Shantal married an unknown man. A one night stand happen noong kikilalanin na niya ang asawa niya.It turns out, it’s her husband!***Bumaba si Shantal ng taxi at luminga-linga sa harap ng mataas na condominium building. Sa wakas, pagkatapos ng dalawang taong lihim na kasal, makikilala na rin niya ang lalaking pinakasalan niya— ang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakita nang personal. Ang tanging alam niya rito ay ang lumang larawan na ipinadala sa kanya—isang binatang mukhang inosente pero misteryoso.Habang papasok siya sa lobby, biglang may humawak sa kanyang braso. Napatingin siya sa isang lalaking naka-suit, matangkad, at may matalim na titig.“Nandito ka na pala. Halika.” Mahigpit siyang hinila ng lalaki.“N–Naku, teka lang! Sino ka ba?!” pumalag siya, ngunit masyadong malakas ang lalaki.“Huwag ka nang magpakipot. Halos isang oras na kitang hinihintay,” malamig ang boses nito.Pagkatapos ay dinala siya sa isang unit at itinulak papasok.Napa-atras si Shantal nang makita an

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status