Share

Chapter 13

Alex's Pov

Mahinang ungol ang umalpas sa aking lalamunan habang pinagbabalikan ako ng aking malay. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at iginala sa loob ng silid na aking kinaroroonan. Bigla akong napabalikwas ng bangon ngunit agad din napabalik sa pagkakahiga at muling napapikut nang maramdaman ko ang hapdi sa aking braso.

"Huwag ka munang gumalaw, Miss. Baka dumugo ang sugat mo," mahinang saway sa akin ng isang tinig ng lalaki na pamilyar sa akin.

Dagli kong iminulat ang aking mga mata at tiningnan ang lalaking nagsalita na pamilyar sa akin ang boses. Brown ang mga mata niya, matangos ang ilong at manipis ang mapupulang mga labi na nakangiti sa akin. Pamilyar sa akin ang boses niya at pati na rin ang ibang bahagi ng mukha niya ngunit hindi ko talaga maalala kung saan ko siya nakita. Walang dudang guwapo ito at imposible namang hindi ko matandaan kung may nakilala akong lalaki na kasing-guwapo niya. At si Uriel na minsan masungit minsan naman ay mabait ang tanging guwapo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status