Share

Chapter 2

Alex Pov

"Uuhm..." mahinang ungol ko habang unti-unti akong pinagbabalikan ng aking kamalayan. Hindi ko pa nga naididilat ang aking mga mata ngunit mabilis na akong napabalikwas nang maalala ko ang huling nangyari sa akin bago ako nawalan ng malay. Pagdilat ko ng aking mga mata ay ganoon na lamang ang pagkabiglang naramdaman ko nang makitang nasa loob ako ng isang eleganteng kuwarto. Halatadong mayaman ang may-ari ng kuwarto dahil ang mga kagamitang naroon sa loob ay mukhang mga mamahalin. Kahit ang vase na nasa itaas ng divider ay mukhang mamahalin din ang presyo kahit na simple lamang ang hitsura. Magkano ko kaya maibebenta iyan kapag itinakbo ko?

Agad kong binura sa isip ko ang hindi magandang ideya na biglang pumasok sa utak ko. Mukhang desperado na yata akong magkapera kaya kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Imbes na ang isipin ko kung nasaan ako at ano ang dahilan kung bakit ako kinidnap ang pagnanakaw pa talaga ang pumasok sa isip ko. Pero bakit nga ba ako kinidnap? Hindi naman ako mayaman para ipatubos sa mama ko. Naglakad nga lang ako pauwi para makatipid ng pamasahe nakidnap naman ako. Kung alam ko lang na makikidnap ako ay ipinikit ko na lamang sana ang aking mga mata at sumakay na lamang ako ng tricycle pauwi sa bahay namin.

Dahan-dahan akong bumangon sa kama para sumilip sa labas ng kuwarto. Kapag wala akong makitang tao sa labas ng kuwarto ay tatakas ako sa lugar na ito. Akmang bababa na ako sa kama nang maramdaman kong mabigat ang suot ko. Literal na napanganga ako nang makita ko nakasuot ako ng magarang dress. Kaagad akong bumaba sa kama at nagmamadaling lumapit sa harapan ng human-size na salamin. Napatili ako ng malakas nang makita ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Hindi lang pala isang simpleng dress ang suot ko kundi wedding dress. Nakukulapulan din ng kolorete ang mukha ko na sa loob ng labinwalong taon ay ngayon lang nasayaran ng makeup.

"Ano ang nangyari sa akin? Sino ang kumulam sa akin? Pumasok ba ang kaluluwa ko sa katawan ng ibang tao?" hindi napigilang kausap ko sa sarili. Ngunit mukha ko naman ang nakikita ko sa harapan ng salamin at kaluluwa ko ang nasa loob ng katawan kaya imposibleng pumasok sa ibang katawan ang kaluluwa ko kagaya ng mga napapanuod ko sa mga palabas sa television. Pero in fairness, ang ganda ko pala kapag naayusan ako at ang seksi pala ng katawan ko. Hindi ko naman kasi tinitingnan ang katawan ko sa salamin dahil unang-una ay maliit na salamin na tatlong dangkal lamang yata ang haba ang salamin namin sa bahay at hindi naman ako nagsusuot ng mga pa-seksing damit. Wala rin naman kasi ako niyon. Mga lumang t-shirt na maluwang at lumang jeans lamang ang palaging suot ko. Nakakapagsuot lamang ako ng maikli dahil sa uniform ko sa coffee shop na nilayasan ko.

Napatingin ako sa kanang kamay ko nang maramdaman ko na tila may hawak akong isang maniois na bagay na parang papel. Papel nga ang hawak ko nang tingnan ko ang aking kanang kamay. Akmang bubuklatin ko na ang papel nang biglang bumukas ang pintuan at humahangos na pumasok ang isang babae na nakasuot ng uniporme na pang katulong kaya hindi na niya kailangan pang itanong kung ano ito sa bahay na iyon.

"Ano po ang nangyari, Ma'am Alexa? Bakit kayo sumigaw ng malakas?" agad nitong tanong sa akin.

Ma'am? Alexa? Kailan pa naging Eonna ang pangalan ko? tanong ko sa aking isip.

"Nasaan ako at bakit nakasuot ako ng wedding dress?" nagtatakang tanong ko sa katulong.

Napakunot ang noo ng katulong habang nakatingin sa akin na tila nawi-werduhan sa ikinikilos ko.

"Nasa loob ka ng kuwarto mo, Ma'am Alexa at kaya ka nakasuot ng wedding dress ay dahil kasal mo ngayon kay Sir Uriel. Nakalimutan mo na ba?" sagot niya sa akin. "Nakatulog ka kanina habang inaayusan ka ng makeuo artist. Dahil maaga pa naman kaya sabi ng daddy mo ay hayaan ka na lang munang matulog at gisingin na lang daw kita kapag aalis na."

"Ano? Kasal ko ngayon? Ni wala nga akong boyfriend tapos ikakasal ako?" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Mukhang may misunderstanding yata na nagaganap."

"Ma'am, wala na po tayong oras dahil nandiyan na po ang kotse na maghahatid sa'yo papunta sa simbahan," paliwanag ng katulong.

Nataranta ako nang marinig ko ang kanyang sinabi. "Relax, Alex. Relax," mahinang kausap ko sa aking sarili. Kailangan kong mag-isip kung paano ako makakatakas sa lugar na ito. Hindi ako papayag na basta na lamang ako ikasal sa lalaking ni anino ay hindi ko pa nakita. Ano ang malay ko kung isa na palang lolo ang Davin na iyon na pakakasalan ko tapos may walong anak at sampung apo. Di naging instant lola pa ako nito ngayon. "Puwedeng pakisabi sa naghihintay na driver na saglit lamang dahil nagre-retouch pa ako? Nagusot kasi ang damit ko nang mahiga ako sa kama," pagdadahilan ko. Pero ang totoo ay magbibihis ako ng damit at tatakas sa bahay na ito.

"Sige po, Ma'am Alexa. Sasabihin ko po sa kanya," anang katulong pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto.

Paglabas ng katulong ay akmang huhubarin ko na ang suot kong wedding dress nang maalala ko ang papel na hawak ko kanina. Dinampot ko iyon sa sahig dahil nabitawan ko iyon kanina pagpasok ng katulong. Baka nasa papel na ito ang kasagutan sa kanyang mga katanungan. Nanginginig ang mga kamay na binuklat ko ang nakatuping papel para basahin...

Hello, Alex. I know you don't know me but I knew you. I am your identical twin, Alexa. I grew up with our father while you grew up with our mother. I'm sorry kung kinidnap kita para ipalit sa akin bilang bride ni Uriel. Hindi sa ayokong magpakasal sa kanya ngunit hindi lang talaga ako handa pa para magpakasal. Don't worry, ipapagamot ko si Mama kaya huwag kang mag-alala sa kanya. At huwag ka ring mag-alala dahil hindi ako magpapanggap bilang ikaw. I will tell our mother about my real identity at pati na rin ang ginawa ko sa'yo. I will take this chance to get closer to our mother. Matagal ko siyang hindi nakasama kaya nananabik ako sa pagmamahal ng isang ina. At sana ay mapalapit ka rin kay daddy. Mapatawad mo sana siya sa ginawa niyang pag-iwan sa inyo ni Mommy. Aalagaan ko si Mommy at hindi ko siya pababayaan. Please, pretend as me hanggang sa bumalik ako. At sa pagbabalik ko ay nakahanda na akong harapin ang buhay ng may asawa. I'm really, really sorry that I put you in this kind of situation. Babawi ako sa'yo kapag may pagkakataon at ikukuwento ko na rin sa'yo kung paano ko nalaman na may kakambal pala ako kahit hindi ka naman binabanggit sa akin ni Daddy. I love Uriel pero hindi pa ako handang mag-asawa. Please take care of him for me. Your Sister, Alexa

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha matapos kong basahin ang sulat na iniwan sa akin ni Alexa. May kakambal pala ako. Bakit hindi sinabi sa akin ni Mama na may kapatid pala ako at dinala ng walang hiya kong ama noong inabandona niya kami ni Mama. Gusto ni Alexa na maging malapit ako sa aming ama at mapatawad ko siya sa pag-iwan niya sa amin ni Mama? Hindi. Hindi mangyayari ang kanyang nais. Galit ako sa ama ko dahil kung hindi niya kami iniwan ni Mama ay hindi sana namin mararanasan ang lahat ng hirap na pinagdaanan naming dalawa para lamang mabuhay. Hindi sana magkakasakit ang mama ko dahil sa sobrang pagkayod para lamang kami makakain kahit isang beses man lang sa isang araw. Hindi ko siya mapapatawad. Hindi!

***

Hindi ko mapigilan ang pagdagsa ng kaba sa aking dibdib habang naglalakad ako sa aisles palapit sa lalaking magiging asawa ko ngunit ngayon pa lamang ko oa lamang makikita. Sa tabi ko ay ang aking ama na sa loob ng labinwalong taon ay ngayon ko lang nakita. At sa araw pa ng kasal ko na dapat ay kasal ng kakambal kong si Alexa

Kanina nang sinalubong niya ako sa harapan ng simbahan nang nakangiti ay hindi ko magawang suklian ang kanyang matamis na ngiti. Gusto ko siyang sumbatan sa lahat ng mga sakit na pinagdaanan namin ni Mama ngunit hindi ko magawang sabihin sa kanya dahil malalaman niya na hindi ako si Alexa kundi ang inabandona niyang anak na si Alex.

"Please, take care of my one and only daughter, Uriel," bilin ng kanyang ama nang iniabot nito kay Uriel ang aking kamay.

Nakaramdam ako ng sakit dahil sa sinabi ng aking ama. One and only daughter? Talagang kinalimutan na nga niya na may isa pa siyang anak. Gusto ko sanang bulyawan siya at sabihing ako si Uriel. Ang kanyang pangalawang anak. Ngunit alang-alang sa pagpapagamot ng mama ko ay pinigil ko ang sarili kong gawin iyon.

Biglang nanlamig ang kamay ko nang maramdaman ko ang paghawak sa aking kamay ng mainit-init na kamay ni Uriel. Hindi ko siya magawang tingnan dahil baka ipagkanulo ako ng aking damdamin at mabuko pa na hindi naman talaga ako si Alexa. Kapag nangyari iyon ay para ko na ring pinatay ang aking mama.

Lutang ang isip ko habang nagsasalita ang pari sa harapan namin. At hindi na lamang ang mga kamay ko ang nanlalamig kundi ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay nagsisikip na rin ang aking dibdib. Tila hindi ako makahinga at parang nanlalabo ang aking mga paningin kaya bahagya kong ipinilig ang aking ulo.

"And now, you may kiss the bride," pag-aanunsiyo ng pari bilang pagtatapos sa seremonyas ng kasal. Ang ibig sabihin ay halik na lamang ang kulang at opisyal na silang mag-asawa ni Uriel.

Napapikit ako nang marahan niya akong pinihit paharap sa kanya at pagkatapos ay iniangat ang nakatakip na belo sa aking mukha.

"Open your eyes," narinig kong utos sa akin ni Uriel sa mahinang boses.

"Kiss! Kiss!" malakas na udyok ng mga tao sa paligid namin.

Huminga muna ako ng malalim bago nilakasan ko ang aking loob para imulat ang aking mga mata. Napatitig sa pinaka-guwapong mukha ng isang lalaki na nakita ko sa buong buhay ko. Bahagyang nakakunot ang noo nito at seryoso ang anyo habang nakatingin sa akin ngunit hindi ito nakabawas sa aking nitong kakisigan.

Nang bumaba ang kanyang mukha sa mukha ko para tapusin ang pinakahuling bahagi ng seremonyas ay nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagdidilim nang aking paligid. At bago pa man lumapat sa aking mga labi ang mga labi ni Uriel ay para nauupos na kandila na bigla na lamang akong bumagsak at nawalan ng malay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status