Alex Pov
Hindi ako magkandatuto sa pag-iistima sa mga customers na pumapasok sa pinagtatrabahuhan kong coffee shop sa Ermita. Dalawa kasi kaming waitress ngunit hindi pumasok ngayon si Lorna kung kailan mas dumagsa ang mga taong pumasok para magkape at mag-meryenda. Hindi naman kalakihan ang coffee shop na pinagtatrabahuhan ko ngunit madalas ay maraming tao ang pumapasok sa loob dahil na rin sa matao ang lugar na kinatitirikan ng shop. Katulad ngayon, marami na namang customers ang pumasok kaya parang hilong talilong na ako. Tawag dito, tawag doon. Deliver dito, deliver do'n ang ginagawa ko. Masungit pa naman ang may-ari ng shop na siya ring tumatayong cashier. Pinagtitiyagaan ko na lamang ang trabahong ito dahil wala naman akong ibang mapasukang trabaho. Saan ba naman kasi magtatrabaho ang isang katulad ko na graduate lamang ng high school?"Alex,, ano ka ba? Huwag ka ngang babagal-bagal diyan at marami pang customers ang naghihintay sa order nila," masungit na sita sa akin ng boss kong si Sonya."Opo, Ma'am," agad kong sagot. Bakit kasi hindi na lang siya ang mag-abot sa ibang customers ng kanilang order? Alam naman niyang busy pa ako sa pagtimpla ng kape na gusto nang isa sa mga customers.Hindi lang kasi waitress ang trabaho ko kundi coffee maker din. Kahit hindi ako nag-aral ay masarap akong magtimpla ng kape lalo na ang tinatawag na cold coffee latte. Vanilla ice cream na tinunaw sa mainit na tubig at pagkatapos ay nilagyan ng original black coffee with whipping cream sa ibabaw. Talagang babalik sa coffee shop ng boss ko ang taong makakainom ng aking cold coffee latte na siyang pinaka-mabenta sa shop namin."Alex! Dalawang cold coffee latte."Napasimangot ako nang makita ko kung sino ang tumawag sa akin at nag-order. Ang dalawang tambay sa kanto na madalas mang-bastos sa akin."Hindi mo ba narinig na tinatawag ka ng customer, Alex? Lapitan mo sila. Bilis!" nandidilat ang mga matang utos sa akin ng boss ko.Mabigat ang loob na nilapitan ko ang dalawa. Sa lahat ng customers na pumapasok sa shop ay ang dalawang ito lamang ang hindi pumipila sa counter para mag-order at magbayad. Feeling nila ay nasa loob sila ng isang restaurant na tinatawag lamang ang waiter kapag may kailangan ang customer. Mga feeling mayaman, eh, mga tambay lang naman sa kanto. Palamunin ng kanilang mga magulang. Hay naku, talagang badtrip ako sa mga lalaking dakilang PAL ng kanilang mga magulang. PAL as in PALAMUNIN."Ano ang order n'yo?" nakasimangot na tanong ko sa dalawang lalaki na nakangiti sa akin ng todo. Ang sarap sampalin ng hawak kong tray ang kanilang pagmumukha. Nakakagigil."Usap muna tayo, Alex. Mamaya na kami mag-oorder ni Berto. 'Di ba, Berto?" nakangising sabi sa akin ni Emong. Gusto ko nang maduwal nang makita ko ang kanyang naninilaw na mga ngipin. Mukhang isang taon yata itong hindi nag-toothbrush. Nakakadiri ang bunganga niya."Oo nga, Alex. Magkuwentuhan muna tayo," susog naman ni Berto na nakangisi rin katulad ni Emong. Kung si Emong ay naninilaw ang mga ngipin ay kulay brown naman ang mga ngipin ni Berto na akala mo'y palaging katatapos pa lamang kumain ng chocolate. Bagay nga silang magkaibigan dahil parehong nakakadiri ang kanilang mga bunganga."Alex! Kung makikipaglandian ka lamang sa mga manliligaw mo ay mas mabuting sa labas ng shop ko gawin mo iyan! Baka malasin pa ang shop ko dahil sa'yo," sigaw sa akin ng masungit kong boss.Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng aking mga eyeballs. Mukha ba akong nakikipaglandian sa dalawang mokong na ito na kulang na lamang habulin ng tubig para maging malinis ang hitsura? Nabulag na yata ang boss ko sa sobrang katabaan kaya hindi nito makita na hindi naman ako nakikipaglandian sa dalawang mokong na 'to. Nakakahiya tuloy sa mga taong naroon sa loob ng coffee shop na napapatingin sa akin. Baka isipin nila na sobrang desperado akong magka-boyfriend kaya kahit mukhang tuko na nangudngud sa putikan ay pinapatulan ko."Mag-oorder ba kayo o hindi?" nagpipigil ng inis na tanong ko sa dalawang mokong na kaharap ko."Mag-oorder ako pagkatapos nito," ani Emong. At bago ko pa mahulaan kung ano ang binabalak niyang gawin ay bigla nang dumapo ang magaspang niyang palad sa nakalantad kong legs at humaplos paitaas. Maikli kasi ang suot kong uniform na palda dahil ito ang utos sa akin ng boss ko."Bastos ka!" namumula ang mukha na sigaw ko kay Emong. Hindi na ako nagdalawang isip na ipukpok sa mukha niyang nakakadiri ang hawak kong plastik na tray."Walang galang sa customers nila ang waitress dito. Ayaw na nga naming bumili ng kahit ano sa shop na ito," galit na sabi ni Emong. Tumayo ito at inaya si Berto na lumabas sa coffee shop ng boss ko habang masama ang tingin sa akin."Huwag na kayong babalik pa rito mga mukhang palaka na hindi naliligo! Mga bastos!" nanggigil kong sigaw sa dalawang lalaking palabas ng coffee shop."Ano ka ba, Alex? Bakit mo naman binastos ang mga customers ko?" galit na sita ng boss ko na biglang napalapit sa akin."Mga bastos sila, eh," mabilis kong sagot. Pasalamat nga ang Emong na 'yon na tray lamang ang isinampal ko sa pagmumukha niya at hindi kumukulong tubig. Tiyak na mamumuti ang kulay brown niyang mga ngipin kung nasabuyan ko siya ng mainit na tubig dahil sa pagiging bastos niya."Kung hindi ka nakikipaglandian sa kanila ay hindi ka nila babastusin," paninisi niya sa akin.Sa sinabi niya ay biglang nag-init ang ulo ko at napatid ang aking pagtitimpi. Galit na ibinagsak ko sa mesa ang hawak kong tray."Hindi ako nakikipaglandian sa mga unggoy na 'yon. Hindi ako pumapatol sa mga hayop, Ma'am. Baka ikaw dahil katulad ka nilang hayop!" galit kong sagot sa mahina ngunit mariing tono.Nanlaki naman ang mga mata at butas ng ilong nang boss ko sa narinig. "Walang galang! Ano ang akala mo sa akin? Baboy? Ngayon din ay wala ka nang trabaho!""Ikaw ang nagsabi niyan Ma'am at hindi ako." Kinuha ko ang tray na inilapag ko sa mesa at pabiglang idinikit ko sa kanyang tiyan na nagsosobra na sa taba. "Iyan na ang tray mo, Ma'am. Lagayan kapag na-chop-chop ka na," pagkatapos kung sabihin iyon ay mabilis kong kinuha ang maliit kong shoulder bag na medyo may kalumaan na at dere-deretsong naglakad palabas sa coffee shop."Alex, bumalik ka! Ano ang akala mo sa akin, lechon? Alex!" tungayaw ng boss kong si Sonya. Ay hindi ko na pala boss dahil magmula ngayon ay talagang magre-resign na talaga ako kahit hindi niya ako tanggalin sa trabaho. Hindi ko na kasi matiis ang halos araw-araw niyang pagbubunganga sa akin. Good luck na lamang sa kanyang coffee shop. Ang cold coffee latte ko pa naman ang dinarayo sa coffee shop niya at hindi pa naman magaya ni Lorna ang timpla ko kahit anong gawin niyang panggagaya sa akin.Wala na naman akong trabaho. Kung kailan kailangan ko ng pera na pampagamot sa mama kong may sakit sa atay. Kailangan ni mama ng liver transplant para madugtungan ang kanyang buhay. Ngunit saang kamay naman ng Diyos ko hahanapin ang pera na pampagamot at pampa-liver transplant niya? Sakto lamang sa pangkain namin sa araw-araw, tubig at ilaw ang sinasahod ko sa coffee shop. Paano ngayon na wala na akong trabaho? Saan na ako kukuha ng makakakain namin sa pang-araw-araw? Tila nais kong pagsisihan kung bakit hindi ko napigilan ang aking sarili na sagutin kanina ang boss ko. Hayan tuloy at nawalan ako ng trabaho.Ewan ko ba kung bakit ganito ang ugali ko. Ayoko na binabastos ako at inaapi-api. Dahil para sa akin mahirap ka man o mayaman ay pare-pareho lamang tayong mga tao. Kumakain ng kanin at pagkatapos ay ilalabas din sa kubeta. Iyon nga lang ay puting kanin ang kinakain ng mayayaman at sa magandang kubeta nila inilalabas ang laman ng tiyan nila samantalang kami na mahihirap ay puting kanin nga ang kinakain ngunit NFA naman at sa pang-masang kubeta naglalabas ng laman ng tiyan. Pang-masa dahil kung sino-sino lamang ang gumagamit sa cr namin kasi public cr eh.Sa halip na ma-stress ako sa pag-iisip kung saan ako kukuha ng panggastusin namin sa araw-araw ay ipinasya ko na lamang na umuwi muna sa maliit naming bahay para tingnan ang mama ko. Mabuti na lamang at hindi kami umuupa ng bahay dahil ibinigay na lamang sa amin iyon nang mabait na may-ari ng bahay bago ito namatay. Kung nagkataong umuupa kami ng bahay ay tiyak na laging asin na lamang ang ulam namin araw-araw.Nang makarating ako sa sakayan ng tricycle ay nagdalawang isip ako kung sasakay ba ako o maglalakad na lamang pauwi sa bahay namin. Pinili ko ang huli. Kailangan kong magtipid ngayon dahil wala na akong trabaho. Sayang din ang forty pesos na pamasahe sa tricycle. Makakabili na ako niyon ng isang kilong pang-mayaman na puting bigas.Habang naglalakad ako sa tabi ng kalsada pauwi sa bahay namin ay napansin ko ang isang puting van na sumusunod sa akin at tila umaagapay lamang. Hindi ko napigilan ang makaramdam ng takot nang biglang sumagi sa isip ko ang mga napapanuod ko sa balita tungkol sa puting van na nangingidnap ng mga tao. Naisipan kong tumakbo papunta sa may mga tao na naglalakad din sa takot. Ngunit bago pa ako makatakbo ay bigla nang nagsipaglabasan ang dalawang lalaking sakay ng puting van at mabilis na nakalapit sa akin. Tinakpan ng puting panyo ang bibig ko nang isa sa dalawang lalaki kaya hindi ako makasigaw. Ilang segundo lamang ay bigla akong inantok dahil may nakalagay na pampatulog pala ang panyo na itinakip ng lalaki sa bibig at ilong ko.Mama! Ang tanging nasa isip ko bago ako tuluyang nawalan ng malay. Wala na kasing mag-aasikaso sa mama ko kung mawawala ako sa mundo.Alex's Pov"Humarap kayo sa akin ngayon din! Akala ninyo ay makakaligtas kayo sa akin? Puwes, sasabihin ko sa inyo ngayon. Kahit nagawa ninyong makatawag at maipaalam sa kanila kung nasaan tayo ay hindi pa rin kayo makakatakas sa akin. Papatayin ko kaya para makita nina Uriel at ng mga magulang ninyo kung paano kami magalit," galit na wika ni Sandy habang nakatutok sa likuran namin ang kanyang baril."Sumuko na kayo, Sandy. Hindi kaya ng mga tauhan mo ang mga kapulisan," pangungumbinsi ko sa kanya matapos naming humarap s kanya."Shut up, B***h!" singhal sa akin ni Sandy pagkatapos ay sa mukha ko itinutok ang kanyang baril. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa mukha ko."Boss, ang mama at nobyo mo napatay na ng mga pulis! Ano ang gagawin natin ngayon?" nagpapanic na tanong ng isa nitong tauhan. "Anong sinabi mo?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa tauhan."Opo, Boss," mabilis na sagot ng pobreng tauhan nito. "Walang silbi
Alex's Pov"Tulungan mo akong makalas ang pagkakatali ng kamay ko, Alexa," utos ko sa kapatid ko sa mahinang boses habang pinipilit kong makahulagpos sa pagkakatali ang aking mga kamay."Paano naman kita matutulungan gayong pareho tayong nakatali ang mga kamay?" nagtatakang tanong ni Alexa. Tumigil na rin ito sa kakaiyak mula pa kanina. Siguro ay na-realized nito na kahit bumaha pa ng luha ang loob ng kinaroonan naming silid ay hinding-hindi kami pakakawalan ng mga masasamang tao na iyon."Magkalapit lang naman ng mga kamay natin sa likuran kaya pilitin mong maabot ng kamay mo ang tali sa kamay ko," paliwanag ko sa kanya. Agad namang sinunod ni Alexa ang ipinapagawa ko sa kanya. Kahit masakit dahil gumagasgas sa kamay namin ang matalas na lubid ay pinilit pa rin niyang abutin ang tali sa aking mga kamay samantalang pilit ko namang inilalapit sa kanya ang aking kamay na nakatali. Ngunit nasa kasagsagan kami sa pagtatangkang maabot ng kamay ni Alexa ang tali sa kamay ko nag biglang bumu
Alex's PovMalamig na tubig na ibinuhos sa aking mukha nang kung sino man ang siyang nagpagising sa natutulong kong diwa. Pikit ang mga mata na napaungol ako ng mahina kasabay ng pangangaligkig. Hindi ko alam kung saan galing ang tubig na ibinuhos sa aking mukha at sobrang lamig niyon. "Ano, Kambal? Gising na bang pareho ang mga utak ninyo? Kanina pa kayo natutulog kaya ginising ko na kayo. Akala niyo yata sa loob ng bahay ninyo kayo natutulog."Narinig ko ang boses na iyon ng isang babae. Nakakalokong tumawa ito pagkatapos magsalita. Kahit hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay alam kong si Sandy ang nagsalita. Agad kasing nagbalik sa aking isip ang huling pangyayari bago ako nawalan ng malay. Pinalo niya ng hawak na baril ang mukha ko nang lumingon ako kaya ako nawalan ng malay. At hanggang ngayon ay masakit pa rin ang bahagi ng mukha ko na tinamaan ng baril niya. Natitiyak ko na nangingitim na ang bahaging iyon dahil sa pasa.Iminulat ko ang aking mga mata. Binigyan ko ng ma
Alex's PovKinabukasan ay hindi ako pinansin ni Alexa. Palagi kaming magkasabay pumasok sa school kahit na magkaiba naman kami ng sinasakyan dahil pareho kaming may dalang kotse. Dahil doon ay napansin ng mga magulang namin kaya inusisa nila ako. Ayokong magsinungaling sa mga magulang ko kaya ipinagtapat ko sa kanila ang totoong nangyari at kung ano ang nararamdaman ko kay Uriel."Mula pagkabata ay puro paghihirap ang naranasan mo, Alex. Kaya panahon na siguro para sumaya ka naman. Huwag mong alalahanin ang kapatid mo at kakausapin ko siya. Mabait si Alexa kaya natitiyak kong maiintindihan ka niya," nakakaunawang sabi sa akin ni Daddy. Umiiyak naman na niyakap ko siya."Tama ang daddy mo, Alex. Panahon para lumigaya ka naman. Kung mahal mo talaga si Uriel at kung tunay na mahal ka nga niya ay hindi ka namin tututulan," sabi naman ni Mama habang hinahaplos ang aking likuran."Maraming salamat sa pang-unawa ninyo, Daddy at Mama," pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat ng dibdib na nararam
Alex's PovNang malaman ni Kristine na asawa ako ni Uriel ay hindi na niya ako ginulo pa at sa tuwing magkakasalubong kami ng hindi sinasadya ay mabilis itong umiiwas sa akin. Dala siguro ng sobrang pagkapahiya. Masyado kasi siyang mayabang at asyumera. Samantala'y hindi naman ako tinigilan nina Susa at Trina sa katatanong kung totoo ba talaga na asawa ako ni Uriel. Ang sabi ko sa kanila ay bayaw ko siya dahil asawa niya dati ang kapatid ko at sinabi lamang iyon ni Uriel para hindi na ako guluhin pa ni Kristine. Alam kong hindi totally naniwala ang dalawa sa mga sinabi ko ngunit pasalamat ako at hindi na nila ako kinulit pa sa katatanong kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ko kay Uriel.Madaling araw na kami nakabiyahe pabalik ng Maynila dahil ipinamahagi pa namin sa ibang baranggay ang mga relief goods. At ang mga opisyal ng baranggay na lamang ang bahalang mamahagi ng mga relief goods sa kanilang mga ka-baranggay. Pareho-pareho kaming pagod nina Susa at Trina kaya nakatulog kam
Alex's PovHabang nasa loob kami ng sasakyan ay tanging ako lamang ang tahimik dahil ang tatlong babaeng kasama ko ay walang tigil sa pagtatanong ng kung ano-anong bagay kay Uriel. Ngunit nakikita ko na pasulyap-sulyap si Uriel sa salamin na nasa itaas ng dashboard pero deadma lamang ako. Kunwari ay hindi ko siya nakikita na madalas na sumusulyap sa akin. Hanggang sa nakarating kami sa baranggay na una naming destinasyon ay nananatili pa rin akong walang imik. Nauna akong lumabas ng kotse at sumunod naman sina Trina at Susan. Alam ko na kunwari ay nagpatagal si Kristine sa pagbaba ngunit wala akong nararamdamang selos sa kanya kahit na katiting. Alam ko naman kasi na walang gusto sa kanya si Uriel. Pagbaba niya sa kotse ni Uriel ay may nakapaskil na mahiwagang ngiti sa kanyang mga labi. Gusto yata niyang isipin namin na may magandang nangyari sa kanya bago siya lumabas ng kotse."Feelingera. Akala niya ay papatulan siya ni Sir Uriel at iniinggit niya tayo. As if naman maiinggit tayo s