Alex Pov
Sa pangalawang pagkakataon ay nagising ako sa loob ng hindi pamilyar na kuwarto. Napangiwi ako nang maalala ko ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay. Tiyak na pinagtatawanan ako ngayon ng mga taong nakakita sa mga pangyayari. Ako lang yata kasi ang bride na biglang hinimatay sa part ng "you may kiss the bride." Hindi pa nga niya ako nahahalikan ay bigla na akong hinimatay. Nakakahiya ang ginawa ko.Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at naupo na lamang sa gilid ng kama. Nagugutom na kasi ako ngunit nahihiya naman akong lumabas para humingi ng makakain. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang humarap sa maraming tao. Nangangapal ang mukha ko sa hiya.Naalarma ako nang makarinig ako ng mga yabag ng sapatos na papunta sa kuwartong kinaroroonan ko. Mabilis akong bumalik sa pagkakahiga at nagkunwaring wala pa ring malay. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag kung bakit ako biglang hinimatay.Itinodo ko na ang pag-arte ko na tulog kahit ramdam ko ang pagtitig sa akin ng taong pumasok sa loob ng kuwarto. Okay na sana ang acting ko kung hindi lamang pasaway ang tiyan ko. Bigla ba namang tumunog ng malakas. Hindi na nakatiis at nagpahiwatig na rin ang aking sikmura."Alam kong gising ka na kaya huwag kang magtulug-tulugan diyan," kausap sa akin ni Uriel. Kahit hindi ko pa naimumulat ang mga mata ko ay alam kong siya ang nagsalitang iyon. Sino ba naman kasi ang maglalakas ng loob na pasukin ang bride sa kuwarto niya kung hindi ang kanyang groom.Wala na akong choice kundi putulin ang aking pagpapanggap na tulog pa dahil ipinagkanulo na ako ng aking sikmura. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at alanganing ngumiti. Nasalubong ko ang malalim at seryosong tingin ni Uriel. Hindi ko alam kung bakit tila kinabahan ako sa klase ng kanyang titig ngunit mabilis kong inignora ang kabang nararamdaman ko. Mas mahalaga na malamnan ang sikmura kong nagrereklamo na."May pagkain ka ba diyan? Nagugutom na ako," kinapalan ko na ang mukha ko at tinanong ko si Uriel na biglang naningkit ang mga mata. "Hindi na pala ako nagugutom. Okay na pala ako," biglang bawi ko sa aking sinabi. Mukhang hindi kasi nito nagustuhan ang paghingi ko sa kanya ng pagkain. Para pagkain lang ipagdadamot niya sa akin? Ang kuripot naman niya. Sayang, guwapo pa naman kaso madamot at mukhang masungit pa."Bumangon ka diyan at harapin ang mga bisita natin. Maraming pagkain sa labas kung nagugutom ka," ani Uriel pagkatapos ay mabilis na itong naglakad palabas sa kuwarto. Hindi lang mukha nito ang seryoso kundi pati ang boses.Biglang nagliwanag ang mukha ko nang marinig ko ang kanyang sinabi. Agad akong bumangon sa kama at mabilis na tumayo para sumunod sa kanya. Nakalimutan kong nakasuot pa pala ako ng pagkahaba-habang wedding dress kaya nang humakbang ako ay biglang naapakan ko ang dulo ng wedding dress ko. Para akong palaka na tumalon at bumagsak sa sahig. Mabuti na lamang at hindi ang nguso ko ang naunang nangudngud sa sahig kundi ang dalawa kong braso kaya hindi nagasgasan ang aking mukha."Aray ko," mahinang d***g ko habang nakahiga sa sahig."Why are you so clumsy?" tila naiinis na tanong sa akin ni Uriel na biglang napabalik para tulungan akong makabangon sa pagkakahiga mula sa sahig.Hinawakan niya ang isang braso ko at pabiglang hinila patayo. Dahil hindi ko inaasahan ang pabigla niyang paghila kaya nawalan ako ng control at dumikit sa kanya ang katawan ko. Pareho kaming nabigla at hindi inaasahan ang nangyari. Napatitig kaming pareho sa mukha ng isa't isa. Hindi ko napigilan ang mapalunok nang biglang bumaba ang paningin niya sa aking mga labi na bahagyang nakaawang. Akala ko ay hahalikan niya ako ngunit nabigla ako nang nang sa halip ay halikan ay bigla na lamang niya akong itinulak sa ibabaw ng kama."Ano ba?! Bakit mo ako itinulak? Hindi ko naman sinabing tulungan mo akong tumayo dahil kaya kong itayo ang sarili ko," nakasimangot na sita ko sa kanya. Hindi ko napigilan na huwag paandarin ang aking katarayan.Biglang napakunot ng noo si Uriel ngunit hindi nagsalita. Lumapit ito sa isang tokador at may kinuhang puting bestida pagkatapos ay walang sabi-sabing initsa sa mukha ko. "Hihintayin kita sa labas."Nakasimangot na inalis ko sa mukha ko ang malambot na dress. Hindi lang pala mukhang masungit ang Uriel na ito kundi bastos pa. Inambaan ko siya ng suntok habang naglalakad palabas ng pintuan. Hindi ko inaasahan na lilingon siya sa akin bago buksan ang pintuan kaya huling-huling tuloy niya ang nakaamba kung suntok sa kanya pati na rin ang hindi magandang expression sa aking mukha."Ehe," ang tanging nasambit ko. Namula ang mukha ko sa pagkakahuli niya sa ginawa ko ngunit nakuha ko pang ngumiti ng peke. Ang kamay kong nakaamba ng suntok sa kanya ay tila automatic na biglang kumaway.Hindi nagsalita si Uriel ngunit biglang dumilim ang kanyang anyo pagkatapos ay lumabas na sa kuwarto at padarag na isinarado ang pintuan. Nagmamadali naman akong nagbihis ng damit na ibinigay niya sa akin. In fairness, bagay sa akin ang dress na ibinigay niya. Kanino naman kaya ito? Sa kanyang ex-girlfriend? Pero wala na akong paki kung kanino man ang dress na ibinigay sa akin ni Uriel. Ang mahalaga sa akin ay malagyan ng pagkain ang sikmura ko dahil baka kainin na ng malalaki kong bituka ang maliit kong bituka dahil wala na silang matunawa na pagkain.***Sawa ako sa masasarap na pagkain sa harapan ko. Mabuti na lamang at kinapalan ko ang mukha ko't sumama ako kay Uriel para harapin ang "aming" mga bisita sa kasal namin. Ipinakilala niya ako sa mga bisitang hindi pa nakakakilala sa akin pagkatapos ay hinayaan na niya akong makipag-usap sa mga babaeng bisita namin lalo na ang mga kakilala ni Alexa na bumati sa akin dahil iniisip nilang ako nga si Alexa na kilala nila.Akala ko ay totoong mga kaibigan ng aking kakambal ang mga babaeng bumati sa akin ngunit pagkaalis ni Uriel para asikasuhin ang mga kakilala nitong negosyante ay doon na lumabas ang mga itinatagong nilang masamang ugali."Alexa, hindi ko akalain na maganda ka pala kapag naaayusan. Akala ko pati sa kasal mo ay manang ka pa rin," nakangising biro sa akin ng babaeng si Marie ang pangalan. Kunwari ay biro lang ang sinabi nito ngunit alam kong may halong pang-iinsulto ang kanyang sinabi. Nagtawanan naman ang ibang mga hitad nang marinig ang sinabi ni Marie. Mukhang tuwang-tuwa ang mga ito na ipinahiya ako ni Marie.Naisip kong may pagka-manang sigurong manamit ang kapatid ko at madalas na binubully ng mga babaeng nasa harapan ko. May pagka-manang man ako manamit ngunit iyon ay dahil wala akong pambili na mga magagandang damit na aayun sa edad ko. Eksakto lamang kasi ang perang kinikita ko para mabuhay kami ni mama at sa gamot pa niya. Ngunit kung may magagandang damit ako at may pambili ay siyempre, hindi ko gugustuhing maging manang sa paningin ng iba. Naisip ko rin na magkambal nga kami ni Alexa. Dahil maliban sa magkalapit ang aming mga pangalan ay pareho rin pala kaming manang kung manamit. Ngunit ang pagkakaiba namin ay hindi ko hinahayaan ang sino man na bully-hin ako kahit mahirap lamang ako. Siguro ay madalas na binubully ni Marie ang kakambal ko kaya ako na lamang ang gaganti para sa kanya."At least ako gumanda sa kasal ko. Ibig sabihin ay may igaganda pa pala ako pero ikaw, inayusan ka na nga ng mabuti, nakasuot pa ng mamahaling gown na parang ikaw ang ikakasal at may mga kumikinang na alahas pa sa katawan mo na parang isa kang matrona ay hindi pa rin nagawang baguhin ang mukha mo. Sa tingin ko ay isanla mo na iyang mga alahas mo at magpa-retoke ka na ng mukha para naman hindi masayang ang makeup at damit mo na tulad ngayon," nakangiti kong sabi kay Marie. Hindi ko nilagyan ng pang-iinsulto ang tono ng aking boses dahil sa mga salitang binitiwan ko ay tiyak na nanggagalaiti na ang kalooban nito sa galit.Di natahimik kayo ngayon. Bigla kasing tumahimik ang paligid. Ang mga babaeng nagtatawa sa akin kanina ay biglang nanahimik. Mukhang hindi nila inaasahan na magiging palaban ako. Lihim akong napangiti at nagdiwang. Kahit paano ay naiganti ko ang aking kakambal sa panglalait ni Marie dito."Ang yabang mo naman. Ikinasal ka lang kay Uriel ay akala mo na kung sino kang maganda," nagpipigil ng galit na wika ni Marie sa akin."Uy, dinibdib mo naman ang sinabi ko sa'yo. Biro lang naman 'yon katulad ng pagbibiro mo sa akin," nakangiti kong sabi sa kanya. "Nagbibiruan lang tayo, Marie. Walang pikunan, 'di ba, girls?" Nakangiting tanong ko sa mga babaeng nakapaligid sa akin na tila hindi malaman kung ano ang sasabihin."Oo. Nagbibiruan lang naman tayo," sagot ni Joyce pagkatapos ay biglang natahimik nang titigan ng masama ni Marie."Maiwan ko muna kayo. Kakain muna ako tapos kuwentuhan ulit tayo. Mahirap na kapag gutom ako baka mausog ko lang kayo. Malakas pa naman ang usog ko," nakangising sabi ko sa kanila na nananatiling nakamaang lamang sa akin. Marahil nagtataka ang mga ito kung bakit biglang naging palaban ang Marie na kilala nila. "Kung gusto ninyong kumain pa ay huwag kayong mahiya. Maraming pagkain sa mesa. Libre 'yan lahat." Nakataas ang kilay na ay iniwan ko silang lahat. Gusto kong matawa sa hitsura nila lalong-lalo na si Marie na halos hindi maipinta ang mukha sa sobrang inis sa akin.Dahil lalo lamang akong nagutom sa pakikipagtunggali sa aking mga kalaban este kalaban pala ng kakambal ko kaya tiyak na marami akong makakain ngayon lalo pa at mukhang masasarap nga ang mga putaheng nakahain sa mesa."Ano kaya ang kukunin ko?" mahinang tanong ko sa aking sarili. Abala ako sa pagtingin kung alin sa masasarap na pagkain ang aking uunahin nang bigla kong maramdaman ang malakas na pagbangga sa akin ng isang katawan. Muntik na tuloy akong mapasubsob sa mga pagkain nalakatag sa mesa."Oopss! Sorry, Alexa. Hindi ko sinasadya," paumanhin sa akin ni Marie na siya palang bumangga sa akin. Ngunit ramdam ko na sinadya niya talaga akong banggain. Ano naman kaya ang binabalak niyang gawin para makaganti sa akin?Hinarap ko si Marie para komprontahin sa ginawa niyang sadyang pagbangga sa akin. Ngunit hindi ko na siya nagawang komprontahin dahil narinig ko ang malakas na sigawan ng mga bisita sa paligid habang nakatingin sa likuran ko. Pagharap ko para alamin kung ano ang tinitingnan nila at ganoon na lamang ang kanilang reaksiyon ay nabigla ako at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong malapit na sa akin ang limang palapag na wedding cake namin ni Uriel. Napapikit na lamang ako para hintayin ang pagtama ng cake sa mukha ko dahil hindi ko na magagawa pang umiwas. Ngunit sa pagkabigla ko ay mayroong taong yumakap sa akin ng mahigpit at tinakpan ako kung kaya't ito ang natamaan ng natumbang cake. Nagmulat ako ng aking mga mata para alamin kung sino ang yumakap at nagligtas sa akin sa tiyak na kahihiyan."Uriel!" sambit ko nang makita ko ang aking asawa sa harapan ko.Alex's Pov"Humarap kayo sa akin ngayon din! Akala ninyo ay makakaligtas kayo sa akin? Puwes, sasabihin ko sa inyo ngayon. Kahit nagawa ninyong makatawag at maipaalam sa kanila kung nasaan tayo ay hindi pa rin kayo makakatakas sa akin. Papatayin ko kaya para makita nina Uriel at ng mga magulang ninyo kung paano kami magalit," galit na wika ni Sandy habang nakatutok sa likuran namin ang kanyang baril."Sumuko na kayo, Sandy. Hindi kaya ng mga tauhan mo ang mga kapulisan," pangungumbinsi ko sa kanya matapos naming humarap s kanya."Shut up, B***h!" singhal sa akin ni Sandy pagkatapos ay sa mukha ko itinutok ang kanyang baril. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa mukha ko."Boss, ang mama at nobyo mo napatay na ng mga pulis! Ano ang gagawin natin ngayon?" nagpapanic na tanong ng isa nitong tauhan. "Anong sinabi mo?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa tauhan."Opo, Boss," mabilis na sagot ng pobreng tauhan nito. "Walang silbi
Alex's Pov"Tulungan mo akong makalas ang pagkakatali ng kamay ko, Alexa," utos ko sa kapatid ko sa mahinang boses habang pinipilit kong makahulagpos sa pagkakatali ang aking mga kamay."Paano naman kita matutulungan gayong pareho tayong nakatali ang mga kamay?" nagtatakang tanong ni Alexa. Tumigil na rin ito sa kakaiyak mula pa kanina. Siguro ay na-realized nito na kahit bumaha pa ng luha ang loob ng kinaroonan naming silid ay hinding-hindi kami pakakawalan ng mga masasamang tao na iyon."Magkalapit lang naman ng mga kamay natin sa likuran kaya pilitin mong maabot ng kamay mo ang tali sa kamay ko," paliwanag ko sa kanya. Agad namang sinunod ni Alexa ang ipinapagawa ko sa kanya. Kahit masakit dahil gumagasgas sa kamay namin ang matalas na lubid ay pinilit pa rin niyang abutin ang tali sa aking mga kamay samantalang pilit ko namang inilalapit sa kanya ang aking kamay na nakatali. Ngunit nasa kasagsagan kami sa pagtatangkang maabot ng kamay ni Alexa ang tali sa kamay ko nag biglang bumu
Alex's PovMalamig na tubig na ibinuhos sa aking mukha nang kung sino man ang siyang nagpagising sa natutulong kong diwa. Pikit ang mga mata na napaungol ako ng mahina kasabay ng pangangaligkig. Hindi ko alam kung saan galing ang tubig na ibinuhos sa aking mukha at sobrang lamig niyon. "Ano, Kambal? Gising na bang pareho ang mga utak ninyo? Kanina pa kayo natutulog kaya ginising ko na kayo. Akala niyo yata sa loob ng bahay ninyo kayo natutulog."Narinig ko ang boses na iyon ng isang babae. Nakakalokong tumawa ito pagkatapos magsalita. Kahit hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay alam kong si Sandy ang nagsalita. Agad kasing nagbalik sa aking isip ang huling pangyayari bago ako nawalan ng malay. Pinalo niya ng hawak na baril ang mukha ko nang lumingon ako kaya ako nawalan ng malay. At hanggang ngayon ay masakit pa rin ang bahagi ng mukha ko na tinamaan ng baril niya. Natitiyak ko na nangingitim na ang bahaging iyon dahil sa pasa.Iminulat ko ang aking mga mata. Binigyan ko ng ma
Alex's PovKinabukasan ay hindi ako pinansin ni Alexa. Palagi kaming magkasabay pumasok sa school kahit na magkaiba naman kami ng sinasakyan dahil pareho kaming may dalang kotse. Dahil doon ay napansin ng mga magulang namin kaya inusisa nila ako. Ayokong magsinungaling sa mga magulang ko kaya ipinagtapat ko sa kanila ang totoong nangyari at kung ano ang nararamdaman ko kay Uriel."Mula pagkabata ay puro paghihirap ang naranasan mo, Alex. Kaya panahon na siguro para sumaya ka naman. Huwag mong alalahanin ang kapatid mo at kakausapin ko siya. Mabait si Alexa kaya natitiyak kong maiintindihan ka niya," nakakaunawang sabi sa akin ni Daddy. Umiiyak naman na niyakap ko siya."Tama ang daddy mo, Alex. Panahon para lumigaya ka naman. Kung mahal mo talaga si Uriel at kung tunay na mahal ka nga niya ay hindi ka namin tututulan," sabi naman ni Mama habang hinahaplos ang aking likuran."Maraming salamat sa pang-unawa ninyo, Daddy at Mama," pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat ng dibdib na nararam
Alex's PovNang malaman ni Kristine na asawa ako ni Uriel ay hindi na niya ako ginulo pa at sa tuwing magkakasalubong kami ng hindi sinasadya ay mabilis itong umiiwas sa akin. Dala siguro ng sobrang pagkapahiya. Masyado kasi siyang mayabang at asyumera. Samantala'y hindi naman ako tinigilan nina Susa at Trina sa katatanong kung totoo ba talaga na asawa ako ni Uriel. Ang sabi ko sa kanila ay bayaw ko siya dahil asawa niya dati ang kapatid ko at sinabi lamang iyon ni Uriel para hindi na ako guluhin pa ni Kristine. Alam kong hindi totally naniwala ang dalawa sa mga sinabi ko ngunit pasalamat ako at hindi na nila ako kinulit pa sa katatanong kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ko kay Uriel.Madaling araw na kami nakabiyahe pabalik ng Maynila dahil ipinamahagi pa namin sa ibang baranggay ang mga relief goods. At ang mga opisyal ng baranggay na lamang ang bahalang mamahagi ng mga relief goods sa kanilang mga ka-baranggay. Pareho-pareho kaming pagod nina Susa at Trina kaya nakatulog kam
Alex's PovHabang nasa loob kami ng sasakyan ay tanging ako lamang ang tahimik dahil ang tatlong babaeng kasama ko ay walang tigil sa pagtatanong ng kung ano-anong bagay kay Uriel. Ngunit nakikita ko na pasulyap-sulyap si Uriel sa salamin na nasa itaas ng dashboard pero deadma lamang ako. Kunwari ay hindi ko siya nakikita na madalas na sumusulyap sa akin. Hanggang sa nakarating kami sa baranggay na una naming destinasyon ay nananatili pa rin akong walang imik. Nauna akong lumabas ng kotse at sumunod naman sina Trina at Susan. Alam ko na kunwari ay nagpatagal si Kristine sa pagbaba ngunit wala akong nararamdamang selos sa kanya kahit na katiting. Alam ko naman kasi na walang gusto sa kanya si Uriel. Pagbaba niya sa kotse ni Uriel ay may nakapaskil na mahiwagang ngiti sa kanyang mga labi. Gusto yata niyang isipin namin na may magandang nangyari sa kanya bago siya lumabas ng kotse."Feelingera. Akala niya ay papatulan siya ni Sir Uriel at iniinggit niya tayo. As if naman maiinggit tayo s