Alex's POV
Nakangiwing pinapanuod ko si Uriel na hindi maipinta ang mukha habang pinupunasan ng tissue ang mamahaling tuxedo niya na siyang sumalo sa icing ng cake na natumba kanina. Kahit ang likuran ng ulo niya ay nalagyan din ng icing kaya nagmukhang may uban na siya sa likurang ulo. Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti dahil naiimagine kung may uban siya sa likuran samantalang black na black ang kulay ng buhok niya sa harapan at tagiliran. Ngunit agad na naaglaho ang ngiti ko nang biglang tumigil sa ginagawa si Uriel at nakakunot ang noo na tiningnan ako."What's funny?" seryoso ang mukha na angil niya sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano dahil seryoso ang mukha niya na parang hindi natutuwa ngunit parang hindi naman siya galit. Nakakalito."Wala naman. Mukha ka lang naman kasing binatang matanda," sagot ko. "Ang ibig kong sabihin ay bata pa ngunit may uban na," bawi ko nang ma-realized kong mali ang sinabi ko."At sino naman ang may kasalanan kung bakit ako natapunan ng cake?" may bahid na ng inis ang boses na tanong niya sa akin."Siyempre ang naglagay ng cake sa ganoong ayos. Sino ba naman kasi ang nag-ayos no'n at hindi inayos ng mabuti? Konting galaw lamang ng mesa ay natumba agad," pa-inosenteng sagot ko sa kanya. Nalukot ang ilong nito at hindi na muling nagsalita. Ipinagpatuloy na lamang ang ginagawang pagpahid ng tissue sa ulo nito."Manunuod ka na lang ba? Hindi mo ba ako tutulungang magpunas para maalis agad ang mga icing na ito? Naghihintay na sa atin ang mga bisita natin," seryoso na naman ang anyo nito nang magsalita."Ay, sorry. Tutulungan na kita," kumuha ako ng tissue sa maliit na mesa at pinunasan ang mukha niya dahil napansin kong pinagpapawisan na siya. Ngunit bigla akong napatigil sa ginagawa nang makitang nagkaroon ng puti-puti ang mukha ni Uriel. "Ops, sorry," nakangiwing paumanhin ko nang tingnan ko ang hawak kong tissue at nalamang may mga icing pala ito. Hindi ko napansin na sa halip na ang bagong nakatupi na tissue ay ang ginamit na tissue ni Uriel ang nadampot ko s mesa at siyang ipinahid ko sa mukha niya."Why are you so clumsy?" inis na tanong niya sa akin. Hinablot niya ang tissue sa kamay ko at ito na ang nagtapon sa basurahang malapit lamang sa amin."Para nalagyan lang kita ng icing sa mukha clumsy na agad? Hindi ko naman kagustuhan ang nangyari. At saka kung ganyang puro ka reklamo ay hindi mo na lang sana ipinasalo sa likuran mo ang cake. Kung sa akin bumagsak iyon ay ligo lang naman ang katapat no'n at hindi tissue," nakangusong sabi ko sa kanya. Akmang magsasalita na sana si Uriel para siguro kontrahin ang aking mga sinabi ngunit naudlot iyon nang lumapit sa amin ang isang medyo may katandaang babae at kinausap si Uriel."Hindi pa raw ba kayo tapos maglinis? Naghihintay sa labas ang mga bisita para hatiin ninyo ang cake. Naroon din ang mama mo na disappointed sa nangyari kanina," malimanay ang boses na sabi nito kay Uriel. Bahagya niya lamang akong tinapunan ng tingin at nginitian. Hindi ko alam kung hindi ba niya ako gusto o ano kasi hindi naman siya nagpakita ng hindi maganda sa akin. I wonder kung sino siya sa buhay at bahay ni Uriel."Siya si Nana Lorena. Siya ang mayordoma rito sa bahay. Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang sa kanya," kausap sa akin ni Uriel sa halip na sagutin ang sinabi ni Nana Lorena. Ewan kung guni-guni ko lang ba ang nakita ko ngunit parang nakita ko na biglang dumilim ng mukha ng matanda. Ipinilig ko ang ulo ko tapos muli ko siyang tiningnan. Nakangiti siya sa akin at mabait ang bukas ng mukha kaya tiyak na namalikmata lamang ako."Magandang umaga po, Nana Lorena. May cake pa ba kaming hihiwain, eh, nadurog na yata ang wedding cake namin," hindi maiwasang mapangiwi na tanong ko sa matanda."Nakakapanghinayang nga at hindi ninyo nagawa ang maghiwa ng cake tulad ng ginagawa ng mga bagong kasal," sagot naman nito na may panghihinayang sa mukha."Okay lang iyon. Cake lang naman iyon. Maghiwa man kami ng cake o hindi ay kasal pa rin kami, di ba?""Dami mong satsat. Wala namang kuwenta ang mga sinasabi mo," biglang kausap sa akin ni Uriel pagkatapos ay hinarap si Nana Lorena. "Kunin mo sa kuwarto ko ang isa ko pang tuxedo, Nana Lorena. Iyon na lamang ang isusuot ko.""Sige. Saglit lang at kukunin ko," mabilis na sagot ni Nana Lorena pagkatapos ay nagmamadaling umakyat ito sa kuwarto ni Uriel para kunin ang sinasabi nitong tuxedo.Hindi ko naman maiwasang mapa-irap kay Uriel nang marinig ko ang sinabi niya. Ang talas ng dila niya ang sarap hugutin at ipakain sa aso. Hay naku. Bakit ko i-istresin ang sarili ko sa lalaking ito? Ang mabuti pa ay mauna na akong lumabas dahil talagang nagugutom na ako. Hindi ako nakakuha ng pagkain dahil sa malditang Marie na iyon."Saan ka pupunta?" tanong ni Uriel nang makita nitong tumalikod ako at naglakad. Nakataas ang kilay na nilingon ko siya."Sa labas. Kakain ako. Kanina pa ako nagugutom. Huwag mong sabihing magpapatulong ka pa sa akin para isuot ang tuxedo mo? Ano ka bata?"Naningkit ang mga matang nilapitan ako ni Uriel at mahigpit na hinawakan ang aking magkabilang braso. "Hindi ganito ang Alexa na nakilala ko. Mahinhin at mahiyain siya. Hindi katulad mo na parang sinapian ni Gabriela Silang. Don't tell me na nagpapanggap ka lang?"Bigla akong namutla nang marinig ko ang kanyang sinabi. Naisip kong masyadong mabait si Alexa at hinahayaan lamang nito na bully-hin ito ng mga itinuturing nitong kaibigan ngunit hindi ko inaasahan na mahinhin at mahiyain pala siya. Kabaliktaran ng aking ugali na masyadong madaldal at hindi nahihiya kahit na sino pa ng kausap ko. At mukhang mabubuko agad ako ng lalaking ito."A-Anong i-ibig mong sabihin na n-nagpapanggap lamang a-ako?" nauutal na tanong ko sa kanya habang binubundol ng kaba ang aking dibdib. Kapag nabuko niya ako ay goodbye na ang pagpapagamot ni Alexa kay Mama. At kasalanan ko kapag hindi gumaling si Mama. Kasalanan ko dahil hindi ako magaling um-arte."Nagpapanggap ka lang na mahiyain at mahinhin para makuha mo ang tiwala ng mama ko. At ngayong nagtagumpay ka na't asawa mo na ako ay lumabas na ang totoo mong ugali," nakatiim-bagang na sabi niya sa akin.Kahit na hindi maganda ang iniisip niya sa akin o s aaking kapatid ay nakahinga pa rin ako ng maluwag. Atleast, hindi niya naisip na hindi ako ang totoong Alexa. Na nagpapanggap lamang ako bilang siya.Marahang inalis ko ang mga kamay niya sa aking mga braso at matapang na sinalubong ko ang kanyang paningin. "Nas harapan ako ng ina nang taong gustong ipakasal sa akin ng daddy ko kaya natural lamang na maging mahiyain ako at mahinhin. Iniisip ko na hindi magugustuhan ng mama mo ang ganoong klaseng ugali ngunit nagkamali ako. Dahil sa halip na hindi niya ako magustuhan ay baliktad ang nangyari kaya tayo humantong sa kasalan. Ngayong nakita mo na ang totoo kong ugali ay ikaw ang bahala kung gusto mo pa na ipagpatuloy ang pagsasama natin. Pero sa ngayon ay mauuna na ako sa'yo sa labas at baka mga bituka ko naman ang lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang gutom."Napangiti ako ng lihim nang hindi ko marinig ang boses ni Uriel habang naglalakad ako palabas ng sala. Mabuti na iyong sinabi ko sa kanya ang mga bagay na iyon para hindi na siya magtaka kung makita niyang may pagkakaiba sa Alexa na kilala nito at sa Alexa na pinakasalan niya ngayon. Hindi na ako mahihirapang mag-adjust sa aking sarili.Pagkabalik ko sa venue ay agad akong kumuha ng pagkain at umupo sa sulok na bahagi para makakain ako ng maayos. Napapangalahati ko na ang aking pagkain nang biglang may umupo sa katapat na upuan ko. Isang babae na kasing-edad ko lang yata at mukhang mataray ang nakita kong nakaupo sa harapan ko."Yes?" nag-aalangang tanong ko sa kanya."Gusto ko ang ginawa mong pamamahiya kanina sa mga ka-schoolmate natin lalong-lalo na ang pamamahiya mo kay Marie. Medyo nagduda ako na hindi ikaw si Alexa ngunit ngayong kinausap mo na ako ay natitiyak ko nang hindi nga ikaw si Alexa. Dahil hindi mo kilala ang sarili mong best friend," dere-deretsong sabi nito sa akin.Namutla ako sa aking narinig at nabilaukan sa pagkaing nginunguya ko. Patay! Mukhang wala akong lusot ngayon.Alex's Pov"Humarap kayo sa akin ngayon din! Akala ninyo ay makakaligtas kayo sa akin? Puwes, sasabihin ko sa inyo ngayon. Kahit nagawa ninyong makatawag at maipaalam sa kanila kung nasaan tayo ay hindi pa rin kayo makakatakas sa akin. Papatayin ko kaya para makita nina Uriel at ng mga magulang ninyo kung paano kami magalit," galit na wika ni Sandy habang nakatutok sa likuran namin ang kanyang baril."Sumuko na kayo, Sandy. Hindi kaya ng mga tauhan mo ang mga kapulisan," pangungumbinsi ko sa kanya matapos naming humarap s kanya."Shut up, B***h!" singhal sa akin ni Sandy pagkatapos ay sa mukha ko itinutok ang kanyang baril. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa mukha ko."Boss, ang mama at nobyo mo napatay na ng mga pulis! Ano ang gagawin natin ngayon?" nagpapanic na tanong ng isa nitong tauhan. "Anong sinabi mo?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa tauhan."Opo, Boss," mabilis na sagot ng pobreng tauhan nito. "Walang silbi
Alex's Pov"Tulungan mo akong makalas ang pagkakatali ng kamay ko, Alexa," utos ko sa kapatid ko sa mahinang boses habang pinipilit kong makahulagpos sa pagkakatali ang aking mga kamay."Paano naman kita matutulungan gayong pareho tayong nakatali ang mga kamay?" nagtatakang tanong ni Alexa. Tumigil na rin ito sa kakaiyak mula pa kanina. Siguro ay na-realized nito na kahit bumaha pa ng luha ang loob ng kinaroonan naming silid ay hinding-hindi kami pakakawalan ng mga masasamang tao na iyon."Magkalapit lang naman ng mga kamay natin sa likuran kaya pilitin mong maabot ng kamay mo ang tali sa kamay ko," paliwanag ko sa kanya. Agad namang sinunod ni Alexa ang ipinapagawa ko sa kanya. Kahit masakit dahil gumagasgas sa kamay namin ang matalas na lubid ay pinilit pa rin niyang abutin ang tali sa aking mga kamay samantalang pilit ko namang inilalapit sa kanya ang aking kamay na nakatali. Ngunit nasa kasagsagan kami sa pagtatangkang maabot ng kamay ni Alexa ang tali sa kamay ko nag biglang bumu
Alex's PovMalamig na tubig na ibinuhos sa aking mukha nang kung sino man ang siyang nagpagising sa natutulong kong diwa. Pikit ang mga mata na napaungol ako ng mahina kasabay ng pangangaligkig. Hindi ko alam kung saan galing ang tubig na ibinuhos sa aking mukha at sobrang lamig niyon. "Ano, Kambal? Gising na bang pareho ang mga utak ninyo? Kanina pa kayo natutulog kaya ginising ko na kayo. Akala niyo yata sa loob ng bahay ninyo kayo natutulog."Narinig ko ang boses na iyon ng isang babae. Nakakalokong tumawa ito pagkatapos magsalita. Kahit hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay alam kong si Sandy ang nagsalita. Agad kasing nagbalik sa aking isip ang huling pangyayari bago ako nawalan ng malay. Pinalo niya ng hawak na baril ang mukha ko nang lumingon ako kaya ako nawalan ng malay. At hanggang ngayon ay masakit pa rin ang bahagi ng mukha ko na tinamaan ng baril niya. Natitiyak ko na nangingitim na ang bahaging iyon dahil sa pasa.Iminulat ko ang aking mga mata. Binigyan ko ng ma
Alex's PovKinabukasan ay hindi ako pinansin ni Alexa. Palagi kaming magkasabay pumasok sa school kahit na magkaiba naman kami ng sinasakyan dahil pareho kaming may dalang kotse. Dahil doon ay napansin ng mga magulang namin kaya inusisa nila ako. Ayokong magsinungaling sa mga magulang ko kaya ipinagtapat ko sa kanila ang totoong nangyari at kung ano ang nararamdaman ko kay Uriel."Mula pagkabata ay puro paghihirap ang naranasan mo, Alex. Kaya panahon na siguro para sumaya ka naman. Huwag mong alalahanin ang kapatid mo at kakausapin ko siya. Mabait si Alexa kaya natitiyak kong maiintindihan ka niya," nakakaunawang sabi sa akin ni Daddy. Umiiyak naman na niyakap ko siya."Tama ang daddy mo, Alex. Panahon para lumigaya ka naman. Kung mahal mo talaga si Uriel at kung tunay na mahal ka nga niya ay hindi ka namin tututulan," sabi naman ni Mama habang hinahaplos ang aking likuran."Maraming salamat sa pang-unawa ninyo, Daddy at Mama," pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat ng dibdib na nararam
Alex's PovNang malaman ni Kristine na asawa ako ni Uriel ay hindi na niya ako ginulo pa at sa tuwing magkakasalubong kami ng hindi sinasadya ay mabilis itong umiiwas sa akin. Dala siguro ng sobrang pagkapahiya. Masyado kasi siyang mayabang at asyumera. Samantala'y hindi naman ako tinigilan nina Susa at Trina sa katatanong kung totoo ba talaga na asawa ako ni Uriel. Ang sabi ko sa kanila ay bayaw ko siya dahil asawa niya dati ang kapatid ko at sinabi lamang iyon ni Uriel para hindi na ako guluhin pa ni Kristine. Alam kong hindi totally naniwala ang dalawa sa mga sinabi ko ngunit pasalamat ako at hindi na nila ako kinulit pa sa katatanong kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ko kay Uriel.Madaling araw na kami nakabiyahe pabalik ng Maynila dahil ipinamahagi pa namin sa ibang baranggay ang mga relief goods. At ang mga opisyal ng baranggay na lamang ang bahalang mamahagi ng mga relief goods sa kanilang mga ka-baranggay. Pareho-pareho kaming pagod nina Susa at Trina kaya nakatulog kam
Alex's PovHabang nasa loob kami ng sasakyan ay tanging ako lamang ang tahimik dahil ang tatlong babaeng kasama ko ay walang tigil sa pagtatanong ng kung ano-anong bagay kay Uriel. Ngunit nakikita ko na pasulyap-sulyap si Uriel sa salamin na nasa itaas ng dashboard pero deadma lamang ako. Kunwari ay hindi ko siya nakikita na madalas na sumusulyap sa akin. Hanggang sa nakarating kami sa baranggay na una naming destinasyon ay nananatili pa rin akong walang imik. Nauna akong lumabas ng kotse at sumunod naman sina Trina at Susan. Alam ko na kunwari ay nagpatagal si Kristine sa pagbaba ngunit wala akong nararamdamang selos sa kanya kahit na katiting. Alam ko naman kasi na walang gusto sa kanya si Uriel. Pagbaba niya sa kotse ni Uriel ay may nakapaskil na mahiwagang ngiti sa kanyang mga labi. Gusto yata niyang isipin namin na may magandang nangyari sa kanya bago siya lumabas ng kotse."Feelingera. Akala niya ay papatulan siya ni Sir Uriel at iniinggit niya tayo. As if naman maiinggit tayo s