"Diba sinabi ko sayo na , umuwi na kayo ni leah! Bakit hanggang ngayon ay narito ka parin?!'' Nasaan na si leah!'' Inis na inis nang sigaw nito. Uhm.. Wag kana mag-alala kay leah,ligtas siyang makakarating sa mansion. Ang sagot ni shanna na may angas pa ang kanyang pananalita. Napakunot noo naman si elijah sa sagot niyang iyon. "Hoy! Baka nakakalimutan mong katulong ka lang sa pamamahay ko! Kaya wag mo akong tratratuhin na Parang wala lang!' Bwis*t kaaaa! Ang sigaw ni elijah ,sabay isinampal nito ang malapad na palad nito sa pisngi ni shanna. Sabay sabi' Sino ang naghatid kay leah sa mansion at nasaan ang Señ.lejandro mooooo!'' K-asi ... S-abi ni Señ.Lejandro ,siya na raw ang A-ng maghahatid k-kay leah!' Ang nabubulol nang sagot ni shanna,sa takot niyang masampal muli ito. Dyos ko naman Furtiza! Bakit mo kinakawawa ang pinsan mong si shanna? Nakakaawa naman siya. Ang kalmadong sabi ng isang boses lalaki na nasa likuran nila. Nagulat na napalingon naman ang magpinsan sa pinagmul
"Kumusta na ang mga ipinapagawa ko sayo, Se.Drewf ?May balita kanaba sa totoo kong anak?'' Ang seryusong tanong ni Mr.Doque Juarez. Lingid sa kaalaman ng lahat na ang tunay na ama ni elijah at Sec.Drewf ay alam ang buong katutuhanan. Hindi lang nila magawang sabihin sa publico na nawawala ang tunay na elijah. Dahil tiyak ng Doque na darating ang kapatid ni elijah sa labas at aangkinin ang lahat lahat ng kayamanang napundar ni Doc.Doque.Kaya hanggat hindi pa nahahanap ang tunay na elijah ay mas pinili na lamang ni Doque na ang nagpapanggap na elijah ay kanilang tanggapin upang matigil na ang pang-aabala ni elina 'Ang kapatid ni elijah sa labas.Wala parin po akong balita hanggang ngayon sir. Pero wag po kayong mag-alala dahil ipinai-iimbestigahan ko na ang lahat lahat mula sa Ferman's Family.At kung paano nawala ang tunay na elijah. Ang paliwanag ni Drewf Sa kanyang amo."Kaganapan sa Ferman's Mansion"Anong oras na,bakit hanggang ngayon wala pa rin si leah?!' Maldita talaga ang fur
Sir.Doque' Ang humihingal na tawag ni Drewf. May nasagap na akong balita tungkol sa pagkawala ni maam elijha'! Tiyak kong magugulat kayo sa masamang balitang nasagap ko!' Pero- Baka makasama po ito sa inyong kalagayan?' Wag mo akong alalahanin,kaya ko ang sarili ko!' Sabihin mo sa akin ang natuklasan mo sa aking anak!' Ang Disperadong sabi ni Doc.Doque sa kanyang Sec.Drewf. "Tumaob po ang sasakyang kinalululanan ni maam elijah ,sa bayan ng Bulusan. Sir. Wala pa po kong balita kung buhay paba si Ma'am elijah!' Basta ang alam ko lang ay nawawala ang lulan ng sasakyan. Nakuha ko na rin ang sasakyang kinalululanan ni Ma'am elijah,At nasa forensic na ito.Pinapa-imbistigahan ko na ito ng tahimik ,Sir. Kung ganun,may posibilidad pang buhay ang aking anak! Sa oras na mahanap ko ang aking anak,sinisiguro kung magbabayad ang gumawa sa kanya nito!'' At ang lejandro na iyun! Hindi man lang niya magawang makilala ang tunay niyang asawa!'' Sec.Drewf! Wag na wag mo itong ipapaalam sa iba,
N-ahihilo ako! T-ulungan niyo akoooo! Ang sigaw ni leah na halata na sa kayang mukha ang pagkabalisa. A-anong nangyayari sa akin,sobrang sakit ng aking tiyan.. Aaaaggghhh! Tulungan mo ako manang elvie... Ang pagmamaka-awa ni leah kay manang elvie,habang nakatitig ito sa kanya at wala manlang ginawa si manang elvie,hinahayaan lang nila si leah sa kanyang nararamdamang sakit. Hindi ko alam ang gagawin ko leah,ano bang ginawa mo habang nasa Hacienda ka?'' Ang nag-aalalang tanong ni elvie. Ngunit hindi na nakasagot si leah sa tanong ni manang elvie dahil ,nawalan na ito ng malay. "Hanggang sa dumating ang donya sa kanilang silid. Anong ingay ang naririnig ko dito?'' Tanong ng donya. Anong nangyari kay "Leah?' Ang galit na sigaw na ng donya.. "H-indi ko po alam,Madam' bigla nalang po siyang nawalan ng malay pagpasok niya rito. Ang nanginginig na sumbong ni tanna sa donya. Habang si aling Elvie ay hindi na makapagsalita dahil naunahan na siya ni tanna. "Tawagin niyo si Bernard!
Mrs. Leah, Okay naba ang pakiramdam mo? Ano po bang nangyari sayo ,bakit ka biglang nawalan ng malay? Napagod kaba? Tanong ng isang nurse. Huh' Wala naman akong ginawa, B-igla nalang akong nahimatay . Ang malumanay na sagot ni leah sa nurse na naroon. "Ano pala nangyari sa mukha mo? Tanong muli ng nurse ,dahilan para mapa-angat ng tingin si leah sa nurse na kausap nito. Pagtingin ni leah,nabigla ito sa kanyang nakita. Nagulat ba kita sa tanong ko,O nagulat ka sa mukha ko? Pasensiya kana ah.. Sagot ng nurse. Huh' Hindi naman ako natakot sayo ,nabigla lang ako sa tanong mo. Sagot ni leah. Itong muka kung ito,Nasunog ito nung naaksedente ang sasakyang sinasakyan ko. Sagot ni leah sa tanong ng nurse sa kanya. Haha' Magkaparehas pala tayo ng experience. O ,syanga pala, Wala naman problema sa baby mo. Malusog naman siya. Mag-ingat ka nalang sa mga ginagawa mo,para hindi na maulit ang pagkawalan mo ng malay. At napansin ko rin na namamaga ang pisngi mo? Ginamot ko narin,Ayu
"Nurse Karen!' Tawag ni Drewf. Yes.Sir? Sabay lingon kay Drewf. "Anong balita sa ipinapagawa ko sayo? May nabalitaan kanaba tungkol sa tunay na elijah?'' 'Wala pa po sa ngayon, sir.' Pero narito po ngayon si Furtiza sa Hospital at kasama po niya ang Asawa ni maam elijah. Ano nanaman ang ginagawa niya rito sa hospital?''Tanong ni Drewf. 'Nawalan po kasi ng malay yung isa nilang katulong,kaya agad siyang dinala rito sa hospital,kasama pa si ,sir lejandro. Okay,makakaalis kana. Samantala nagtungo naman ni Drewf sa Kwarto kung saan naroon si leah. "Knock ,,knock,, knock,,! Pwede ba akong pumasok? Boses mula sa pinto. Okay lang po... Sagot niya. S-ino ka? Tanong ni leah,dahil hindi naman niya ito kilala. Habang papalapit sa kanya si Drewf,titig na titig ito sa mukha ni leah,na ikina-ilang ni leah. Gusto ko lang sana itanong kung,kung hindi mo mamasama-in ang aking itatanong. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, narito lang ako para sa isang katanungan.Sabay tanong nito ang,
Habang nagpapakasaya si elijah,dahil ganap ng naalis ang kanyang fake na tiyan. Habang si leah naman ay dihado nA ang kanyang kalagayan. Dahil nag-utos na ang Donya ng tao para ilayo si Leah sa Ferman's Mansion.. ''S-aan niyo ako ,dadalhin? S-ino kayo?'' Mga katanungan ni leah sa dalawang lalaki,na pilit siyang kinakaladkad palabas ng kwarto nito. Anong kaguluhan ito?!'' Bakit niyo ginagawa sa Hospital ang ganitong pangyayari!'' Galit na sabi ni Nurse Karen sa dalawang lalaki. Kasama si Sec.Drewf.'' Anong ginagawa niyo sa pasyente? Hindi niyo ba alam na bawal yan dito!'' Gusto niyo bang tumawag pa ako ng mga pulis para lang bitawan niyo siya!'' Wala kayong kinalaman dito! Asawa ko ang babaeng ito,At kaylangan ko siyang ma-iuwe sa bahay!'' Kaya pwede bang lumayo kayo! ''Sigurado kabang asawa mo siya?Tanong ni Drewf sa lalaki. H-indi niya ako asawa! T-ulungan niyo akoooo!'' Sigaw ni leah. Sabay tinakpan ng lalaki ang bibig ni leah. Nang marinig ni Drewf ang sinabi ni l
'' Sh*t ,Anong gagawin ko ngayon?! Paano na ito?'' Nasaan naba si mama?'' Bakit hanggang ngayon ay wala pa siya!'' Sambit ni elijah,habang palakadlakad sa loob ng banyo,kagat kagat ang kanyang labi. ''Honey!' Matagal kapaba jan? Umiiyak na ang baby natin!At kaylangan ko ring puntahan ang ating katulong na si leah ,nakakaawa naman ang sinapit ng kanyang anak.Wika ni lejandro. L-alabas na ako' H-oney.. Medjo bulol na sagot ni elijah. Pagkalabas na pagkalabas niya sa banyo ay agad niyang kinarga ang baby at sinabi: Sorry 'Baby namin, Natagalan si mommy.. saad nito,habang nakangiti,Ngunit sa kanyang isip ay magkahalong kaba at takot na ang kanyang naramdaman. "Aalis na muna ako,Honey' ... Ikaw na muna ang bahala sa baby natin, babalik din ako kaagad. Shanna,wag na wag mong iiwan ang maam mo rito ng mag-isa ,okay! Baka ,may mga kalalakihan ring pumunta rito,tawagan niyo agad ako. Pag-aalalang saad nito. "Pagka-alis na pagka-alis palang ni lejandro ay agad na niyang ,pinagalitan si sh
Sa gitna ng malawak at bughaw na karagatan , ang mga bangkang pandagat mga rescue both maging ang mga matataas na may katungkulan ay pumayag naring tumulong sa paghahanap sa nawawalang si Raquel sa pagaakalang anak talaga ni Madam Bora ang nawawalang si Raquel. Ang bawat alon ay nagmistulang palaisipan kay Madam Bora , habang iniisip niya kung saang sulok ng mundo niya hahanapin ang mag-ina. Habang nasa kalagitnaan sila ng dagat ay hindi mapakali ang isip ni Madam Bora dahil isa siya sa kasama na nakasakay sa mga rescue team's na naghahanap ngayon sa karagatan. Dyos ko! Raquel nasaan kanaba, labis-labis na ang aking pag-aalala , maging ang iyong anak ay kasalukuyan paring nawawala, maluha-luha na niyang sabi habang tinatanaw niya ang malalakas na alon ng karagatan. Umulan man o umaraw, Oras,araw,linggo na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay walang Raquel o lejandro silang nahanap. Buhay pa kaya si Raquel! Bakit ni bangkay niya ay wala tayong mahanap. Baka mas makabubut
"Donna, alamin mo ang kaganapan sa Mansyon ng mga Ferman. 'Kaylangan nating alamin ang bawat hakbang na gagawin ng babaeng iyon! utos na sabi ni Madam Bora. Masusunod po Madam,' sagot agad niya. "Samantala nagtungo si Manong Goryo sa Hacienda ni Don Diego , para humingi ng tulong , dahil sila lang ang may kakayahang magbigay ng malaking halaga. "Don Diego---' , malakas na tawag ni Manong Goryo sa malawak na bakuran ni Don Diego. Dalawang malalaking Aso ang sumalubong sa kanya, kasunod nun si Don Diego. Awwwwwww! waaaaw! grrrrrrr...... tahol ng dalawang aso. Kalma.... ' kalmadong sabi ni Don Diego sa kanyang dalawang aso, agad namang tumigil ang mga ito. "Anong kaylangan mo? Wala kasi ang mga tauhan ko kaya ako ang lumabas. Pasensiya na po kayo Don Diego kung naabala ko po kayo, wala na po kasi kaming ibang malapitan kundi kayo. Sabihin mo na ang iyong sasabihin dahil meron pa akong kaylangang puntahan. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Mang Goryo agad na niyang sinabi ang ka
Paano natin sila ililipat sa malaking hospital? Wala naman tayong ambulansiya rito na pwedeng pagsakyan sa kanila,maliban nalang kung hihingi tayo ng Tulong kay Don Diego.wika ng doctor na gumamot ng paunang lunas kina lejandro at Raquel. Habang abala ang mga taong nakakita kina raquel at lejandro sa paghahanap ng masasakyan ng dalawa. Abala naman si erick sa paghahanap sa bangkay ng dalawa. Buhay pa kaya sila? Bakit walang bangkay na natagpuan ang mga pulis sa mismong sasakyan ni lejandro, hindi ito maaaring mangyari! inis na wika ni erick ,napapasuntok pa ito sa kanyang manebela sa labis na inis nito. Habang nakatanaw siya sa mga papaalis na mga pulis,ambulansiya at maging ang bombero ay umalis narin matapos apulahin ang apoy na tumupok sa kotse at dumbtruck. Mabilis na bumaba si erick sa pinangyarihan ng aksedente at masusing naghanap sa buong paligid ng bangin ngunit wala talaga siyang mahanap. 'Kung buhay man sila ngayon,tinitiyak kong hindi na sila makakabalik pa sa mansyo
Ma'am Raqueeeeeeeeeeelll,sumagot ka, kung naririnig mo akooo!malakas na sigaw ni emily habang dahan-dahan siyang dumadausdos patungo sa kinaruruonan ng sumabog na kotse ni lejandro. Dyosssss kooooo,sana buhay pa si maam raquel. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na may masamang nangyari sa kanya! sambit ni emily sa nag-aalalang boses. Makalipas lamang ang kalahating oras ,narating na ni emily ang kotse ni lejandro. Natupok na ito ng malakas na apoy. Halos abo na ang makikita sa mga kagamitang naroon sa loob ng sasakyan.Kung nasa loob man si maam raquel at si lejandro,ibig sabihin nito-----.'' Huhuhuhuhuhu'malakas na iyak na ang pinakawalan ni emily na ikinagulat ni bernard,dahilan para magpadausdus na ito ng mabilis makarating lang sa kinaruruonan ni emily. Anong nangyari? Bakit ka umiiyak,ano ba ang ginagawa mo rito? Baka mamaya dumating na ang mga pulis pagkamalan pa tayo na tayo ang may gawa nito.Umalis na tayo! Hindi mo naman kilala ang may-ari ng sasakyang ito?!' t
Kapag nalaman ito ni bernard,tiyak na ipapa-alam niya ito kay furtiza. Kaya hindi niya pwedeng malaman ang mga narinig ko,baka pati ako ay mapahamak.saad ni emily sa kanyang sarili habang nakatingin kay bernard na nakapamaywang pa sa kanya. May itinatago kaba sa akin emily?banayad na tanong ni bernard. Ngunit umiling lang si emily at sinabi,aalis na muna ako,kaylangan kung magpunta sa palengke dahil wala na akong pwedeng lutuin na almusla ni señ.tiffani kaya kaylangan paggising ni Tiff ay may almusal na siya para may lakas siyang pumasok sa school.pagsisinungaling ni emily kay bernard. Sasamahan na kita. agad niyang sabi. Bernard,biglang tawag ni elijah sa labas ng kanilang silid.dahilan para mapasagot ng Yes ma'am elijah,ano po iyon? tanong ni bernard habang nakatingin siya sa mukha ni elijah. Gusto kong alisin mo ang lahat ng mga larawan nina Don.Enrick ,Donya Donita at si Lejandro,dito sa buong palibot ng mansyon,maging sa lahat ng sulok ng mansyong ito ay kaylangan mong
Nang bigla nalang gumalaw ang sasakyang kinalululanan ng dalawa na labis na nagpabilis ng tibok ng puso ni raquel ganun din kay lejandro. Ngunit hindi nagpakita ng takot si lejandro,bagkus ay ipinakita niya kay raquel na kaya niyang iligtas ito sa bingit ng kamatayan. M-ahuhulog na ang 's-asakyan! Lejandrooooooo......! malakas na sigaw ni raquel ng bigla siyang mapada-usdus pababa patungo sa nakabukas na bintana ng kotse,gawa ng nabasag ang salamin nito dahilan para kumasya si raquel sa basag na salamin ng sasakyan. Habang ang mga paa ni raquel ay nakalaylay na pababa at nagbabadya na itong mahulog ano mang oras,habang ang isang kamay ni lejandro ay mabilis niyang nahawakan sa mismong kamay ni raquel,dahilan para mapigil ang pagkalaglag ni raquel. At ang isa pang kamay ni lejandro ay nakahawak naman sa isang sanga ng puno na nakasabitan ng kotse. Pero dahil sa mabigat ang kotse ay unti-unti nang bumigay ang sanga ng puno dahilan para tuluyan ng mahulog ang kotse. Napasigaw ng mala
B-akit narito si Elijah? Paano siya napunta rito? takang tanong ni lejandro sa kanyang sarili pagkatapos niyang patumbahin ang lalaking nagtangka kay Raquel. Elijah..... gumising ka! ani ni lejandro sa walang malay na si Raquel. Nang bubuhatin na niya si Raquel ay napansin niya ang mamahaling mask na nakakalat sa daan habang buhat-buhat niya si raquel. Teka! kilala ko ang nagmamay-ari ng mask na ito!gulat niyang sabi sabay tingin sa buhat-buhat niyang si raquel na kamukhang kamukha ni elijah. Paanong si raquel at elijah ay magkamukha! gulat ng sambit ni lejandro habang pasakay na ito sa kanyang kotse kasama si raquel. Agad naman niyang binalikan ang mask na kanyang nakita upang isuot muli sa mukha ni raquel. Pagkasuot niya ng mask ay napagtanto niyang si raquel talaga ang babae at hindi si elijah na asawa nito. Anong gagawin ko sa kanya? Dadalhin ko ba siya sa hospital o dadalhin ko nalang siya sa mas ligtas na lugar? tanong niya sa kanyang sarili. Habang abala si lejandro s
''Paglingon ni Raquel sa kanyang likuran ,isang hindi kilalang lalaki ang bumulaga sa kanya. Miss.'' Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa property namin? Private property po ito at hindi ka pwedeng pumasok ng walang pahintulot sa nagmamay-ari ng property!'' Nakangising wika ng lalaki. Habang panay ang tingin ng lalaki sa bandang dibdib nito. ''Ganun ba! Pasensiya kana,Sinundan ko kasi ang truck na ito.'Sabay turo ni Raquel. At ang truck na yan ang dahilan ng pagkawala ng anak ko at pagkaka-aksedente ng isa kung matalik na kaibigan!' Sagot ni raquel.''Sino ang amo mo?'' Tanong ni Raquel sa lalaking nakangisi. ''Wala ang boss namin dito Miss.' Saka hindi naman minamaneho ng tao ang truck na yan! Dahil sa Decontrol po ang Dumbtruck na yan! Ano ba ang ginawa ng Dumb truck na yan sainyo at kung makapagsalita kayo eeh,Kasalanan ng Truck na yan ang nangyari sa mga sinasabi mo!''Sagot ng lalaki at nakangisi parin ito na parang nababaliw.' Uhmmmmm!'Ganun ba.Sige aalis na ako.' Saad ni Raq
''Elijah' May alam kaba sa mga nangyayari?!''Seryuso ang mukha ni lejandro habang tinatanong ang salitang iyon. Wala akong alam ! ''Puntahan mo na si Tiffani at susundan ko si mama!' Saad ni lejandro. At tuluyan na niyang iniwan si elijah sa Mansyon. Na agad naman niyang tinawagan si Erick. Hello ' Erick! Magmadali ka! Pumunta kana ngayon sa Mountain road! Abangan mo ang kotse ni Donya Donita! Ikaw na ang bahala sa kanya!'Basta ang gusto ko mawala siya sa paningin ko!'' Utos ni elijah kay Erick. Uhmmmmmm!'' -Mahabang buntong hininga lang ang sagot ni erick. Na agad naman napansin ni elijah dahilan para sabihin ang salitang, ''FINE! pupuntahan kita bukas ng umaga!' Bulyaw ni elijah ,dahilan para mapabilis ang sagot ni Erick ng Oo''. At umalis na ito para puntahan si Donya Donita. Habang ang sasakyan nina Raquel ay kasalukuyang nasa likuran ng sasakyan ng pulis na humahabol Sa Donya. Atty: Donna' Wag na natin siyang sundan. Alam ko naman na mahuhuli siya ng mga pulis. Ang