"Talaga bang wala na siyang pakialam sa akin! Ako ang asawa niya at hindi ang Furtiza na iyon!"
"Bakit gano'n na lang siya kung umasta? Nakalimutan na ba niya lahat ng pinagsamahan namin, lalong-lalo na ang gabing namagitan sa aming dalawa!" Huhuhuhuhuhu "Pakawalan niyo ako rito! Maawa kayo sa akin... Wala na ba talagang nakakakilala sa akin? Isa na lang ba talaga akong katulong sa Hacienda Ferman!" ang umiiyak na sigaw nito habang kinakalampag ang bakal na pinto sa kanyang kinaroroonan. "Ate Elijah, 'wag ka nang sumigaw diyan, nagpapagod ka lang. Walang makakarinig sa’yo rito. Ito ang pagkain mo, Ate," ang sabay abot ni Emely ng isang tray na pagkain sa mismong maliit na pintuan na hindi kakasya ang tao. "Ayokong kumain, gusto kong makalabas dito, gusto kong makausap ang asawa ko. Nakikiusap ako sa’yo, Emely, tulungan mo akong makalabas dito, pakiusap," ang nagmamakaawang saad ni Elijah. "Ate... Sorry ah. Ayoko kasing makialam, baka pati ako pagbuntungan ng mga Ferman. Wala akong laban sa kanila. Kung ako sa’yo Ate, gawin mo na lang ang gusto nila. Saka ka na lang maghiganti kapag nahanap mo na ang dahilan ng pagkawala ng alaala ni Señorito Lejandro." Pagkasabi noon ay umalis na kaagad si Emely. "Sandali lang, Emely! Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo? Alam mo bang ako ang tunay na asawa ni Lejandro!" "EMELYyyy!" ang malakas na tawag ni Elijah, ngunit wala nang nakakarinig sa kanya. "May pag-asa pa ako! Kailangan kong sundin ang sinabi sa akin ni Emely! Kailangan kong magpalakas. Lalaban ako!" ang sigaw ng damdamin ni Elijah habang kinakain ang pagkain na ibinigay sa kanya ni Emely. Samantala, patungo naman si Emely sa silid ng mga katulong. Isa rin siya sa mga katulong sa Ferman Mansion, Hacienda. Habang patungo ito roon ay sinasabi ang katagang: "Kailangan mong lumaban, Ate Elijah! 'Wag kang papatalo sa kanila. Alam kong lalabas at lalabas din ang katotohanan!" ang saad nito sa kanyang isip habang iniisip si Elijah. "Emely... Saan ka nanggaling?" tawag na tanong ng mayordoma. "Huh? Ano po? Nagbanyo lang po ako, Manang," ang sagot ni Emely. Ipinagbawal kasi ng Donya na bigyan ng panggabihan si Elijah o kahit tubig man lang. Kaya nagsinungaling na lang si Emely dahil alam niyang isusumbong na naman siya ng mayordoma sa oras na sinabi niyang binigyan niya ng pagkain si Elijah. "Gano'n ba..." ang hindi kumbinsidong tanong ng mayordoma, dahilan para puntahan niya si Elijah sa bodega. "Shiit... Lagot na!" ang saad na lang ni Emely habang pinagmamasdan ang mayordoma na patungo sa bodega. Makalipas ang ilang sandali, bumalik ang mayordoma na hawak-hawak ang mga plato na pinaglagyan ng mga pagkain na ibinigay ni Emely kay Elijah. Isang malakas na sampal ang ipinatamo ng mayordoma kay Emely, sabay hagis ng mga pinggan na hawak-hawak nito. "Ang lakas ng loob mong suwayin ang utos ng Donya! Malalagot ka nito!" "Wag pooo... Maawa po kayo sa akin, Manang. 'Pag pinalayas ako rito, wala na akong ibang mapupuntahan. Malayo rin ang lugar kung saan nakatira ang mga magulang ko. Pakiusap po... Hindi na po ako uulit..." ang sabay luhod na nagmamakaawa si Emely sa mayordoma na huwag na siyang isumbong. Naawa naman ang mayordoma, dahilan para hindi na siya isumbong nito sa Donya. "Palalagpasin ko ang kasalanan mong ito! Pero sa oras na inulit mo pa ito, pasensyahan na lang tayo dahil hindi na kita ipagtatanggol pa! Maliwanag ba? Iligpit mo na lahat ng kalat at mga basag na pinggan! Ibawas na lang 'yan sa sahod mo!" ang galit na saad ng mayordoma. "Uhmmm... Siya ang nambasag, tapos sa akin ikakaltas? Okay... Fine!" ang saad na lang ni Emely. Makalipas ang ilang oras, gabi na rin at tulog na ang mga tao sa Mansion. Bumalik si Emely sa bodega para kausapin si Elijah. May dala na rin itong unan at kumot para kay Elijah. "Ateee... Gising ka pa ba?" ang mahinang tawag ni Emely kay Elijah. "Oo, gising na gising pa ako. Hindi ako makatulog. Giniginaw ako," ang nanginginig na saad ni Elijah. "Heto, Ate... Kunin mo ito. Kumot saka unan. Gamitin mo muna pansamantala habang nariyan ka sa bodega," ang naaawang sabi ni Emely. Akmang aalis na ito nang biglang hawakan ni Elijah ang kamay ni Emely at sabihin ang salitang: "Sino ka ba talaga, Emely? Bakit napakabait mo sa akin? Ikaw lang ang gumagawa nito sa akin. Baka pag nahuli ka nila, bigla ka na lang nilang parusahan nang dahil sa akin," ang malungkot na sabi ni Elijah. "Wag kang mag-alala sa akin, Ate. Matulog ka na para may lakas kang magtrabaho sa hacienda bukas." "Sino ka ba talaga, Emely?" ang ulit na tanong ni Elijah bago binitawan ang kamay ni Emely. "Ako si Emely, ang tutulong sa'yo rito sa Hacienda Ferman. Hangga’t kaya kitang tulungan, Ate... Tutulungan kita," ang saad nito. Pagkasabi noon ay mabilis nang umalis si Emely, naiwang tulala si Elijah. "Anong ibig niyang sabihin? Paano niya ako matutulungan? Paano?" ang paulit-ulit na tanong ni Elijah. Samantala, kaganapan sa loob ng silid nina Lejandro at Furtiza. "Honey... I’m ready!" ang malambing na nang-aakit na saad ni Furtiza kay Lejandro habang nakatapis na lang ito ng tuwalya. Nang bigla siyang may maalala na nalaglag na tuwalya, ngunit hindi niya alam kung saan o ano ba ang naaalala niyang iyon. "Bakit, honey?" ang tanong ni Furtiza. "May parang... bigla lang akong naalala pero hindi malinaw sa isip ko!" "Shit! Kailangan na niyang uminom ng gamot." "Wait lang, honey. Ikukuha kita ng tubig!" ang nagmamadaling saad ni Furtiza. Sabay kuha ng gamot sa kanyang bag nang palihim at nilagyan ang tubig na ibibigay nito kay Lejandro. "Honey... Ano 'yang nilalagay mo?"“Sumama na lang po kayo sa amin sa presinto. Pwede kayong kumuha ng abogado para makapag-apela kayo,” malamig ngunit may awtoridad na sabi ng isang pulis kay Furtiza. “Bitawan n’yo ako! Wala akong alam sa mga pinagsasabi ng Erick na ’yan!” galit na sigaw ni Furtiza habang nagpupumiglas. Halos mabali ang braso niya sa pagkakahawak ng pulis, pero hindi siya natinag. Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Tiffani. Nataranta siya, nanginginig ang boses habang lumapit sa ina. “Ano pong nangyayari?! Bakit niyo po hinuhuli ang Mama ko?! Anong kasalanan niya?!” Halos paluhod na ang dalaga sa harap ng mga pulis, pero ni hindi siya pinansin. “BOBA KA TALAGA!” sigaw ni Furtiza, halos mawalan ng boses sa sobrang galit at kaba. “Wala akong kasalanan! Tumawag ka ng abogado, Tiffani! NGAYON NA! BAGO PA ’KO TULUYANG LAMUNIN NG SISTEMANG BULOK NA ’TO!” Nanginginig na rin si Tiffani, hindi na alam ang uunahin—ang luha, ang takot, o ang galit sa hindi niya maintindihang pangyayari. Walang nag
Marahang bumukas ang pinto ng secret base ni Alexander. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon sa labas at mahihinang yabag ng binata ang maririnig. Ngunit sa loob ng base, isang simpleng kilos ang nagbago ng lahat. CLANG! Biglang nabitawan ni Raquel ang hawak-hawak niyang walis. Tumama ito sa sahig, kasabay ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi siya makagalaw. Nakatitig lang siya sa binatang kakapasok pa lang — hawak nito ang isang lumang bag, suot ang simpleng damit. "Hindi maaaring magkamali," sambit ni Raquel. Napakunot-noo si Alexander sa ingay, sabay ngiti. “Ma’am Raquel... gising na po pala kayo?” aniya, may bahid ng pagkagulat. Napansin niyang nakatayo na ito, tila hindi makahinga, at malinis na ang paligid. “Ang sipag niyo po, ah. Naunahan n’yo pa ako maglinis—” “A-anak...” Boses ni Raquel, nanginginig. Napaatras siya ng bahagya, nangingilid ang luha sa mga mata. “I-ikaw ba ang nawawala kong anak?!” Tahimik. Nagtagpo ang kanilang mga
“Subukan lang niya akong idamay… hinding-hindi na niya makikita pa ang anak namin!” mariing bulong ni Furtiza, habang mariing nakapikit at nakasandal sa matipunong bisig ng lalaking naging kapiling niya buong magdamag. Ramdam pa rin ng kanyang katawan ang init ng gabi, ngunit mas matindi ang apoy ng galit sa kanyang dibdib. Masuyong humalik sa kanyang balikat ang lalaki, tila ayaw siyang paalisin. Ngunit mabilis na bumangon si Furtiza at nagsuot ng kanyang damit. “Aalis na muna ako… may aasikasuhin akong mahalaga,” malamig ngunit matatag na paalam ni Furtiza, na para bang may bigat ang bawat salitang binitiwan niya. “Okay…” maikling tugon ng lalaki habang walang lingon-lingong bumuga ng makapal na usok palabas sa bintanang bahagyang nakabukas. Sa likod ng kanyang mapanatag na anyo, tila ba may itinatagong pag-aalinlangan. Tahimik ngunit mabigat ang bawat hakbang ni Furtiza palabas ng silid. Samantala, sa himpilan ng pulisya, mariing nakaupo si Erick, hawak ang sariling noo haban
“Magaling. Mangyaring umalis ka na riyan sa lalong madaling panahon. Papunta na ang mga pulis sa inyong kinaroroonan.”Ang boses sa kabilang linya ay puno ng pag-aalala ngunit may kasamang determinasyon.“Nasigurado mo bang na-lock mo ang pintuan ng restawran bago ka umalis? At hindi ba napansin ni Erick ang anumang kakaiba?”“Huwag po kayong mag-alala,” mahinahong tugon ng kausap, ngunit ramdam ang katiyakan sa kanyang panig. “Hindi po niya napansin ang aming plano.”“Mabuti kung ganoon. Ipapaabot ko na sa iyo ang bayad, kaya pakibigay lamang ang iyong bank account para maipadala ko agad.”May bahid ng seryosong pakikitungo sa kanyang mga salita, na nagpapahiwatig na ang transaksyon ay mahalaga at hindi biro.Naiwang nag-iisa si Erick sa isang maliit na restawran na inookupa ni Drewf. Tahimik at tila abandonado ang lugar—wala ni isang customer, at ang mga ilaw ay bahagyang dim, na nagdadagdag ng anino sa bawat sulok. Ginawa iyon ni Drewf upang masigurong hindi matuklasan ang kanilang
“Nasaan ang mga kriminal?!” sigaw ni Lejandro, galit na galit, habang mabilis na naglalakad sa gitna ng mga pulis na tila nanahimik sa bigat ng kanyang presensya. Halos umuga ang hangin sa lakas ng kanyang tinig. Nakakunot ang kanyang noo, namumula ang mga mata, at mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao. Hindi na niya pinansin ang kanina lamang babaeng nakikipagtitigan sa kanya. Hindi rin niya alintana ang mga nagtatakang tingin ng mga pulis—ang gusto niya lang ay makita ang mga salarin sa pagpapasabog ng sasakyan ng kanyang asawa at malaman kung saan nila dinala ang kanyang asawa. Pagdating niya sa harap ng main officer, muling umalingawngaw ang boses niya, puno ng paninindigan at apoy ng paghihiganti. “Nasaan sila?! Ilabas niyo sa akin ang mga hayop na ’yon!” Sa gilid ng kampo, biglang napaatras at napayuko ang dalawang kriminal. Agad nilang ikinumot sa kanilang mukha ang manipis na telang panakip, para takasan ang pagkakakilanlan. Nanginginig ang kanilang katawan—alam
"Isang tawag ang pumukaw sa isipan ng lahat sa Mansyon ng Boraque. Tumigil sa kani-kaniyang ginagawa ang bawat isa, ramdam ang bigat ng tensyon sa paligid. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Lejandro. Agad itong lumapit sa kinaroroonan ng telepono at sinagot ang tawag nang walang pag-aalinlangan. Buong atensyon niyang tinanggap ang tawag na matagal nang hinihintay ng lahat—tila ba isang tawag na magbibigay-linaw sa mga katanungan, o posibleng magbago ng takbo ng lahat. Habang inilalapit niya ang telepono sa tainga, hindi maikakaila ang pagkabog ng dibdib ng mga naroroon—sabik at takot sa kung anong balita ang kanilang maririnig. “Magandang araw po. Pumunta po kayo ngayon dito sa himpilan ng pulisya. May dalawang lalaki pong sumuko kanina lang, at inamin nila na sila ang may kagagawan ng pagsabog sa sasakyan ni Mrs. Raquel Boraque,” mariing pahayag ng police officer. Hindi maipaliwanag ni Lejandro ang biglang bugso ng damdamin sa kanyang dibdib. Para siyang binuhusan ng malami