เข้าสู่ระบบHindi maipinta ang mukha ni Seraphina habang nakatitig sa kanyang repleksiyon sa harap ng malaking salamin."Ano ba itong ipinasuot mo sa akin, Ate Kathleen? Ang sikip-sikip at ang ikli, tapos itong... itong ano ko, kulang na lang ay lumuwa," reklamo niya habang tinuturo ang kanyang dibdib.Hindi niya alam kung pinagtitripan ba siya ni Ate Kathleen o ano.Sa halip na magreklamo, sinubukan na lang niyang hatakin ang harapang bahagi ng suot na bestida pero nahihirapan siya.Sinubukan niyang ibaba ang zipper pero hindi niya maabot kahit anong pagpupumilit niya."Ma'am, ano bang problema sa suot mo? Maayos naman siya. Bagay na bagay nga eh, mas lalo pang lumabas ang kaputian mo.""Pati mga pasa ko lumabas din," wika niya nang mapansin ang mga pasa sa kanyang braso. Karamihan sa mga iyon ay bago pa lamang, at ang iba naman ay naghihilom na.Habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin, hindi niya maiwasang makaramdam ng awa para sa sarili.Marahan niyang hinaplos ang brasong may pasa pero na
“Grabe, nabusog ako do’n ah. Ang sarap ng mga pagkain, saludo ako sa nagluto. Dahil nakain ko na ang pinakamasarap na pagkain, hindi na ako tututol kung sakaling kukunin na ako ni Lord,” wika ni Seraphina habang hinahaplos ang kan'yang tiyan. Dati ay pangarap lamang n'yang makakain nang tatlong beses sa isang araw, pero ngayong natupad na ang simpleng hiling na 'yon, wala na s'yang mahihiling pa. Payag na nga s'yang kunin na ni Lord upang makapagpahinga nang maayos. Sa tagal ba naman n'yang inalila ng sariling pamilya, pakiramdam n'ya ay pagod na pagod na s'ya. “Miss Cruz, ano ba ‘yang mga pinagsasasabi mo? Ang bata-bata mo pa para kunin ni Lord! Saka ngayon ka pa ba mag-iisip ng ganyan, kung kailan nakalaya ka na sa pang-aalila ng pamilya mo? Tingnan mo naman—nakatira ka na sa mansiyon ngayon, may masasarap na pagkain, maayos na kagamitan, at kumportableng silid. Isa pa, hindi man naging mabuti sa’yo ang iyong pamilya, hindi ibig sabihin no’n ay wala nang nagmamahal sa’yo. Nandito
Mahinang tapik sa pisngi ang nagpagising sa natutulog na diwa ni Seraphina. Marahan naman siyang nagmulat ng mga mata subalit bigla siyang nasilaw sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Itinaas niya ang magkabilang kamay upang gawing panangga. "Nasaan na po tayo? Saka kanina pa ba tayong nakahinto? Bakit hindi niyo agad ako ginising?" Halos hindi na humihingang tanong niya sa matandang driver. "Kararating lang po natin, kaya sige na, bumaba na po kayo at pumasok sa loob ng mansiyon. Naroon na si Mr. Black at naghihintay sa iyo. May pag-uusapan daw kayo, kaya bago pa siya mainip at uminit ang ulo ang mabuti pa'y puntahan mo na siya." Wika nito at matamis siyang nginitian. "Ngunit… n-natatakot po ako sa amo niyo. Paano kung saktan niya ako tulad ng ginagawa ng ama at kapatid ko?" Puno ng pangambang wika niya dito. Hindi naman sa nagpapaawa siya sa matanda, ngunit iyon talaga ang nararamdaman niya. Kung ang sarili nga niyang pamilya ay kaya siyang saktan, iba
Matapos magluto ng agahan ay sinimulan na ni Seraphina ang paghahanda ng labahin. Hindi pa naman siguro darating ang Damian na 'yon para sunduin s'ya. Kailangan lang n'yang bilisan ang bawat kilos upang mabilis s'yang matapos. "Hoy babae, labhan mo ang kumot at mga punda ng unan ko tutal maglalaba ka rin naman." Wika ng kan'yang Kuya Michael ng sumulpot ito sa kan'yang harapan hawak ang tasa ng umuusok na kape. "Pero… Kuya, madami akong labahin. Kailangan ko itong matapos bago dumating si Mr. Black." Aniya pero sinamaan s'ya nito ng tingin. "Sinusuway mo na ba ako?" Galit na tanong nito kaya naalarma s'ya. Sunod-sunod s'yang umiling sa takot na baka saktan s'ya nito. "K-kukunin ko na po," wika n'ya sabay yuko. "Gusto mo pa akong galitin susunod ka din naman pala." Anito na may pagduro pa sa kanya. Mas lalo naman s'yang napayuko at hinayaan lang itong duru-duruin siya. Iniisip na lamang n'yang 'yon na ang huling beses na magagawa nito sa kan'ya 'yon. "Ano pa ang tinatayo-tayo
Gabi na, madilim ang paligid ngunit patuloy pa ring bumubuhos ang malakas na ulan na para bang nakikidalamhati sa magiging kapalaran ni Seraphina. Matagal s'yang nagtiis sa mga masasakit na salita, pananakit at pang-aabuso ng kan'yang pamilya sa pag-aakalang darating ang araw na magbabago pa ang mga ito. Pero nagkamali s'ya. Hindi na kailanman magbabago ang mga ito. "Anong klaseng kapalaran ba ito? Bakit ako pa? Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit sa'kin pa napunta ang lahat ng kamalasan at pagdurusa?" Bulong n'ya sa sarili, mababa, mahina sa takot na baka magising ang kan'yang ama at kapatid. Siguradong magagalit ang mga ito sa kan'ya at baka pagbuhatan na naman s'ya ng kamay. Ayaw n'yang mangyari 'yon. Sapat na ang mga peklat at pasa n'ya sa katawan para matutong umiwas sa gulo.Minabuti na lamang n'yang ayusin ang kan'yang higaan para matulog, dahil kinabukasan ay darating si Mr. Black para sunduin s'ya. Gusto sana n'yang tumutol sa kasal ngunit kapag ginawa n'ya 'yon, ay si
Malakas ang ulan at bawat dampi ng malamig na hangin ay nagpapanginig sa bawat kalamnan ni Seraphina. Gusto n'yang huminto sa ginagawa ngunit hindi maaari. Dahil kapag ginawa n'ya 'yon, tiyak na sakit ng katawan ang kan'yang aabutin. Para sa kan'yang pamilya, wala s'yang karapatang huminto, magreklamo at magpahinga, ang importante lang sa mga ito'y ang kapakinabangan sa bawat paghihirap n'ya. Hindi n'ya alam kung hanggang kailan s'ya magiging sunud-sunuran at tila walang sariling desisyon sa mga gusto at hindi n'ya gustong gawin. Wala naman s'yang pagpipilian kun'di ang sumunod sa nais ng kan'yang pamilya. "Seraphina! Hindi ka pa rin tapos d'yan hanggang ngayon?! Anong oras na! Magluluto ka pa ng hapunan!" Galit na sigaw ng pamilyar na boses sa kan'ya. Dahan-dahan s'yang lumingon sa pinanggalingan ng boses, at do'n n'ya nakita ang kan'yang ama. Nakatayo sa may pinto at base sa hitsura nito, sigurado s'yang lasing na naman i







