Início / Romance / THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE / Chapter 3: The Woman Behind the Mask

Compartilhar

Chapter 3: The Woman Behind the Mask

last update Data de publicação: 2026-11-05 20:00:50

Five years ago, ang akala ni CHLOE  OWEN, ang pinakamahirap na parte ng buhay niya ay ang mawala ang lahat ng minamahal niya. Pero habang tumatagal, napagtanto niyang mas mahirap palang mabuhay araw-araw na dala ang sakit na iniwan sa kaniya ng taong pinagkatiwalaan niya.

At ngayon, bumalik na siya.

Hindi na bilang asawa ni Alexander Sterling. Hindi na bilang babaeng nakikiusap na paniwalaan siya. This time, she was coming back as a woman who had the power to make the people who hurt her regret everything.

“Are you ready, anak?”

Napalingon si Chloe sa babaeng nakatayo sa likod niya. Si Madam Elena, ang babaeng tumanggap sa kaniya noong wala na siyang ibang matakbuhan, ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng panibagong buhay.

“Yes, Mom. I've been waiting for this moment for five years.”

Lumapit si Madam Elena at inayos ang kuwelyo ng suot niyang itim na gown.

“Just remember, revenge can be dangerous. Don't let your emotions control you.”

Napangiti si Chloe habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

“Don't worry, Mom. I know exactly what I'm doing.”

Pero kahit gaano siya katiwala sa plano niya, may isang bagay siyang hindi masigurong makokontrol niya.

Ang puso niya.

Dahil sa kabila ng lahat ng ginawa ni Alexander, may parte pa rin sa kaniya na naaalala ang lalaking minsang minahal niya.

And that was something she hated about herself.

That evening, ginanap ang isa sa pinakamalaking business events sa lungsod. Dinaluhan ito ng mga kilalang investors, business tycoons, at mga personalidad na may malaking impluwensiya sa mundo ng negosyo.

At kabilang sa mga panauhing inaabangan ng lahat ay si Alexander.

Nakatayo ito sa tabi ng isang grupo ng investors habang nakikipag-usap tungkol sa isang bagong project ng kanilang kumpanya. Suot ang kaniyang black suit, mukha itong kalmado at confident gaya ng dati.

“Your company has been doing exceptionally well, Mr. Alexander Sterling,” bati ng isang investor.

“Thank you. We're planning to expand even further this year.”

“That's impressive.”

Ngumiti si Alexander at nakipagkamay sa lalaki. Ngunit bago pa sila makapagpatuloy sa kanilang usapan, napansin niyang unti-unting napunta ang atensiyon ng mga tao sa entrance ng ballroom.

May bagong dating.

Isang babaeng nakasuot ng eleganteng black gown ang pumasok. Simple lang ang makeup nito, pero sapat na para bigyang-diin ang maganda nitong mukha. Confident ang bawat hakbang niya, at halatang sanay siyang humarap sa mga taong may mataas na posisyon.

“Who is she?” tanong ni Alexander sa assistant niya.

“She's CHLOE OWEN , sir. The owner of Owen Holdings. She's been making a name for herself in the business industry recently.”

Bahagyang tumaas ang kilay ni Alexander.

“I haven't heard of her before.”

“She's relatively new to the public eye, sir, but her company has already acquired several profitable businesses.”

Hindi na nakasagot si Chloe dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi niya maalis ang tingin sa babae.

May kung anong pamilyar sa mga mata nito.

Pero agad niyang itinaboy ang ideyang iyon.

Imposible.

Ang babaeng nasa harap niya ngayon ay isang matagumpay na businesswoman. Samantalang ang babaeng minsang naging asawa niya ay matagal nang nawala sa buhay niya.

At sa pagkakaalam niya, wala nang dahilan para muling magkrus ang kanilang mga landas.

“Ms.Chloe Owen, it's an honor to finally meet you.”

Isang matandang investor ang lumapit kay Chloe Owen at nakipagkamay sa kaniya.

“The pleasure is mine,” magalang niyang sagot.

“Your recent investments have caught everyone's attention. I heard you're planning to expand your business partnerships.”

“Yes. I'm always looking for opportunities that can help both parties grow.”

“Then perhaps you should meet Mr. Alexander Sterling. His company is one of the biggest in the country.”

Bahagyang ngumiti siChloe Owen.

“Actually, I've been hoping to meet him.”

Hindi niya kailangang maghanap pa dahil ilang segundo lang ang lumipas, lumapit na mismo si Alexander sa kanila.

“Good evening,” bati nito.

Chloe oOwen turned toward him, pretending that she was meeting him for the first time.

“Good evening, Mr. Alexander Owen.

Iniabot nito ang kamay sa kaniya.

“Alexander Owen. It's a pleasure to meet you.”

Tinanggap ni Chloe Owen ang pakikipagkamay nito.

“Chloe Owen. The pleasure is mine.”

Sa sandaling magdikit ang kanilang mga kamay, may kung anong kakaibang pakiramdam na dumaan sa dibdib ni Chloe Owen.

Limang taon niyang pinangarap ang araw na muli niyang haharapin ang lalaking ito. Pero hindi niya inasahang magiging ganito kahirap ang magkunwaring wala silang pinagsamahan.

Samantala, napansin ni Alexander ang kakaibang titig ng babae. Hindi iyon galit, hindi rin kaba. Para bang may alam ito tungkol sa kaniya na hindi nito gustong sabihin.

“You've built quite an impressive company,” sabi ni Alexander.

“Thank you. I had a lot of help along the way, but I worked hard to get where I am now.”

“That's something I respect. Not everyone can build a successful business from the ground up.”

Napangiti si Chloe .

If only you knew.

“I'm actually interested in some of your company's current projects,” sabi niya. “I believe there might be an opportunity for us to work together.”

Agad na naging interesado si Alexander.

“Really? What kind of partnership do you have in mind?”

“Perhaps we can discuss it over dinner sometime.”

Hindi itinago ni Alexander ang bahagyang pagkagulat. Sanay siyang lapitan ng mga babaeng gustong makuha ang kaniyang atensiyon, pero iba ang dating ni Chloe. Hindi ito mukhang naghahanap ng pabor. Sa halip, para itong isang taong alam na alam ang halaga nito.

“Dinner sounds good,” sagot niya. “I'll have my assistant arrange a schedule.”

“I'll be looking forward to it.”

Ngumiti si Chloebago lumipat sa ibang grupo ng mga panauhin.

Sinundan siya ni Alexander. ng tingin.

For some reason, he wanted to know more about her.

And that was exactly what Chloe wanted.

Kinabukasan, dumating si Chloesa headquarters ng kumpanya ni Alexander. para sa kanilang unang business meeting.

Maayos ang lahat ng dokumentong dala niya. Ilang linggo na niyang pinag-aaralan ang mga proyekto ng kumpanya, kabilang ang mga posibleng kahinaan nito at ang mga negosyong maaari niyang gamitin para unti-unting makuha ang impluwensiya ng pamilya ni Alexander..

Hindi siya pupunta roon nang walang paghahanda.

“Good morning, Ms. Chloe Owen. Mr. Alexander A Sterling. is waiting for you.”

“Thank you.”

Pagpasok niya sa opisina, nakita niyang nakatayo si Alexander. sa tabi ng malaking bintana habang may kausap sa telepono.

“Just send me the updated reports. I want everything ready before the next board meeting.”

Nang mapansin siya nito, agad nitong tinapos ang tawag.

“Sorry to keep you waiting.”

“It's alright. I know you're a busy man.”

Umupo sila sa magkabilang panig ng mesa at nagsimulang talakayin ang partnership.

Sa buong meeting, maingat na pinakinggan ni Chloe ang bawat detalye. Hindi siya basta sumang-ayon sa mga mungkahi ni Alexander.. Sa halip, nagbigay siya ng sarili niyang analysis at ilang ideyang hindi nito inaasahan.

“That's actually a good point,” sabi ni Alexander. habang sinusuri ang kaniyang proposal. “I hadn't considered that possibility.”

“That's why it's important to look at every angle before making a decision.”

Napangiti si Alexander..

“You're different from most business partners I've worked with.”

“Is that a compliment?”

“It is.”

For the first time that morning, natawa si Chloe.

At saglit, nakalimutan niyang dapat pala siyang mag-ingat.

Dahil ang tawa niyang iyon ay ang parehong tawang minsang minahal ni Alexander..

Napatingin sa kaniya ang lalaki.

“Have we met before?”

Biglang nanlamig ang mga kamay ni Chloe pero hindi niya iyon ipinahalata.

“Why do you ask?”

“There's something familiar about you. I can't explain it.”

She smiled calmly.

“Maybe you've seen me at another business event.”

“Maybe.”

Pero hindi pa rin kumbinsido si Alexander..

May kung anong pamilyar sa paraan ng pagsasalita nito, sa ngiti nito, at maging sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. Hindi niya lang matukoy kung saan niya iyon nakita.

“Anyway,” sabi ni Chloe habang isinasara ang folder, “I think we've covered everything for today.”

Tumayo siAlexander.at iniabot ang kamay niya.

“I look forward to working with you.”

Tinanggap iyon ni Chloe.

“Likewise.”

Pero sa isip niya, iba ang kahulugan ng mga salitang iyon.

Hindi lang sila magtatrabaho nang magkasama.

Unti-unti niyang papasukin ang buhay nito, aalamin ang mga sikreto ng kumpanya, at hihintayin ang tamang pagkakataon para ilantad ang katotohanan.

And when the time came, she would make sure he had nowhere to hide.

Lumipas ang ilang linggo, at naging regular na ang kanilang meetings.

Minsan, nagtatalo sila tungkol sa business strategies. Sa ibang pagkakataon naman, sabay silang kumakain habang pinag-uusapan ang kanilang mga plano para sa kumpanya.

Hindi namamalayan ni Alexander. na unti-unti na siyang nasasanay sa presensiya ni Chloe.

Hinahanap na niya ang opinyon nito sa bawat malaking desisyon. Kapag may magandang balita sa negosyo, isa si Chloe sa mga unang taong gusto niyang makausap.

At higit sa lahat, nagsimula siyang maghintay sa mga ngiti nito.

Isang gabi, matapos ang isang mahabang meeting, sabay silang lumabas ng building.

“Have you had dinner?” tanong ni Alexander..

“Not yet. Why?”

“Would you like to grab something to eat? My treat.”

Saglit na nag-alinlangan si Chloe. Bahagi ng plano niya ang mapalapit kay Alexander., pero hindi niya inaasahang siya mismo ang mag-aanyaya.

“Sure. I could use a break.”

Habang naglalakad sila papunta sa restaurant, napansin ni Chloe na bahagyang bumagal ang lakad ni Alexander.upang makasabay siya.

Isang simpleng bagay lang iyon.

Pero naalala niya ang datingAlexander. na palaging ginagawa iyon kapag naglalakad sila noon.

Biglang bumigat ang dibdib niya.

Stop it, Chloe. He's not the man you remember.

O baka iyon nga ang problema.

May parte pa rin sa kaniya na gustong maniwalang naroon pa rin ang lalaking minsang nangakong mamahalin siya habambuhay.

Pero hindi niya maaaring hayaang manaig ang alaala sa katotohanan.

Dahil ang lalaking iyon ang mismong tumalikod sa kaniya noong kailangan niya ito.

At hindi niya iyon dapat kalimutan.

Pagkatapos ng hapunan, inihatid ni Alexander. si Chloe sa kaniyang sasakyan.

“Thank you for tonight,” sabi ni Chloe.

“I should be the one thanking you. I enjoyed your company.”

Ngumiti siya.

“Good night, Alexander..”

“Good night, Chloe.”

Pagkasakay ni Chloe sa sasakyan, hindi agad pinaandar ng driver ang makina.

“Ma'am, diretso na po ba tayo sa bahay?”

Saglit na nanahimik si Chloe bago tumango.

“Yes.”

Habang papalayo ang sasakyan, napatingin siya sa rearview mirror. Nakatayo pa rin si Alexander. sa labas ng restaurant, nakatingin sa direksiyong nilakaran ng sasakyan niya.

Napapikit siya.

Hindi niya alam kung bakit masakit pa rin makita ang mukha nito.

Pero hindi na siya papayag na ang damdamin niya ang magdikta ng susunod niyang gagawin.

Sa kabilang banda, nanatili si Alexander. sa kinatatayuan niya kahit matagal nang wala sa paningin niya si Chloe.

He couldn't understand what was happening to him.

Sa loob lamang ng ilang linggo, naging mahalaga na sa kaniya ang isang babaeng halos wala siyang alam tungkol sa personal na buhay.

He wanted to know her favorite things, what made her smile, and why her eyes sometimes looked as if she were carrying a sadness she refused to share.

For the first time in years, he found himself looking forward to seeing someone.

“Chloe,” bulong niya sa sarili.

Hindi niya alam na ang babaeng unti-unti niyang kinahuhulugan ay ang mismong babaeng minsan niyang winasak ang buhay.

At hindi rin niya alam na habang mas lumalalim ang damdamin niya rito, mas papalapit siya sa katotohanang matagal nang naghihintay na sumabog sa harap niya.

Dahil para kay Chloe, hindi pa tapos ang lahat.

She had only begun to take back what was stolen from her.

And Alexander. was slowly falling for the very woman who had returned to make him pay.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE   Chapter 10: The Man Behind the Secret

    Hindi makatulog si Chloe Owen matapos makita ang pangalan ni Richard sa lumang dokumentong ibinigay ni Daniel.Paulit-ulit niyang tinitigan ang pirma nito. Hindi niya maintindihan kung bakit may kinalaman ang isang taong malapit kay Alexander sa imbestigasyong sumira sa buhay niya limang taon na ang nakalipas.Kung totoo ang lahat ng nasa dokumento, ibig sabihin, may mga taong alam ang katotohanan noon pa man.At pinili nilang manahimik.“Mom, I need to talk to Richard.”Napatingin si Madam Elena mula sa hawak niyang libro.“Are you sure that's a good idea?”“He signed the statement. I want to know why.”“Chloe, you can't just confront him without knowing what you're dealing with.”“But how long am I supposed to wait? Five years na akong naghihintay ng sagot.”Lumapit si Madam Elena at umupo sa tabi niya.“I understand, anak. But remember, the people involved may be more dangerous than you think.”Napayuko si Chloe.“I just want to know why they did this to me.”Hinawakan ni Madam Ele

  • THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE   Chapter 9: The Hidden Truth

    Hindi mapakali si Chloe Owen matapos matanggap ang mensahe mula kay Mia.Paulit-ulit niyang binasa ang dokumentong ipinadala nito. Nandoon ang pangalan ni Adrian Sterling at ang ilang detalye tungkol sa property transfer na nangyari ilang araw bago namatay ang ama ni Alexander.Hindi niya alam kung ano ang eksaktong ibig sabihin ng mga dokumentong iyon, pero sigurado siyang may hindi tama.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Mia.“Hello, ma'am?”“Mia, I need you to do something for me.”“What is it, ma'am?”“Find out who handled that transaction. I want the name of the person who approved the transfer and the company involved.”“Okay, ma'am. I'll look into it.”“And Mia, keep everything confidential. I don't want anyone from Sterling Group to know that we're investigating.”“Understood.”Pagkababa ng tawag, napasandal si Chloe sa kaniyang upuan.Hindi niya akalaing ang planong paghihiganti niya ay magdadala sa kaniya sa mas malalim na problemang hindi niya pa lubusang naiintindi

  • THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE   Chapter 8: The Name in the Photograph

    Hindi maalis ni Chloe Owen ang tingin sa pangalang nakasulat sa lumang dokumento.Adrian Sterling.Ilang beses niya iyong binasa, umaasang nagkakamali lamang siya. Si Adrian ang pinsan ni Alexander na nakilala niya sa mga nakaraang business meeting. Isa ito sa mga taong malapit sa pamilya Sterling at may malaking papel sa kanilang mga negosyo.Pero bakit naroon ang pangalan nito sa dokumentong may kaugnayan sa pagkamatay ng ama ni Alexander?“Mom,” tawag niya habang hawak ang papel. “I need to ask you something.”Lumapit si Madam Elena at napatingin sa dokumentong hawak niya.“Where did you get that?”“Sa lumang envelope na itinago ninyo. Why is Adrian Sterling's name here?”Saglit na natahimik ang babae.“Chloe, I think there's something you need to know.”Umupo si Chloe sa sofa at hinintay ang sasabihin nito.“Before you came into my life, I had someone who helped me look into your case. He discovered that there were people who might have benefited from your husband's father's death

  • THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE   Chapter 7: Secrets Begin to Unfold

    “Find out everything about her. I don't care how long it takes.”Iyon ang huling sinabi ni Alexander Sterling bago tuluyang ibaba ang tawag.Nasa loob siya ng kaniyang private office, nakatingin sa litrato ni Chloe Owen na ipinadala ni Richard. Ilang minuto na niyang pinag-aaralan ang mukha nito, umaasang may makikita siyang sagot sa mga tanong na gumugulo sa isip niya.Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pakiramdam niyang may koneksiyon siya sa babaeng iyon.The way she speaks, the way she looks at him, and the sadness in her eyes.Lahat ng iyon ay nagpapaalala sa kaniya ng isang taong matagal na niyang hinahanap.“Don't tell me it's really you,” bulong niya.Napahawak siya sa noo at napapikit.Kung si Chloe nga ang dati niyang asawa, bakit hindi nito sinabi sa kaniya? At kung bumalik ito, ano ang tunay nitong pakay?Hindi siya mapakali sa posibilidad na maaaring may dahilan ang pagbabalik nito.At kailangan niyang malaman iyon bago pa maging huli ang lahat.Saman

  • THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE   Chapter 6: The Woman Behind the Name

    Hindi mapakali si Alexander Sterling mula nang matapos ang gabing iyon.Ilang beses niyang sinubukang ibaling ang atensiyon sa trabaho, pero paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mukha ni Chloe Owen. Lalo na ang mga mata nito.May kung anong pamilyar sa mga iyon.Parang matagal na niyang nakita. Parang minsan na niyang tinitigan habang puno ng pagmamahal, bago niya tuluyang sinira ang lahat.Napabuntong-hininga siya at muling tiningnan ang litrato ng dati niyang asawa na nasa ibabaw ng desk.“Could it really be you?” mahinang tanong niya sa sarili.Alam niyang imposible. Limang taon na ang nakalipas. At kung talagang siya iyon, bakit ibang pangalan ang ginagamit nito? Bakit ngayon lang ito muling nagpakita?Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya.“Richard, I need you to do something for me.”“What's that?”“I want you to investigate someone. Chloe Owen.”Sandaling natahimik si Richard sa kabilang linya.“Your business partner?”“Yes. I w

  • THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE   Chapter 5: The Past He Couldn't Forget

    “Are you sure about this, Chloe?”Napatingin siChloe kay Madam Elena na nakatayo sa harap ng kaniyang desk. Nasa ibabaw ng mesa ang mga dokumentong may kinalaman sa bagong project ni Alexander., kasama ang listahan ng mga investors na inaasahang tutulong para matuloy ang expansion ng kumpanya nito.“Yes, Mom. This is the perfect opportunity.”“Once you invest in his company, mas magiging malapit ka sa kaniya. You'll have access to important information, and you'll be dealing with people who have known him for years.”“I know.”“Then you also know that there's a possibility he'll discover who you really are.”Saglit na natahimik siChloebago isinara ang folder.“Let him discover it when I'm ready.”Hindi na nagsalita si Madam Elena. Kilala na niya ang dalaga. Kapag may desisyon na si Chloe, mahirap na itong baguhin, lalo na kung may kinalaman iyon sa mga taong naging dahilan ng kaniyang paghihirap.Pero bilang isang ina, hindi niya maiwasang mag-alala.“Just promise me one thing, anak.

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status