NAPAKUNOT ang noo ni Olivia nang makita ang isang pirasong rose na nakapatong sa kanyang table. Kinuha niya ang rosas at bahagyang idinikit sa kanyang ilong at nilanghap ang amoy nito. She's sure it came from Clint. Wala naman ibang magbibigay sa kanya ng bulaklak kung hindi ang binata lamang."Ahm, excuse me... napansin mo ba kung sino ang naglapat nito sa table ko?" tanong niya kay Matilde na kasama sa cubicle. "Nope, nandiyan na 'yan pagdating ko. Naku, girl, may suitor ka na!" panunukso nito."Shut up... baka nagkamali lang ng taong pagbibigyan," tanggi niya kahit alam niyang kay Clint ito galing,sabay buntong-hininga niya at inilagay ang rose sa empty bottle water, na nakapatong sa mesa."Hay... malay mo naman, isa sa mga katrabaho natin. Kapag nagyaya ng date, patulan mo na para magka-lovelife ka na," pambubuyo ni Matilde."Tumigil ka nga," saad niya na natatawa ngunit hindi maitanggi ang pagkairita sa kanyang boses."Hay, kung sino man 'yang manliligaw mo, ilalakad ko siya sa
LUMAPIT si Isabelle sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. "Is anything happen? Bakit ang seryoso mo naman?" "Wala...wala naman. Naisip ko lang...kung hindi dumating si Franco sa buhay mo at kung hindi dumating ang mga Villanueva sa buhay natin—hindi siguro tayo magkakaganito," naluluhang saad ni Olivia. Niyakap siya ng mahigpit ng kapatid at hinaplos-haplos ang likod. "Shhh..stop crying. Maybe Villanueva's are destined to us but it doesn't matter now. Nag-aalala ka pa rin ba na babalik sa buhay ko si Franco?" "No, Isabelle, it's not like that." "Then, what?" Napatikom ang bibig niya sa tanong ng kapatid. Paano niya nga ba sasabihin ang tungkol kay Clint Villanueva? Paano niya sasabihin na nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya? She's been hard to Isabelle and pushing away Franco from her. But now, she's building a connection to Clint. She afraid that sooner it will develop into a relationship. Napailing siya at inubos ang kape sa tasa. "Forget what I've said
HINDI alam ni Olivia kung ilang minuto sila nagtagal sa ganong posisyon. Tanging mga labi lamang nila ang nag-uusap. Hindi niya maipaliwanag kung bakit nagugustuhan niya ang mga halik ng binata. Sinasabi ng isip niya ay mali, ngunit kabaligtaran naman ng sinasabi ng kanyang nararamdaman.Clint's kiss was not gentle. It was an eruption of suppressed longing, finally unleashed. His lips seized hers with an intensity that left her breathless—a desperate claiming that sent shivers down her spine. His tongue danced with hers in a fiery tango, a sensual exploration that ignited a wildfire within her.Hindi niya maiwasan na mapapikit at damahin ang bawat init na binibigay na halik ni Clint. Ang malamig na gabi ay tila naging isang apoy na dumadarang sa kanyang katawan, dahil sa mapangahas na halik ng binata. Nararamdaman niya ang malalim na paghinga nito, ang bawat ungol, na parang dinadala siya sa ulap.Ang mapusok na halik ni Clint ay lalong naging mainit. Ang mga kamay nito ay malayang na
ISANG GABI na puno ng kasiyahan at matagumpay na pagdiriwang ng 10th year Anniversary ng FV Finance dahil marami ang dumalo, at bukod doon maraming mga investors at business partners ang mas lalong nagkaroon ng interes para makipagsusyo sa kompanya. The celebration is quite simple yet elegance. Umugong ang masayang kuwentuhan, nakakabinging tawanan at ang ingay ng tunog ng mga glass wine, na tila nagbibigay ng kakaibang tugtog na sumasabay sa malamyos na musika. Sinimsim ni Olivia ang wine na inumin at tsaka tumingin sa kinaroroonan ni Clint na abala sa pakikipag-usap sa mga business partners at sa iba pang mga business owner ng mga malalaking kompanya. Ang mga mata'y nanatiling nakatutok sa binata. Naalala niya ang nangyari kanina lamang. The way Clint kiss her lips. She's thinking why Clint do that? Until now, she could sense his breath, his warm kiss. What is it all about? Napailing na lamang siya at sinaid ang laman ng glass wine. Siguro ay nag-overreact lang siya sa ipinaki
BUMILIS ang tibok ng puso ni Franco nang makita niya ang kambal at si Isabelle. Bumaba siya ng kotse upang lalo niya itong makita, sapat lang upang makita niya nang malapitan ang mag-iina nang hindi siya mapapansin. Napapangiti siya habang pinagmamasdan niya si Isabelle na hinahagkan ang mga sanggol, kalong-kalong sa magkabilang bisig ni Isabelle. Natutuwa rin siyang pagmasdan ang kambal dahil sa malusog ang mga ito, na parang masarap yakapin at ihili sa mga bisig niya.He wishes he was there to kiss and cradle the two angels in his arms. He wonders what names Isabelle gave them. Habang pinagmamasdan niya ang mga ito, lalo lamang siyang nasasabik na mahawakan ang mga sanggol. Hindi niya rin maiwasan na sulyapan ang mukha ng dalaga; tingin niya ay mas lalo itong gumanda, bagama't tumaba nang konti dahil sa pagsilang sa sanggol, but in his eyes, Isabelle will still be the most beautiful woman in this world. Nais niyang lumapit at batiin sila, ngunit pinigilan niya ang sarili. Alam niyan
MAHIGPIT ang hawak ni Isabelle sa kapirasong papel na inabot sa kanya ni Attorney Pineda. Nakasaad doon ang pangalan ni Franco Villanueva, na siyang nagmamay-ari na ngayon ng kanilang mansyon. Inaasahan na niya ito—ang kunin ang lahat ng pag-aari nila. Alam niyang darating ang oras na 'to—at ito na ang paghihiganti ni Franco Villanueva—ang kunin ang lahat.Napaupo siya sa mahabang sofa at tiningnan ang kambal na tuwang-tuwa sa makukulay na laruan na nakasabit sa kanilang crib. Iniisip niya ngayon kung paano sila mabubuhay na mag-ina? Bagamat may kaunting pera siyang naipon sa bangko, hindi ito sasapat. Ang negosyong itatayo na lang niya ang pag-asa; ang perang gagamitin niya ay ang na-loan niya sa FV Finance, na pag-aari ni Franco.Ang isa pang problema niya ay paano niya sasabihin kay Olivia at Sabrina na tuluyan na silang pinapaalis ni Franco sa lalong madaling panahon.Nag-angat siya ng tingin at seryosong tumitig kay Attorney Pineda. "Attorney, hindi na ba maaaring humingi ng kont