MAINGAT ang bawat galaw ni Ffion at ayaw niyang magising ang asawa. Konting galaw lang at nagigising ito at alam niya ang kasunod, mainit na ulo ang sasalubong sa kaniya buong araw kapag nangyari iyon.
Nasa isang villa sila at sa harap ay malawak na lupain na puro mga pananim na cacao at iba't ibang klase pang mga pananim na kalimitan nakikita sa isang probinsya
Nahigit niya ang kaniyang hininga nang gumalaw si Audric sa kinahihigaan. Laking tuwa niya nang mapansing tulog pa rin ito at walang senyales na nagising ang lalaki sa kaniyang mga galaw
Napangiti siya. Agad niyang hinagilap ang kaniyang pambahay na tsinelas at una niyang tinungo ang malaking closet nilang mag-asawa. Maingat siyang kumuha siya roon ng damit na gagamitin ng lalaki pagkatapos nitong maligo
Inabot niya muna sandali ang suklay at inayos ang buhok. Inayos niya rin ang pagkakabuhol ng suot niyang roba saka nagpasyang lumabas ng silid para paghandaan ng almusal ang asawa
Hanggang ngayon, paulit-ulit siyang nagluluto kahit hindi nito gusto ang mga pagkaing hinahanda niya. Anong magagawa niya? Kung hindi sunog ang kaniyang mga nilutong ulam, sobrang tabang at alat naman minsan
Ayaw rin ni Audric na kumuha sila ng kasambahay at kusinera at naiintindihan niya iyon. Hindi na siya nagpumilit dahil siya itong may gusto ng lahat ng ito
Masigla ang kaniyang bawat galaw sa pagluluto ng almusal. Sumabay-sabay pa siya sa kanta na nagmumula sa may kalakihang stereo. Tamang-tama lang ang lakas ng tugtog para hindi magising si Audric na natutulog pa
“Magandang umaga, Ma'am Ffion! Heto na ho ang preskong gatas para kay Sir. Pasensyahan niyo na kahapon Ma'am kung hindi ako nakapagdala ng gatas, nagkaroon ng aberya sa bahay. Hindi rin mautusan ang anak kong si Lando, at may sakit.” Si Manong Lito ang nagsalita sa kaniyang likuran. Sanay na siyang nasa bahay ang matanda. Isa ito sa pinagkakatiwalaan niya
“Kayo pala, Manong!” Sandali niyang pinatay ang kalan at hinarap ang matanda
Nakangiting kinuha niya ang tatlong gatas na dala nito. Wala naman problema sa kaniya. “Okay lang 'yan, Mang Lito. Hindi rin naman naghanap ng gatas si Audric kahapon.
“Kung gano'n salamat naman! Oh siya, Ma'am Ffion, mauuna na ako sa inyo at babalik pa ako sa bakahan.
Tumango lang siya at muling hinarap ang niluluto matapos ilagay sa mesa ang gatas. Masigla pa rin ang kaniyang kilos at sinigurado niyang kakain sa araw na ito ang kaniyang asawa. Kahit isang tikim lang masaya na siya
“Ayan! Tapos na ako.” Nakangiting pinagmasdan niya ang kaniyang hinanda sa bilugan mesa
Hotdog na kalahati sunog, pritong sunny side up na wasak ang egg yolk, fried rice na literal na fried at isang basong gatas para sa asawa niya. Nakuha niya rin tumakbo sa labas ng bakuran para pumitas ng bulaklak. Nilagay niya ang napitas na mga bulaklak sa isang vase para maging maaliwalas ang kusina
“Audric!” Masigla ang boses niyang lumapit siya sa asawa. Bagong ligo ito at sobrang bango. “Good morning!
Umungol lang ito na halatang hindi nagustuhan ang tono ng kaniyang boses. Dere-deretso itong naglalakad habang siya ay nasa likuran ng asawa, nakaalalay sakaling matumba ito o ano
Bulag ang lalaki. Nasira ang cornea ng mata nito sa isang pangyayari kaya ganito ito kahigpit sa mundo. Pero kahit bulag ang kaniyang asawa, kaya pa rin nitong gumalaw na walang alalay na nagmumula sa kaniya. Memoryado nito ang sulok ng bahay lalo na at magkakalahating taon na rin itong bulag
“Sunog na hotdog at kanin na naman ang niluto mo.
Napangiwi siya sa deretsong pahayag nito nang makaupo ito sa silya. Tulad nung una, hindi nito kinain ang kaniyang hinandang almusal. Ang isang basong gatas lang ang kinuha ng lalaki at walang sabing nilagok lahat ang laman niyon
“Konti lang ang sunog, Audric... Hindi n-naman masyadong halata.
Umungol lang ito na parang hindi nagustuhan ang kaniyang naging sagot. “Dahil konti lang ang sunog, tingin mo okay na ako sa rason na konting sunod?” Malamig pa sa yelo ang boses nito
Napakagat na lamang siya ng labi at siya ang nagpasyang kumain sa kaniyang almusal na ginawa. kalahating sunod, kalahating hilaw. Kung malapit lang ang mga restaurant dito sa Villa, nag-order na siya ng pagkain para sa lalaki. Hindi niya naman gustong sirain ang appetite nito
“Audric!” Hanggang sa lalamuna niya na lamang ito nang tumayo ito ulit at humakbang papunta sa malaking terasa. “Sabayan mo sana ako…” Bumagsak ang kaniyang balikat nang tuluyan nakalayo ang lalaki
Ngumiti na lang siya at ilang segundong pinapayapa ang sarili. Naiintindihan niya kung bakit ganito ang kaniyang asawa. Naiintindihan niya ito at hindi siya magsasawang intindihin ang lalaki. Mahal niya ito, eh. May magagawa ba ang puso niya? Wala. Kundi ang magtitiis at hintayin ang isang araw na bumalik ang totoong ugali ng taong mahal niya. Hindi siya magsasawang hintaying kung kailan iyon kahit na umabot pa ng ilan taon.
***
MALUNGKOT na niligpit niya ang kaniyang hinandang pagkain at tinapon lahat iyon sa basurahan. Hinugasan niya lahat ang mga ginamit na kagamitan at nagpasyang magpunta sa bakuran. Mamaya ay darating si Manang Minda para magluto ng tanghalian para sa kanilang mag-asawa. Asawa ito ni Manog Lito at personal na yaya noon ni Audric nung kabataan nito at mabait ang matanda. Tinuring siya nitong anak
Gusto niyang samahan ang lalaki sa terasa habang nagpapahangin at lumalanghap ng preskong hangin ng probinsya pero alam niyang magagalit lang ito. Kaya nagpasya na lamang siyang sulyap-sulyapan ito. Nasa bakuran siya ngayon at nagwawalis ng mga tuyong dahon at nagdidilig ng mga paboritong halaman. Mahilig siya sa pag-aalaga ng iba’t ibang klaseng mga halaman at nakakatulong ito sa kaniyang tiisin ang ugali na pinapakita sa kaniya ni Audric araw-araw
Napahugot si Ffion ng hangin nang muli niyang sulyapan ang lalaki. ganoon pa rin, nakatayo ito at nakatitig sa isang deriksyon na parang may nakikita. Ganito ang daily routine ni Audric. Gigising, maliligo, kakain ng almusal, at magtungo sa terasa at doon lang ito hanggang sa sumapit ang tanghalian.
At pagkatapos nitong kumain ng lunch, magkukulong ito sa music room at art room sa ikalawang palapag ng bahay hanggang sa sumapit ang gabi. Nung una, natatakot siya na baka mahulog ito sa hagdanan sa tuwing umaakyat ito sa pangalawang palapag na mag-isa. Hanggang sa nakasayan na niya ito. Mas gusto ni Audric na hindi pinapakialaman o alalayan ito. Ayaw na ayaw nitong kinakaawaan niya o makaramdam ng awa mula sa mga taong nasa paligid kaya siguro gusto nito na nasa isang villa sila at tago sa mga tao
Ang tanging pinapahintulutan nitong pumasok lang sa bahay ay si Manong Lito at Manang Minda. Bumabait lang ito kapag si Manang Minda at Manong Lito ang kaharap at kausap. Pero ‘pag siya at ibang tao, galit ito kahit sa sarili nitong mga magulang
“Kailan mo ba ako ipagtutulakan palayo, Audric?” mahinang tanong niya sa hangin. Hindi niya namalayan na nagsiunahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha.
“Stop staring at me, Ffion.
Agad niyang binawi ang kaniyang tingin na ginawad dito. Kahit bulag ang kaniyang asawa, malakas ang pandama nito, kahit noon pang mga binata at dalaga sila. Mas lalong lumakas ang pandinig, pang-amoy at pakiramdam nito nang mabulag ang dalawang mata ng lalaki. Parang ang utak nito ang nagbibigay ng babala sa paligid
“Lagi ko ng sinasabi sa`yo na ayaw na ayaw kong tinititigan at kinakaawaan.” Parang kulog ang boses nito. Namamahay ro’n ang galit at inis
“H-hindi kita kinakaawaan, Audric.
Umungol lang ito at matagal bago nagsalita. “Ako, kinakaawaan kita. Kinakaawaan ko ang mga tulad mong pilit na nagtiis sa isang katulad ko. Isa kang tanga, sinabi ko na ba ito noon?
Nakagat niya ang labi. Kahit walang emosyon na nakikita sa mata ni Audric, damang-dama naman niya sa malamig nitong boses ang galit at pait. Pero hindi siya iimik. Hindi niya sasakyan ang init ng ulo nito. Dahil alam lang niya kung saan iyon patutungo.
Galit sa mundo ang lalaki kaya mas dapat lawakan niya ang kaniyang pasensya. Mag-asawa sila at nangako sila sa harap ng Diyos na magmamahalan sila hanggang sa kamatayan ang maghihiwalay sa kanilang dalawa. Hindi ang kapansanan nito ngayon ang magpapabago sa pagmamahal na naramdaman niya para sa lalaki.
Hinid basta-basta mapapasuko ni Audric ang kaniyang puso kung ito ang gusto nito. Dahil araw-araw niya itong ipaglalaban hanggang sa madama nitong andiyan lang siya. Nasa tabi nito at hinding-hindi aalis.
Para hindi siya tuluyan lamunin ng lungkot, hinarap ni Ffion ang kaniyang mga alagang halaman. Dito na lamang niya ibubunton ang lungkot. Ilang buwan pa lamang sila nagsasama ni Audric bilang mag-asawa pero kung susumain, para lang siyang tau-tauhan sa bahay nito. Kung sabagay, ano pa ba ang kaniyang aasahan? Naging asawa lang siya ng lalaki sa papel at sa harap ng maraming tao. Naiitindihan niya naman na si Ivony pa rin. Ano ba ang laban niya sa great love, first love at only love ni Audric? Wala. Simula nung mabulag ang lalaki, ayaw nitong maingay siya. Ayaw nito na tinatawag niya ito ng ‘Adi’. Ayaw nitong inaalalayan niya. Ayaw nitong tumanggap sila ng bisita kahit mga magulang nito, pinagbabawalan nitong bumisita sa Villa. “Ffion?” Napalingon siya kay Audric. Iisang deriksyon pa rin ang mga mata nito. “B-bakit?” “Sino ‘yang nasa gate?” Mabilis siyang napatingin sa malaking gate at doon nakita niya ang paparating na si Manang Minda. May dala itong basket na alam niyang mga p
“Baliw. May asawa na ako, at bestfriend mo pa.” pabirong anas niya rito. “Asawa sa papel, Ffiona.” Napepe siya. tama naman si Lucas, asawa sa papel. Alam nito ang katayuan niya sa puso ng lalaki. “K-kailangan ko ng patayin ang tawag ha? Paalam, Lucas.” Hindi niya na hinayaan na magsalita ang lalaki, pinatay niya na ang tawag at malungkot na napatingin sa labas ng bintana. Sinilid niya sa bulsa ng kaniyang cotton short ang cellphone at nilapitan ang bintana. Hinawi niya ang makapal na kurtinang nakatabing doon. Pumasok ang maaliwalas at magandang tanawin sa labas kasunod ang malamig at masarap na simoy ng hangin nang buksan niya ang salaming bintana. Kung ikukumpara, para siyang salaming bintana na natatakpan ng makapal na kurtina. Pero masisi ba niya ang kaniyang sarili kung baliw siya sa pag-ibig na ito? Baliw siya kay Audric na alam naman niyang pagmamahal bilang kaibigan lang ang pinapakita nito sa kaniya noon. Kahit ilang beses nitong pinapamukha sa kaniya na mahal nito ang b
"Audric?" Tatlong mahihinang katok ang kaniyang ginawa. naghintay siya ng ilang minuto pero walang sagot mula rito sa loob ng art room. "Audric, papasok ako ha?" Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Wala roon ang lalaki. Paniguradong nasa music room ito ngayon pero wala siyang naririnig na kahit isang tunog ng musika. Akmang isasara niya ang pintuan nang mahagip ng kaniyang mata ang isang canvas sa gitna ng malawak na art room. May takip na puting tela Nagdalawang isip siya kung lalapitan ba ito. Ayaw ni Audric na mangialam siya roon sa silid na iyon. Hanggang pintuan lang siya dapat. Ang tanging tao lang na pwedeng mangialam at pumasok roon ay si Manang Minda "Anong ginagawa mo rito? Nagulat siya nang magsalita sa likuran niya si Audric. Agad niyang sinara ang pintuan ng silid at humarap sa asawa. "H-hinahanap kita. Kakain na sana tayo ng hapunan. "Mauna ka na. Mamaya pa ako kakain." Binuksan nito ang pintuan Napilitan tuloy siyang tumabi. Gusto sana niyang sabihin dito na a
At simula sa araw na iyon, naging mag-asawa sila ni Audric. Sa kaniya nito sinuot ang singsing na para sana dapat kay Ivony at nagkasya iyon sa maliit niyang kamay. Marami ang umangal at isa na si Donya Vilma Villanueva na hindi matanggap ang nangyayari pero walang magawa ang mga ito nang magdeklara ang Pari na mag-asawa na sila sa harap ng Diyos at tao. Habang si Lucas ay umalis ng simbahan at hindi pinanood ang kaniyang kahibangan.Maraming nakiusyong media nang lumabas sila ng simbahan. Maraming kumuha ng larawan at nagtatanong kung saan ang totoong bride pero ang Ama ni Audric ang humarap sa mga ito. Habang and isang kapatid ni Audric na si Asher ay nakaagapay sa lalaki at nagmistulang mata nito.Hawak siya ni Audric sa kabilang kamay at damang-dama niya ang galit sa pagkakahawak nito. Mahigpit! Pero hindi siya nagreklamo. Nakasunod lang siya sa bawat hakbang ng lalaking pangarap lang niya pero ngayon ay asawa niya na ngayon."Ffion?" Napatingin siya kay Asher. "Salamat.""Ha?"
Pero hindi pala madali ang buhay asawa iyon agad ang natutunan ni Ffion sa loob ng dalawang linggo. Sumama siya kay Audric nang magpasya ang lalaki na tumira sa Villa sa San Mateo. Sa villa ng Villanueva kung saan malayo sa mga tao at sa media.Walang magawa ang kaniyang Ina nang sumama siya sa lalaki. Nasa tamang edad na siya. 25 years old na siya at hindi na siya bata kaya alam niya kung ano itong pinasok niyang sitwasyon. Isa pa, hindi niya hahayaan si Audric na mamumuhay sa madilim na mundo nito ngayon. Sasamahan niya ito kahit katangahan ang kaniyang gagawin. Masisisi ba niya ang kaniyang puso kung nagmahal lang naman ito?Nagbago ang dating kilala niyang Audric. Kung dati ay malambing ito sa kaniya at tinatrato siyang nakakabatang kapatid, ngayon ay hindi. Nag-iba ang ugali ng lalaki at lagi itong mainit ang ulo. Minsan ay nagwawala ito sa loob ng kanilang silid at siya ang taga-sunod ng mga kalat mula sa pagwawala nito.Minsan naman ay naririnig niya itong umiiyak at kasunod niy
MAGANDANG umaga ang bumungad kay Ffion sa araw na iyon. Tulad ng kaniyang nakagawian bilang asawa ni Audric, hinanda niya ang susuotin nito at agad siyang nagtungo sa kusina. Magluluto siya. Magluluto siya kahit pa paulit-ulit na masayang iyon at basurahan ang nakikinabang. At masaya siya sa kinalabasan ng kaniyang luto ngayon umaga. Hindi sunog ang tocino pati ang itlog. Mas lalong naging masigla ang kaniyang araw nang kainin ito ni Audric. Walang reklamo na lumabas sa bibig nito at inisip niyang nagustuhan nito ang kaniyang hinandang almusal sa umagang iyon. Kahit papaano, masaya siya na maganda ang gising ngayon ni Audric dahil sabay sila ngayon na kumakain."How's your hand?"Natigilan siya nang magtanong ito. Nagtaas siya ng tingin at tumingin sa kaniyang gwapong asawa na kahit bulag ito, wala pa rin nagbago. Nagsimula rin humaba ang buhok nito pati ang balbas nito pero gwapo pa rin sa paningin niya si Audric. "O-okay naman.""Hindi masakit?"Nakagat niya ang labi. Pinigil niyan
Ivony is wild, hot and dangerous. While Ffion, is sweet, innocent and fragile. Mga katulad ni Ffion ang babaeng hindi niya nagugustuhan pero exemption ito dahil matalik na kaibigan niya ang babae at kababata. Niligtas siya nito noon mula sa isang malaking aso na muntikan siyang kagatin. He's 12 years old that time at 7 years old ito. Baguhan pa sa Maynila at wala pang kaibigan.Si Ffion ang humarap sa aso at sinabihan nito ang aso na umuwi na at huwag siyang saktan. Himalang nakinig ang aso at tumakbo ito papalayo sa kanilang dalawa at simula noon, naging magkaibigan sila. Simula rin noon, naging attached sa kaniya si Ffion. Iisang school sila ng pinapasukan at palagi ito sa kaniya tumatakbo 'pag may nambubully rito. Siya ang naging sandalan at takbuhan ng lahat ng babae at sa kaniya rin ito unang nasaktan."Huwag kang mag-alala, araw-araw ko kayong aalagaan dito. Hindi ko kaya hahayaan na may isang malalanta.""Ffion—" Natigil sa ere ang kaniyang sasabihin nang mag-ring ang telepono s
"Mukhang malungkot ka yata, Ineng?"Napalingon siya kay Manang Minda. Nasa palengke na sila kasama ang anak nito."Hindi ho, Manang Minda. May iniisip lang po.""Gano'n ba? Kamo, babalik din sa dati si Audric. Tiwala lang, Ineng."Ngumiti lang siya. Alam niyang babalik din ang dating si Audric pero sana 'pag bumalik ang dating ito, natutunan na rin siya nitong mahalin. Mayamaya lang ay na-busy na sila sa pamimili ng stocks nang mahagip ng mata ni Ffion ang isang lalaki na nakatayo sa kalayuan. May hawak itong sigarilyo at suot na sumbrero. Nakangisi itong nakatingin sa kaniya habang hinihithit ang sigarilyo sabay buga sa hangin.Biglang sumikdo ang kaniyang puso. Anong ginagawa niya rito? Nag-unahan sa pagtibok ang kaniyang puso. Kinakabahan siya."Ffion ineng?""Po?" Napatingin siya sa matandang ginang."May gusto ka pa ipabili?"Mabilis siyang umiling. "W-wala na ho." Muli niyang binalik ang tingin kung saan nakita niya ang lalaki. Wala na ito roon. Mas lalo siyang kinabahan sa isipi