Home / Romance / THE BLIND BILLIONAIRE / Chapter 2 - Huwag Sukuan

Share

Chapter 2 - Huwag Sukuan

Author: VraielLajj
last update Huling Na-update: 2022-02-28 09:24:37

Para hindi siya tuluyan lamunin ng lungkot, hinarap ni Ffion ang kaniyang mga alagang halaman. Dito na lamang niya ibubunton ang lungkot. Ilang buwan pa lamang sila nagsasama ni Audric bilang mag-asawa pero kung susumain, para lang siyang tau-tauhan sa bahay nito. 

Kung sabagay, ano pa ba ang kaniyang aasahan? Naging asawa lang siya ng lalaki sa papel at sa harap ng maraming tao. Naiitindihan niya naman na si Ivony pa rin. Ano ba ang laban niya sa great love, first love at only love ni Audric? Wala. 

Simula nung mabulag ang lalaki, ayaw nitong maingay siya. Ayaw nito na tinatawag niya ito ng ‘Adi’. Ayaw nitong inaalalayan niya. Ayaw nitong tumanggap sila ng bisita kahit mga magulang nito, pinagbabawalan nitong bumisita sa Villa.

“Ffion?”

Napalingon siya kay Audric. Iisang deriksyon pa rin ang mga mata nito. “B-bakit?”

“Sino ‘yang nasa gate?”

Mabilis siyang napatingin sa malaking gate at doon nakita niya ang paparating na si Manang Minda. May dala itong basket na alam niyang mga preskong gulay. Suot nito ay kupaseng bestida na may mga mga burda ng bulaklak sa laylayan. May dala itong payong sa kabilang kamay.

“Si Manang Minda.”

“Buksan mo.”

Tumango siya at tinanggal ang gloves sa kamay para lapitan ang matanda. Agad siyang bumati kay Manang Minda at tinulungan itong bitbitin ang mga dala.

“Sa araw-araw na punta ko rito, Ineng, ay wala pa rin kupas ang ganda mo. Ang swerte ni Audric sa`yo.”

Ngumiti lang siya sa papuri ng matanda. Wala itong pagsasawa sa pagpupuri sa kaniya na maswerte ang lalaki sa kaniya. Maswerte nga ba? Dahil sa kaniyang nakikita, napipilitan lang si Audric. Napipilitan lang ang lalaki na manatili sa kasal na hindi naman talaga dapat para sa kaniya. Kung iisipin, nakaw lang ito. Nakaw na kasiyahan at nakaw na sandali na balang-araw ay mawawala sa kaniya.

“Manang Minda, anong lulutuin niyo ngayon?” Si Audric ang nagsalita. Tumingin ito sa kanilang pwesto na para ban nakikita sila nito. 

“Mga paborito mo, Hijo.” 

Napangiti si Audric sa narinig. Lahat naman halos luto ng matanda ay paborito nito. Hindi mapili ang lalaki maliban na lang kung siya ang magluluto, marami itong reklamo at understanble bawat reklamo ng lalaki. walang masarap sa luto niya.

“Sige Manang, tulungan ko kayo.”

“Naku! Sige Hijo.”

Habang siya ay napangiti. Paminsan-minsan, nagpipresenta si Audric sa pagtulong kay Manang Minda sa kusina. Ito ang naghahanda ng mga sibuyas at mga gulay. At siya? wala, nasa isang tabi lang dahil ayaw ni Audric na mangialam siya. 

Napilitan si Ffion na balikan ang mga halaman pananim. Alam niyang kaya ni Audric ang sarili at maiinis lang ito kapag maramdaman nitong ando’n siya sa kusina. 

Nagpanggap siyang masaya sa harap ng kaniyang mga halaman. Ayaw niyang maramdaman ng mga halaman niyang matamlay siya. totoo niyan, kinakausap niya rin ang mga ito. Isa siyang dakilang plantita noon at ngayon.

“Hayaan na muna natin si Adi, ha? Balang-araw ay mararamdaman niya rin ang pagmamahal ko sa kaniya. Pero sa ngayon, tiis-tiis muna.” Mapait siyang ngumiti. Inaayos ang mga tangkay ng mga ito at tinaggal ang mga tuyong dahon.

Pero kailan ang araw na iyon? maarteng tanong kaniyang utak.

Napabuntong-hinga siya, hindi niya kayang sagutin ang tanong na iyon. Siguro hanggang sa araw na kaya na siyang mahalin ng lalaki. alam niyang mahirap turuan ang puso dahil naranasan niya na ito. Ilang beses niya ba tinulak ang kaniyang puso sa ibang lalaki? Ilang beses siyang sumubok makipag-date para makalimutan niya si Audric pero mas lalo lang gumulo ang kaniyang isipan at puso.  Dahil si Audric lang ang tanging nag-iisang lalaki na gusto ng kaniyang puso. 

Akmang tatayo siya mula sa kaniyang kinauupuan nang marinig niya ang malakas na tili ni Manang Minda sa kusina. “Naku bata ka! Bakit mo sinali ang kamay mo?!”

Mabilis na pumihit ang paa ni Ffion patakbo papunta sa kusina. Nakita niya si Manang Minda na natataranta habang si Audric ay nakatayo lang sa tabi ng mesa at nagdudurugo ang daliri nito. May hinihiwa itong papayang hilaw.

“Adi!” Agad siyang nakalapit sa kaniyang asawa. Kinuha niya ang kamay nito at sinipat ang daliring may hiwa ng kutsilyo pero iniwas nito ang kamay at tinulak siya papalayo.

“How many times did I tell you, Ffion? Never call me Adi anymore. Nakakaintindi ka ba o sadyang wala kang utak?” malakas ang boses nito na parang kidlat. Kahit walang kislap ang mata nito, parang patalim naman ang boses nito na tumatama sa puso niyang tanging nagmamahal lamang dito.

“P-pero ang daliri mo—”

“Paningin lang ang nawala sa`kin, hindi kamay at paa. Kaya ko ang sariling gamutin ito.” Madilim ang mukha nitong binagsak ang kutsilyo sa chopping board tinalikuran siya. Umalis ito sa kusina.

Napasunod na lamang ang kaniyang tingin sa lalaki habang ang kaniyang puso ay parang sinusuntok sa sakit. Gustong maluha ng kaniyang mata pero pinigil niya ang sariling huwag maiyak. Hindi pa ba siya nasasanay?

“Ineng…” Si Manang Minda ang lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. Hindi ito ang unang pagkakataon na makita ni Manang Minda na ganito ang pagtrato sa kaniya ni Audric.

“Huwag mo sanang sukuan ang batang iyon, Ineng…”

Kahit papaano ay napangiti siya sa malambing na boses ni Manang Minda.  Marahan siyang tumango. Bakit niya susukuan ang lalaking mahal niya?

“Halika, manood ka kung paano ko lutuin ang mga paboritong pagkain ng asawa mo. Una natin lutuin ang tinolang native na manok.”

“Pero ilang beses niyo na akong tinutruan Manang, hanggang ngayon hindi pa rin ako marunong. Lagi pa rin maalat.” At totoo iyon. Ang laging pasado lang sa lasa ng kaniyang asawa ay ang handa ng matanda.

“Naku bata ito! Gusto mo ba na kainin ni Audric ang mga luto mo?”

Mabilis siyang tumango.

“Oh siya, ‘yan naman pala. Halika na at linisin natin itong mga dugo ng asawa mo sa sahig. Binalaan ko siya kanina na huwag ang pagbabalat at paghihiwa ng hilaw na papaya ang gawin niya pero hay naku, matigas ang ulo ng batang iyon talaga, oo. Pero pasaan ba at magbabago at babalik sa dati ang batang iyon. Kaya ikaw, huwag mo sana siyang sukuan. Ikaw na lang Ineng ang meron sa mundong sinara niya ng tuluyan.”

***

PERO nasayang ang luto ni Manang Minda nang hindi bumaba si Audric para kumain ng tanghalian. Nagkulong ito sa art room at ilang beses niya itong kinatok pero bulyaw ang nakuha niya.

Napahugot na lamang ng hangin si Ffion. Wala naman pinagbago, kapag ayaw ni Audric kumain wala siyang magagawa. Bumababa ito kapag gusto nitong kumain o ayaw. Minsan nga mas gusto niyang isipin na mas gusto nitong mag-isang mamuhay sa Villa na wala siya.

Kumain na lamang siyang mag-isa. Umalis na rin si Manang Minda, bumalik sa bahay nito. Gusto pa sana niyang manatili ito pero hindi naman pwede. May sariling pamilya ang matanda na inaasikaso nito.

Kaya ang nangyayari, sila lang dalawa ni Audric sa malaking Villa na sobrang tahimik. Wala siyang nakakausap. Walang kaibigan na pwedeng yayain para bumisita. 

Sa isang linggo, isang beses siyang lumalabas para mamili kasama si Manang Minda at ng anak nitong babae. Monday to Saturday, nasa Villa siya kasama ang asawa at mga halaman na inaalagaan. Nagmistulang villa ng mga bulaklak ang tirahan nila sa loob lang ng dalawang buwan. 

Marami rin siyang mga libro, mga crafts na ginawa gamit ang mga dried bulaklak at ginagawang resin projects. Sa kabilang bahagi ng bahay, ay isang malaking bird house kung saan ando’n ang mga 20 pair love birds. Sa kabilang bahagi ay ang mga alaga niyang kuneho. Mahilig siya sa hayop, at halaman. Taong-bahay talaga siya kaya siguro ito ang rason kung bakit botany ang kaniyang kinuha.

Mayamaya ay nag-ring ang kaniyang cellphone. Nakita niya ang pangalan ni Lucas sa registered number na tumatawag. Nagdadalawang isip siyang sagutin ang tawag ng binata pero sa huli, sinagot niya ang tawag.

“Ffiona!”

Natawa siya nang marinig ang masiglang boses ni Lucas. Ang lalaking matatawag niyang big-brother. Ang knight in shining armour na kaniyang matatawag. “Hey Lucasio!”

“Kailan mo ako papayagan na bisitahin ka d’yan sa San Mateo? Nakakatampo ka, ah.”

Napangiwi siya. “Alam mo naman na ayaw ni Adi na may bisita rito sa Villa…”

“Kahit matalik na kaibigan niya ako? Bawal?”

Natawa siya. Matalik na kaibigan ito ni Audric sa kolehiyo. “Oo yata.”

“Biased.”

“Sa ngayon.”

“But I miss you Ffiona.”

Hindi siya nakaimik. Alam niya. Halos araw-araw itong tumatawag at nangungumusta sa kalagayan ng kaniyang asawa at sa huli, sinasabi nito ang salitang namimiss siya nito at gusto siyang makita. Alam naman niya, eh, na mahal siya ng binata. Nililigawan siya ni Lucas noon pa pero lagi itong basted. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cynthia Remandiman Radasa
nice story
goodnovel comment avatar
ICEVILLE
Masasaktan na ba ako ffion? ... dito ka sakin
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
hay naku Ffiona Kay Lucas ka na lang kesa dyan Kay Audric Hindi ka pinahahalagahan
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • THE BLIND BILLIONAIRE   Chapter 149 - Not My Type

    PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa dalawang tao na kanina pa niya pinagmamatyagan sa may veranda. Ang saya-saya nang mga ito samantalang siya, hihimatayin na yata sa inis.'Nasaan ba ang senyor? Bakit 'di ako na inform na may Barney pala sa buhay ni Lucas? 'Kala ko ba Ffion 'yong pangalan ng babae na gustong-gusto niya? Hindi naman nakasulat sa death note nang matandang 'yon ang pangalan ng babaeng 'to! Magwawala na ba ako? Charrut lang, 'di bagay sa kagandahan ko ano. Kailan ba kasi mapapansin ng damuhong 'yon ang pagmamahal ko? Aba naman! Kung kailan okay na sana, saka naman dumating ang Barney na 'to!'"Ang ganda-ganda na pala rito, ano? I last came here when I was a senior in high school, and I must say, I miss the rural life very much."You missed this place since you were away for too long in another country.""Oy hindi, ah! Simply put, my life and my Dad's business kept me quite occupied. I've tried to visit here a number of times, but each time I've ha

  • THE BLIND BILLIONAIRE   Chapter 148 - Welcome na Welcome

    "Manong, may joke ako!""Nag-jo-joke rin pala ang mga maligno?"Naglinya ang mga kilay niya sa sinabi nito. Babanatan pa sana niya si Manong guard nang may matamaan siyang isang napakagarang sasakyan sa may gate. Bumusina ito.Kaagad na binuksan ito ni Manong at dere-deretso na sa pagpasok ang mamahalin sasakyan na sobrang kintab pa."Manong sino 'yon?""Hindi ko alam.""Luhh? Nagpapasok kayo nang hindi niyo kilala?" "Maligno nga nakapasok dito, eh. 'Yon pa kayang magandang sasakyan na 'yon? Tao naman laman no'n." Pabalang na sagot nito at nagtungo sa guard house.Napasimangot tuloy siya sa naging sagot nang payatot na guard. Kaya imbes makipag-chikahan dito, pinili niya ang bumalik sa villa. Sisilipin lang niya kung sino ang kanilang bisita. Baka putyur mader in luw niya ito. Babati rin siya, ano! Mabait kaya siya.Habol ang hininga nang maabutan niya ang sasakyan. Nakita niya rin si Lucas na papalabas ng pintuan, at kakawayan pa sana niya ito nang biglang bumukas ang sasakyan.Nahi

  • THE BLIND BILLIONAIRE   Chapter 147 - Secret Tips

    Dahil sa tips na iyon, binigay niya ang best smile niya. Sus, ang bilis-bilis lang nang pinapagawa ng senyor! Pwede na nga siyang gawin endorser ng family sardines sa ganda ng kaniyang ngiti— teka, bakit family sardines nga pala? Hindi siya isda. Kolget pala dapat.Sinadya pa talaga ni Marriame na doon magpunas-punas sa terrace habang nakangiti paharap sa binata. Hindi niya inalis ang ngiting iyon sa maganda niyang mukha. Aba! Secret Tips iyon galing sa ama ni Lucas kaya alam niyang tatalab. Saka marami-rami 'yon. Kaya kung 'di tatalab ang ngiti niya, meron pa siyang bala."The fuck, woman!" Muntikan naibato ni Lucas ang iPad nito nang mapatingin sa kaniya. "Ang creepy!" Nagmadali itong tumayo at iniwan siya sa terasa. "Parang sinaniban."Napanguso siya nang marinig ang huling sinabi ng lalaki. Hmp! Nag-effort pa siyang ngumiti ng bongga, eh!Kaya lumipat siya agad sa 'Tips #2: Eye contact.Mabilis siyang sumunod sa lalaki at tinawag ito sa may hagdanan. "Senyorito! Senyorito, saglit

  • THE BLIND BILLIONAIRE   Chapter 146 - Smile and Be Happy

    "KUMUSTA ang pagsama mo hija sa anak ko?" Napangisi si Marriame nang salubungin siya nang gano'n tanong ng senyor kinabukasan nung nakabalik na sila ni Lucas.Deretso lang si Lucas sa silid nito habang siya ay tinawag naman ng senyor sa may terrace para kausapin. 'Naks naman! Muntikan ko na nga gapangin kagabi, buti nakapagpigil pa ako!' Gusto niyang sabihin ang mga salitang 'yon pero 'di niya ginawa, ano! Baka marinig siya ni Lucas, magalit pa 'yon."Okay na okay, senyor! Do'n kami natulog sa 'min dahil naabutan kami ng ulan—""At tapos?" Biglang kumislap-kislap ang mga mata ng matanda. Binaba nito ang iniinom na kape. "Magkakaapo na ba ako ngayon taon?""Senyor nemen! Enebe keye!" Napahagikhik siya. Bigla tuloy siyang kinilig. Ang lakas tuloy nang halakhak ng matanda. "Biro lang, hindi gano'n ang anak ko."Kaagad nawala ang kilig na naramdaman niya. "Kaya nga po, eh. Tingin niya sa 'kin isang mangkukulam. Kuhh, kung mangkukulam ako, uunahin ko na agad kayo.""Ano kamo?""Hehe. W

  • THE BLIND BILLIONAIRE   Chapter 145 - Mas Masarap

    Kung ang buong akala ni Marriame ay pasasakayin lang siya nito, nagkamali siya. Dahil sinamahan siya ni Lucas hanggang sa makarating sa bahay-kubo nila.Wala tuloy mapapaglagyan ang kilig niya habang bitbit ni Lucas ang anim na kilong bigas na binili niya. Siya naman ay 'yong mga pang-ulam at pasalubong. Para tuloy silang mag-asawa na pauwi pa lang sa bukiran."Ungaaaaa!""Baweeeeengggg!"Napatili tuloy siya nang wala sa oras nang makita si Baweng na nasa labas ng bahay. Maarte itong nakatingin sa kaniya. Mukhang nagtatanong kung bakit kasa-kasama niya ang gwapong si Lucas. "Buhay pa ba sina Lolo, Baweng?" May pag-alalang tanong niya. Mas binilisan niya lalo ang paglalakad. "Oy senyorito, mauna na akong pumasok. Diyan ka muna sa labas, kausapin mo si Baweng. Mabait 'yan, kaso bakla nga lang." Nagmadali siyang pumasok sa loob at kaagad na hinanap ang dalawang matanda. Pero nalibot niya na yata ang maliit na bahay-kubo nila, 'di niya pa rin nakikita ang dalawa. Mas lalo tuloy siyang k

  • THE BLIND BILLIONAIRE   Chapter 144 - Next Time Na Lang

    KUNG hindi lang siguro sanay si Marriame maglakad, baka kanina pa nangisay ang mga binti niya. Ang bilis ba naman ng hakbang ni Lucas, panay habol siya rito. Kulang na lang tumakbo siya habang nakasunod.Feel na feel din niya ang kaniyang kagandahan lalo na at lahat napapalingon sa kagwapuhan ng binata. Kahit matatanda, napapa-sign of the cross!"Senyorito! Jusko naman. Baka naman dahan-dahan sa paglalakad. Isang hakbang niyo, tatlo sa 'kin! Mawawalan ako ng pekpek sa inyo, eh." Mahabang lintanya niya pero parang walang narinig ang binata. Dedma ang kaniyang sinabi.Hindi niya rin ma-gets kung ano ba talaga ang sadya nito sa bayan. Pagkain ba o ano? Kung pagkain, sarili niya na ang pinakamasarap sa lahat! Aba, mag-iinarte pa ba ito dapat? Pre teyst pa nga siya."Hay salamat!" Sa wakas, huminto rin si Lucas sa isang tindahan.Hindi niya na tiningnan ang binili nito, panay punas na lang siya ng pawis niya. Ngayon pa lang, pakiramdam niya ay hapung-hapo na siya sa kakasunod. Ano pa kaya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status