“Baliw. May asawa na ako, at bestfriend mo pa.” pabirong anas niya rito.
“Asawa sa papel, Ffiona.”
Napepe siya. tama naman si Lucas, asawa sa papel. Alam nito ang katayuan niya sa puso ng lalaki. “K-kailangan ko ng patayin ang tawag ha? Paalam, Lucas.” Hindi niya na hinayaan na magsalita ang lalaki, pinatay niya na ang tawag at malungkot na napatingin sa labas ng bintana.
Sinilid niya sa bulsa ng kaniyang cotton short ang cellphone at nilapitan ang bintana. Hinawi niya ang makapal na kurtinang nakatabing doon. Pumasok ang maaliwalas at magandang tanawin sa labas kasunod ang malamig at masarap na simoy ng hangin nang buksan niya ang salaming bintana.
Kung ikukumpara, para siyang salaming bintana na natatakpan ng makapal na kurtina. Pero masisi ba niya ang kaniyang sarili kung baliw siya sa pag-ibig na ito?
Baliw siya kay Audric na alam naman niyang pagmamahal bilang kaibigan lang ang pinapakita nito sa kaniya noon. Kahit ilang beses nitong pinapamukha sa kaniya na mahal nito ang babaeng si Ivony pero ang kaniyang puso, tanga pa rin. Sobrang tanga na minsan gusto niyang magising na lang isang araw, wala na siyang maalala para lamang makalimutan ang lalaki…
“ADI! Gusto kita, no, mahal kita! Kailan mo ba ako mamahalin?” naiiyak niyang tanong sa lalaki. Kinse anyos siya at ito naman ay bente anyos at kasalukuyan nag-aaral sa America.
Gusto nga niyang sundan ang binata sa Unibersidad na pinapasukan nito pero ayaw pumayag ng kaniyang Amain. Siya ang naiwan sa Manila habang ito ay nasa America at seryusong nag-aaral ng Business Administration. Isa ito sa tagapag-mana ng Villanueva at hindi lang ordinaryong pamilya ang Villanueva. Literal na mayaman na mayaman. Bilyonaryo.
Ang Ama nito ay magaling sa paghawak ng mga negosyo at sikat ang pangalan nito sa Pinas. Alam na rin ng lahat na si Audric ang susunod na mamahala sa negosyo ng pamilya nito oras na makapagtapos ito ng pag-aaral.
“Stop being silly, Ffion. Ang bata-bata mo pa para sa sinasabi mong mahal.” Natatawang saad nito sa kabilang linya. Video call ang tawag nila kaya malaya niyang nakikita an gwapo nitong mukha.
“Pero totoo nga! Mahal kita, Adi. Mahal na mahal! Hindi mo ba nakikita ‘yon? Araw-araw ko na nga yatang pinaparamdam na mahal kita, eh.”
“Look, Ffion. Baby sister lang ang tingin ko sa`yo.” Ngumiti ito at umakto itong kinutungan siya.
Umarte naman siyang masakit ang ginawa nitong kutong at bahagya itiong inirapan sa hangin. “Ang arte mo talaga! Ah basta, mahal kita. Hihintayin kitang umuwi. Mahal kita at ikaw ang gusto ko makasama hanggang sa pumuti ang buhok natin.”
Wala siyang ibang gustong makasama hanggang sa pagtanda. Gusto niya si Audric. Ito lang ang gusto niya sa lahat kahit ang dami ng umaaligid at nagpapalipad ng hangin sa kaniya, tanging sa binata lang tumibok ng sobra ang kaniyang batang puso. Ang totoo niyan, nag-aral siya ng mabuti para pag-uwi nito may maipagmamalaki siya sa lalaki. Lagi kasi siyang inaasar nito noon na mahina ang utak niya at hindi niya nape-perfect score ang mga exams niya.
“Silly.” Mas lalong lumakas ang tawang pinakawalan nito.
Magtatampo pa sana siya nang mula sa likuran nito, may lumapit na babae kay Audric at galit na sinita nito ang binata.
“Who is she babe?!”
Babe? Biglang naalarma ang kaniyang puso nang makita ang mukha ng babae. Hindi niya nagustuhan ang nakita lalo na ang salitang binanggit ng babae. Magtatanong pa sana siya kay Audric kung sino ang babae at anong ginagawa nito sa condo nito nang patayin na nito ang kaniyang tawag.
Natigalgal na lamang siyang nakatingin sa screen ng phone niya. Inulit niyang tawagan ang binata thru skype pero walang sumagot. Inulit niya pa ng isang beses at laking tuwa niya nang sagutin ito ni Audric. Inisip niyang kaibigan o kaklase lang ito ng lalaki pero parang sinabugan ng bomba ang puso niya nang marinig ang boses ng babae sa kabilang linya.
“Stop calling my boyfriend, bitch!” At namatay ang tawag.
B-boyfriend…? Awtomatikong nagsipatak ang kaniyang mga luha sa narinig. Hindi siya makapaniwalang may babae ng nagmamay-ari sa lalaking mahal niya. At sa kauna-unahang pagkakataon, umiyak siya na si Audric ang dahilan. Si Audric na nga lang ang dahilan ng kaniyang mga ngiti at tawa kahit nahihirapan siyang pakisamahan ang dalawang step-brother niya at Amain pero si Audric din pala ang dahilan ng kaniyang sakit na nararamdaman ngayon.
Bumalik sa reyalidad si Ffion nang ma-ring ang telepono sa sala malapit sa hagdanan. Nagmadali siyang tinungo iyon. dalawa lang ang tumatawag sa telepono, magulang ni Audric o kaya ang dalawang kapatid nito.
“Hija.” Pormal na boses ni Mrs. Villanueva ito.
“T-tita…” parang may bumikig sa kaniyang lalamunan. Alam niyang ayaw nito sa kaniya kahit noon pa. Sa tuwing magkasama sila noon ni Audric, lagi siya nitong pinapagalitan at sinasabihan na hindi siya pwedeng maging kaibigan ng anak nito dahil ang kaniyang Ina ay isang kerida.
“How’s my son? Wala kang update sa`kin kung ano at kumusta ang anak ko diyan sa Villa. Pinatay mo na yata.”
Nakagat niya ang kaniyang labi. Kung pwede lang na ibaba niya na ang tawag ni Mrs. Villanueva, ginawa niya na. Pero dahil Ina ito ng lalaking mahal niya, ibibigay niya pa rin ang kaniyang respito dito.
“Nasa art room po si Audric, T-tita.”
“Kumain na ba ang anak ko? Baka kung anu-ano ang ginawa mo diyan! Alam kong tuwang-tuwa ka na napunta sa`yo ang anak ko, Ffion. Pero huwag ka pakampante at malalaman ko rin ang lahat kung sino ang gumawa sa anak kong ito. Oras na makahanap kami ng mata para kay Audric, mawawala ka na rin sa buhay ng anak ko.”
Hindi na siyang nag-abalang sumagot. Pasaan ba at masasanay rin siya. Ngayon pa ba siya masasaktan, kung dati pa ayaw nito sa kaniya? Ngumiti na lamang siya at tatlong beses na humugot ng hangin.
“Huwag kayong mag-alala Tita, aalagaan ko si Audric. Ako ang magiging mata niya rito. Hindi ko po pababayaan ang anak niyo…”
“Malamang! Isang tagapagmana ang anak ko. Isang Villanueva! Bilyonaryo. Limpak-limpak ang pera kaya malamang na aalagaan mo ang isang bilyon, ‘di ba, hija? Alam ko naman na mukha kang pera. Huwag mo ng ipagkaela! Kaya alagaan mo ng mabuti ang anak ko hanggang sa bumalik ang paningin niya, intiendes?” Bigla nitong binagsak ang telepono sa kabilang linya.
Sunod-sunod siyang tumango. Hindi niya habol ang pera ng Villanueva, wala sa isip niya ang bagay na iyon pero ito ang tingin sa kaniya ng Ginang at wala siyang magagawa para baguhin ang tingin nito. Ang tanging magagawa na lamang ni Ffion ay ang alagaan at mahalin araw-araw si Audric para ipadama sa pamilya nito na hindi niya habol ang kayamanan ng lalaki.
Kailan ba nila makikita na minahal lang naman kita, Adi? Na nagmahal lang naman ako…
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa dalawang tao na kanina pa niya pinagmamatyagan sa may veranda. Ang saya-saya nang mga ito samantalang siya, hihimatayin na yata sa inis.'Nasaan ba ang senyor? Bakit 'di ako na inform na may Barney pala sa buhay ni Lucas? 'Kala ko ba Ffion 'yong pangalan ng babae na gustong-gusto niya? Hindi naman nakasulat sa death note nang matandang 'yon ang pangalan ng babaeng 'to! Magwawala na ba ako? Charrut lang, 'di bagay sa kagandahan ko ano. Kailan ba kasi mapapansin ng damuhong 'yon ang pagmamahal ko? Aba naman! Kung kailan okay na sana, saka naman dumating ang Barney na 'to!'"Ang ganda-ganda na pala rito, ano? I last came here when I was a senior in high school, and I must say, I miss the rural life very much."You missed this place since you were away for too long in another country.""Oy hindi, ah! Simply put, my life and my Dad's business kept me quite occupied. I've tried to visit here a number of times, but each time I've ha
"Manong, may joke ako!""Nag-jo-joke rin pala ang mga maligno?"Naglinya ang mga kilay niya sa sinabi nito. Babanatan pa sana niya si Manong guard nang may matamaan siyang isang napakagarang sasakyan sa may gate. Bumusina ito.Kaagad na binuksan ito ni Manong at dere-deretso na sa pagpasok ang mamahalin sasakyan na sobrang kintab pa."Manong sino 'yon?""Hindi ko alam.""Luhh? Nagpapasok kayo nang hindi niyo kilala?" "Maligno nga nakapasok dito, eh. 'Yon pa kayang magandang sasakyan na 'yon? Tao naman laman no'n." Pabalang na sagot nito at nagtungo sa guard house.Napasimangot tuloy siya sa naging sagot nang payatot na guard. Kaya imbes makipag-chikahan dito, pinili niya ang bumalik sa villa. Sisilipin lang niya kung sino ang kanilang bisita. Baka putyur mader in luw niya ito. Babati rin siya, ano! Mabait kaya siya.Habol ang hininga nang maabutan niya ang sasakyan. Nakita niya rin si Lucas na papalabas ng pintuan, at kakawayan pa sana niya ito nang biglang bumukas ang sasakyan.Nahi
Dahil sa tips na iyon, binigay niya ang best smile niya. Sus, ang bilis-bilis lang nang pinapagawa ng senyor! Pwede na nga siyang gawin endorser ng family sardines sa ganda ng kaniyang ngiti— teka, bakit family sardines nga pala? Hindi siya isda. Kolget pala dapat.Sinadya pa talaga ni Marriame na doon magpunas-punas sa terrace habang nakangiti paharap sa binata. Hindi niya inalis ang ngiting iyon sa maganda niyang mukha. Aba! Secret Tips iyon galing sa ama ni Lucas kaya alam niyang tatalab. Saka marami-rami 'yon. Kaya kung 'di tatalab ang ngiti niya, meron pa siyang bala."The fuck, woman!" Muntikan naibato ni Lucas ang iPad nito nang mapatingin sa kaniya. "Ang creepy!" Nagmadali itong tumayo at iniwan siya sa terasa. "Parang sinaniban."Napanguso siya nang marinig ang huling sinabi ng lalaki. Hmp! Nag-effort pa siyang ngumiti ng bongga, eh!Kaya lumipat siya agad sa 'Tips #2: Eye contact.Mabilis siyang sumunod sa lalaki at tinawag ito sa may hagdanan. "Senyorito! Senyorito, saglit
"KUMUSTA ang pagsama mo hija sa anak ko?" Napangisi si Marriame nang salubungin siya nang gano'n tanong ng senyor kinabukasan nung nakabalik na sila ni Lucas.Deretso lang si Lucas sa silid nito habang siya ay tinawag naman ng senyor sa may terrace para kausapin. 'Naks naman! Muntikan ko na nga gapangin kagabi, buti nakapagpigil pa ako!' Gusto niyang sabihin ang mga salitang 'yon pero 'di niya ginawa, ano! Baka marinig siya ni Lucas, magalit pa 'yon."Okay na okay, senyor! Do'n kami natulog sa 'min dahil naabutan kami ng ulan—""At tapos?" Biglang kumislap-kislap ang mga mata ng matanda. Binaba nito ang iniinom na kape. "Magkakaapo na ba ako ngayon taon?""Senyor nemen! Enebe keye!" Napahagikhik siya. Bigla tuloy siyang kinilig. Ang lakas tuloy nang halakhak ng matanda. "Biro lang, hindi gano'n ang anak ko."Kaagad nawala ang kilig na naramdaman niya. "Kaya nga po, eh. Tingin niya sa 'kin isang mangkukulam. Kuhh, kung mangkukulam ako, uunahin ko na agad kayo.""Ano kamo?""Hehe. W
Kung ang buong akala ni Marriame ay pasasakayin lang siya nito, nagkamali siya. Dahil sinamahan siya ni Lucas hanggang sa makarating sa bahay-kubo nila.Wala tuloy mapapaglagyan ang kilig niya habang bitbit ni Lucas ang anim na kilong bigas na binili niya. Siya naman ay 'yong mga pang-ulam at pasalubong. Para tuloy silang mag-asawa na pauwi pa lang sa bukiran."Ungaaaaa!""Baweeeeengggg!"Napatili tuloy siya nang wala sa oras nang makita si Baweng na nasa labas ng bahay. Maarte itong nakatingin sa kaniya. Mukhang nagtatanong kung bakit kasa-kasama niya ang gwapong si Lucas. "Buhay pa ba sina Lolo, Baweng?" May pag-alalang tanong niya. Mas binilisan niya lalo ang paglalakad. "Oy senyorito, mauna na akong pumasok. Diyan ka muna sa labas, kausapin mo si Baweng. Mabait 'yan, kaso bakla nga lang." Nagmadali siyang pumasok sa loob at kaagad na hinanap ang dalawang matanda. Pero nalibot niya na yata ang maliit na bahay-kubo nila, 'di niya pa rin nakikita ang dalawa. Mas lalo tuloy siyang k
KUNG hindi lang siguro sanay si Marriame maglakad, baka kanina pa nangisay ang mga binti niya. Ang bilis ba naman ng hakbang ni Lucas, panay habol siya rito. Kulang na lang tumakbo siya habang nakasunod.Feel na feel din niya ang kaniyang kagandahan lalo na at lahat napapalingon sa kagwapuhan ng binata. Kahit matatanda, napapa-sign of the cross!"Senyorito! Jusko naman. Baka naman dahan-dahan sa paglalakad. Isang hakbang niyo, tatlo sa 'kin! Mawawalan ako ng pekpek sa inyo, eh." Mahabang lintanya niya pero parang walang narinig ang binata. Dedma ang kaniyang sinabi.Hindi niya rin ma-gets kung ano ba talaga ang sadya nito sa bayan. Pagkain ba o ano? Kung pagkain, sarili niya na ang pinakamasarap sa lahat! Aba, mag-iinarte pa ba ito dapat? Pre teyst pa nga siya."Hay salamat!" Sa wakas, huminto rin si Lucas sa isang tindahan.Hindi niya na tiningnan ang binili nito, panay punas na lang siya ng pawis niya. Ngayon pa lang, pakiramdam niya ay hapung-hapo na siya sa kakasunod. Ano pa kaya