Share

THE CEO'S NAUGHTY WIFE
THE CEO'S NAUGHTY WIFE
Penulis: Miss R

CHAPTER 1

Penulis: Miss R
last update Tanggal publikasi: 2026-07-09 11:44:48

Third person's POV

Katulad ng kinaugalian ay nagising si Alexander ng maaga. 5 AM pa lang ay nagkakape na ito habang kaharap ang nakatambak na mga papel na kailangan nyang suriin at pirmahan. Ito halos ang nagiging routine nya sa umaga hanggang gabi. Wala ng bago, 'yon at 'yon na lang.

Pagkatapos kumain ng umagahan ay tinawagan nya ang secretary nyang si June na sunduin sya dahil may pupuntahan silang importante. Pagkatapos nito ay pumunta na sya ng banyo para maligo. Nasa kalagitnaan ito nang pagbabasa sa sarili ng ilang beses syang umubo. Mabigat at may dalang butil ng mga dugo.

Pinasadahan nya ng tubig ang may dugo nyang mga kamay habang seryuso ang titig nito doon. Hindi nya alam kung tatagal paba sya sa kanyang sakit o kung ilang buwan na lang ba ang bibilangin nya.

Ilang minuto syang nanatili doon bago lumabas at nagbihis. Pormal ang suot nito at talaga namang bumagay sa misteryuso at malamig nyang awra. Napaharap ito bigla nang tumunog na ang busina ng sasakyan na sya ring hudyat na dumating na si June.

Bumaba na ito at sumakay sa kanyang kotse. Tahimik lang ang paligid sa buong byahe. Sanay na si June na ganito ang nararanasan nya sa kanyang boss. Ni hindi sila nakaranas na magpatugtog sa loob ng sasakyan o ngumiti manlang ang kanyang amo. Ganito naman talaga palagi.

Nakapikit lang si Alexander at nagmulat lang ito ng mata nang tumigil na ang kotse. Bumaba sila sa parking lot ng isa sa pinakamalaking hospital sa Manila. Kaagad silang dumeritso sa VIP room kung saan naghihintay ang Doctor ni Alexander na si Dr. Mendez. Sya ang katangi-tanging doctor na pinagkakatiwalaan ni Alexander sa lahat ng nangyayari sa katawan nya.

"Your condition is getting worse," malungkot na balita ng Doctor pero wala manlang bahid na kung ano mang pangamba sa mukha ni Alexander. Nakatitig lang ito ng seryuso sa inaayos nyang manggas ng kanyang pulo.

"How much time?" Seryuso nitong tanong at tumayo. Hindi kaagad nakasagot ang Doctor.

"Kung hindi pa bumuti ang condition mo sa loob ng tatlong buwan ay baka wala na tayong magawa pa," ani nito at napabuntong hininga. Masakit para sa kanyang ibalita ito sa kanyang inaanak na napalapit na rin sa kanya.

"I suggest you avoid getting stress. Mas bumibilis kasi--"

"Stress?" Mapait itong natawa ng bahagya. "I'm the CEO of one of the biggest companies in the country. Stress is basically my last name," ani nito na nakaharap na sa malaking bintana.

"Kung gano'n ay dasal na lang ang pwede nating kapitan."

Umismid pa ito. "Do you think god really exist?" Natahimik ang lahat sa tanong ni Alexander. "Kung totoo man sya, seguro ay sobrang dami kong kasalanan para pahirapan nya ako. Maybe he really have favorites after all," sabi nito at nauna nang lumabas ng pintuan.

Pagkatapos no'n ay dumeritso na sila sa Companya. Katulad ng inaasahan ng lahat ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang ekspresyon ng mukha ni Alexander kaya gano'n na lang ang takot ng mga employee kapag dadaan ito sa harapan nila.

Malapit na sila sa opisina nang mapahinto ito dahil sa may narinig sya. Lumapit sya sa dalawang babaeng nagkwekwentohan. Nasa likod sya nila kaya hindi kaagad sya napansin ng mga ito.

"Totoo ba?" Intrigang tanong ng matabang babae habang may sinusulat ito sa kanyang laptop.

"Oo. Ang balita ay may taning na raw ang buhay ni Boss. Kaya nga minsan hindi na sya pumapasok hindi ba? Malala raw ang sakit nito."

"Hala kawawa naman si Mr. Sebastian."

"Oo nga eh. Madami pa namang gustong pabagsakin sya seguro ay masaya ang mga iyon kapag nalaman nila ang balita."

Seryuso lamang na nakikinig si Alexander sa pinag-uusapan ng dalawang babae. Habang sa kabilang banda ay halos manlamig si June dahil halatang nagagalit na si Alexander sa mga naririnig.

Ginagawa nya ang lahat para mapansin sya ng dalawang babae pero patuloy parin sila sa pagchichismisan.

"June." Biglang tawag ni Alexander sa kanyang secretary. Naging dahilan ito upang gulat na lumingon ang dalawang babae. Gulat na gulat sila nang makita ang kanilang boss na kanina pa nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.

"Yes, Mr. Sebastian?" Nanginginig na tanong ni June. "I want this two fired immediately. And also 'wag mong ibigay ang mga sahud nila buong buwan," malamig nitong utos.

"No, Mr. Sebastian. Sorry! Nagmamakaawa kami huwag nyo kaming tanggalin kami na lang ang inaasahan ng pamilya namin."

"Maawa na po kayo, Sir."

Halos lumuhod ang dalawa sa harapan ni Alexander pero ni hindi manlang ito nagpakita ng awa. Iniwan nya doon ang dalawang babaeng iyak nang iyak habang kinakausap ni June.

Pumasok ito sa kanyang office sakto lamang nang dumating ang PR manager na si Sandro. May dala-dala itong ipad at inilapag nya ito sa harapan ni Alexander.

"Have you seen the news?" Tanong nya. "What news?" Kibit balikat na tanong ni Alexander habang titig na titig sa laptop nito.

"Headline: Is the young CEO seriously ill? This news! Totoo ba 'to Xander?" Medyo naaalarmang tanong nito. Sa lahat ng nagtratrabaho sa kompanya ay isa si Sandro sa mga taong hindi natatakot kay Alexander. Matalik silang magkaibigan mula noong mga bata pa lamang sila kaya ganito na lamang sya kung makipag-usap sa CEO ng kompanya.

"Do you really believe that? Mas marami akong kailangang asikasuhin kesa dyan."

Inis na napakamot ng ulo si Sandro. Maliban kay Dr. Mendez at sa secretary nito ay wala ng iba pang nakakaalam sa malubha nyang sakit. Maski ang mga magulang nito ay walang alam.

"Alam ko namang wala kang pake-alam pero naapektuhan ang kompanya. The stocks begin to drop. Nagpa-panic na ang mga investors natin. Kung wala kang gagawin ay mas lalong magiging problema ito."

Napahinga na lang nang malalim si Alexander bago lumingon kay Sandro.

"What do you want me to do? Address the issue? You know it will make things bigger--"

"You need to appear in public," Putol nito kay Alexander. "And what do you mean by that?"

Kinuha ni Sandro ang ipad at may hinanap sya roon. Pagkatapos ay ipinakita nya ito kay Alexander.

"There's a grand opening of a Marine Park this week. I want you to attend this event. Para isipin ng mga tao na ok ka dahil nakikita ka nila. We need a lot of public exposure. We need to convince the people that you are ok at wala kang sakit. So please do what i said."

Hindi kaagad sumagot si Alexander sa sinabi ni Sandro.

"Xander naman--"

"Fine. Pupunta ako."

Ayaw na ayaw nya sa matataong lugar pero alam nyang ito ang makakabuti para sa kompanya. As much as possible ay kailangan nyang umarteng ok ang lahat. Na walang taning ang buhay nya, na wala syang sakit.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE CEO'S NAUGHTY WIFE   CHAPTER 14

    Selena's POV"Sigurado ka bang tutuloy tayo, Xander?" tanong ko sa kanya.Kanina ko pa kasi napapansin ang madidilim na ulap sa langit. Para sa akin, senyales iyon na lalakas ang ulan. Ang sabi kasi ni Xander, bibisitahin namin ang lugar na pagtatayuan nila ng gusali. Malayo raw iyon at masukal."Don't worry, we'll be fine," sagot nito habang inaayos ang mga dadalhin niya. "Huwag ka nang mag-worry, Ma'am Selena. Chineck ko na rin 'yong weather at ang sabi ay maganda naman ang araw ngayon. Aambon lang 'yan," si June naman ang sumagot nang mapansin niyang kanina pa ako nakasilip sa labas ng bintana.Pagkalabas namin, kaagad kong nalanghap ang kakaibang amoy ng hangin at lupa. Kinabahan ako dahil sigurado akong malakas ang ulan na darating. Pinilit kong kumbinsihin si Xander na huwag na kaming tumuloy, pero panay rin ang pagtutol nito sa mga sinasabi ko. Sa isla namin, tinuruan kami kung paano malaman kung gaano kalakas ang ulan na darating sa pamamagitan ng amoy ng hangin, lupa, at mga

  • THE CEO'S NAUGHTY WIFE   CHAPTER 13

    Third Person's POVIsinama ni Alexander si Selena sa Baguio para tingnan ang gagawin nilang hotel doon. Manghang-mangha ang dalaga habang pinapanood ang magagandang tanawing nadaraanan nila."Xander, ang ganda, oh!" Turo niya sa nakita nyang mataas na bundok. Tumango lang si Alexander pero ang tingin ay nasa iPad na hawak nito. "Xander, may mga manok!" Excited niyang sigaw nang makita ang grupo ng mga manok na tumatawid sa pilapil ng palayan. Natawa si June at simpleng nilingon si Selena na manghang-mangha sa mga nakikita. Si June ang nagmamaneho at naka-upo naman sina Alexander at Selena sa likod."Xander, anong ginagawa nila?" tanong ulit nito nang makita ang mga taong nag-aani ng palay. Pero hindi siya sinagot ni Alexander dahil busy ito sa binabasang report."Xander, ang lamig pala dito! Ang galing!""Xander, bakit madaming puno dito kesa doon sa Manila?""Xander! Xander!" Niyugyog niya ang braso ni Xander kaya inis na napapikit ang binata. Lihim namang natawa si June. "What?" Pig

  • THE CEO'S NAUGHTY WIFE   CHAPTER 12

    Third person's POVParang bumalik na ang lahat sa dati nang gumaling na si Alexander. Nabigla rin ito dahil sobrang bilis ng kanyang paggaling kumpara dati. Masakitin na talaga ito noon pa kaya tumatagal ng halos isang linggo ang sakit nya pero ngayon ay dalawang araw lang.Hindi nya alam kung dahil ba iyon sa gamot na pinapainom sa kanya ni Selena. Kahit kasi masama ang lasa no'n at sobrang pait ay alam nyang nakatulong sa kalagayan nya.Wala na syang inaksayang oras, at kinaumagahan ay bumalik na ulit sa opisina.Tambak na agad ang mga gawaing tumambad sa kanya. Biglang pumasok ang secretary nyang si June na iba ang timpla ng mukha. "Sir, 'Yong kuya nyong hilaw, andito," sabi nya na kumuha ng atensyon ni Alexander."Tell him to leave. I'm busy," sabi nito pagkatapos ibinalik ang tingin sa mga nire-review na proposal."Can't I visit my dear brother?" Biglang pumasok si Leon, ang half brother ni Alexander. Si Leon ang panganay na anak ng Daddy ni Alexander sa una nitong asawa. Kahit m

  • THE CEO'S NAUGHTY WIFE   CHAPTER 11

    Third person's POVPumasok si Selena sa kwarto ni Alexander na may dala-dalang lugaw at tubig. Akala ng dalaga ay nagpapahinga si Alexander pero nakatutok pa rin ito sa laptop nya at kausap ang mga bago nitong kliyente."Hindi ba't sinabi ko nang magpahinga ka?" Medyo naiinis na sabi ni Selena."Yeah. Mamaya. I'm working.""Xander naman."Hindi sya pinansin ng lalaki kaya mas lalo itong nainis. Lumapit siya kay Alexander at nagpamewang sa harapan nito."Isa!"Napalingon naman sa kanya ang binata. "What?""Is that your girlfriend?" Biglang tanong ng kliyente nito. "Yeah. I'm sorry Mr. Suarez, please excuse me for a minute.""No. It's okay. Tama naman ang girlfriend mo. Mukhang masama ang pakiramdam mo, Alexander. You should rest. Nag-aalala na sa'yo 'yan.""But--""Okay lang naman sa akin. You know you are really lucky to have her. She reminds me of my late wife."Hindi na nakasagot pa si Alexander at napilitan itong ngumiti. "Thank you, Mr. Suarez." Pagkatapos ay pinatay na nya ang ta

  • THE CEO'S NAUGHTY WIFE   CHAPTER 10

    Selena's POVMasaya naman pala sa kompanya ni Xander. Marami na akong naging kaibigan at binibigyan pa nila ako ng pagkain tuwing tanghalian. Kapalit no'n ay ang pagsagot ko sa mga tanong nila sa akin. Ewan ko ba kung bakit ang dami nilang tanong tungkol sa amin ni Xander. Eh bakit hindi na lang nila itanong mismo sa kanya?"Eh Ma'am, sweet ba si Sir sa inyo?" tanong ni Vernel na kumakain ng chichirya sa tabi ko. Apat silang nakatingin sa akin habang hinihintay ang sagot ko. "Ano ba 'yong sweet?" tanong ko dahil parang hindi ko iyon napag-aralan."Ay mukhang hindi," bulong ni Anna na narinig ko naman. "Sweet 'yon yung kung lagi ka nyang pinagsisilbihan, sinasabihan ng mahal kita at nireregalohan ng mga gusto mo." Si Vernel ang sumagot.Napa-isip naman ako. Parang hindi nya naman ginagawa iyon dahil palagi syang galit kung magsalita at minsan lang nya ako kausapin sa bahay."Mahalaga ba 'yon?" tanong ko na lang. "Ay oo, Ma'am! Iyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na pwedeng iparanas

  • THE CEO'S NAUGHTY WIFE   CHAPTER 9

    Third person's POV"Manong guard, magkano po ang kita nyo taga araw dito?" Seryusong tanong ni Selena nang dumaan sya sa harapan ng entrance guard sa kompanya ni Alexander. Nagulat naman ang matanda at hindi alam ang isasagot."Ah...""Sapat naman ba sa pang-araw araw?" Sunod na tanong nito. Napilitan namang tumango ang matanda. "Parang sapat naman po, Ma'am.""Mag-apply din kaya ako? Kailangan ko rin kasi ng pera eh. May bakante pa ba?" tanong ulit nya. "Ah..eh.. Ma'am, hindi ko po alam eh." Napakamot na lang ng ulo ang matanda.Habang sa kabilang banda naman ay ngayon lang napansin ni Alexander na hindi pala nakasunod si Selena sa likuran nya. Bumalik ito sa first floor at nakitang kinakausap nito ang guard sa entrance.Inis na nilapitan nya ang dalaga. "What the hell are you doing?! Ang sabi ko ay sumunod ka sa akin.""Sorry naman," sabi nya na medyo gumagaling na sa page-english. "May itinanong lang ako kay Meaning Guard.""Let's go. I'm late."Kaagad na sumunod sa kanya si Selena

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status