로그인Nakangiti ang mga labi ni Selena nang sa wakas ay makaapak na sya sa Manila. Dala-dala ang maliit na bag na may kakaunting gamit at ginto ay naglakad na sya papalabas ng barko. Halos malaglag ang panga nito sa mga matataas na gusali na ngayon nya lang nakita.
"Ang laking bahay," komento nito habang namamangha. Galing si Selena sa Isla Portobello. Islang tago sa civilisasyon kaya naman gano'n na lamang ang kanyang pagkamangha at pagtataka sa lahat nang makikita nya sa paligid. Wala ang mga iyon sa Isla nila. Mayroon silang katangi-tanging batas sa Isla Portobello at iyon ay kapag tumungtong ka ng ika-walumpo't taong gulang ay nasa sa iyo na ang desisyon kung aalis ka na ba ng Isla o mananatili na habang buhay. Para naman kay Selene ay mas pinili nyang umalis para hanapin ang nakakatanda nitong kapatid na si Seve na sampung taon ng umalis ng Isla. Ito na lamang ang pamilyang natitira sa kanya kaya kahit ang pumasok sa mundong ngayon nya lang mararanasan ay gagawin nya mahanap lamang ang kapatid. Naglakad ito ng nakapaa katulad ng kinaugalian nila sa Isla. Hanggang sa tumigil ito sa harapan ng kalsada kung saan halos mag-unahan ang mga sasakyan. "Anong klaseng nilalang ang mga ito? Ang bibilis," Mangha nyang komento. "Hindi naman seguro sila mangangagat kung tatawid ako," sabi pa nito. Tuluyan na nga syang naglakad hanggang sa muntikan na syang mahagip ng motorsiklo. "Magpapakamatay ka ba?!" Inis na sigaw ng driver noon. Dahil doon ay namutawi na ang takot sa katawan ni Selena. Natatakot na syang tumawid dahil sa bilis ng mga sasakyan at mga taong sinisigawan sya. Umupo na lamang sya doon at naghintay na baka ay lumamlam na ang paligid at makatawid na sya. "Ayos ka lang ba?" Umangat ang tingin nito nang may lalakeng lumapit sa gawi nya. "Napansin ko kasing natatakot kang tumawid. May trauma kaba sa kalsada?" tanong pa nya. Kaagad namang kumunot ang noo ng dalaga. "Trauma?" tanong nito sa sarili dahil ngayon nya lamang narinig ang salitang iyon. "Tara, sasabayan na kita sa pagtawid." Pagkatapos ay inilahad ng lalake ang kanyang kamay sa harapan ni Selena. Napangiti naman ang dalaga at masayang kinuha iyon. Sabay silang tumawid at labis ang tuwa ng dalaga sa kabutihan ng estrangherong kanyang nakilala. "Maraming salamat," nakangiti nitong ani. "Leon." Inilahad ng lalake ang kanyang kamay. "Leon Sebastian," pakilala nya sa sarili. Nakangiti namang tinanggap iyon ni Selena. "Selena. Salamat pala ha. Sige mauna na ako." Hindi na nito hinintay ang sagot ni Leon dahil nauna na itong maglakad paalis. Hindi nya gamay ang Manila kaya halos sumakit ang ulo nya sa daang para sa kanya ay wala ng katapusan. Nagkandaligaw-ligaw na ito sa paglalakad. Hanggang sa makarating sya sa isang Marine Park. Namangha sya sa nakikitang isda kaya pumasok sya sa loob. Pagpasok nya ay nagulat sya dahil automatic na bumukas ang pintuan. Namangha sya dito kaya lumabas ulit sya. Pumasok. Lumabas. Pumasok at lumabas. Natutuwa sya dahil automatikong bumubukas ang pintuan tuwing dadaan sya. "Ang galing!" Mangha nyang ani kahit na kanina pa sya pinagtitinginan ng mga tao sa loob. "Baliw ba 'yan?" "Videohan nyo nga HAHAHA." "Baliw nga. Tingnan nyo naman ang ginagawa." Ilang sandali pa ay napansin na nito na kanina pa sya pinagtitinginan ng mga tao. Itinigil nya ang ginagawa at tuluyang pumasok sa loob. Nakaramdam sya ng hiya sa mga matang nakatingin sa kanya. Naglakad-lakad pa sya sa loob habang nakanganga ang mga labi dahil sa mga nakikita nyang iba't ibang klaseng hayop na nakalagay sa hawla. Para kay Selene ay baka malapit na sya kung saan ang kanyang kapatid. Mahilig kasi iyon sa mga hayop kaya iniisip nyang baka pumunta rin ito sa lugar na iyon. "Pwede ho bang magtanong?" Lumapit ito sa babaeng may dalang bata. "Ano ba 'yon?" Balik tanong nito. "Nakita nyo ba dito ang kapatid ko?" Kumunot naman ang noo ng babae. "Ano ba ang pangalan nya?" "Seve po." "Naku wala yata akong kilalang Seve. Sa iba ka na lang magtanong." Nalungkot ito nang iwan sya doon ng babae. Sa laki ng lugar na iyon ay alam nyang mahihirapan syang hanapin ang kapatid pero hindi ito susuko. Naglakad-lakad pa sya hanggang sa may nakita syang mga taong nagkukumpulan habang pilit na gustong lumapit sa limang lalakeng naglalakad sa pulang tela. "Mr. Sebastian! Dito!" "Mr. Sebastian, totoo bang may malubha kayong sakit?" "Mr. Sebastian, ano ang masasabi nyo sa mga kumakalat na balita tungkol sa inyo?" Ang ingay ng mga tao kaya mabilis na umalis doon si Selena. Lumiko ito ng daan hanggang sa mapadpad sya sa malaking aquarium. Sobrang daming isda ang lumalangoy doon kaya biglang kumulo ang kanyang tyan. Nagutom sya bigla. Sa lugar nila ay normal lang na kumain ng hilaw na isda Basta hindi ito nakakalason. Dahil sa kagutuman ay naudyok syang akyatin ang malaking aquarium na naka-display sa gitna ng Hallway. Nakabukas ang bumanganga no'n kaya pwede syang makapasok. Hinubad nya ang kanyang bag at nagsimulang akyatin ang malaki at mataas na aquarium. Sanay na ito sa akyatan kaya madali syang nakapasok sa loob. Nakita sya ng mga tao kaya nagsigawan ang mga ito. May iba pang kinuhaan nya ng video habang lumalangoy ito sa loob ng aquarium at hinahabol ang mga isda. "Hoy! Bumaba ka dyan!" Sigaw ng kararating lang na guard. "Paano sya nakapasok dyan?" Inis na tanong nito sa mga taong nanonood. Umiling silang lahat dahil hindi rin nila alam kung paanong naakyat ni Selena ang mataas na aquarium na iyon. "Hoy! Baba!" Ilang beses pang sumigaw ang guard bago sya napansin ni Selena. Kinawayan nga ang guard dahil akala nya ay natutuwa ito sa ginagawa nya. Mas lalo namang nainis ang guard sa ginawa nya kaya nagtawag pa ito ng kasamahan. "Lumabas ka dyan! Paano ba sya nakapasok dyan?" Kunot-noong tanong nito sa sarili habang napapakamot ng ulo. Umahon naman si Selena nang makakuha na sya ng malaking isda. "Anong gagawin mo sa isdang 'yan?" Gulat na tanong ng guard. "Pagkain!" Balik sagot naman ni Selena. "Pagkain? Nababaliw kana ba? Bumaba ka nga dito!" Walang nagawa ang dalaga kundi ang bumaba pero saktong tumalon ito at bumagsak sa lalakeng dumadaan lang sana. "Naku! Mr. Sebastian!" Naaalarmang nilapitan ng mga guard si Xander nang bumagsak sa kanya si Selena. Tinulungan nilang itayo ito habang inis na inis na inaayos ni Xander ang madumi at basa na nyang pulo. "What the hell is your problem?!" Inis nyang tanong kay Selena. Kumunot ang noo ng dalaga dahil hindi nya maintindihan ang sinasabi nito pero nararamdaman nyang galit ito sa ginawa nya. "Pasensya na," sabi na lang nito. Dumako ang tingin ni Xander sa hawak ng dalaga. Malaking isda ito at gumagalaw pa. "The hell?" Gulat nyang bulong sa sarili. "Gusto mo sa'yo na lang?" Inilahad nito ang isdang nahuli nya. Lahat ng tao ay nagtaka sa ginawa nya. Pero para kay Selena ay ito ang paraan nya ng paghingi ng paumangin. "You're giving me a fish?" Inis at hindi makapaniwalang ani ni Xander. "Pasensya na Sir. Papaalisin na namin sya. Pasensya na po." Kaagad na hinila ng tatlong guards si Selena palayo kay Xander. Kinuha rin nila ang isdang nahuli nito. "Bitawan nyo ako! Gusto ko lang namang kumain!" Sigaw nito pero hindi sya pinansin ng mga guards. Ngunit ilang sandali lang ay napatingin ito sa kamay nya. Naaalarma ito dahil nawawala ang katangi-tanging bagay na ibinigay ng kanyang kapatid. Ang sabi sa kanya ng kanyang kapatid ay bracelet daw ang tawag doon. Ito ang tanging naiwan sa kanya na nagpapaalala sa kapatid nya. "Sandali! Na saan na ang bracelet ko?" tanong nito sa mga guards pero hindi sya pinansin ng mga ito. Ibinalik nya ang tingin kay Xander na naglalakad na paalis sa kabilang bahagi ng hallway. Sa isipan ni Selena ay kinuha iyon ni Xander kaya inis na inis nya itong binabalikan ng tingin.Selena's POV"Miss? Gising na!"Nagising ako bigla nang may sumigaw sa pintuan. Bumukas iyon at pumasok ang babaeng kaagad akong nilapitan."Miss, anong nangyari sa'yo?" Mabilis nya akong tinulungan na makatayo. "Bakit dito ka sa sahig natulog?" Alalang tanong nya sa akin. Napakamot naman ako sa ulo."Hindi kasi ako sanay matulog sa malambot na kama pakiramdam ko nalulunod ako," sabi ko. Kagabi ay sa malamig na sahig lang talaga ako natulog at kumuha lang ng isang unan. Mas gusto at komportable ako doon kesa mahiga sa sobrang lambot na kama na paghiga ko pa lang ay lumulubog na ako.Hindi ako makahinga.Kumunot naman ang noo ng babae pero hindi na lang pinansin ang sinabi ko. Inayos nya ang kama at binalik ang unan doon tsaka ako itinulak nang mahina papunta sa panibagong pintuan."Miss, kailangan mo ng maligo dahil kanina ka pa pinabababa ni Mr. Sebastian." Binuksan nya ang pintuan at tumambad sa akin ang banyo. May gano'n sa amin pero hindi kasing laki no'n."Sige na, Miss. Mapapaga
Selena's POVHindi na ako nakapalag nang kaladkarin nya ako paalis. Huminto kami at gano'n na lang ang pagkamangha ko ng makita ang malaking hayop na kulay asul. Iba ang hitsura nito at medyo may kaliitan. Kalahati lang rin ang katawan nito."Ang galing!" Mabilis kong nilapitan iyon at hinawakan. Ang kinis!"Sakay!" Sabi nito. Napatingin lang ako sa kanya. "Saan ako sasakay?" tanong ko.Kumunot na naman ang noo nito. Binuksan nya ang katawan ng hayop at doon ko nakitang may upuan pala sa loob. Ang galing! Walang ganito sa amin."Sakay!"Nagulat ako sa sigaw nya kaya mabilis akong sumakay at umupo."Patay na ba 'to?" tanong ko. "What?" Inis nyang tanong at bigla na lamang umandar ang hayop na sinasakyan namin."Dahan-dahan naman! Nahihilo ako!" Sigaw ko. "What are you talking about? Ito na ang pinakamahinang takbo ko," sabi nya.Nahihilo talaga ako. Parang umiikot ang mundo ko. Bigla akong napatakip sa bibig ko dahil nasusuka na ako. Nakita iyon ni Alexander kaya naaalarma sya."Hey! H
Selena's POVParang nahihilo ako sa laki ng mga bahay dito sa Manila. Ngayon ko lang nakita ang mga ito at halos malula ako sa taas. Ilang tao kaya ang nakatira dito? Bakit kaya sila nakatira dyan embes na sa normal na bahay lang? Madami ba silang pera? Ilang ginto kaya ang kailangan para tumira dyan?Nagugutom na ako. Kahapon pa ang huling kain ko ng isda at muntikan pang mawala sa akin. Mas lalo tuloy akong nainis ng maalala ang lalakeng dumukot ng bracelet na bigay ni Ate Seve.Gagawin ko ang lahat para maibalik iyon. Malaki itong Manila pero hahanapin ko ang lalakeng iyon. Pero ngayon mas uunahin ko muna ang tyan kong kanina pa nagrereklamo.Alam kong naliligaw na ako at hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung saan ako tirira o kakain manlang. Sinubukan kong manghuli ulit ng isda pero pinagalitan ako ng mga mamang nakaitim na may dalang kahoy."Umalis ka nga dito! Hindi pagkain 'yang mga gold fish!" Ito 'yong sinabi nila sa akin. Natulog naman ako sa sementadong upuan per
Nakangiti ang mga labi ni Selena nang sa wakas ay makaapak na sya sa Manila. Dala-dala ang maliit na bag na may kakaunting gamit at ginto ay naglakad na sya papalabas ng barko. Halos malaglag ang panga nito sa mga matataas na gusali na ngayon nya lang nakita."Ang laking bahay," komento nito habang namamangha.Galing si Selena sa Isla Portobello. Islang tago sa civilisasyon kaya naman gano'n na lamang ang kanyang pagkamangha at pagtataka sa lahat nang makikita nya sa paligid. Wala ang mga iyon sa Isla nila.Mayroon silang katangi-tanging batas sa Isla Portobello at iyon ay kapag tumungtong ka ng ika-walumpo't taong gulang ay nasa sa iyo na ang desisyon kung aalis ka na ba ng Isla o mananatili na habang buhay. Para naman kay Selene ay mas pinili nyang umalis para hanapin ang nakakatanda nitong kapatid na si Seve na sampung taon ng umalis ng Isla. Ito na lamang ang pamilyang natitira sa kanya kaya kahit ang pumasok sa mundong ngayon nya lang mararanasan ay gagawin nya mahanap lamang ang
Third person's POVKatulad ng kinaugalian ay nagising si Alexander ng maaga. 5 AM pa lang ay nagkakape na ito habang kaharap ang nakatambak na mga papel na kailangan nyang suriin at pirmahan. Ito halos ang nagiging routine nya sa umaga hanggang gabi. Wala ng bago, 'yon at 'yon na lang.Pagkatapos kumain ng umagahan ay tinawagan nya ang secretary nyang si June na sunduin sya dahil may pupuntahan silang importante. Pagkatapos nito ay pumunta na sya ng banyo para maligo. Nasa kalagitnaan ito nang pagbabasa sa sarili ng ilang beses syang umubo. Mabigat at may dalang butil ng mga dugo.Pinasadahan nya ng tubig ang may dugo nyang mga kamay habang seryuso ang titig nito doon. Hindi nya alam kung tatagal paba sya sa kanyang sakit o kung ilang buwan na lang ba ang bibilangin nya.Ilang minuto syang nanatili doon bago lumabas at nagbihis. Pormal ang suot nito at talaga namang bumagay sa misteryuso at malamig nyang awra. Napaharap ito bigla nang tumunog na ang busina ng sasakyan na sya ring hudy







