Share

CHAPTER 3

Author: Miss R
last update publish date: 2026-07-09 11:45:18

Selena's POV

Parang nahihilo ako sa laki ng mga bahay dito sa Manila. Ngayon ko lang nakita ang mga ito at halos malula ako sa taas. Ilang tao kaya ang nakatira dito? Bakit kaya sila nakatira dyan embes na sa normal na bahay lang? Madami ba silang pera? Ilang ginto kaya ang kailangan para tumira dyan?

Nagugutom na ako. Kahapon pa ang huling kain ko ng isda at muntikan pang mawala sa akin. Mas lalo tuloy akong nainis ng maalala ang lalakeng dumukot ng bracelet na bigay ni Ate Seve.

Gagawin ko ang lahat para maibalik iyon. Malaki itong Manila pero hahanapin ko ang lalakeng iyon. Pero ngayon mas uunahin ko muna ang tyan kong kanina pa nagrereklamo.

Alam kong naliligaw na ako at hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung saan ako tirira o kakain manlang. Sinubukan kong manghuli ulit ng isda pero pinagalitan ako ng mga mamang nakaitim na may dalang kahoy.

"Umalis ka nga dito! Hindi pagkain 'yang mga gold fish!" Ito 'yong sinabi nila sa akin. Natulog naman ako sa sementadong upuan pero pagkagising ko ay pinaalis na naman nila ako.

Ganito ba talaga dito? Bakit ang damot naman yata ng mga tao. Sa Isla namin ay nagbibigayan kami kung sino ang may meron.

Bakit dito ang dadamot ng mga tao? Nakikita kong sinasaktan nila ang mga batang humihingi lang naman ng pagkain. Bakit ganoon? Hindi ba sila naaawa? Gustong-gusto ko ng umuwi sa Isla namin pero kailangan kong hanapin ang Ate Seve ko. Hindi ako babalik hanggang hindi ko sya nahahanap.

Bumalik ako sa realidad nang tumunog na naman ang sikmura ko. Gutom na gutom na talaga ako. Baka kumain na ako ng bakal nito.

Sana manlang ay may mabuting pusong magpatira sa akin o magbigay ng pagkain. Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip nang makasingkot ako ng sobrang bango. Sobrang bango na parang hinahatak ako nito.

"Pagkain."

Nanlalaway kong sinundan ang amoy ng pagkain at dinala ako nito sa malaking bahay na maraming tao sa loob. Kumakain sila at may patugtog pa na masarap sa tenga. Pumasok ako dahil gutom na gutom na talaga ako. Doon ay may nakita akong prutas sa lamesa kaya mabilis ko itong kinuha at kinagat pero iba ang lasa no'n.

"Hoy sino ka? At bakit mo kinakain 'yang display?"

Lumingon ako nang may nagsalitang lalake sa likuran ko. Nakasuot ito ng puting damit na may mahabang manggas. May dala rin itong inumin sa kamay na nakalagay sa maliit na lagayan na pabilog.

"Nagugutom na ako," sabi ko.

"Bawal ka dito. Alam mo bang private restaurant 'to? Kaya umalis ka na," taboy nito sa akin. Tinulak-tulak nya ako pero hindi ako gumalaw sa pwesto ko hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na lalake.

Teka...sya 'yon ah! 'Yong kumuha ng bracelet na bigay ng Ate Seve ko. Hindi ko pinansin ang lalakeng kanina pa ako tinataboy. Naglakad ako nang mabilis palapit sa lalakeng kumakain at may kasamang dalawang matanda.

"Kelan mo ba balak na magpakasal Alexander? Matanda na kami ng Daddy mo gusto na naming makita ang apo namin." Narinig ko pang sabi ng matandang babae.

Tahimik lang 'yong lalake hanggang sa lumapit ako.

"Hoy!" Duro ko sa kanya. Napatingin silang tatlo sa akin. Gulat at nakakunot ang noo ng lalake habang ang mga kasama naman nya ay nagulat.

"'Yong bracelet ko?" Inis kong tanong.

"What?" Iyon lang ang sinabi nya. "Sabi ko 'yong bracelet ko? Ibalik mo na sa akin 'yong bracelet ko! Sa Ate ko 'yon eh!" Inis kong ani habang nakalatag ang kamay ko sa harapan nya.

"What is the meaning of this, Alexander?" Tanong ng matandang lalakeng kasama nya. Ano daw?

"Dad--"

"Sya na ba ang girlfriend mo?" Biglang putol ng matandang babae.

Girlfriend? Ano 'yon? Biktima ba ang ibigsabihin no'n? Kung gano'n ay girlfriend nya nga ako.

"Oo. Ako ang girlfriend nya. Kaya isuli nyo na 'yong bracelet ko!" Maktol ko pa. Hindi ko alam kung bakit lumiwanag ang mukha ng matandang babae at bigla akong hinawakan. Malaki ang ngiti nito habang nakatingin sa akin.

"Sa wakas ay ipinakilala mo na sa amin ang girlfriend mo, Alexander. She's..um..." Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. "Ok. Umupo ka, Hija. Sabayan mo kami sa pagkain."

"Pagkain? Pwede akong kumain?" Sumaya ang tono ng boses ko. "Oo naman."

Ngumiti ako at naupo rin. Kumuha na ako ng pagkain sa platito ni Alexander daw. Nagulat ito sa ginawa ko.

"Mommy--"

"Tumahimik ka, Alexander. Masama ang loob ko dahil itinago mo sa amin ang girlfriend mo. Pero ngayon, hindi mo alam kung gaano ako kasaya na may girlfriend kana. Anong pangalan mo, Hija?"

"Hindi ako si Hija. Ako si Selena," sagot ko naman at ibinalik ang atensyon sa kinakain. Ang sarap ng manok. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito.

"Selena. Ang gandang pangalan. Nice to meet you, Selena. Welcome to the family." Niyakap nya ako na ikinagulat ko. Niyakap ko na lang sya pabalik at kaagad na kumain ulit.

"Oh my god! Why are you eating with your hands? Waiter! Bigyan nyo kami ng kutsara at tinidor please!"

Hindi ko alam kung busog naba sila o sadyang gusto lang nila akong pagmasdan habang kumain. Kakaiba tuloy sa pakiramdam.

"Heto na po, Ma'am." May ibinigay na kutsara ang lalakeng nagtaboy sa akin kanina. Nagulat pa ito ng maalala ako.

"Huwag na po. Mas masarap kumain kung nakakamay," sabi ko. "Ha? I-if..you insist, Darling. Sige lang kain lang. Mukhang gutom na gutom ka," sabi ng matandang babae.

"Gutom na gutom po talaga ako. Ilang araw na akong nag-iikot sa Manila at walang kain."

Nagulat naman sila sa sinabi ko. "Nag-iikot?" Lumingon ito kay Alexander. Anak nya seguro ito. Bakit ang bakit ng Nanay nya sa akin pero sya kanina pa ang sama ng tingin. "What happened, Alexander? Pinababayaan mo ba si Selena? How could you do this to her? Look at her. Para syang galang pusa." Naramdaman ko ang inis sa tono ng boses nito.

"Mom, I think you misunder--"

"Huwag ka ng magpaliwanag. Kain ka lang, Hija."

Bakit ba Hija ang tawag nya sa akin? Mabuti na lang at mabait sya.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na silang aalis at magkikita raw kami sa susunod na araw. Bakit kaya? Papakainin kaya nila ako ulit?

"May pagkain ba do'n sa kanila?" tanong ko kay Alexander na naglalakad sa unahan ko. Hindi ko napansin na tumigil na pala ito sa paglalakad kaya nabunggo ko ang ulo sa matigas nyang dibdib.

"Aray!"

"What are you doing? Anong pinagsasabi mo kanina?!"

Kumunot naman ang noo ko. "Alin do'n? Marami akong sinabi kanina ah," sagot ko naman.

"Huwag mo na akong paikutin. What do you want? You want money? Pwes wala kang makukuha sa akin!"

"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan!"

"Bakit mo sinabing girlfriend kita?"

Lumakas na ang boses nya. Bakit ba sya galit? Eh sya naman ang may kasalanan.

"Totoo namang girlfriend mo ako ah! Ikaw ang kumuha ng bracelet ko kaya girlfriend mo ako!"

"W-what?"

"Magnakakaw ka! Kaya sabihin mo sa akin kong hindi mo ako girlfriend?"

Natigilan ito at hindi kaagad nakapagsalita.

"You mean victim? That's different, Stupid! Drop the act I don't have time to deal with your nonsense."

Napakurap ako sa sinabi nya. Ano daw? Wala akong naintindihan.

"Don't come near me again. Understand?"

Magsasalita pa sana ako pero may biglang dumaan na malaking hayop na nakikita ko sa kalsada. Bumukas ito at laking gulat ko nang iluwa ang Nanay at Tatay ni Alexander doon.

Ang galing!

"Selena, pumunta kayo ni Alexander next week sa bahay ok?"

Sa bahay nila?

"May pagkain?" tanong ko. Natawa naman ito at tumango. "Magluluto ako ng maraming pagkain para sa'yo, Hija."

"Talaga po? Sige, pupunta ako!"

"Good. See you. Bye."

Pagkatapos no'n ay umalis na ang malaking hayop.

Ang astig. Patay na ba 'yong hayop na 'yon? Paano sila nakapasok do'n?

"Let's make a deal." Biglang nagsalita si Alexander. Seryuso ito habang nakatingin sa kawalan.

"I want you to be my fake girlfriend. Don't worry I will pay you any amount that you want."

Napakurap-kurap ako. "Ha?"

"Anong 'Ha'? That's not the answer that I want."

"Bakit kaba salita nang salita na hindi ko naman naintindihan?"

Natawa ito kaya kumunot ang noo ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Right. You can't understand English."

"Ayan ka na naman! Bahala ka nga dyan!"

Akmang tatalikod na ako nang magsalita ulit ito.

"Ang sabi ko ay kailangan ko ng tulong mo. Ang kapalit no'n ay maraming pagkain at matitirhan mo. Kasi based on your...um..looks para kang galing squatter's area."

Pagkain? Matitirhan? Kaagad akong humarap.

"Talaga? Ano naman ang gagawin ko?"

"Simple lang naman. Magpapanggap ka lang bilang girlfriend ko."

"Girlfriend mo na nga ako!" Inis kong sagot. Parang nainis na ito.

"Basta 'yon."

"Sige payag ako!"

Tumango-tango ito at nauna nang maglakad sa akin. "Sumama ka sa akin."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE CEO'S NAUGHTY WIFE   CHAPTER 15

    Selena's POVSobrang lamig na halos maramdaman ko na ito hanggang sa kaibuturan ng katawan ko. Dumagdag pa ang basa kong damit. Nanginginig na ako habang nakaupo sa malamig na bato. Ngayon ko lang naranasan ang ganito kalakas na ulan.Kitang-kita ko kung paano magliparan ang mga putol na sanga ng kahoy sa labas ng kuweba. Hinahanap na kaya nila kami ngayon? Kumusta na kaya sina June? Sana walang nangyaring masama sa kanila. Sana nakauwi sila nang maayos.Iniyakap ko ang mga braso ko sa katawan ko para kahit papaano ay uminit ang pakiramdam ko. Pero nagulat ako dahil sa biglang pagyakap sa akin ni Xander mula sa likuran.“This is all I can do. Kahit papaano ay maiinitan ka,” bulong niya.Nararamdaman ko na rin ang panginginig ng katawan niya kaya kinuha ko ang mga kamay niya at ipinatong sa mga kamay ko. Napangiti ako nang mapansin kung gaano kalaki ang pinagkaiba ng mga kamay namin. Mas maliit ang kamay ko kung ikukumpara sa kanya.Pinaglaruan ko ang mga daliri niya at hindi maiwasang

  • THE CEO'S NAUGHTY WIFE   CHAPTER 14

    Selena's POV"Sigurado ka bang tutuloy tayo, Xander?" tanong ko sa kanya.Kanina ko pa kasi napapansin ang madidilim na ulap sa langit. Para sa akin, senyales iyon na lalakas ang ulan. Ang sabi kasi ni Xander, bibisitahin namin ang lugar na pagtatayuan nila ng gusali. Malayo raw iyon at masukal."Don't worry, we'll be fine," sagot nito habang inaayos ang mga dadalhin niya. "Huwag ka nang mag-worry, Ma'am Selena. Chineck ko na rin 'yong weather at ang sabi ay maganda naman ang araw ngayon. Aambon lang 'yan," si June naman ang sumagot nang mapansin niyang kanina pa ako nakasilip sa labas ng bintana.Pagkalabas namin, kaagad kong nalanghap ang kakaibang amoy ng hangin at lupa. Kinabahan ako dahil sigurado akong malakas ang ulan na darating. Pinilit kong kumbinsihin si Xander na huwag na kaming tumuloy, pero panay rin ang pagtutol nito sa mga sinasabi ko. Sa isla namin, tinuruan kami kung paano malaman kung gaano kalakas ang ulan na darating sa pamamagitan ng amoy ng hangin, lupa, at mga

  • THE CEO'S NAUGHTY WIFE   CHAPTER 13

    Third Person's POVIsinama ni Alexander si Selena sa Baguio para tingnan ang gagawin nilang hotel doon. Manghang-mangha ang dalaga habang pinapanood ang magagandang tanawing nadaraanan nila."Xander, ang ganda, oh!" Turo niya sa nakita nyang mataas na bundok. Tumango lang si Alexander pero ang tingin ay nasa iPad na hawak nito. "Xander, may mga manok!" Excited niyang sigaw nang makita ang grupo ng mga manok na tumatawid sa pilapil ng palayan. Natawa si June at simpleng nilingon si Selena na manghang-mangha sa mga nakikita. Si June ang nagmamaneho at naka-upo naman sina Alexander at Selena sa likod."Xander, anong ginagawa nila?" tanong ulit nito nang makita ang mga taong nag-aani ng palay. Pero hindi siya sinagot ni Alexander dahil busy ito sa binabasang report."Xander, ang lamig pala dito! Ang galing!""Xander, bakit madaming puno dito kesa doon sa Manila?""Xander! Xander!" Niyugyog niya ang braso ni Xander kaya inis na napapikit ang binata. Lihim namang natawa si June. "What?" Pig

  • THE CEO'S NAUGHTY WIFE   CHAPTER 12

    Third person's POVParang bumalik na ang lahat sa dati nang gumaling na si Alexander. Nabigla rin ito dahil sobrang bilis ng kanyang paggaling kumpara dati. Masakitin na talaga ito noon pa kaya tumatagal ng halos isang linggo ang sakit nya pero ngayon ay dalawang araw lang.Hindi nya alam kung dahil ba iyon sa gamot na pinapainom sa kanya ni Selena. Kahit kasi masama ang lasa no'n at sobrang pait ay alam nyang nakatulong sa kalagayan nya.Wala na syang inaksayang oras, at kinaumagahan ay bumalik na ulit sa opisina.Tambak na agad ang mga gawaing tumambad sa kanya. Biglang pumasok ang secretary nyang si June na iba ang timpla ng mukha. "Sir, 'Yong kuya nyong hilaw, andito," sabi nya na kumuha ng atensyon ni Alexander."Tell him to leave. I'm busy," sabi nito pagkatapos ibinalik ang tingin sa mga nire-review na proposal."Can't I visit my dear brother?" Biglang pumasok si Leon, ang half brother ni Alexander. Si Leon ang panganay na anak ng Daddy ni Alexander sa una nitong asawa. Kahit m

  • THE CEO'S NAUGHTY WIFE   CHAPTER 11

    Third person's POVPumasok si Selena sa kwarto ni Alexander na may dala-dalang lugaw at tubig. Akala ng dalaga ay nagpapahinga si Alexander pero nakatutok pa rin ito sa laptop nya at kausap ang mga bago nitong kliyente."Hindi ba't sinabi ko nang magpahinga ka?" Medyo naiinis na sabi ni Selena."Yeah. Mamaya. I'm working.""Xander naman."Hindi sya pinansin ng lalaki kaya mas lalo itong nainis. Lumapit siya kay Alexander at nagpamewang sa harapan nito."Isa!"Napalingon naman sa kanya ang binata. "What?""Is that your girlfriend?" Biglang tanong ng kliyente nito. "Yeah. I'm sorry Mr. Suarez, please excuse me for a minute.""No. It's okay. Tama naman ang girlfriend mo. Mukhang masama ang pakiramdam mo, Alexander. You should rest. Nag-aalala na sa'yo 'yan.""But--""Okay lang naman sa akin. You know you are really lucky to have her. She reminds me of my late wife."Hindi na nakasagot pa si Alexander at napilitan itong ngumiti. "Thank you, Mr. Suarez." Pagkatapos ay pinatay na nya ang ta

  • THE CEO'S NAUGHTY WIFE   CHAPTER 10

    Selena's POVMasaya naman pala sa kompanya ni Xander. Marami na akong naging kaibigan at binibigyan pa nila ako ng pagkain tuwing tanghalian. Kapalit no'n ay ang pagsagot ko sa mga tanong nila sa akin. Ewan ko ba kung bakit ang dami nilang tanong tungkol sa amin ni Xander. Eh bakit hindi na lang nila itanong mismo sa kanya?"Eh Ma'am, sweet ba si Sir sa inyo?" tanong ni Vernel na kumakain ng chichirya sa tabi ko. Apat silang nakatingin sa akin habang hinihintay ang sagot ko. "Ano ba 'yong sweet?" tanong ko dahil parang hindi ko iyon napag-aralan."Ay mukhang hindi," bulong ni Anna na narinig ko naman. "Sweet 'yon yung kung lagi ka nyang pinagsisilbihan, sinasabihan ng mahal kita at nireregalohan ng mga gusto mo." Si Vernel ang sumagot.Napa-isip naman ako. Parang hindi nya naman ginagawa iyon dahil palagi syang galit kung magsalita at minsan lang nya ako kausapin sa bahay."Mahalaga ba 'yon?" tanong ko na lang. "Ay oo, Ma'am! Iyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na pwedeng iparanas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status