Share

Kabanata 4

Nilapitan ni Antonette ang anak at sinampal. Napasinghap si Raleigh. Tumayo ito at nilapitan ang ina.

"Mom." awat ni Raleigh sa ina.

"Don't stop me, Raleigh!" bulyaw ni Antonette sa bunsong anak. Matalim na tinapunan niya ng tingin si Ryder. "Wala ka ng galang sa akin, Ryder! Iyo man ang condo na ito. I am still your Mom! Kailangan mo pa ding igalang."

"I'm sorry, Mom." nausal ni Ryder. Nang makita niyang nagsisimula nang pumatak ang luha ng kanilang ina. Hindi niya kayang umiiyak sa harapan niya ang Mommy niya. Kahit na maging sa sarili niyang pamilya ay malamig niya. Mahal pa din niya ang mga ito.

Pinunasan ni Antonette ang mga luha niya at niyakap siya ni Raleigh. Inalo ni Raleigh ang inang patuloy na umiiyak. Kusang bumitaw si Antonette sa yakap ng anak. Saka humarap kay Ryder.

"I am sorry, Ryden. I know, kung bakit naging bato ang puso mo. Alam ko at naiintindihan ko ang lahat ng mga pinagdaanan mo nuon. Pero, huwag mong kalimutan mo na may ina ka pa. I am your mother. Hindi ko ginusto na masaktan ang mga anak ko. Pati ang makita kayong nagdudusa. Hinding-hindi ko gugustuhin iyon. I'm your mother. Sa akin kayo nanggaling. At masakit sa akin lahat ng iyon." hindi na napigilan ni Antonette na bumuhos ang kanyang emosyon. Umiyak na siya sa mga nakikitang ugali ng anak niya. Ryder is not like this. Nagbago lang ito simula ng mangyari ang mga ginawa ni Pacita kay Ryder. 

"Hindi ko kayo sinisisi sa mga nangyari sa akin. For fifteen years, pinipilit ko nang kalimutan lahat ng iyon, Mom. Patawarin niyo ako kung nagiging sobra na ako. Naiba ang pakikitungo ko sa inyo. Pero, hindi niyo ako masisisi kung bakit until now, malamig pa din ako sa lahat ng taong nakapalibot sa akin. Nawalan ako ng tiwala sa lahat ng tao."

Labing limang taon na pilit nilang kinakalimutan ang nakaraan. Kailan ba tuluyan na maghihilom ang sugat sa puso ni Ryder?

Malamyos na hinawakan ni Antonette ang pisngi ni Ryder na sinaktan niya. Nagsisisi siyang pinagbuhatan niya ng kamay ang anak. Hindi niya ito nagagawa nuong malilit pa sila. Kaya nuong malaman nilang mag-asawang sinasaktan si Ryder ng pinagkakatiwalaan nilang magbabantay sa anak ay agad nilang ipinakulong si Pacita. Ginawa nila ang lahat para mapagbayaran ni Pacita ang lahat ng ginawa nito kay Ryder. 

Ngunit, hindi pa din pala doon matatapos ang kalbaryo ni Ryder.

"Kuya, we're here ni Mommy for you. Huwag mong isipin na magiging kalaban mo kami sa lahat ng gusto mo at mga nangyari sa buhay mo. We are family, remember that." tapik ni Raleigh sa balikat ng kapatid. Tumango at ngumiti ang Kuya niya sa kanya.

"Yes, Ryder. Pamilya tayo. Pero, sana hindi na maulit itong nakita ko sa loob ng condo mo." dugtong ni Antonette sa sinabi ni Raleigh. Nakataas ang isang kilay niya. Ipinapakitang hindi niya nagustuhan ang nakita niyang eksena sa loob ng banyo. Nagpapatuloy ang anak niya ng mga babaeng bayaran sa loob ng condo niya. How he just allowed that low  hooked up to do such lewd deeds?

"Mom, it's my private life. I'm already an adult. Hindi mo na ako kailangan pang pagsabihan." akala niya ay hahayaan na siya ng Mommy niya na gawin ang lahat ng gusto niya. He is a man. And he have some needs that a woman can give.

"Naks, Kuya. Pahiram ako 'nung s*xy mong guest kanina." may nakangising saad ni Raleigh. Maganda ang katawan ang katawan' 'nung babaeng kasama ng Kuya niya. And he saw, everything. Nagulat si Raleigh ng tumama ang palad ng Mommy niya sa ulo niya.

"Isa ka pa. Ayusin mo ang kompanyang ibinigay ng Daddy mo sayo, Raleigh. Now, you're graduating from Masteral. Simulan mo nang pumasok sa kompanya. Inaasahan kong susundan mo ang mga nakuha ng kapatid mong karangalan sa pagpapalago ng negosyo." sermon ni Antonette sa anak.

Tumango tango na lamang ng ulo si Raleigh. Hindi matatapos ang pangangaral ng ina. Kapag hindi siya sumang ayon sa lahat ng sinasabi nito sa kanya. Mas lalo din hahaba ang usapan nilang mag-ina.

Natawa ng mahina si Ryder sa nakitang reaksiyon ng mukha ni Raleigh. Habang sinesermunan ng kanilang ina. Saglit niyang nakalimutan ang tungkol kay Devyn. 

Ngumiti si Antonette na makita ang nakangiting mukha ni Ryder. Sa loob ng labing limang taon, ngayon lang niya ito ulit nasilayan na ngumiti. Bibihira nang makita ang pantay-pantay na ngipin ng anak sa tuwing ngingiti. Masyadong malaki ang naging epekto sa buhay ni Ryder. Ang lahat ng iyon sa kanyang nakaraan. Sana ay hindi na ito ulit danasin ng panganay na anak. Ang masaktan ng sobra na ikinaiba ng ugali nito sa lahat ng tao. Maging sa kanila na pamilya ni Ryder.

*******

Dinukot ni Devyn ang kanyang pera sa bulsa niya. Binilang niya ang mga natitirang barya doon.

"Two hundred pesos..." malungkot na bumuga siya ng hangin. "Paano ko pagkakasyahin ang dalawang daang piso? Hanggang ngayon wala pa din akong nakukuhang regular na trabaho." sambit niya na nakatingin sa perang nasa kanyang kamay.

Tiningnan ni Devyn ang kapatid na nakahiga sa bed ng ospital. Habang nakaupo si Lola Anding malapit sa higaan nito. Nagkukwentuhan at nagtatawanan sila ni Lola Ading at Divina. Masaya siyang nakikitang sumisigla ang katawan ni Divina. Subalit, hindi pa din lubos ang kanyang kasayahan. Dahil hindi pa din nawawala ang luekemia sa dugo ng kapatid. 

Nagpapasalamat siya sa pagmamagandang loob ng ospital ni Oscar sa kanilang magkapatid. Alam niyang si Oscar ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Sinagot na nito ang ibang bayarin sa gamutan ni Divina. Hindi lahat. Dahil hindi siya pumayag na libre lahat. Nakakahiya na ipapasagot niya lahat ang ng gastusin sa pagpapagamot ni Divina. Malaking pera din ng halagang kakailanganin. At malaking tulong na ang ibinigay ni Oscar para sa kanya at kay Divina. Pero, ayaw niyang sabihin ng ibang tao na sinasamantala niya ang ipinapakitang kabaitan ni Oscar sa kanilang magkapatid.

"Lola, ikaw na po muna ang bahala kay Divina. Aalis lang po ako sandali." sabay na napalingon sina Divina at Lola Anding sa kanya.

"Saan ka pupunta, Devyn?" tanong ni Lola Anding sa kanya.

"Maghahanap po ako ng bagong trabaho. Iyong regular na po. Sayang din po ang kita kapag regular ka. Mas malaki kesa sa part time ko." rason ni Devyn. Mapait na ngumiti si Divina sa kanya.

Kawawa ang Ate niya. Hindi na ito nagkaroon ng kanyang sariling buhay. Palagi na lamang na iniisip siya. Pakiramdam niya ngayon. Nagiging pabigat na siya dito. Gusto na niyang gumaling para makatulong. At para sa Ate niyang walang ibang iniisip kundi ang kapakanan niya.

"Mag-iingat ka, Devyn. Ipagdadasal kong makahanap ka agad ng magandang trabaho." malawak ang ngiti na sabi ni Lola Anding kay Devyn. Gumanti ng ngiti si Devyn at tumango ng ulo.

Binalingan ni Devyn ang kapatid. Nilapitan, staka hinawakan ang kamay. "Aalis muna ako. Babalik din ako kaagad mamaya. Sana ay may magandang balita na si Ate mamaya."

Pinilit ni Divina na ngumiti sa kapatid. Iyon lamang ang maibibigay niya para sa Ate niya. Ang katatagan ng loob.

"Magdasal lang tayo, Ate. Alam kong hindi Niya tayo pababayaan. Saka, binabantayan tayo nina Mama at Papa." ani Divina. 

Tumango ng ulo si Devyn. H******n niya sa noo ang kapatid at binitawan ang kamay nito. Saka lumabas ng kuwarto ni Divina.

Palihim niyang pinalis ang luha niyang kumawala sa kanyang mga mata." Kaya mo 'to, Devyn! Kaya niyo 'to ni Divina. Kumapit ka lang na matatapos din lahat ng ito." pinagsalikop niya ang mga kamay niya.

Bigla siyang napahinto sa paglalakad. Nang masipat ang isang diaryo sa upuan. Kinuha niya iyon at pumunta sa classified ads.

"Urgent... We need a secretary. For those who are interested. Please come directly at RSC building." nagliwanag bigla ang mukha ni Devyn. Pinilas niya ang bahagi ng ads at inilagay sa kayang bulsa.

Uuwi muna siya sa bahay nila para maligo at magpalit ng damit. Hindi kaaya ayang tignan. Kung pantalon at t-shirt ang suot niya para sa interview.

Sakay na si Devyn ng jeep. Mini-skirt at blouse na puti ang suot niya. Nakapumps din siya na hindi masyadong mataas ang heels. Kita ang kinis ng kanyang balat sa suot niya. Maputi din siya na nakuha niya sa kanyang Mama.

Panay ang tingin kay Devyn ng lalaki na nakaupo sa kanyang harapan. Inipit ni Devyn ang tuhod niya. Saka tinakpan ang kanyang hita na sumisilay dahil sa suot niyang maiksing palda. Napatingin siya sa mukha ng lalaki. Ngumisi ito sa kanya at kinagat pa ang labi nito.

Nahalayan si Devyn sa ginawa ng lalaki. Umiwas siya ng tingin dito. At ibinaba pa ang kanyang palda. Bumaba ang katabi ni Devyn na babae. Napasinghap siya ng lumipat ng upo ang lalaki sa kanyang tabi.

Umusog si Devyn para hindi magdikit ang balat nila ng lalaki. Umusog din ang lalaki palapit sa kanya. Napabuga siya ng hangin. Saka yumuko sa bintana para tignan kung malapit na siya sa babaan niya.

Huminga siya ng malalim. Nakita niyang malapit na siyang bumaba. Pero, nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang kamay ng lalaki sa beywang niya. Pumulupot ito doon. Pasimple itong humahaplos sa kanyang beywang. 

Nagtagis ang bagang ni Devyn. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang bag. Saka walang pasabing hinampas niya ng kanyang bag ang mapangahas na lalaki.

"Ang manyak mo! Ako pa talaga, Kuya!" hindi siya tumitigil sa paghampas sa lalaki. Iniharang ng lalaki ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Umiilag. Pero, hindi tumitigil si Devyn sa paghampas sa kanya. "Mama, para!" malakas na sigaw ni Devyn. Huminto ang jeep na kanyang sinasakyan. Hinahabol ang kanyang hininga sa sobrang galit. Inayos niya ang kanyang blouse na medyo umangat.

Wala man lang nagtanggol sa kanya. Lahat ng pasahero ay nakatingin lang sa kanya. At sa lalaki. 

"Sorry, Miss." nakangising sambit ng lalaki sa kanya. Hindi ininda ang mga hampas niya dito. Napairap si Devyn dito at nagmamadaling bumaba ng jeep.

Napasinghap si Devyn ng tumabi sa kanya ang lalaki habang naglalakad. Hindi na lang niya ito nilingon at nagpatuloy sa paglalakad.

"Miss, gusto ko lang makipagkilala. I'm Raleigh. And you, what's your name?" tanong nito sa matigas na Ingles. Napalingon si Devyn sa lalaking nagpakilalang Raleigh.

Pinanlakihan niya lang ito ng kanyang mata.

"English speaking pala. Bakit nagji-jeep? Nanghihipo pa." usal niya sa isip.

"I'm sorry for what I did? Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Maganda ka. And hot babe." pangungulit ni Raleigh sa kanya.

Napahinto si Devyn sa paglalakad. Naniningkit ang mga mata at humalukipkip na hinarap ang lalaki. 

"Mister, puwede ho ba? Ako'y tigilan niyo na. Iyong ginawa niyo kanina sa akin sa loob ng jeep. Pinalagpas ko na. Hampas lang ang tinamo mo mula sa akin. Ngayon, kapag hindi ako makapagpigil. Irereklamo na kita sa mga pulis!" nagbabantang wika ni Devyn. Tinalikuran niya ito. Saka mabilis na naglakad.

Napakamot si Raleigh sa kanyang buhok. Saka napangiti. "What are you doing, Raleigh?" bulalas niyang tanong sa isip. He admit he is wrong. Hindi niya lang maintindihan kung bakit ganoon ang reaksiyon niya sa babaeng hindi niya kilala.

Nainip siya kanina. Kaya bigla siyang sumakay ng jeep at iniwan ang kotse niya sa tapat ng restaurant. Masarap palang sumakay ng jeep. Maraming tao ang sakay at siksikan sila sa loob. Bagay na hindi niya nagawa nuon. Ang makipagsiksikan sa loob ng jeep. 

Natuon ang mga mata niya sa babaeng katapat niya. Maganda ito at simple lang. Pero, ang lakas ng dating. Bigla ay nagkaroon siya ng interes. Hindi nga lang niya alam kung paanong paglapit ang gagawin para makilala ang babae. 

Guwapo din si Raleigh. Hindi lang kasing guwapo ng kapatid niyang si Ryder. Matangkad din ito at hindi siya ganoong kaputian ang balat. Marami din ang naghahabol sa kanya sa kanyang mga babae. Pero, nagsawa na siya sa mga iyon. He want someone who is innocent. And gorgeous. Kagaya 'nung babaeng galit na galit sa kanya ngayon.

Hinabol niya ang babae. Hinawakan niya ito sa braso at pinaharap sa kanya.

"Look, Miss. I'm really sorry. Naging bastos ako sayo kanina. Can you give your name to me, please?" pakiusap pa niya. Hindi niya napigilang matitigan ang mukha nito.

Galit na iwinasiwas ni Devyn ang kamay niya. At nang matanggal ay muli siyang naglakad. Paalis sa lalaki. 

Hindi pinansin ni Devyn si Raleigh. Parang pangalan lang naging bastos na ito sa kanya. No, way! Highway! Hindi niya ibibigay ang pangalan niya dito. 

Iniwan niya itong nakatanaw lang sa kanya. Pumasok siya sa isang building. At pumunta sa information. Nagtanong siya kung saan ang opisina ng HR. May interview siya sa RSC.

"Hi. Saan po ang office ng HR?" tanong ni Devyn.

"Sa 10th floor. Mag-aapply ka ba?" 

"Opo." nakangiting maikling sagot ni Devyn.

"Goodluck. Sana mapili ka." gumanti ng ngiti sa kanya ang nasa information.

Umalis na siya sa information at pumunta sa harap sa elevator. Inilinga niya ang mata sa buong paligid. Ang ganda sa loob. Sumisigaw ang yaman sa loob. Halatang hindi basta-basta ang may-ari ng kompanyang RSC. Magiging masaya siya kung isa siya sa mapipiilng makapasok bilang sekretarya. Ang problema, high school lang ang natapos niya. Hindi na din siya pa nagpatuloy sa kolehiyo. Kahit na pinanghinaan dahil sa high school lang siya ay hindi naman siya susuko. Susubukan pa din niya. Baka sakali na matanggap siya. Kapag sinuwerte siya. Malaking tulong ito sa kanilang magkapatid kapag nagkataon.

Kilala niya ang RSC bilang isang kilalang kompanya. Naririnig na niya ang pangalan ng kompanya. Pero, hindi niya kilala ang may ari. Dahil sa hindi naman siya nakakapanood ng telebisyon.

Bumukas ang elevator. Pumasok kaagad si Devyn sa loob at sumara ang pinto. Saka pinindot ang number 10. Kung saan ang office ng HR. At Siya lang mag-isa sa loob. Salamin ang buong loob ng elevator. Inilapit ni Devyn ang kanyang mukha sa pinto para matignan ang mukha niya.

Kinuha niya sa bag niya ang lipstick niya. Inilapat ito sa kanyang labi para matakpan ang pamumutla ng labi niya.

Nasa 5th floor palang ay biglang bumukas ang pinto. Namilog ang mata ni Devyn. Hawak pa din ang lipstick niya. Bumungad sa kanya ang sapatos na itim. Napaangat si Devyn ng kanyang mukha. Natigilan siya sa nakita. Natulala ng mapag sino ang nasa kanyang harapan. 

"Excuse me. Nakaharang ka sa daan." malamig na sabi nito sa kanya. Nakataas ang isang kilay.

Wala sa sariling gumilid si Devyn. Bakit andito siya? Halos wala siyang mukhang maihaharap dito. Kaya nakatalikod lang siya na nakayuko.

"Miss Devyn, what are you doing here in the Chairman lift?" walang buhay na tanong ni Ryder.

Nakagat ni Devyn ang kanyang labi. Mali pala ang elevator na napasukan niya. Parang gusto na niyang lumubog sa kanyang kinakatayuan. Nakakahiya talaga. Natigilan siya ulit ng maalala ang sinabi nito. 

"C-Chairman? Ibig bang sabihin, i-ikaw ang may-ari ng kompanyang ito?* humarap siya dito at itinuro ni Devyn ang lalaki.

"Yes, Miss Devyn Piper. I am the Chairman and the owner of RSC. It's nice to see you again." madiing sagot ni Ryder.

Napaawang ang labi ni Devyn. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status