Chapter 279 Magsasalita sana ako para muling kumpirmahin ang “movie day leave” ko kuno, pero naunahan ako ni Sir Jacob. "Ms. Lim," malamig pero mahinahong utos niya, "Ihatid mo muna itong files sa HR bago ka pumunta sa table mo." Agad niyang iniabot ang makapal na folder, na parang sinadyang iwasan ang anumang karagdagang pag-uusap. “Y-yes, Sir,” mabilis kong sagot habang inaabot ang files. Pero sa loob-loob ko. "Bakit parang… aloof siya bigla? Nahuli niya kaya ako? O talagang ganyan lang siya kapag maraming iniisip?" Habang lumalakad ako papunta sa HR department, hindi mawala sa isip ko ang pagkakatitig niya sa akin kanina, yung parang sinusuri ang pagkatao ko, at hindi lang basta simpleng secretarya ang tingin niya. Pagkalapag ko ng files, agad akong nag-message kay Cherie. "Confirmed, one week off tayo. Hindi siya nagtaka — pero feeling ko may kutob na siya. Kailangan natin doblehin ang ingat sa operation." Nag-reply si Cherie agad sa akin. "Note
Chapter 278 "Showtime," bulong ko sa sarili habang sinusubukang panatilihin ang mahinhing ngiti sa labi. Pagkatapos ng meeting, agad lumapit si Mr. Valero sa akin. Tila interesado. Tila inosente. Pero alam ko, bawat ngiti niya ay may bahid ng kasinungalingan. "Hi, Miss… Lim, tama ba?" sabi niya habang inaabot ang kamay niya para makipagkamay. Perfect timing. "Yes, Sir. Jasmine Lim," ngiti kong sagot habang inabot ang kamay niya — pero sa pagitan ng palad ko at ng device na hawak ko, agad ko itong naipasa kay Mr. Valero na hi di napansin. Sa loob lang ng tatlong segundo, naipasa ko ang micro-tracker sa manggas ng kanyang suit. Nakadikit na ito sa ilalim, hindi niya mararamdaman. "Nice to meet you," dagdag ko pa habang ang loob ko ay may nararamdamang adrenaline rush. "I hope maging maganda ang partnership niyo ni Sir Jacob." "Ako rin, Ms. Lim. You seem smart. Sana'y magkita pa tayo sa susunod," ani Niya sa akin. "Sana hindi. Sa susunod, sa kulungan na." Bulong ko sa isipan p
Chapter 277"Let's go to the meeting," ani Sir Jacob habang inaayos ang sarili pagkatapos lumabas ito kung saan ako nangalin. "By the way, 'yung tatlo sa picture — mga kapatid ko 'yan. Triplets sila.""Wait, what?!" sambit sa isipan ko.Kahit trained akong magpigil ng emosyon, hindi ko napigilang kumurap ng dalawang beses at mapakunot ang noo."Triplets? As in... tatlo? Ka-level ng kambal pero may bonus?" usal ko sa akin isip."Wow," tanging nasabi ko na lang habang naglalakad kami palabas ng lounge.Kailangan kong magkunwaring normal ang reaksyon ko, pero sa isip ko."Kung gwapo si Boss, edi cute din mga kapatid niya for sure. Pero teka… sila pala 'yung nasa intel kahapon. Tangina, ‘di ako prepared!""At nasa panganib din sila ngayon, pero nasa safehouse na sila," dagdag pa niya, habang seryoso ang tingin sa akin."Grabe… pati pamilya niya, target ng mga kalaban."Sa loob-loob ko, nagsimula nang magbago ang ihip ng hangin.Hindi na lang ito undercover mission para sa kung sinong biga
Chapter 276Jasmine POVHindi nila alam… Hindi alam nina Sir Jacob at Ma'am Ellie…Na ako ang nagpadala ng mensahe.Oo, ako ang nagsabing "Be careful, Mr. Montero. Your sister Ellie is a target too."At habang nag-uusap sila sa loob ng opisina,dinig na dinig ko ang bawat salita nila.Salamat sa maliit na bug mic na naka-embed sa isang gift item na iniabot ko kay Ellie kahapon bilang “welcome gift.”Hindi ko ginusto na makialam sa personal na usapan nila,pero sa ganitong operasyon,lahat ng impormasyon ay posibleng makapagsalba ng buhay.Huminga ako nang malalim habang nakatalikod ako sa glass wall, hawak ang clipboard.Pasimpleng binuksan ang earpiece ko sa kaliwang tainga habang naglalakad palayo."She’s either the most innocent woman in this building... or the most dangerous."Napangiti ako.Ang sakit naman nun, Sir Jacob... but thanks for the compliment.Lumingon ako sa CCTV corner sa taas ng hallway.Walang kahirap-hirap kung gusto kong tanggalin ang recording ng eksenang ito.P
Chapter 275"Be careful, Mr. Montero. Your sister Ellie was a target too. Keep eyes on her!"Katatanggap ko lang ng mensaheng iyon mula sa unknown number — walang pangalan, walang kasamang lokasyon — pero sapat na iyon para kumulo ang dugo ko."F*ck! Goddammit!"Malakas ang mura ko, hindi ko na napigilan. At kumukulo na ang dugo ko sa katawan. Parang granadang sasabog."Kuya Jacob! Why?"Takang tanong ni Ellie, nakakunot ang noo, hawak pa rin ang iced coffee na halos malaglag sa pagkabigla. Para siyang batang sinigawan ng teacher sa gitna ng klase — walang kamalay-malay."Ellie, come here." Seryoso kong utos habang pinipilit panatilihing kalmado ang boses. Hinila ko siya palapit sa mesa.“May nagpadala ng babala… ikaw na raw ang susunod.”Nanlaki ang mata niya. “Ha? B-bakit ako? Ano bang nangyayari, Kuya?”“Hindi na ito basta company infiltration lang, Ellie. Pamilya na natin ang target.”Umikot ako sa mesa, nilock ko ang pinto, saka ko tinap ang security panel.“From now on, stay wit
Chapter 274 Jacob POV Palihim kong inoobserbahan ang secretary ko mula sa glass panel sa taas ng lobby. Nakita ko siyang naglalakad kasama si Ellie — parehong may hawak na kape, parehong nakangiti, at parehong… parang walang inaalalang panganib. Pero ako? Hindi mapakali. "No... impossible she is," bulong ko sa sarili habang sinusundan ng tingin ang bawat kilos niya. "She’s so clumsy… so innocent. Walang bahid na koneksyon sa sinumang kriminal." Pero bakit? Bakit nung gabing iyon, sa gitna ng kaguluhan, sa gitna ng takot… ang babae sa maskarang tumulong sa’kin — kamukha niya ang mga mata. Hindi ko iyon basta-basta malilimutan. May determinasyon. May tapang. May lihim. At ngayon, habang nakikita ko si Jasmine na tumatawa pa kasama si Ellie, mas lalo lang gumugulo ang isip ko. Agad akong naglakad pabalik, papasok sa private elevator. Pagpasok ko, pinindot ko ang 10th floor. Pagtingin ko sa repleksyon sa loob ng elevator… nakita ko ang sarili kong seryoso, naguguluhan, at puno ng